Sa Puso, Sa Isip, Sa Salita at Sa Gawa
(Hulyo 30, 2012-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang
“Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”.
Host –Noralyn Bilual)
LGU UPI EMPLOYEES |
Host/Noralyn: Sa Puso, Sa Isip,
Sa Salita at Sa Gawa, ito ang bagong kasabihan ni Kaka Alih, ang ating segment
writer at presenter sa segment na gabay at talakayang pampamilya.
(PLAY INTRO)
Host/Noralyn: “Good
morning Kaka Alih.”
Kaka Alih: Good morning Noralyn, Magandang
umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh
sa mga kapatid na nanampalataya sa
Islam.
Kaibigan, Madalas mong maririnig
at mababasa (lalo na sa mg facebook at blog) ang tungkol sa maraming
kanais-nais na katangian bilang mamamayang Pilipino. Ito ay ba ay sapat na? NO!
Hindi sapat ito dapat na malaman at maisagawa ang ang mga katangiang ito. At mahalagang
isagawa mo kaibigan ang mga katangiang ito ay dapat , sa puso, sa isip, salita
at gawa.
Narito ang ilang halimbawa sa mga katangian na dapat mong laging
isagawa kaibigan:
Ang pagmamahal at paggalang sa
ating mga nakatatanda. Bakit pagmamahal at paggalang sa ating mga nakatatanda?
Ang sagot! Dahil maaaring maging gabay natin sa ating
pangaraw-araw na buhay ang kanilang dunong at karanasan. Igalang ang mga
nakatatanda sa lahat ng oras. Alagaang mabuti ang iyong mga magulang at lolo’t
lola habang tumatanda sila at sikaping lagi silang kapiling, dahil ang mga
matatanda ay katulad sa mga bata na kailangan ang umaalalay sa kanila.
Naalala ko tuloy ang mensahe ni Lola sa apo.
NORALYN: pakireplay nga Kaka Alih
kahit ilang linya lang, nagustuhan ko
yun, ng minsang isama ng ating panauhin pangdangal na si Hadji Munir Jannaral.
KAKA ALIH: Ok, heto ang ilang
linya sa aking sinulat namemsahe ni
Lola: “Aking apo, sa aking pagtanda unawain mo sana ako at
pagpasensyahan. Sa aking pagtanda, tiyak na may
kalabuan na ang aking mga mata at
maaring akoy nakabasag ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana ako kagagalitan.
Alam mo apo ko, sadyang maramdamin ang isang matanda.
Nagsa-self-pity sa tuwing sisigawan mo
.
Apo ko, kapag mahina na ang tenga
ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana ako sabihan ng
“binge!”paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang o dili kaya ay
pakisenyas na lamang apo.
Aking apo, pasensya ka na dahil
matanda na talaga ako. At kapag matanda na mahina na ang
tuhod, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay
ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Aking apo, pagpasensyahan mo sana kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Ang pakiusap ko apo
ko, pakinggan mo na lang ako, huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang
pakinggan.
Pangalawang halimbawa sa mga katangian na dapat mong laging
isagawa kaibigan ay: Katapatan sa ating bayan, Yes isa itong katangian na na
dapat nating pagyamanin at paunlarin. Papaano? Maaari mong ipakita ito
sa pamamagitan ng pagsasalita ng ating
tinubuang wika, ang wika ng mga Pilipino,
pagpapahalaga sa ating mga bayani, lahat ng mga bayani kasama na diyan ang mga
Bangsamoro, na nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol sa bansa mula sa mananakop na
Espaniol, Americkano at Hapon.
Sa pamamagitan ng pagtulong mo sa iyong bayan
para maging masagana at maunlad ito.
Alam mo may mga katangian ang mga
Pilipino na magandang mapanatili.
NORALYN: Ano ang mga kanais-nais na
katangiang Pilipino, Kaka Alih na magandang mapanaitili?
KAKA ALIH: Mga katangian? Una na magadang mapanatili ay ang Pananalig
sa Diyos. Napakalakas ng paniniwala ni Ting o ni Juan
sa Diyos. Hindi siya nagrereklamo tulad ng inaasahan dahil alam niyang
bahala na ang Diyos sa lahat. Nag-iingat siya ng mga simbolong panrelihiyon
at mga santo sa kanyang bahay at
sumasamba siya sa mga ito. At ang mga Muslim naman o mgaa Nanampalataya sa
Islam ay sinusunod ang limang haligi ng Islam at pinaniniwalan ang anim na Rukon ng Islam.
Ang iba pang magandang
kaugalian, na magandang panatilihin ay
ang pag-galang sa mga nakatatanda. Si Ting o si Juan ay
nagmamano sa kanyang mga magulang, ninong at ninang at nakatatandang
kamag-anak. Nakikinig siya at
nagpapahalaga sa payo nila at tumutulong sa abot ng kanyang makakaya. Inaalagaan ang kanyang mga magulang kapag matanda na sila.
Ang ibang magandang kaugalian na
magandang panatilihin ay pag-eestima sa bisita, Tayong mga Pilipino ay magaaling mag-estima ng mga bisita, kaibigan at kahit
estranghero. Napakainit ang pagtanggap niya at bukas-palad siya sa mga bisita
sa bahay, opisina o saan man siya.
Ang ibang magandang kaugalian na
magaandang panatilihin ay paggalang sa
mga nakatatanda. . Ginagalang ni ting o
Juan ang kanyang ina pati na ang kanyang
mga kapatid, kaibigan at kasamahang babae. Nagbubukas siya ng pinto, nag-aalok
ng kanyang upuan at nagbibitbit ng bag para sa mga babae at umaalalay sa kanila
kapag sumasakay o bumababa sa sasakyan.
Ang ibang magandang kaugalian na
magandang panatilihin ay mapamaraan o
maabilidad/malikhain tayong mga Pilipino kasama na diyan ang Bangsamoro.
Marunong mag-recycle si Ting o si Adi.
Napakahusay umimbento ni Adi ng mga bagong bagay na pwedeng gamitin at
pagkapirahan. Lumilikha siya ng mga dekorasyong gawa sa lumang dyaryo at lata
ng soft drink. Nagtatabi siya ng mga lumang papel at basyong lata para magamit
sa susunod.
Ang ibang magandang kaugalian na
magandang panatilihin ay, matiyaga o
positibong pananaw sa buhay, at ito ang dapat na makamtan at maapanitili.
UAS-PTIA ENGR SUKARNO DATUKAN WITH STUDENT DURING TREE PLANTING |
Tayong mga Pilipino ay lagi
siyang umaasa at tumatanaw sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Hindi siya
nawawalan ng pag-asa kapag may nakakaharap na mga problema. Sa katunayan, gaano
man kamiserable ang buhay niya, sumusulong pa rin siya, dahil alam niyang sa
bandang huli’y muling sisikat ang araw. Tulad naniniwalaa s kasabihan naa:
“Don’t lost your hope beyond the dark clouds, the sun is still shining” ang
ibig sabihin ay huwag mawalan pag-asa sa
makulimlim na ulap, dahil sa likod ng maitim na ulap na yan ay andoon ang sikat ng araw..
(LAUGHING)..
Yes totoo may friend tulad ko,
noon mga ilang taon lumipas, nagtitiis at
nananatili akong mahinahon kahit
nahihirapan akong sumakay noon ng pampasaherong sasakyan, dahil kulang ang
sasakayan at baku-bakong daan papuntang Bandar a Kutawato.o Cotabato City.
O diba ngayon ang sasakyan ang may problema, dahil ang
daming di pasahero at namimili lang si
Kaka Alih kong saan sasakay. .. (LAUGHING).. at walang serbisyo ng telepono, matandaan ko noon
pupunta ka pa sa Kibleg para magtext.. (LAUGHING)..pero ano ngayon? May mobile
phone service provider na, dalawa pa, di lang celpon, di internet pa, PM na lang sa facebook o kaya naman ay patwit-twit na lang sa twitter.
Marami pang magagandang nating mga Pilipino o Bangsamoro, subalit ang
lahat ng ito ay hindi lamang nating
sasabihin, kundi dapat magmula sa ating puso, pag-iisipan natin bago sabihin at
kong ok na sa palayagay natin ay gawin ng buong katapatan at walang pag-iimbot.
Maniwala ka may friend, bukas, makalawa ay maari ng ibibigay sa iyo ng Poong Lumikha ang bunga ng
inyong pagsisikap at pagpupunyagi.
Ang kailangan lamang para tayo ay umunlad ay isa-puso, pag-isipan, bago sabihin at higit sa
lahat isagawa
Ito po ang inyong segment writer Kaka Alih. Sukran .
Waassallam.
NORALYN: Maraming salamat Kaka
Alih sa magandang ibinahagi mo sa amin
ngayong umaga, ako man ay may napulo na aral, di lang pala sa isip salita at sa
gawa kundi sa puso pa.
(PLAY- EXTRO)
note: repost mula sa files
na DXUP Multiply.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento