Nuro,
Upi (May 6, 2015)…..Nanumpa nitong Lunes si Youth mayor Maureen
Intang, kasama sina Youth
vice mayor Ralph Darren Santillan at ang membru ng Youth Sangguniang Bayan na
sina: Hamilyn Gullon, Bai Mikaela Muhaymin Sinsuat, Jon
Rigo Tabudlo, Admir Salik,
Sarah Jane Dimaocor, Ennah Mariz Pahati, Cairoden Mamantar, Princess
Dawn Cariaso, Bradziz Suenan.
Upi Mayor Ramon Piang Sr, ang nagpanumpa sa mga Youth Officials, sa harapan ng bulwagang bayan ng Upi. |
Nanumpa kay Upi Mayor Ramon Piang Sr ang 2nd batch ng Upi Youth Officials
pagkatapos ng flag ceremony.
Ang programang ito ng Pamahalaan ng Upi, ay para sa mga kabataan upang bigyan ng pagkakataon na maranasan ng mga
kabataan ang pamamahala o pamumuno sa bayan at may matutunan sa bawat opisinang
kinalalagyan.
Ang Youth Governance ay hinango sa karanasan
at programa ni Jesee Robredo ang dating
Kalihim ng DILG, habang siya ang mayor
ng Naga City.
Ang pagpili sa mga LGU Upi Youth officials ay
binase sa resulta ng written at oral examination.
Kasama rin sa programa ang Special Program for Employment of Student
(SPES) at ang ay inasign narin sila sa
ibat-ibang opisina ang 80 na pumasa kung saan 30 ang sa Teduray, 25 sa Settlers
at 25 din sa BangsaMoro.
Ang mga head ng mga opisina ay
sina: Municipal Planning & Development Coordinator, Renato Mamaril; Municipal Engineer- Ellen Diana Cortel; Municipal Treasurer- Marielle Ann Bose; Municipal Accountant -Julhainie Akmad, Municipal
Budget Officer - Roby Mae Andea; Municipal Assesor - Harold Centillo; Municipal Civil Registrar - Polychaida Gavilan;
General Sevices Officer - Irene Buscato; Secretary to the Mayor- Raiza Mae Pablo; E-Center Manager - Keron Parnan; MDRRMO - Sadam
Ulama; DXUP Station Manager- Junambai Beto; Human Resource Management Officer -
Bai Nor Mamintal; Business Development Center Manager - Beverly Mae Intoy- Upi
Water System Manager - Kervin Germo- Tourism Officer May Ann Grace Tenorio; MENRO-
Fellen Joy Magno; Secretary to the
Sanggunian- Jennifer Joyce Agustin; SB Board Secretary- Aikko Jean Manuel.
Sa DXUP Teleradyo ay limang kabataan ang itinalaga na kinabibilangan nina Jinky Minted, Hanna Mae
Kensal, Jenny Rose Bilaro, Jobert Dan Navales at Saudi Ibrahim. (Balita
nina: Noralyn Bilual at Alih S. Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento