Miyerkules, Oktubre 31, 2012

“ Market Day” in Upi as 4Ps Beneficiaries Received Cash

Zoraida Salik-Aragon -municipal link officer with DXUP Teleradyo
Alih S. Anso, during the "cash out"  held in Upi gymnasium.

Nuro, Upi (October 31, 2012) Thousand of beneficiaries from the 23 barangay of Upi, of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) received their pay-out  again this morning,   for this past two months (August and September)  at the Upi gymnasium.

Total of   3,683 beneficiaries coming from the 23 barangays of Upi patiently and systematically gathered inside the gymnasium to received the amount ranging from 1200-2,800 pesos. 

As if market day in Upi, regular vendors and instant vendors display their goods, foods, drinks around the gymnasium and also in the public market, transient vendors from Cotabato City display their ukay-ukay (used items), fruits, vegetables and dry goods.  Last  4ps pay out, a “small fish vendor”  sell about 20,000 comparing to ordinary day of  1,000-2,000 only.

The pay-out was facilitated by Ms Zoraida Salik Aragon, municipal link officer and regional employees of Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Social Fund.

G-CASH Remit system of Globe Telecom, disbursed the million pesos government’s conditional cash grants to the thousands beneficiaries.

Last pay out, (August 2012)  Upi has 3,225 beneficiaries of the said poverty reduction strategy that provides conditional cash grants to poor households to improve their health, nutrition, and education particularly of children aged 0-14.

Poor families receive cash provided their children regularly goes to public school and visit the health center for regular medical checkups and treatments.

Under the said program, a household with a child 0-14 years old will be granted P500 per month for the Health and Nutrition Grant and households having children 3-5 years old enrolled in day care or pre-school program or children 6-14 years old enrolled in elementary and secondary schools will be granted, under Education Grant, P300 per month per child for 10 months a year, excluding April and May, to a maximum of three children.

In order to qualify for the Health and Nutrition Grant, children 0-5 years old should be brought to health center for immunization, monthly weight monitoring and nutrition counseling for children aged 0-2 years old, quarterly weight monitoring for 25 to 73 weeks old, and management of childhood diseases for sick children. Children 6-14 years old must also receive deworming pills twice a year.

For beneficiaries to qualify for the Education Grant, children should maintain a class attendance rate of at least 85% per month. (Alih S. Anso-DXUP)

Biyernes, Oktubre 19, 2012

Haharapin ang Problema


Haharapin ang Problema
 "....ang taong may problema ay  stress,   may taong kapag
may problema, parang nagugunaw na ang mundo."

(Oct 18, 2012- Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Noralyn: “Kaibigan may problema ka ba? Mabigat bang Problema? Madalas ang taong may problema ay  stress,   may taong kapag may problema, parang nagugunaw na ang mundo para sa kanya, gayan  ka rin ba kaibigan? Buweno,  malaki o maliit man yan na problema mo,  relaks ka lang muna diyan kaibigan, dahil ang   ibabahagi  sa atin ni Kaka Ali ay papaano haharapin ang problema,  sa ating  segment na  gabay at talakayang pampamilya?

(PLAY NAKAKA- INTRO)

NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih, kumusta ang umaga, mayroon ka bang problema?

KAKA ALIH:  Magandang umaga din  Nor. Problema? ‘ika mo ang tanong sa akin Nor?

Hay naku! Sino ba naman ang taong walang problema, bibihira sa isang normal na tao,  na hindi makaranas ng problema, maaring personal o  problema ng  kanyang  pamilya.

Bago ko makalimutan, bago natin talakayin ang solusyon sa  ako ay magpupugay muna sa madlang nakikinig ng , Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.. ang kapayapaan ay sasaatin nawa.. at sa pagbati ng sambayanang Pilipoino, magandang umaga o Good morning sa inyong lahat..

Ok balikan natin ang problema, agree ako Nor sa tinuran mo, na madalas ang taong may problema ay  stress,   may taong kapag may problema, parang nagugunaw na ang mundo.. Kaya ang una kong solusyon sa problema mo kaibigan, malaki o maliit man yan na problema, ay making muna sa amin,a makalimutan ang problema? (PLAY LAUGHING).

NORALYN: Kaka ano nga ang stress o tensiyon?

KAKA ALIH: alam mo ba  Noralayn na  ang istres ay hindi problema?  kundi  nasa isipan mo lamang?
 Ang ating katawan ay may pang-kagipitang pagtugon na nangyayari kapag tayo ay nakararamdam ng tensiyon o istres.

Halimbawa, kapag tayo ay kailangang humabol sa sasakyan, ang bahagi ng ating katawan ay naghahanda para matugunan ang kagipitan o  gahol sa oras. Ang pagtugon na ito ay tumutulong para tayo makatakbo ng mabilis at umabot sa nag-iisang sasakyan.

Ang pagpintig ng puso ay bumibilis at ang presyon ng dugo ay tumataas. Lumalabas ang sugar patungo sa dugo. Ang paghinga ay bumibilis. Ang ibang bahagi ng katawan ay bumabagal. Ang pantunaw ay humihina. Ang sistema ng ating katawan na lumalaban sa sakit ay bahagyang sumasara.

Noralyn, may halimbawa pa ako, stress naman sa trabaho.

NORALYN: Sige Kaka para lalong maintindihan ang usapin sa stress na yan.

KAKA ALIH: Stress sa trabaho. Ang ganitong stress   ay nakararamdam tayo ng tensiyon sa trabaho kapag hindi natin nagagampanan ang mga hinihinging gawain ng ating trabaho, lalo na kong sinabihan ka ng booss mo na tapusin kaagad.. Maaaring hindi natin nagagampanan ang ating  trabaho dahil  sa panahon o ikli ng oras na ibinibigay sa inyo para tapusin ang gawain.

Palpak o may sira ang mga kagamitan ninyo, tulad ng naviruys ang computer, walang signal ang inyong internet,  di ninyo Makita ang topic ninyo, o di kaya maka like sa inyong face book.. (PLAY LAUGHING).  
 Nalalabag ninyo ang mga alituntunin o regulasyon ng inyong opisina  na kailangan ninyong sunurin, ngunit labag sa inyong paniniwala o kultura. Ito ang para sa akin na maka-stress.

Ia pa ay ang mga trabaho na nagbibigay ng sobrang stress ay yaong mga mabibigat ang hinihiling sa manggagawa subalit walang gaanong kontrol na ibinibigay sa kanila kung paano gagawin ang trabaho. 
Ang sabi ng kaibigan,  “hindi naman lahat ng problema ay   nakakasira sa tao,  kundi kong minsan pa nga ay magagamit natin ang problema para maging lalong matatag at malapit sa isa’t isa.”  Nor, agree o disagree ?

NORALYN: Agree!!! Ang experience Ko Kaka sa problema, pag may problema ako, feel ko down na ako, papaano ba haharapin ang ating problema?

KAKA Alih:  Kailangan lamang na harapin natin ang problema, kong anon a siya,  dahil kung   babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag.

Pag-uusapan natin ang   ilang bagay na maaaring makagamot kung sakaling dumating ang problema sa inyong buhay.
1.     Maging kalma (Be calm)   mag-isip ng anumang mabuti, kahit gaano man kakumplikado ang sitwasyon na inyong kinakaharap.

2.     Humingi ng payo o tulong sa kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, o humingi ng payo sa mga espesyalistang gaya ng sikolohista, abogado, o tagapangalaga ng kalusugan. Depende sa problema, kong sino ang alam mo na expert o nakakaalam, ang siya mong dulugan ng inyong problema.  Maaari silang makapagbibigay ng magandang payo, dahil hindi sila “tense’ tulad ninyo na hindi na makapag-isip dahil sa problema.

3.     Kunsultahin ang iyong pamilya o sikaping  magsama-sama bilang isang pamilya.  Dahil sa pagsasama-sama ay maliligtasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.

4.     Tandaan ang anumang pagbabago sa buhay -- pagsilang ng isang anak, bagong trabaho o pagkataas sa tungkulin, kasal, kamatayan o pagreretiro--ay laging stressful. Alam m oba Leny na kapag wala kang pera problema, pag marami ka ng pera problema pa rin? (PLAY LAUGHING). 

NORALYN: Papaano nangyari ang ganoon Kaka?

KAKA ALIH: Problema niya papaano gastusin ang kanyang miliones…(PLAY LAUGHING).

5.     Pakatandaan din, Kaibigan na    ang mga stress, problema at paghihirap ay bahagi ng isang normal na buhay ng tao.  Abnormal   daw ang taong walang   problema?  TOTOO?

6.     Kaibigan, Para masolb ang problema mo, harapin ito ng  dahan-dahan o isa-isa, one alter one another.  Ganito ang gawin, ilista ang    mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin o gawin  ito.

7.     Huwag alalahanin  ang mga nakalipas o ang mga bagay na wala kayong kapangyarihang kontrolin.

8.     Ayon naman sa mga nakaranas ng mga ganitong sitwasyon na problema,  maaring manood ng isang nakakatawang palabas sa TV (kong may tv kayo, hindi ang X rated- (PLAY LAUGHING), kong sakaling wala kayong tv tumawag sa isang kaibigan, (naku wala pa ring celpon- PLAY LAUGHING) makipagkuwentuhan sa membro ng pamilya o kapitbahay nang masasayang kuwento, piliting tumawa at kong hindi mapigilang  umiyak, huwag pigilan, ilabas sa pamamagitan ng luha, ingat lang,  siguraduhing walang nakakakitang mga tsismoso (PLAY LAUGHING). Bakit baka magtaka sila bakit ka umiiyak, at itsismis ka sa bayan.

9.     Ang last na advise natin, huwag maging tamad na mag-ehersisyo araw-araw lalo  sa umaga, para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks.  Lalong maigi kong gagawin ito nang magkakasama ang buong pamilya.

This is your   segment writer at producer,    Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabarakatuh

Huwebes, Setyembre 20, 2012

Ting, Handa Ka na Ba sa Bago mong Mundo?


Ting, Handa Ka na Ba sa Bago mong Mundo?


(September 20,  2012-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay”   (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

 "..ang pagbabagong pisikal ay dapat ninyong 
paghandaan, dahil ito din ang  nagbubunsod 
ng pagbabagosa emosyon ng inyong  
pagka-kabataan."
NORALYN:  Mga kabataan kayo ang bida ngayon  sa ating yugto  o segment ng ating programang buhay-buhay, kaya abangan ninyo si  Kaka Alih, susunod na ang segment  na:

(PLAY INTRO-GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)

NORALYN:  Magandang umaga Kaka Alih
.
KAKA ALIH:  “Magandang umaga din Noralyn, at Assallamu  Alaikum Warahmataullahi Wabarakatuh,(ang kapayapaan ay sumasainyo, at ang Pagpapalaa ng  Allah ay sasainyo)  sa mga kapatid na Nanampalataya sa Islam, sa mga kapatid na Muslim. 

Ang buhay ng kabataan ay maari nating ihahambing sa isang hagdanan..na may stages..

Mga anak, mga kabataan,  dapat na ninyong  paghandaan ang mga pagbabago sa inyong mga   sarili.

Yes mga anak, ang pagbabagong pisikal ay dapat ninyong paghandaan,  dahil ito din ang  nagbubunsod ng pagbabago sa emosyon ng inyong  pagka-kabataan.

Yes  mga anak, pakatandaan mo  maraming nagaganap na pagbabago sa panahon ninyong mga kabataan. Dahil dito  Hindi ka  dapat mabahala sa mga pagbabagong nagaganap sa iyong pagkatao,  halimbawa nito  ay sa  pangangatwan o pisikal, kaisipaan o mental, paglipunan,  dahil likas o natural lamang ang mga ito, sa mga kaatulad ninyong mga kabataan.

Alam mo Ting, (tawag sa batang Lalaki ng mga Iranun) ang pagiging tinedyer ay nagsisimula sa gulang na labintatlo hanggang labingsiyam. At sa ganitong edad,  kayong mga kabataan ay gustong-gusto  mapabilang sa mga pangkat ng tinedyer, na katulad sa inyong edad?  tama  pa ako?    Bakit?   sapagkat ito na ang panahon ng pag- unlad ng inyong  katauhan at pagkatao.

And  be careful ka rin Ting,  dahil sa edad ninyong  iyan, ang mga kabataan ay madaling maimpluwensiyahan ng mga taong nasa paligid. Dahil marahil sa ang kabataan ay guso ng adventure  o pakikipagsapalaran, sapagkat gusting umali ng tagumpay.

Ang inyong  panahon sa ngayon  ay isang mahalagang yugto na nag-uugnay ng inyong pagkabata sa pagiging matanda, at kayo ay nasa yugto ng mga pangarap.

Yes, Ting, ang tulad mo, tulad ko  noon (I still young)  ay punong-puno  ng pangarap, at pangarap na kailangan linangin ng inyong mga magulang at guro.

Kayo ang magiging leader balang araaw, you are the future of our nation ika nga, kaya naman nararaapat na kayo ay may sapat na edukasyon o kaalaman at karanasan o experience, lalo na sa pamumuno.

NORALYN:  Sang-ayon ako diyan Kaka Alih. Ang kabataan ay mahalagang yugto ng buhay ng mga kabataan. Ito ang pinaka-kritikal na panahon ng buhay nila, sapagkat ito ay nasa pagitan ng pamamaalam sa mundo  ng pagiging bata patungo sa buhay pagbibinata at pagdadalaga.

KAKA ALIH:  Tama  ka Noralyn , at napakarami ring mga pagbabago at impluwensiya na magaganap sa kaanilang mga kabataan. At tulad ng nasabi na natin ang kabataan ay yugto ng maraming pagbabago. Maraming mga magkakatulad na pagbabago   ang magaganap sa inyo.  May mga pag-babago sa inyong pisikal, pagbabagong pisikal bilang  Lalaki at  Pagbabagong Pisikal bilang  Babae, tulad ng pag-tangkad,  pagkakaroon ng adams apple, paglapad ng katawan at dibdib,  matuto ka ng manaamit at kong minsan ay medyo pihikan.
At kayo namang mga babae,  Bai, ay natural na pagkakaroon ng regla o monthly period, kaya ingat pwede na kayong mabuntis (LAUGHING) yes this   is true anak.

May paagbabago  din sa inyong kaataawan, tulad ng paglkaaki ng inyong dibdib, paglaki ng balakang, maagiging cocaa-colaa body naa kayo (LAUGHING)  at of course medyo magaastos na, dahil magiging palaayos at dina mapalagay kong hindi nakapagpalagay ng pabango.

At heto pa mga anak, mga pagbabagong emosyonal na magaganap sa inyo.  Halimbawa ay paghanga sa katapat na kasarian, o affection sa opposite sex, at titibok na inyong puso sa tawag na pag-ibig,  kaya kong minsan ay makipagrelasyon sa katapat na kasarian.

Mga kapatid na magulang, ang ganitong edad ng  mga kabataan ay ayaw nang mapahiya, at  gustong ay pinupuri.

Pinapalaala ko din  mg kaptid na magulang, na may mga pagbabagong sosyal sa ating  mga aanak nagiging tinedyer na, tulad ng  gusting paghawak sa mga mabibigat na responsibilidad sa bahay lalo na ang inyong mga anak na babae, pati na rin ang mga binabae (LAUGHING) of course kasama    sa paaralan, at sa community o pamayanan, may  pagkahilig sa barkada, pag-gimik o party.

May  mga pagbabagong pangkaisipan din sila, dahil dito nais nilang gumawa ng sariling pagpapaapasya, iyong bang gusto ay autonomiya o independensiya.

Ang ganitong edad ng mga anak natin ay nagiging mapanuri, mapangatwiran, puno ng mga ideya  puno ng mga pangarap, malikhain. Kong may motorsiklo ka  pare,   tiyak, susubukan niyang anak mo, pati babae ha/na mag-drive,  kaya, ihanda mo na siya, pag-applayin  mo na siya ng driver license,  para di mahuli ng pulis o LTO. (LAUGHING).

Mga kumare at kumpare, mga losod ko sa tiyan, ihanda aang inyong mga sarili sa mga pagbabago ng inyong mga anak, kaya nararapat lamang na tayo ay   mapagmasid at maingat sa pag-gabayu sa kanila.

 Ito  ang inyong kapatid na magulang na rin, na naghihikayat na mahalin  ang  atingmga anak, dahil sila ay biyaya ng Allah.

Sukran, wasallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

(PLAY- EXTRO)

Miyerkules, Setyembre 5, 2012

Kagubatan, Gaano Kahalaga?


(September 5,  2012- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Nenita Minted)

NENITA: Ang tanong natin ay gaano  kahalaga ang kagubatan sa atin? Ang kasagutan ay magmumula sa iyo at iyan ang tatalakayinni Kaka Ali, sa ating segment  na  gabay at talakayang pampamilya, …kaya , samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa ating segment na …

(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NENITA: Good Morning Kaka Alih..

KAKA ALIH:  Good morning din  kapatid na Nenita, at assallamu alaikum warahmatullahi wbarakatuh sa mga kapatid na Muslim o sa mga Nanampalataya sa Islam.   

Nenita bago ko ilahad ng buong-buong ang aking kasaysayan, este,  aking tatalakayin sa umagang ito,(PLAY LAUGHING) ay may ikukuwento ako, tungkong sa baha o nangyaring baha (d’gan sa Iranun)   tandang-tanda ko pa ang lahat Ate Nits, (PLAY LAUGHING)

NENITA: Parang kahapon, ngayon at bukay ni Ate Bai..

 KAKA ALIH: Never mind Nits, para medyo masarap ang kuwento, last year ito   August 14, 2011, its about seven oclock  ng gabing madilim, prepared o handing-handa na akong pumunta sa Masjid, para sa Eisha na sambayang,  ng biglang magsisigaw ang aking  anak,   na may tubig na pumasok sa loob ng aming bahay. Naku laking gulat ko, agad akong napatayo at  ng aking tingnan,  lapt na na sa sala naming ang tubig. Agad kong naisip  ang aking mobile phone, para tawagan si  Mayor Piang, upang ipagbigay alam ang situation, di pa man ako nakatadial, naku tumaas na halos isang pulgada ang tubig.

Kaya din a ako natuloy sa Masjid upang magsambayang ng Jamaah opangmaramihan na sambayang, sa bahay na lang. Ako ay nag-obserbved, di naglipat oras, aanong bilis ng pagdadting ng tubig ganoon din  kabilis ang pag-baba naman ng tubig. At dahil  alas nuwebe ng gabi humupa na rin ang tubig, parang walang nangyari..ito ang tinatawag na “flash flood” o mabilis na baha. 

Salamat at may mga ginawang kanal at nilinis na rin  ng LGU  Upi at ng Barangay Nuro ang mga kanal sa  Nuro, lalo na  sigoro kong regular na isasagaawa ang paglilinis sa mga canal para tuloy-tuloy na makadaloy ang tubig, patungo sa ilog.

Dahil sa flashflood na yun Nenita,   ay muling na-alarma ang mamamayan lalon ang ating Mayor Piang, dahil   naranasan na ang  ganito,  noong 1995 at 2008.

At sa gabing iyon  agad namang nagbigay ng babala ang alkalde ng bayan  Ramon Piang Sr, sa pamamagitan n gating community radio DXUP FM sa mga mamamayan,   na mag-ingat sa posibleng landslide,  baha  at flashflood lalo yaong  malalapit sa kabundukan at ilog.

At alam ba ninyo na dahil sa madalas na mga flash flood sa ating bansa,  ang  palaging nakikitang o alam na  dahilan ay ang pagkaubos  ng  mga punong kahoy sa ating mga kabundukan?

Ayon  sa mga siyentipiko, ang mga punong kahoy kasi  ang pansamantalang humaharang  at sumisipsip sa tubig  ulan at dahil  ditto  ay dahan-dahan ang pagbaba  ng tubig sa ating  mga  kapatagan.

Alam mo Kapatid na  Nenita, ang ating mga  kagubatan ay likas yaman o likha ng Diyos.  Noong unang panahon pa man, ang mga  kabundukan natin    ay  maraming punong kahoy, mga galang hayop at iba pang nilikha ng Poong Maykapal, pero ngayon ay halos wala ng natitira,  kong mayroon man ay di na sapat para mabalanse ang ating  ecology o  kapaligiran.

NENITA: Kaka may tanong ako: “Gaano kahalaga ang kagubatan sa ating kapaligiran?”

KAKA ALIH: Ang    kasagutan ko diyan  kapatid na Nenita ay ganito:

“Mahalaga ang gubat sa ating buhay dahil  ito ay pinagkukunan ng ating pagkain, gamot, tubig at mga kahoy para magamit sa ibat-ibang pangangailangan.

Ang kagubatan ay may luntiang kapaligiran na may mga ibat-ibang halaman na  siyang nagbibigay buhay at sigla sa iba pang nilalang na hayop at ng mga tao.

Ang mga naglalakihang mga puno  ang siyang nagpapalakas sa mga bukal ng tubig para magamit ng lahat ng nangangailangan nito (tao,hayop at mga halaman).

Ang buhay at malusog na kagubatan ay gumaganap bilang  pangsala ng kalikasan (buffer system)  sa alin mang kapaligiran sa buong daigdig, di lang ito naglilinis ng hangin, lupa at tubig kundi nagpapanatili sa tamang temperatura na kailangan sa malusog na buhay ng bawat nilalang.

 Ang pinsalang pangkalikasan na ito sa ationg malusog na kagubatan noon   ay panimbang din sa lahat ng  labis  na  init at polusyon.

Ang    pag init ng buong daigdig o ang tinatawag na “global warming” ay isang malinaw na halimbawa, kaya nag-iinit at mundo sa ngayon.  Na ayon sa mga siyentipiko o scientist ay dahil sa dahan-dahang pagkaubos  ng punong kahoy, at dahil dito ay kasabay ding nawawala ang natural buffer system ng mundo o ang nagsisilbing payong sa initi ng araw . 

 Kaya naman ayon sa mga siyentipiko,   kong gusto nating ibalik ang tamang timpla o condition ng mundo ay ibalik natin ang likas yaman ng ating kagubatan.

Sa kalagayan natin sa ngayon na halos kalbo na ang kabundukan ay mahirap ibalik kaagad ang mukha ng ating kagubatan, ngunit kong gagawin natin ay kayan natin.

Ayon sa mga pag-aaral ay dapat  unahin na iwasto,  ay ang kalagayan ng lupa upang magkaroon ng kalagayang  angkop sa mga itatanim na mga puno at halaman. 

Maglagay ng mga shade plants o panganlong tanim, bago  isusunod ang mga  principal seedlings o pangunahing mga punla upang sa gayon ay  madaling makakaayon sa lupaing pagtatamnan.  Isang halimbawa ng shade plant o panganlong na tanim ay ang kakawate o madre kakaw ,isang legumenous plant na may kakayahang pagandahin ang lupa sa pamamagitan ng kakayaham nitong baguhin ang nitrogeno compound sa available forms o anyong magagamit ng mga halaman.

 Magiging mataas ang survival rate o bilang ng mabubuhay kong susundin ang  ganitong pamamaraan, ayon sa mga  pag-aaral. Bukod dito ang mga shade plants ay mainam na gawing gatong o uling na mapagkakakitaan ng iba sa halip na putulin ang principal seedlings o punla na siyang inaaasahang magiging kagubatan sa darating na panahon.

Ang pagtataguyod ng kagubatan ay isang hakbang para sa   pagbibigay daan upang patuloy mabuhay ang lahi ng mga tao at iba pang hayop sa daigdig na ito.

Tanong pa rin ng isang batang nag-aaral:  “Tay, bakit nauubos ang ating kagubatan?”

Anak ganito ang pwede kong isagot sa tanong ninyo: “May mga bahagi ng ating  ang kagubatan
 sa ngayon ay   walang    namamahala o hindi pa napasasailalim sa anumang klaseng pamamahala  kung kaya’t kahit sino na lang ay malayang pumapasok dito at pumutol o kumuha  ng mga yaman gubat.  Ito ang bahagi ng kagubatan na tinatawag na “open access.” Mayron ding bahagi ang mga kagubatan na mayroon  ngang namamahala, subalit ang mga may hawak nito ay nagpapabaya naman sa kanilang responsiblidad o tungkulin.”

Dahil sa sitwasyong ito,  may mga taong basta na lang pumapasok sa kagubatan upang mamutol  ng kahoy, magsasagawa ng kaingin, at iba pang mapanirang (destructive)  gawain, na nagdudulot ng pagkakasira at patuloy na pagkaubos ng ating  natitirang yamang-gubat o kagubatan.

“Tay may pag-asa pa ba tayo upang isalba o iligtas ang pagkasirang ito ng ating kagubatan?” dagdag na tanong ng anak.

Of course naman  Ting!, (LAUGHING) Ang lahat ng pagkakataon ay nasa tao, oo nasa atin na mamamayan ng Upi, kailangan lamang na gawin,  hindi sa salita lamang 
.
Sa pamamagitan ng tamang pagpaplano at pamamahala ng ating mga kagubatan,pwede pa nating isalba ang catastrophy o ang delubyo na darating.  

Kinakailangan lamang ang ahensiyang matatag, maunawain, masigasig, at mga namamahala at nagpapatupad na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kalikasan.

Kaya naman saludo ako Nenita, sa ang ating pamahalaan, sa pangunguna ng  Department of Inviroment and Natural Resources (DENR) ay nakipagtulungan sa  ating Local Government Unit of Upi at binuo o itinatag ang FLUP?

NENITA: Ano ang  FLUP Kaka,  pwede mong ipaliwanag sa atingmga  tagapakinig sa bago sa kanilang pandinig.

KAKA ALIH: “Ang FLUP ay ang Forest Land Use Plan.  Ito ang  nagtataguyod o nagsasagawa ng   isang pamamaaraan ng pagpaplano-matapos ang isang masusing pag-aanalisa at pag-aaral sa kalagayan ng kagubatan-upang mailagay sa maayos na pamamahala ang mga ito. Ito rin ang siyang magiging basehan sa “alokasyon” o paglalagay ng tamang sistema ng pamamahala ng kagubatan ayon sa kagustuhan ng nakararami, at para rin sa nakararami.

NENITA : Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na pwedeng gamitin o kumuha ng likas yaman ang mga mamamayan?

KAKA ALIH: Hindi pa naman Nenita, pwede pa rin , subalit may mga allocation o paghati-hati sa ating kagubatan kong papaano pangangalagaan at gagamitin. 

Ang FLUP ay makakatulong sagutin ang mga katanungan tungkol sa alokasyon tulad ng:
·         Anong bahagi ang dapat ay protektado-tulad ng watershed reservation?

·         Anong parte ang maaring ipamahala  sa kumunidad? O sa pribadong sector? O sa pamahalaang lokal (tulad ng communal forest)?  O sa ibang ahensiya ng pamahalaan (tulad ng pamantasan, National Power Corp. O NAPOCOR, Philippine National Oil Corp. Oo PNOC, atbp)?

Ang tamang alokasyon, base sa FLUP, ay mangangahulugan ng paglalagay ng naangkop na pamamahala sa mga kagubatan na titunuturing na “open access” (walang namamahala).  Sa pamamagitan nito, magiging malinaw ang mga responsibilidad at pananagutan ng Department of Inviroment and Natural Resources (DENR), pamahalaang lokal, (LGU), at maging ang lokal na pamayanaN, upang tiyakin na maisakakatuparan ang tamang pamamahaang nabanggit.

NENITA: “Bakit kailangan pa ang FLUP Kaka?”

KAKA ALIH:  “Bakit kailangan pa ang FLUP” dahil ito ay  mahalaga o  iportante,   upang matukoy ang open access na kagubatan at mailagay sa tamang pamamahala ito, kasunod ng pagbibigay ng tenure sa mga interesado at responsableng tao o organisasyon  na maaring mamahala dito.

Alam ko kaibigan marami kang itatanong, maaring itanong mo, “Paano makatutulong ang FLUP sa ugnayang DENR-LGU ukol sa alokasyon at pamamahala ng kagubatan?”

Kaibigan, ang FLUP ay magsisilbing batayan tungo sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng DENR at pamahalaang lokal at iba pang sektor upang malinaw na maitupad ang mga kasunduan ayon sa alituntunin ng batas. Sa gayon, mapapadali ang pagtutulungan ng DENR at LGU na maisakatuparan ang mga mithiin sa pamamahala ng kagubatan, ganun din sa pagpapasya ng DENR sa pag-isyu ng angkop na tenure, ayon sa itinalaga ng plano. 

Ayon sa implementing guidelines, ang FLUP ay magsisilbi   ring batayan ng ibat-ibang sektor sa pagmomonitor ng pagbabago sa kagubatan. Sa pamamagitan ng tamang pagmomonitor, agarang maaksyunan ang mga problema,  na posibleng kaharapin sa pamamahala ng ating kagubatan.

Dahil dito ay ang mga mamamayan ay maraming magiging pakinabang sa oras na ang FLUP ay maisakatuparan na.

Halimbawa ay ang:
·         Pagkakaroon ng tenure. Ang mga kwalipikadong komunidad ay maaring mabigyan ng “tenure” na nagbibigay sa kanila ng pribilehiyo upang siyang mangalaga sa ilang bahagi ng lupang gubat, kasama na ang likas-kayang paggamit ng ilang likas-yamang napapaloob sa kasunduan. Ang tagal ng kasunduang ito ay umaabot ng taon-minsa’y mula sa 25 hanggang 50 taon. Ang “tenure” ay isang pribilehiyo lang; hindi ito isang titulo ng lupa.

·         Maiiwasan ang di pagkakaunawaan sa paggamit ng likas-yaman.   Dahil nga ang pamamahala ng kagubatan at paggamit ng mga yamang-gubat ay ipapasaloob sa isang malinaw na kasunduan na kung saan ang lahat ng maaapektuhan ay kukunsultahin, maiiwasan din ang away at anumang di pagkakaunawaan ng iba’t-ibang sector ng pamayanan.

·         Pagkabawas ng mga illegal na aktibidad.  Kung mayron nang isang komunidad o organisasyon ba responsable sa pangangalaga ng kagubatan, siguradong ang mga ilegal na pagpuputol, kaingin at iba pang mga aktibidad na nakakasama sa kagubatan a nababawasan na.

With Barangay Chairman of Bantek Upi
·         Mga pang-matagalang pakinabang.  Sa pamamagitan ng FLUP, maisasaayos ang mga pamamahala ng kagubatan at mga yamang-gubat upang ito ay patuloy  ng kabuhayan para sa kumunidad/pamayanan.  Kapag maayos ang kalidad ng kagubatan at ang mga yaman nito, patuloy itong magbibigay ng iba’t-ibang uri ng pakinabang, gaya halibawa ng patuloy na supply ng kahoy at iba pang yamgn-gubat, proteksyon sa mga kumunidad, at marami pang iba. Mababantayan din ng mga mamamayan ang paglalagay ng mga proyekto at masusunri nila kung ang mga ito ay naayon sa pangangailangan ng kagubatan at sa kagustuhan ng mga kumunidad.

NENITA: “Ano naman ang pakinabang ng mga nasa kapatagan?”

KAKA ALIH: Ang pagsasaayos ng pamamahala sa kagubatan ay magiging kapaki-pakinabang din sa mga nasa kapatagan.  Ang kagubatan at kapatagan ay kunektado sa isa’t-isa.  Anumang mangyari sa kagubatan ay makakaapekto sa kapatagan. Kaya kung maayos ang pamamahala sa kagubatan, ang kapatagan ay siguradong makikinabang, tulad ng pagkakaroon nto ng regular  na panggagalingan ng tubig para sa irigasyon, gamit sa bahay, atbp.

NENITA: May  papel ba na dapat gampanan ng pamayanan sa pagbuo   at sa pagpapatupad ng FLUP?

KAKA ALIH: Yes, ito ay multi-sectoral.  Mahalaga ang pakikilahok ng mamayan sa pagbuo at pagpapatupad  ng FLUP.  Kaya nanawagan tayo sa mamamayan ng Upi ng tulungan natin ang LGU Upi sa pagpapatupad ng FLUP sa ating bayan ito ay para na rin sa kinabukasan n g ating saling lahi o susunod na henerasyon.

Sukran… Wassallam.

NENITA: Maraming  salamat Kaka Ali,  

(PLAY EXTRO-Gabay at TalakayangPampamilya

Miyerkules, Agosto 15, 2012

Laitul Qadr (Gabi ng Kapangyarihan) Muling Ipinagdiwang sa Upi

Kagawad hadji  Guiamel Abutazil mula sa LGu Upi

Laitul Qadr (Gabi ng Kapangyarihan) Muling Ipinagdiwang sa Upi

Balita ni: Alih S. Anso

Nuro, Upi (Agosto  16, 2012) Nitong gabi  ng 27 ng  Ramadhan (15 Agosto)  ay ipinagdiwang ng mga Muslim ( Nanampalataya sa Islam) ng  Upi ang Lailatul Qa'dr (Ang gabi ng  Kapangyarihan) na ginanap  sa social hall ng Upi Agricultural School.

Ang mga   dumalo ay nagmumula sa 29 na Masjeed ng  Upi, mga Muslim na  estudyante ng Upi Agricultural School,  Notre Dame of Upi, Saint Francis High  School at Nuro Central Elementary School.
Pinangunahan ni Engr. Sukrano Datukan, pinuno ng Upi  Muslim Consultative Assembly (UMCA) ang pagdiriwang.

Ustadz Anwar Ameril habang nagbabasa ng Qur'an
Naging panauhin si Kagawad Hadji Guiamel Abutazil na siyang kinatawan ni Mayor Ramon Piang.

Ang pagdiriwang ay nagsimula ika siyam ng gabi sa paamamagitan ng pagbabasa ng Banal na aklat na Qur’an  na sinundan pagpapahayag ng kahalagaan ng  Laitul  Qad’r. pagbabasa ng Quran, at ang pinaka mahalaga na gawain ay ang pag-sambayang ng Tahajjud at nagtapos ang program sa pagsambayang ng Fajar (madaling araw na pagdarasal).



ang mga mga dumalo

Ustadz Ahmad Mamalangkas 

 UMCA  chairman-Engr Sukraano B.  Datukan

Ustadz Esmael Haron-Chairman of the affair
Ayon kay Ustadz Ahmad Mamalangkas,  membro ng mayor council,  na  ang isang  gabi na pagdarasal sa gabi ng mga araw na ipinagdiriwang  ang Laitul  Qadr ay   katumbas ng isang-libong (1000) buwan, dahil   sinabi ng Allah:

“Katotohanang Aming ipinanaog ang Qur’an sa Gaabi  ng Al Qadr(Kapasiyahan). At paano  momapag-aalaman kung ano ang Gabi ng Al Qadr? Ang Gabing Qadr (Kapasiyahan) ay higit na mainamsa isang libong buwan (alalaong bagaa, ang paagsambaa kay Allah sa Gabing ito at higit sa mainam kaysa sa pagsamba sa Kanya sa isang libong buwan o katumbas ng 83 taon at apat na buwan).(Soorah Al-Qadr: 1-3)

Ang mga Muslim ay naniniwala din sa sinabi ng Propeta Muhammad: “Sinuman ang mag-ayuno sa Ramadhaan na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na nagawa. Sinumang magsalaah (ng boluntaryong salaah) sa gabi ng Ramadhaan na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na nagawa. Sinumang magtaguyod ng (boluntaryong) Salaah sa gabi ng Laylatul Qadr na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na nagawa.” (Iniulat nina Imaam Bukhaaree at Muslim.)

Ang laitul Qadr. ay ipinagdiriwang ng  mga Muslim sa Buong mundo sa 25, 27, 29 ng Buwan ng Ramadhan.

Lunes, Agosto 6, 2012

Epekto sa Pamilya ng Maraming Anak


(Agosto 6, 2012-Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Bilual)

(taken from Barangay Bantek)
NORALYN:  “Ano ba ang epekto ng maraming anak sa PAMILYA?  Iyan ang aming katanungan ni Kaka Alih, na dapat ninyong  sagutin at kanya rin sasagutin para sa ating segment na  “Gabay at Talakayang Pampamilya”.

 ( INTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya )

NORALYN:  Fiyo Gifuwon (Magandang Umaga)  Kaka Alih,

KAKA ALIH: Magandang umaga din Nor, Assallamu alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.

NORALYN:  Matanong  nga pala kita  ilan ba ang anak ninyo ng Mrs mo?

KAKA ALIH: Ako? Sa isang ina, ……ay apat lang  naman Nor, (LAUGHING).. Tatlong babae at isang lalaki lang naman.

NORALYN:  Bakit ilan pala ang nanay ng mga bata? (LAUGHING)

Kaka Alih: Isa lang,… subalit bilang Muslim pwede akong makapag-asawa ng apat.

NORALYN:  Hahaha .. (LAUGHING)  ok serious na tayo Kaka Ali, Ano nga ba ang epekto sa pamilyang Pilipino ng maraming anak?

KAKA ALIH:“ Dalawa lang epekto niyan, negative at positive… ok Nancy sagutin natin ang tanong mo na  Ano nga ba ang epekto sa pamilyang Pilipino ng maraming anak?  At of course sasagutin ko ng with comparison … ibibigay ko ang positive at negative effect sa pamilyang Pilipino. 

Unang epekto, positive daw? Heto my friend, kong kakandidato ka  sa barangay election.. maraming boboto sa iyo,  dahil marami kang anak…subalit may negative effect naman ito, ano yun?  Pare….sigorado kong bata pa ay lusyang na si Mrs.  (PLAY LAUGHING).. akala ko gusto mong ng bata? (PLAY LAUGHING)..

Heto pa ang isang positive/negative na epekto ng maraming anak, kong marami kang anak.. marami kang mauutusan. (PLAY LAUGHING)... but may negative din ito my friend, ang hirap lang nito marami ka ring pakakainin…(PLAY LAUGHING).. baka wala ka ng makain kong hindi ka masipag magtrabaho sa bukid, dahil masipag ka lang kay Mrs.. (PLAY LAUGHING).

 Yes pagkain ang problem sa maraming membro ng pamilya at pag kulang ang pagkain.. tiyak malnourished ang ating anak.

Alam mo ang ibig sabihin ng malnourished Noralyn?

NORALYN:  simple lang abng sagot diyan Kaka, kulang sa nutrition  o kulang sa pagkain,  kaya payat ang bata.

KAKA ALIH: “Agre ako Nor, ang  Sabi naman ng kumpare ko: “Kaka Alih, maganda ang maraming anak, provided, kong kaya mo silang palakihin..kong  kaya mo silang papag-aralin, kong kaya mo silang  pakainin at damitan.. ang hirap lang niyan umaayaw na si Mrs.. ay kinukulit mo pa rin. .. di lang makatanggi sa pangangalabit mo dahil… nakikiliti din  (PLAY LAUGHING) este hindi dahal mahal ka din niya…”

Sabi ng isang nanay: “Kaka Ali, Bibihira ang nagiging maganda ang epekto ng maraming anak,  dahil ang naobserb ko, karamihan  sa maraming anak na kamagnak ko ay naghihirap ang pamilya at bibihira ang nakakatapos sa kanilang mga anak.” Ipagpatuloy natin ang kuwento ang sabi ng asawa, ni pare.  “…    kong ako lang ang tatanungin Kaka , kong ako lang masusunod.. kong kaya ko lang sanang pigilin.. ang pang-gigil (PLAY LAUGHING) kay Mrs.. every 2 to 3 years bago masundan si Bunso.. kasi ako sa totoo lang pangarap ko ding makapagtapos at di magutom ang aking pamilya, hindi ko kasi alam papaano pipigilin ang pagbubuntis ni Mrs.. na hindi naming ititigil ung ganoon.. (ang alin?) basta ung umiikot ang iyong mata sa sarap.. (PLAY LAUGHING)

May kasagutan din akong nabasa  sa facebook: “…na Sabi nila mas masaya daw pag marami ang anak o malaking pamilya. Oo, kung ang pamilya ay nakaka-angat sa buhay at maibibigay lahat ng pangangailangan ng mga anak at ng buong pamilya. Pero sa mga hirap sa buhay, mahalaga ang pagkakaroon ng maliit na pamilya. Isa o dalawang anak ay tama na.”

Agree ako sa idea nay an, talagang  maraming pangangailangan ang bawat anak,  tulad halimbawa  ng magandang edukasyon,  sapat na pagkain, maayos na kagamitan at marami pang iba.

Pag-aasikaso, pagmamahal at panahon ng magulang ay importante din sa pamilya.

Kung hirap sa buhay, natural lamang na maghihirap ang magulang sa  magtrabaho at kumita ng pera lalo pa kung maraming anak ang dapat sustentuhan.

NORALYN: Tama  ka Kaka Alih,  kung isa o dalawa lamang ang anak, kahit papaano ay masusustentuhan sila ng sapat.

KAKA ALIH: Agree din ako diyan Nor, kaya mga   pare ko.. mga mare ko.. makinig… para di na tayo. Magtatalo dito sa radio, heto ang gawin ninyo… pumunta kayo sa pinaka malapit na health center at bisitahin ang inyong rural health midwife at ikunsulta ang inyong problema.. kong taga   Nuro po kayo, pumunta ka sa health center.. andiyan lang sa tabi ng highway kalapit ng ating barangay hall.. kong mahiya ka… hanapin si Maam Jackie Gamit at ibulong ang iyong problema.. sure ako.. matutulungan ka pare ko… (PLAY LAUGHING)

Bweno hanggang dito na lang muna ang tsismis,  dahil pupunta pa ako sa health center..     bukas muli kaming aabangan kasama si  Noralyn ... This is your    segment writer and producer.. at your service ….   Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

NORALYN:  Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang talakayan ngayong umaga, mga kapatid na nakikinig bukas muli  kamaing samahan sa ating programang Gabay at Tlakayang Pampamilya at sinisigorado  ko  inyo, muli  kayong hahandog ni  Kaka Alih ng nakaka-aliw at informative na usapin…

(EXTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya)