Epekto sa
Pamilya ng Maraming Anak – PART 2
(October 4, 2013-Biyernes
- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan
at Talakayang Pampamilya”. Host Lucy Duce)
LUCY: “Ano ba ang epekto ng maraming anak sa PAMILYA? Iyan ang aming katanungan ni Kaka Alih, na
dapat ninyong sagutin at kanya rin
sasagutin para sa ating segment na
“Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”.
( INTRO - Gabay Kalusugan at Talakayang
Pampamilya )
Larawan ng maraming pamilya |
LUCY: : Magandang Umaga, Kaka Alih,
Kaka Alih: Magandang
umaga din Lucy , Assallamu alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.
LUCY: Mata nong
nga pala kita ilan ba ang anak
ninyo ng Mrs mo?
KAKA ALIH: Ako? Sa isang ina,? ……ay apat lang naman Lucy, (LAUGHING).. Tatlong babae at
isang lalaki lang naman.
LUCY: Bakit ilan pala ang nanay ng mga bata? (LAUGHING)
Konting bilang ng pamilya |
Kaka Alih: Isa lang
naman,… subalit bilang Muslim, gusto kong linawin sa iyo na pwede akong makapag-asawa ng apat, dahil ito
ay pinapayagan ng katuruan ng Islam.
Nabanggit natin ang pag-aasawa ng mahigit sa
isa, na pwede hanggang apat, ay gusto itong ipaliwanag sa mga madalang
nakikinig na Muslim at hindi Muslim, para hindi tayo magiging bias sa ating mga
kapatid na naniniwala sa Islam.
Ang totoo nito Lucy, ang Islam ay hindi
nag-uutos na ang lalaking Muslim ay nararapat na mag-asawa nang higit sa isa.
Ang pinahihintulutan lamang ng Islam ang
pag-aasawa ng isa hanggang apat upang matugunan at bigyang kalutasan ang mga
hinaharap na suliranin ng ating lipunan o society.
Na may nagsasabi na kinukulang daw kaming mga
lalaki, ibig sabihin lalong darami daw ang babae kaysa lalaki. Sabagay parang
nagkakatotoo na ito. Lalaki na nga siya, nagpakababae pa. (LAUGHING)
May nabasa ako Lucy na sinabi ng Propeta Muhammad (SAW) na ang
isa sa mga tanda ng araw ng paghuhukom ay ang pagdami ng kababaihan, na aabot pa sa
50 ang babae ang dapat babalikatin sa iisang lalake.
Serious tayo ng kaunti Lucy, bigay tayo ng
halimbawa, kong pwedeng mag-asawa ang lalaki ng pangalawa… ang pagkakaroon
ng matagal na kapansanan o sakit ng isang babae. Sanhi ng kanyang kalagayan,
hindi siya maaaring magkaanak. Likas sa tao na babae man o lalaki ang mangarap na magkaroon ng sariling anak.
At walang ibang lunas ito maliban sa
pag-aasawa sapagka't ipinagbabawal ng Islam ang pagkakaroon ng kabit o
kalaguyo o anumang pagtatalik na labas sa sagradong kasal.
Itinuturing ng Islam na malaking kasalanan
ang pangangalunya at pakikiapid. Gayun din naman, ang lalaki ay maaaring
mag-asawang muli kung may kapansanan ang babae at hindi niya mabigyan ng
pangangailangang sekswal ang kanyang asawa.
Ito ang palaging isaisip at dapat paniwalaan
ng mga Muslim. Ang pag-aasawa sa Islam ay isang tungkulin, kaya naman isang
kasalanan sa isang Muslim na pabayaan ang kanyang mga pamilya. Kung ang isang
Muslim ay nag-asawa ng higit sa isa, hindi nangangahulugan na dapat niyang iwan
ang isa, at pakisamahan lamang ang
pangalawa. Ang makatarungan at pantay na pakikipag-ugnayan ay ipinag-uutos ng
Islam.
“Ang
sinumang nagtakda sa sarili ng di-pag-aasawa ay hindi nabibilang sa atin
(Sambayanang Muslim)... magkagayo’y mag-asawa sa kababaihang inyong napupusuan,
dalawa, tatlo o apat. Subali’t kung kayo’y natatakot (o nag-aalala) na hindi
ninyo sila kayang pakitunguhan nang (pantay o) may katarungan, magkagayo’y
mag-asawa ng isa lamang.” [Surah An-Nisa’, 4:3]
Si Propeta Muhammad (SAW) ay nagsabi:
“Ang
pag-aasawa ay kalahati ng panananpalataya, kaya’t maging matakot sa Allah sa
natitirang kalahati. Ang pundasyon ng
matatag na lipunan ay ang matatag na pamilya. Ang pag-aasawa ay isang paraan upang
mapanatiling malinis at matatag ang pamilya at lipunan. Kaya naman, sa Islam ay binibigyan diin ang
pag-aasawa lalo na sa mga kalalakihang umabot na sa pagbibinata.”
Ito pa ang tandaan natin na ang pag-aasawa sa
Islam ay hindi sacramento kundi isang kontrata.
Kasunduan na hindi salungat sa
turo ng Islam. Ang karapatan ng babae ay pinangangalagaan. Ang kanyang apelyido ay mananatili. Ang kanyang yaman ay mananatili sa kanya
lamang. Ang kanyang kinikita habang
may-asawa ay kanya lamang.
LUCY: Matanong ko Kaka Ali, Ano nga ba ang epekto sa pamilyang
Pilipino ng maraming anak?
Kaka Alih:“ Dalawa lang
epekto niyan, negative at positive… (LAUGHING)
Ok Lucy
sagutin natin ang tanong mo na “Ano nga
ba ang epekto sa pamilyang Pilipino ng maraming anak?” At of course sasagutin ko ng with comparison
… ibibigay ko ang positive at negative effect sa pamilyang Pilipino.
Unang epekto, positive daw? Heto my friend,
kong kakandidato ka sa barangay election..
maraming boboto sa iyo, dahil marami
kang anak…subalit may negative effect naman ito, ano yun? Pare….sigorado kong bata pa ay lusyang na si
Mrs. (PLAY LAUGHING).. akala ko gusto mong ng bata? (PLAY LAUGHING)..
Heto pa ang isang positive/negative na epekto
ng maraming anak, kong marami kang anak.. marami kang mauutusan. (PLAY LAUGHING)... but may negative
din ito my friend, ang hirap lang nito marami ka ring pakakainin…(PLAY LAUGHING).. baka wala ka ng
makain kong hindi ka masipag magtrabaho sa bukid, dahil masipag ka lang kay
Mrs.. (PLAY LAUGHING).
Yes
pagkain ang problem sa maraming membro ng pamilya at pag kulang ang pagkain..
tiyak malnourished ang ating anak.
Alam mo ang ibig sabihin ng malnourished Lucy?
LUCY: Simple lang ang sagot ko diyan Kaka, kulang
sa nutrition o kulang sa pagkain, kaya payat ang bata.
Kaka Alih:“ Tama ka
diyan Lucy, pero iba naman ang sinasabi ng kumpare natin:
“Kaka
Alih, maganda ang maraming anak, provided, kong kaya mo silang
palakihin..kong kaya mo silang
papag-aralin, kong kaya mo silang
pakainin at damitan.. ang hirap lang niyan umaayaw na si Mrs.. ay
kinukulit mo pa rin. .. di lang makatanggi sa pangangalabit mo dahil…
nakikiliti din (PLAY LAUGHING) este hindi dahal mahal ka din niya…”
Tama ka diyan pare.. may points ka.!!! (PLAY LAUGHING)
Sabi naman ng isang nanay: “Kaka Ali, Bibihira ang nagiging
maganda ang epekto ng maraming anak,
dahil ang naobserb ko, karamihan
sa maraming anak na kamagnak ko ay naghihirap ang pamilya at bibihira
ang nakakatapos sa kanilang mga anak.”
Sabagay Mads, napansin ko din yan.
LUCY: Napansin ko din yan Kaka, pero hindi naman
lahat ng maraming anak ay naghihirap o naghihikahos.
KAKA ALIH: In every rules there is exception
Lucy. (PLAY LAUGHING). Buweno pakinggan
naman natin ang kuwento ni Pare.
“… kong
ako lang ang tatanungin Kaka , kong ako lang masusunod.. kong kaya ko lang
sanang pigilin.. ang pang-gigil (PLAY
LAUGHING) kay Mrs.. every 2 to 3 years bago masundan si Bunso.. kasi ako sa
totoo lang pangarap ko ding makapagtapos at di magutom ang aking pamilya, hindi
ko kasi alam papaano pipigilin ang pagbubuntis ni Mrs.. na hindi naming
ititigil ung ganoon.. (ang alin?) basta ung umiikot ang iyong mata sa sarap.. “ (PLAY
LAUGHING)
May kasagutan din akong nabasa sa facebook: “…na Sabi nila mas masaya daw pag
marami ang anak o malaking pamilya. Oo, kung ang pamilya ay nakaka-angat sa
buhay at maibibigay lahat ng pangangailangan ng mga anak at ng buong pamilya.
Pero sa mga hirap sa buhay, mahalaga ang pagkakaroon ng maliit na pamilya. Isa
o dalawang anak ay tama na.”
Agree ako sa idea nay an, talagang maraming pangangailangan ang bawat anak, tulad halimbawa ng magandang edukasyon, sapat na pagkain, maayos na kagamitan at
marami pang iba.
Pag-aasikaso, pagmamahal at panahon ng
magulang ay importante din sa pamilya.
Kung hirap sa buhay, natural lamang na
maghihirap ang magulang sa magtrabaho at
kumita ng pera lalo pa kung maraming anak ang dapat sustentuhan.
LUCY: Tama
ka Kaka Alih, kung isa o dalawa
lamang ang anak, kahit papaano ay masusustentuhan sila ng sapat.
KAKA ALIH: Agree din
ako diyan Lucy, kaya mga pare ko.. mga mare ko.. makinig… para di na
tayo magtatalo dito sa radio, heto ang gagawin ninyo… pumunta kayo sa pinaka
malapit na health center at bisitahin ang inyong rural health midwife at ikunsulta
ang inyong problema.. kong taga Nuro po
kayo, pumunta ka sa health center.. andiyan lang sa tabi ng highway kalapit ng
ating barangay hall.. kong mahiya ka… hanapin si Maam Jackie Gamit at ibulong
ang iyong problema.. sure ako.. matutulungan ka pare ko… (PLAY LAUGHING)
Bweno hanggang dito na lang muna ang
tsismis, dahil pupunta pa ako sa health
center.. ...
This is your segment writer and
producer.. at your service …. Kaka
Alih. Sukran and Wassallam.
(EXTRO - Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
LUCY: Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang
talakayan ngayong umaga, mga kapatid na nakikinig, hanggang sa muli, samahan
kami sa ating programang Gabay kalusugan at Talakayang Pampamilya at
sinisigorado ko inyo, muli
kayong hahandogan ni Kaka Alih ng nakaka-aliw at informative na
usapin…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento