(October 10, 2013, -Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para
sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan
at Talakayang Pampamilya”. Host –Nancy
Lawan)
(PLAY INTRO-Gabay Kalusugan at
Pampamilya)
Host/NANCY: Magandang umaga Kaka Alih. What
is our topic for today?
Kaka Alih:
Magandang umaga din kasamang Nancy, my topic? Dahil suspended ang mga
klase sa elementary level sa lahat ng
paaralan sa Upi, of course kasama na diyan ang UAS-PTIA high school at
college department, heto pangkabataan ang
ating tatalakayin.
Last October 3, 2013 ay pinirmahan ng president Pinoy ang Republic
Act 10632 amended o pagsususog sa RA 9340 and reset o ipinagpaliban ang halalan
ng kabataan o the youth council
elections na inischedule sa Oct. 28,
2014 at Feb. 23, 2015. Ang meaning nito, ay hindi sasabay ang election ng
kabataan sa Barangay election this coming October 28, 2013.
Speaking barangay election reminders: May gun ban na ipinaairal sa
buong bansa ngayon, September 28, 2013 (SAT) – November 12, 2013 (TUE) (30 DAYS
BEFORE THE DATE OF THE ELECTION AND 15 DAYS THEREAFTER)
It also does not allow current SK officials to retain their
positions in a holdover capacity. The term of youth officials will end on Nov.
30, 2013.
Back to our topic, May
memoriyado tayong line, “Ang Kabataan ang Pag-asa ng bayan,” kasabihan ito ni
Gatpuno Jose Rizal. Ang tanong ay: papaano sila magiging pag-asa
ng bayan?
Alam ba ninyo noong kabataan natin ito na rin ang mga linya na
palagi naming isinisigaw noong bago pa mag-martial law. Last Sept 21, 2011 nga pala ay anniversary ng declaration ng martial law o
batas military, at tila nakakalimutan na natin, dahil sigoro ang lahat ng mga
kabataan sa ngayon ay hindi nila ito inabutan, si Kaka Alih ok pa. (PLAY LAUGHING) Subalit hindi martial law ang topic natin, dahil kong
minsan di magandang sariwain ang malagim na karanasan na yun ng mga kabataan
noon , in which isa na ako doon.
Balikan
natin ang kasabihan na: “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”. Ang tanong ay papaano?
Ang realidad ay maraming batang Pilipinong lumalagi at naghahanap-buhay
sa lansangan. Ang iba naman ay palaboy-laboy lamang at nagugumon na sa
pinagbabawal na gamot. Kaawa-awa ang kalagayan ng mga ito kailangan nila ng
kalinga at pagmamahal ng magulang at kapuwa.
Alam nyo bang may ibat-ibang uri ng mga batang lansangan? Maaring
wala pa tayo niyan ditto sa Upi, subalit maiging magkaroon na kayo ng idea, anon
a ba ang kalagayan ng mga kabataan sa ngayon. Halimbawa sa Metro Manila, doon ay may mga
batang sa gabi’y naglalako ng sampaguita, kendi, at sigarilyo upang maka-ambag
sa kani-kanilang pamilya o kaya naman para sa matrikula ng kanilang pag-aaral.
Delikado ang pinagdaraanan nila para
lang may mapagkakitaan.
Regular na tanawin din sa mga siyudad na may mga batang sa umaga’y
masayang nakikipagpatintero sa mga saskayan, nagmamalimos sa mga simbahan,
parke at tindahan. Ang iba naman ay sadyang naghihintay ng paglubog ng araw, at
sa gabi ay naghihintay kong may masisila silang biktima na mapagnanakawan. Ang
iba naman, matapos makadilihensya’y
pawang nasa langit ang pakiramdam sa pag singot ng rugbie. Kaka Ali, ano kayang
kapanyarihang taglay ng rugbie? Never mind Aywan ko, forget that.
(PLAY LAUGHING WOMAN)
Hindi! Heto may sagot ako: “..sabi ng iba’y nakakapawi ng pagod,
gutom at problema.” (Totoo bayan?)
Yes Kaka, ito ang
nagsisilbing bitamina na nag susuplay sa mala tingting nilang pangangatawan upang
harapin ang mga pagsubok na dala ng buhay. Pag patak ng dilim, matapos ang mag
hapong pakikipag sapalaran, sila’y tutungo sa kani-kanilang lungga. Meron sa
isang abandunadong gusali, containers, automobile, kariton, parke, o kaya naman
sa gilid na ng kalsada mismo.
Kaibigan, na hindi pa masyado nakapagpasyal sa mga lungsod, tulad
ng Maynila, ang pinaka masaklap sa lahat sa mga kabataan
na ito ay may mga sindikatong ginagamit ang mga musmos na ito upang mapag
kakitaaan. Pinagbebenta ng mga droga, pinagnanakaw, o kaya’y pinagbibili ang
katawan. Kadalasang inaabuso, pinagbubuhatan ng kamay, hindi pinapakain sa
halip ikinukulong at pinapatay pag wala silang pakinabangan ito ng hindi
makapasumbong sa otoridad.
Kong ganito ang palaging mangyayari ay makakapaniwala ka pa ba ang
kasabihan na “Kabataan ang Pag-asa ng bayan,”. Matatawag pa bang ang kabataan pundasyon ng isang matatag na republika,
Ayon sa ating batas nakasaad na ang bawat bata ay may mga karapatan.
Karapatang makahawak ng libro’t lapis, mahagkan ang haplos ng kalinga,
proteksyon, at pagmamahal ng isang magulang, matustusan ang panangailangan at
masilayan ang kagandahan ng mundo.
Pero bakit ganito? Sa bawat pagtiktak ng orasan kahirapan ang
bumabalot sa mga palad ng sangkatauhan, kasabay nito ang pag-lubo ng
pupulasyon, ngunit hindi nadagdagan ang kita ng bawat pamilya.
Ang mga tao ba’y nag iisip o sadyang mapurol ang utak at talagang
nakasanayan na ang pagluwal ng sanggol bawat taon? Matapos nito’y pababayaan na
parang basahan ang mga batang nabuo at iniluwal sa magulong mundo ngayon, na
dapat sana ay matamasa ang kalinga at pagmamahal ng isang magulang o talagalang
ito’y bahagi na ng sirkulasyon, na pabayaan
ang anak, at hayaan mabuhay tulad sa isang hayop o ibon na bahala na siyang
maghanap ng makakain upang mabuhay.
Matatandaan ko noon sa aming klase, nasabi ng aming guro: “…na masuwerte ang panganay na
anak dahil siya ay nabuo ng dahil sa pagmamahal ni nanay at tatay at ang mga
kasunod ay habitual na gawain na lamang raw.
Kong ganito ang situwasyon di ba nakakatawa ? Pero Kaka Alih yan
ang realidad, iyan ang nagdudumilat na katotohanan. Kaya ngayon sa bawat
pagtaas at pagbaba ng araw ay siya ring paglitaw ng mga batang sinuswerte, ang iba nama’y sinawing palad at
sa lansangan na lamang ipinagpatuloy ang magulong buhay. Ang ganitong kabataan
ang nag sisilbing mukha ng di-umuunlad na bansa.
Sa bawat araw na lumilipas, isang obserbasyon ang namuo sa murang
isipan ng mga isisilang na sanggol, na paglaki ay kusa ng mahahawa ng kanyang
kapaligiran.
Masosolb ba ang problema kong patuloy tayong magsisihan?
“Kaka Alih ang sakit isipin na walang magawa o hindi mabigyan ng
sulosyon ng ating gobyerno ang poblemang ito. Ano na lang ang
sasabihin ni Dr. Jose Rizal sa kanyang kasabihang ” kabataan ay pag-asa ng
bayan”? Kawawang kabataan.”
Tama ka kaibigan, ngunit ibabalik ko sa iyo ang katanungan: “Sino
ba ang may pananagutan? mga magulang o gobyerno? O silang dalawa ay dapat
magtulungan?”
Mga giliw naming tagapakinig kayo ang makakasagot sa tanong na iyan, kayo na
ang bahalang humusga, sino ang dapat na sisihin, o heto ang dapat hindi tayo
magsisihan.
Para sa akin, bilang kabataan (noon) gagampanan ko ang aking
tungkulin bilang magulang, na iniatang sa akin Poong Lumikha, kusa kong
babalikatin ang aking responsiblidad, at ako’ maniniwala na hindi tayo
pababayaan kong tayo ay mananalig at mananampalataya sa ating Poong Lumikha.
Ako ay naninindagan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kapatid
sama-sama tayong manindigan. Kaya natin ito…Matutupag natin ito sa tulong ng
Poong Lumikha ng Diyos , ng Allah.
Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid …mas
lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi natin.. bukas sama-sama tayo sa ating segment na Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya…. Sa
ating programang buhay .. ito ang inyong
Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
(PLAY EXTRO-Gabay Kalusugan at
Pampamilya)
Host/NANCY:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento