Sikat na ang
Araw Tulog Pa, Malas daw?
(October 3, 2013-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso
para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay
kalusugan at Talakayang Pampamilya”.
Host – Ms. Lucy Duce)
(PLAY INTRO-GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
Dahil bagong dating kami sa hotel na ito di kami makatulog, ang ginawa namin ni Kagawad (Didsaan Ramain , Lanao Del Sur) nanood na lang kami ng tv, which nakagising kami may araw na. |
LUCY: Magandang umaga, Kaka Ali, nasa kultura at kaugalian an g tema
natin ngayong araw, mayroon ka ba diyan na handa?
KAKA ALIH: Hahaha,
kong inihanda KASAMANG Lucy , always prepared ito, di ko pa nakakalimuta ang
ating boys scout motto na: “Laging
Handa” (PLAY
LAUGHING) Any way bago pa tayo magcamping este magtalakayan , gusto
ko muling magpugay ng Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
LUCY: Kaka ano ang inihanda mo?
KAKA ALIH: Heto na, ang
pamagat ay sikat na ang araw, tulog pa! malas daw? Agree or dis agree?
LUCY: Agree ako Kaka dahil iyan din ang sinasabi ng
nanay ko.
KAKA ALIH: Oo nga no?
sumikat na ang araw tulog ka pa, ti ano pa ang mangyayari sa inyo niyan?
Usually 6 ng umaga ang pagsikat ng araw, ang
pasok natin sa paaralan ay 7:00 or 7:30 ng umaga, e di malatte ka na, dahil
magluluto ka , maliligo ka pa, plus pa yung distansiya mo sa paaralan.
May kasabihan na: “early birds catches worms”
“Pero di naman ako birds Kaka magsasaka ako” (PLAY LAUGHING) sabi ng pilosopong magsasaka na kaibigan
natin.
Ang magsasaka mag-gising yan maaga, 3-4 ng
umaga gising na y an, pagsikat ng araw, magpahinga na yan for breakfast.
Pagkatapos ng agahan, balik naman yan sa bukid, para mag-araro, o iba pang
gagawin with his karabaw. (PLAY LAUGHING)
Kong gusto ninyong matulog kaibigan, huwag sa
umaga, after lunch o pananghalian, kayo matutulog.
Isang kaugalian ng mga Pinoy daw(?) ang
siesta o ang pag-idlip. Ang siesta ay ang maikling pagtulog tuwing hapon lalo na sa mga maiinit o
tropikal na mga bansa tulad sa Pilipinas.
Kadalasan itong ginagawa pagkatapos ng
pananghalian.. Ayon sa pag-aaral, and siesta ay nakatutulong upang ibalik at
muling palakasin ang enerhiya ng isang tao. Tinataasan din nito ang pagiging
produktibo sa mga gawain, lalo na sa mga nagtatrabaho at nag-aaral.
Nadiskubre sa isang pag-aaral na ang taong
laging nag-sisiesta ay may 30 porsyentong mas maliit na posibilidad ng
pagkamatay dahil sa sakit sa puso. Ang pag-aaral na isinagawa sa Boston,
Amerika ay nagsasabi rin na ang siesta ay isang mabisang armas upang labanan
ang mortalidad dahil sa sakit sa puso.
Nakatutulong ang siesta upang mabalanse ang
stress sa pang araw-araw na pamumuhay. Bahagi rin ang siesta sa normal na ritmo
ng buhay ng tao. Ang biological clock na nagdidikta sa pagtulog at paggising ay
may dalawang siklo kada araw, at ang isa rito ay tumatama tuwing hapon.
Posibleng ang hindi pagtulog sa hapon ay makasira sa prosesong ito.
Sinasabing mas epektibo ang siesta sa mga
nagtatrabaho. Sa mga nag-sisiesta, mayroon silang 64 porsyento ng mas mababang
posibilidad ng pagkamatay sa sakit sa puso. Ang mga hindi nagtatrabaho naman ay
may 36 porsyento ng mas mababang posibilidad.
Ngunit Lucy may pagbabago ditto, at dahil daw
sa globalisasyon at modernisasyon, ang
ugaling pag-sisiesta ay hindi na gaanong ginagawa. Noon, makikita sa mga bansa
na pagkatapos ng tanghalian, karamihan ay nagpapahinga at tumitigil sa trabaho.
Pero ngayon, walang patid ang pagtatrabaho sa buong araw. Kahit sa opisina, may
“policy” ang Civil Service Commission (CSC) na “NO noon break” sa mga ahensiya
ng goberno.
LUCY:
Bakit Kaka kahit tanghaling tapat may client ba, na dapat magtrabahao ang mga
employees?
KAKA ALIH: Yes may trabaho, lalo na ngayong
may internet, nag face book!!! (PLAY LAUGHING)
Joke lang!!! Ang totoo bawal po ang pag-gamit
sa ating oras sa opisina sa walang katuturang bagay o Gawain.
Ok balikan natin ang usapin natin, na
pagtulog sa tanghali. Kaya naman iminumungkahi ng nasabing pag-aaral ang
pag-sisiesta sa mga hindi gumagawa nito o sa mga tumigil sa paggawa nito, lalo
na sa mga nagtatrabaho at nag-aaral. Para naman sa mga nag-sisiesta,
hinihikayatin na ipagpatuloy ang kagawiang ito. (source:wikifilipinas)
Napagalam natin bakit ang iba diyan ay tulog
pa kahit sikat na ang araw ay dahil puyat siya sa gabi. Sabagay maraming
dahilan kong bakit tayo puyat, una dahil kay Mrs..
LUCY: Ano naman Kaka ang dahilan at napuyat
si Mister, dahil kay Mrs?
KAKA ALIH: A na..maraming dahilan kasamang
Lucy, una dahil kalabit ng kalabit si Mrs.. (PLAY LAUGHING) pangalawa dahil may karamdaman si Mrs, at si
tatay ang taga timpla ng gatas, at tagapag-alaga ni bunso.
Another na dahilan Lucy, kong bakit tulog pa
kahit sikat na ang araw, dahil sa likas na katamaran. (PLAY LAUGHING).. At dito na
iyon ma-aaply ang sinasabi natin na mala sang tulog pa kahit sikat na araw.
Kaya tahasang ko ng sasabihin ngayon na ang taong tulog pa kahit sikat na ang
araw ay malas!!!!! (PLAY LAUGHING)..
Ang iba naman kong bakit tulog pa kahit sikat na
ang araw ay dahil, matagal bago nakatulog sa gabi, ayaw dalawin ng antok. Sa ganitong sitwasyon, pwede nating ipasok o
ituro sa taong ito ang mga payo ni Doctor Willie Ong. Ang sabi ni Doc; “Kung
hindi ka na inaantok, ay puwede naman humiga na lang sa kama at magpahinga.
Nakaka-relax na rin ito.”
Speaking of tulog, kailangan natin ang sapat
na tulog, para sa ating kalusugan.
Ang turo ni Doc Willie Ong ay:
·
Ang tulog mula 11 p.m. hanggang 3 a.m. ay napakahalaga. Ito ang
panahon na naghihilom ang ating atay at buong katawan.
·
Matulog ng 8 oras bawat araw, mula 10 p.m. hanggang 6 a.m. Oo,
alam ko marami sa atin ay kayang matulog ng 5 oras lang. Kung ika’y may edad
na, baka puwede na ito, pero mas mainam pa rin ang makatulog ng 8 oras. Kung
hindi ka na inaantok, ay puwede naman humiga na lang sa kama at magpahinga.
Nakaka-relax na rin ito.
·
Tama ang sabi ng matatanda, dapat maagang ma tulog para maaga rin
magising. Bukod sa mabuti sa katawan, ito ang gawain ng mga masisipag at
umaasenso sa buhay.
·
Kung may trabaho ka sa gabi, bawiin na lang sa araw. Eh, paano na
ang mga nagta-trabaho sa call centers, mga night shift at may gimmick sa gabi?
Iba pa rin kasi ang tulog sa gabi kumpara sa tulog sa araw. Alam ng katawan
natin na gabi na dahil wala nang araw. Para
makabawi sa tulog, ayusin ang iyong kuwarto na maging madilim. Lagyan ng takip
ang mga bintana. Subukang makatulog ng 7-8 oras para makabawi sa puyat.
·
Kung kulang ka sa tulog, magsiyesta sa hapon para mapunuan ang
kailangan mong 8 oras na pahinga.
·
Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales
na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ang katawan at magpahinga
na.
·
Huwag din lalampas sa 10 oras na tulog. May pagsusuri rin na
masama ang sobrang pagtulog. Baka may sakit ka na.
·
Ibagay ang tulog sa iyong edad. Kapag tayo’y wala pang 20 years
old, puwedeng 9-10 na oras ang tulog. Ngunit pagdating natin sa edad 30 at 40,
mas maikli na ang tulog sa 7-8 na oras. Kapag lampas na sa edad 60 at 70,
nagiging 6 na oras na lang ang tulog. Gayunpaman, kailangan pa rin ng ating
katawan ang lakas at sigla na naibibigay lamang ng tulog. (source: Aklat ni Doc Willie Ong)
Sa katuruan naman ng Islam Lucy, isa sa Sunnah o practice ng Propeta
Muhammad (SAW) na iidlip pagkatapos niyan magsambayang ng Duhor o tanghaling
salah.
Sukran,
ito po ang inyong Kapatid na Bangsa Moro .. Kaka Alih .. Wassallam.
LUCY: Maraming Salamat Kaka Alih, sa kumpletong
rekado na yan, , mga kapatid bukas
muling abangan si Kaka Ali sa ating segment na gabay kalusugan at talakayang pampamilya, at tinitiyak ko sa
inyo na maeenjoy kayo, at maraming
mapupulot na aral..
(PLAY-EXTRO-
Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento