Lunes, Oktubre 14, 2013

SAMBAYANG NG EID AL ADHA SA UPI, GAGANAPIN SA NCES PLAYGROUND !

SAMBAYANG NG EID AL ADHA SA UPI, GAGANAPIN SA NCES PLAYGROUND !
About 5:30 umaga ang gate ng NCES ground kong saan idinaos
ang sambayang ng Hariraya Hadj

Nuro, Upi, Maguindanao (October 15, 2013).....Gagawin ngayong umaga sa Nuro Central Elementary School play ground, Ang Sambayang para sa Eid Al Adha ng mga Jamaah (congregation) ng mga masjeed sa Barangay Nuro (Masjeed Nur, Fallahie, Darrussalam, Sharifuddin at Rahmani ) magsisimula ang sambayang alas sais y media (6:30) ng umaga.

Samantala ang ibang barangay naman ay ganoon din mag-iipon sa isang hayag na lugar para sa kanilang sambayang (salaat).
Ang Jamaah (congregation) ay tinatayang mahigit
isang libo, mula sa limang masjeed sa Nuro

Ang magbibigay ng Kuthba (sermon) ay si Ustadz Faizal Dacungan na i-translate nito sa wikang Pilipino (Tagalog) para maintindihan ng mga Muslim na hindi makaintindi ng wikang Maguindanaon/Iranun/Meranaw.

Tuwing sumasapit ang ika-sampu ng Jul Al Hijjah ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo ang kapistahan ng Eid'l Adha o Feast of Sacrifice kung saan ginugunita ang sakripisyo ni Abraham sa pag-alay ng kanyang anak sa Allah (Diyos)

6:35 umaga-nag-uusap sina Ustadz Esmael Haron (chairman
ng mga Imaam sa Upi) at Ustadz Faizal Dacungan (nagbigay
ng Kutbha) extend ng kaunti ang pagsimula ng sambayang
dahil marami pa ang dumarating.
Hudyat din ang Eid'l Adha ng pagsisimula ng hajj o paglalakbay sa banal na siyudad ng Mecca sa Saudi Arabia ng mga nag Hajj (pilgrims).

Idineklara ni Pangulong Beigno Noynoy Aquino III ang araw ng Martes , October 15, 2013 bilang non-working holiday sa Pilipinas.
Samantala maaga pa ay nag assist din ang Principal ng NCES, sa paaralan upang iaasist ang mga gagamitin Sound system.

(BALITA –NENITA U. MINTED-Para sa 6:30 BALITA DXUP Teleradyo)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento