Lunes, Hulyo 7, 2014

Ang Pagpapautang Ng 5/6, Ito ba ay Nakakatulong?

(July 7, 2014, -Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)

Ang Philippine peso bill, (compliment:bayanworldwide.com)
Host/Lucy: “Pagpapautang o pagpapahiram ng pera o ano mang bagay, ay isang magandang kaugalian nating  mga Pinoy at mga Bangsamoro, subalit nitong kasalukuyang panahon, ay hindi na  pagtulong sa kapuwa ang pagpapautang,   kundi naging negosyo  na,  at dahil negosyao na nga, syempre may ganansiya o tubo na ito.        Sa umagang ito muli kaming   samahan with    Kaka Ali,  sa ating segment na: 

 (Play- Intro- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya )

Host/Lucy: Magandang umaga Kaka Alih. Matanong nga kita, Nagpapautang    ba kayo?  
Kaka Alih: Nagpapautang? Bago kita sagutin, magpupugay muna ako,   magandang umaga Lucy   at at sa pangkalahatan, specially sa mga Kapatid na nanampalataya sa Islam, asssallamu  alaikum warhamatullahi wabartakatuh (Ang Kapayapaan ay Saainyo Nawa, an gang Pagpalain nawa kayo ng Allah).

Ang tanong ni Lucy sa akin ay,  “kong nagpapautang  ako?”  Oh  no.. oh  yes.. utang na loob Lucy,   kalimutan  mo na ang tanong na yan, dahil  ako  ang  umuutang, hindi nagpapautang..   eh.. (LAUGHING)

Yes!  tuloy natin ang utangan,  este usapan…(LAUGHING)  Bweno  mga kapatid, our  topics for today is:  pag-papautang.

LUCY: Anong klaseng Pagpapautang Kaka?   5/6 ?  

KAKA ALIH: 5/6 IYAN DAW ANG USO, NA pagpaputang, but medyo di ko tutumbukin ang usaping 5/6 kasi po marami masasagasaan, din a lamang tayo sa pag-papautang, as simple as that, OK.

How we define pagpapautang?

Ganito ko sasagutin ang tanong, Lucy. Ang pagpapautang ng  pera o ano  mang bagay sa ating kapuwa ay isang kaugalian natin mga Pilipino maging ang mga Bangsamoro, nagpapatibay ng  samahan.

Ang pag-papautang ay  isa itong  pagtulong  sa ating kapuwa na  nangangailangan ng  tulong, dahil sa  kasalatan o kakulangan sa pera, o mga bagay na  maaring  naubusan siya o wala na ang isang  tao, ngunit maaring magkakaroon din siyang muli.
Sa unang pagtingin ay parang  nanghiram ka lamang, kaibhan    lang sa paghiram, ay     isasauli  mo din   ang hiniram mo, samantala sa pautang   ay ang ibabalik mo ay hindi na ang nakuha o nahiram  mo,   kundi  katulad o katumbas na lamang  ng hiniram mong bagay o  pera.
Halimbawa nito  ay nanghiram ka ng isang daang piso, pag nagkaroon ka na  ay ibabalik mo din ang isang daan piso.  
  
LUCY: May Tanong Kaka, bakit nanghihiram ang isang tao?

KAKA ALIH: Ang sagot diyan Lucy, ay maraming dahilan, maaring dahil sa may pag-gagastusan  ka  na wala sa plano  o wala  sa  budget, halimbawa pa ay biglang may mahohospital sa  pamilya at kailangan mo ang  malaking halagang  pera, kaya kinakailangan  mong  manghiram  sa kaibigan o kamag-anak,   ito na  ngayon  ang tinatawag  na utang o  pautang.

LUCY:  Tanong pa ako ulit Kaka,   bakit tinawag na pagpapautang?

KAKA ALIH: Ang sagot  pa rin ay: Ang sistema  ng pautang  kong  papano  ang pagbabayad  ay ang pag-papautang.

Alam ba ninyo na ayon sa isang Maestra: “Ang pagpapautang ay naging bahagi na ng ating  lipunan sa ngayon, ito ay naging  negosyo na, nawala  na ang konsepto nito na pagtulong sa kapuwa, o pagtulong sa nangangailangan”.

Ayon pa sa isang ekonomista, o taong may kaalaman sa takbo ng pamumuhan: “kapag matamlay ang ekonomiya at kapos sa pera ang nakararami ay  ang negosyong pautang o patubuan.”

Marami kasi ang gustong magpundar ng maliit na negosyo, naghahanap ng sideline o nagbabaka-sakali mag-abroad. Lahat ng ito ay nangangailangan ng puhunan sa lalong madaling panahon. Dahil dito ay paboritong puntahan ng mga tao ang mga lending company at mga indibidwal na nagpapautang.

Ang sabi ni Attorney, “Legal naman ang magpautang kahit walang permit basta huwag lang napakalaki ng tubo, at huwag ding gagamitin ang katagang “lending company” sa pangalan ng negsosyo mo kung gagawin mo itong negosyo”.

Maliban sa konting tubo, walang ipinagkaiba ito sa pagpapautang ng pera sa isang kaibigan o kakilala na pinagkakatiwalaan mo. Subalit habang dumadami ang pinapautang mo, lumalaki din ang peligro   bilang negosyante, dahil ang possibility na may hindi makabayad ay malapit sa katotohanan.(PLAY LAUGHING)

Ngayon Kapatid kung gusto mo ng legal, matatag at mas sistematikong paraan ng pagpapautang, bakit hindi mo tuklasin   ang Micro-lending Business?  

 Mayroon na  dito  sa atin,  nauna lang ang  Maynila,  marami na yata ditto sa Upi ang nagpapautang, na legal?

But reminder, ayon sa Lending Act of 2007, korporasyon lang ang papayagang pumasok sa negosyong lending company na may mga miyembrong hindi hihigit sa 19 na investor. Isang milyong piso naman ang minimum o pinakamaliit na puhunang pahihintulutan. Sa ganitong set-up, lubhang mas maliit ang peligro para sa mga mamumuhunan, mas produktibo ang management sa pondo, mas matatag ang kita at, higit sa lahat, mas maraming tao ang potensyal na matutulungan.

Kung may sapat na pondo na kayo ng mga kasama mong mamumuhunan, pwede n’yo nang irehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang inyong lending company.

Siyempre pa, kailangan din ng iba pang mga karaniwang legal na sertipikasyon gaya ng sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Mayor’s Permit, at kung may empleyado ka, Social Security System, PhilHealth, at Pag-IBIG.

May nagtanong sa akin Lucy,  Ano ba daw  ang nalalaman ko tungkol  sa pagpapautang?
 Napakadali magpautang. Sapagkat marami ang nangangailangan ng pera, di mo na nga kailangan ipa-malita sa buong bayan na nagpapautang ka dahil mabilis kumalat ang balita.

LUCY: Gaano kabilis Kaka Alih ?

KAKA ALIH: Kasing bilis ng kidlat at kasing tulin ni superman,  Lucy. (PLAY LAUGHING) Magugulat ka na nga lang kasi babahain ka at baka malunod ka ng mga taong di mo kilala. Maraming kakatok sa bahay nyo kung sino sino at magugulat ka pa kasi feeling nila,  friends at close na kayo kung maka utang, at halos di mo naman kilala , at magtataka ka kung paano nila nalaman na nagpapautang ka.

LUCY: Ganun ka dali kumalat ang balita Kaka?

KAKA ALIH: Ganoon kadali Lucy,  Hindi mo na kailangan maghanap ng mga customer na uutang sayo…sila na ang hahanap sa iyo, kahit tulog ka gigisingin ka.

LUCY: Wala na bang problema Kaka?

KAKA ALIH: Anong walang problema? Ahhh ang mahirap nito, sa dami nila, na gusting umutang, mauubusan ka ng puhunan, at dahil excited ka pa kumita at naiisip mo na kung lahat ng sila ay mapautang mo.. ang laki ng kita mo….magiging gahaman ka ngayon (exaggerated lang po) na lahat sila ay pautangin upang mabilis na lumago ang business mo, na halos lahat ng pera mo ay ipautang muna na halos eksakto na lang ang pera mo sa pang araw araw na pangangailan…kaya ikaw naman ang mangungutang sa kaibigan, para lang di masira ang “credibility mo sa  tao”, sabi mo sa sarili mababawi din kapag nakabayad ung isa, dalawa…

Pero kwidaw daw ang ganito, Mali ang ganitong eksena, mali ang pautangin mo silang lahat.
Huwag kalimutan ang kasabihan ng mga Bisaya, Utang lipay-lipay, bayad likay likay (PLAY LAUGHING) Madali ang magpautang mahirap maningil.

Sa pagpapautang marami ang natutulungan, pero  pansamantala lang? Yes lalo na kong nag-pautang ka naman ay 5/6 o may malaking tubo. Natulungan mo siya sa oras ng pangangailangan, subalit kinatay mo naman siya dahil sa tubo. Biruin mo ang 5 hundred pesos after a month six  hundred pesos na…

Mga giliw kong nakikinig at nanoonod, ito lang  ang pakatandaan nyo, kahit gaano sya kaganda,  kaguwapo,  kabango, at gaano mo sya kakilala o  best friend o   kamag-anak mag iingat ka! Kong minsan sila  na mga malapit sa iyo  ang madalas manghiram, at madalas din di marunong magbayad. (PLAY LAUGHING)

Kong minsan  itovpa  ang mga dahilan  bakit  nagkakaaway-away ang magkaibigan dahil sa utang, dahil sa utang na di binabayaran.

Kaya kaibigan, advise lang, Piliin mabuti kung sino ang dapat pautangin. Dapat may criteria ka kung sino ang dapat pautangin, kung bagsak sa criteria mo ang tao na umuutang  kahit kaibigan mo pa siya, tanggihan mo.   

Bilang isang namumuhunan, ikaw ang may kapangyarihan  magpasya kung dapat o hindi dapat siya pautangin. Subalit paalaala,  kung hindi mo siya   pauutangin, dahil wala sa criteria mo na dapat siyang pautangin,  maghanda ng mga linya na sasabihin kung bakit hindi mo sya papautangin, dapat madami ka ring dahilan  na  kasing dami ng puhunan mo, (PLAY LAUGHING)….kasi ang kalaban mo dyan ay sama ng loob, pag di mo na pautangin magtatanim yan ng sama ng loob sa iyo, at ikaw ang maghaharvest ng sama  ng loob. 

Sa oras ng singilan naman, kong minsan   sila pa ang may lakas  ng  loob  na magalit, bakit daw hindi  na kayo makapaghintay. (PLAY LAUGHING)

Pag-aralan mabuti kung ano ba ang criteria mo sa pag papautang, yung tipo sigurado ka makakabayad sayo kahit magka earthquake o bumaha kinabukasan, pautangin (PLAY LAUGHING) at pag di sya pasado sa iyo, dapat maging expert ka din sa paghingi ng sorry at di mo sila napautang.
Haneps din naman, LAUGHING)  Ikaw pa ang hihingi ng sorry,  kung bakit di mo sila napautang, Yes,  magpakumbaba ka, ang mga taong umuutang ay sensitive.  Kung ang umuutang ay di mo napautang at nagkataon na kamag-anak mo,  ayayay.. patay kang bata ka! Chismis at alitan ang mangyayari nyan malas mo kapag pinakulam ka, hahhaha LAUGHING)  

At ito pa ang masakit Nawalan ka na ng pera, nagkasala ka pa…

Sa  pananaw   ng  Islam ang  pagpapautang na  may tubo o  interes ay tinawag na Riba,

LUCY/HOST: Ano naman ang  sinasabi  ng Islam sa Riba?

KAKA ALIH: Ayon sa interbiyu ko kay   sinabi  ni Ustadz Ali Abdulatip:  “ang sinabi  ng Allah, pinapayagan ng Allah ang pagbebenta o pagnenegosyo, subalit ang riba ay ipinagbabawal ng Allah, ang sinasabing  riba ay may tubo o  interes, halimbawa nanghiram ka ng isang daan, ibabalik mo ay  may magiging one hundred fifty  o kahit magkano ang tubo. Ang  ganito ay malaking  kasalanan, dahil ang  katumbas nito  ay parang nakipag-zina o  nakipag-niig ka  kay nanay mo, ito  ay mahigpit na  ipinagbabawalng Allah.

Kaibigan katakutan  natin  ang impyerno, na naglalaglab na  apoy…

Bago ka masunog sa naglagablab na apoy sa imperno.  

Ito ang inyong Kaka Alih, Sukran  wasssallamu alaikum  Warahmnatullahi wabarakatuh.

HOST/LUCY: Maraming salamat Kaka Alih Mga Kapatid muling abangan ang presentasyon n gating Kapatid na R’nawon na si Kaka Ali, at sinisugoro namin na marami kayong mapupulot na aral at maaliw pa kayo.

(PLAY EXTRO: Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya



Biyernes, Mayo 2, 2014

Youth Employees ng Special Program for Employment of Student (SPES) ng Upi, Unang Araw ng Pasok sa Opisina

(BALITA:Noralyn Laguey Bilual-May 2, 2014)
Ang mga Youth Officials at Youth Employees

Nagsimula nang pumasok nitong Martes sa kani-kanilang mga trabaho sa ibat-ibang mga opisina ang 51 mga estudyanteng natanggap sa Special Program for Employment of Student (SPES)   ng LGU Upi.

Ang 51 na mga estudyante ay kinabibilangan ng  17 ang Teduray, 17 ang Bangsamoro  at 17 Settlers na mula sa Luzon at Visayas.

Sa  mga office assignment ay nagsagawa bunutan ng pangalan o raffle ang mga kinatawan ng mga department:  

Sa Municipal Budget Office ay sina    Amera Radzak Sumail  at Alonzo Andag Gunsi,.

Sa Ecological Solid Waste and Management Office (ESWM) ay sina, Rosielyn Gunsi Andag, Dennis Kent Casada Carino,  Alma Rose Barbadilla Mayordomo at Rossele Langcuas Guiama,.

Sa Municipal Accounting office ay sina Israel Sarip Mundas at Mohammad Mamansal Tatak.

Sa Office of the Mayor ay sina Jolina Leal Nabalan, Marzine Gomez Monsel, Josephine Saliling Minted,  Joan Mae Sebio Engil, at Fatima Jallorina Kamsa.

Local Civil registrar (LCR) Office sina Calmark Samulde Palomado, at Helen Joy Cortez Gullon.

Municipal Treasurers Office ay sina   Estela Aimie Sangcala Kuret,  Sarsia Basilio Malang, Hanny Ann Tumbaga Laguey,, Israel Garrigues Alila,, Erom Joshua Ong Fajunio,, Rieshenlyn Cuyong Talib,, Allyn Love Moral Bohor ,at Erald jay Timuay Sebio.

Sangguniang Bayan (SB) office sina Aisa Amino Osi at Mark Joseph Francisco Tubuan.
General Services Office (GSO) Office sina Sandra Andag Tayas ,  Flordylyn Singanon Mandi,  Israfil Sali Mantugay at  Haizel Ann Rawadin Suenan.

Sa Municipal Assesor Office ay sina  Jayson Gunsi Lalison at  Mary Claire Ariston Buringgit.

Municipal Engineering Office ay  sina  Jessa Mae Anton Moendem, Jilievert Olubalang Solaiman, Baisla Nasa Kamsa, Abdulrahim Lauban Musa,

 Sa Upi Water Supply System Level 3 ay  sina Jocelyn Abolencia Capao-an, Al-Mushirie Canda Pina, Evangeline Penuela Sarmiento at Bonjon Clavite DeVera, .

Business Development Center (BDC) ay sina Reymond Garcia Custodio, Hamilyn Bonustro Gullon, Alkenar Becares Mondares, Bainot Mano Musa, Justine Mae Labasan Dela Cruz,   Shella Mae Marquez Angcob, Fredelyn Dalimbang Romuar at Eva Mae Andag Ortouste .

Sa Municipal Planning and Development Office (MPDC)  ay  sina Claire Evimar Fiebre Figura, Jallybai Kusain Kusai, Francine Kyle Apaitan at Junambai Piang Beto.

Ang panunungkulan  ng mga kabataan na kasama sa SPES ay hanggang May  30,2014.

 “No Work, No Pay” ito ang pahayag ni  Mayor Ramon Piang Sr. , na  Policy na pinatutupad ng local na pamahalaan kaya ang lahant ng empleyado kabilang na ang mga kabataan ay   dapat na mag-logbook.


Pinapatupad din ng LGU Upi ang  Civil Service Policy na “No Noon Break” at oras ng pagpasok na 8:00 umaga hanggang 5:00 ng hapon,   kaya minumungkahi ni Mayor Piang ang pagdadala ng  baonpara sa  pananghalian.   

PARA SA KARAGDAGANG LARAWAN:  https://www.facebook.com/kakaalih/ 

Youth LGU Official Nagsimula ng Manungkulan

(BALITA:Noralyn Laguey Bilual-May 2, 2014)
Joint Special Session-Upi SB

Isinagawa ang   Joint Sanggunian Bayan Special Session ng Upi nitong Huwebes, sa Sanggunian Bayan Session. Ang session ay live sa DXUP Teleradyo.

Ang mga youth officials ay bahagi ng Youth Municipal Officials for  Good Governance, na hinalaw ng Upi Local Government Unit sa pamumuno ni Honorable Ramon Piang Sr, sa Naga City noong alkalde pa si DILG Secretary Jesse Robredo.

Si Honorable  Vice Mayor Alexis Platon,  ang Presiding officer na kaagapay naman ang bagong halal na Youth Vice Mayor Lyn Bicodo.

Si Bicodo ay mula sa  ng Sabaken National High School, na kasamang nahalal ni Youth Mayor Jade Mark Siladan at walong Youth Sanggunian Bayan member 

Joint Special Session-Upi SB
Binigyan din ng committee an gang bawat youth officials, na isinagawa sa palabunotan.

Sa Committee on Natural Resources and Environment Protection at Public Works and Infrastructure ay si Honorable  Jovie Kuret ng Dr. Bernabe G. dela Fuente Sr.National High School.

Committee on Human Rights Trade Investment, commerce and Industry si Honorable Youth councilor  Normina Mama ng  Dr. Bernabe G. dela Fuente Sr.National High School.

Committee on Youth Sport Development at Rules and Privilege si Honorable Youth Councilor Jakelyn De Vera ng Dr. Bernabe G. dela Fuente Sr.National High School.

Committee on Tourism and culture Heritage on Agriculture, Aquatic Resources Livelihood and Cooperative si Honorable Youth Councilor Isidro Cabailo Jr. ng Notre Dame of Upi High School.

Committee on Transport and Communication at Committee on Education si Youth Vanessa Michelle Son ng Notre Dame of Upi High School.
Joint Special Session-Upi SB

Committee on Laws and Good government at Committee on Market and Slaughter House si Honorable Youth Councilor Sitie Raysa Mamintal ng Notre Dame of Upi High School.

Committee on Public safety and Peace and Order at Committee on Labor and Employment si Honorable  Youth Councilor Jann Napsika Devera Saint Francis High School.

Committee on Finance and Appropriation Woman and Health Children Family Social Welfare si Honorable  
Youth Councilor Arvie Ann Dugho ng Bugabungan National High School .


Ang kaukulang pondo ng  Youth Governance program ayon kay Vice Mayor Alexis Platon ay 279,000.00.

Huwebes, Abril 17, 2014

BANGSAMORO, PILIPINO, MUSLIM AT ISLAM

(February 17, 2014,  Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”. Host –Lucy Duce)
Kasal na pinaghalo ang Kultura ,sa pananamiit st Pananapalataya
sa Islam , iba iba din ang Tribu 

Host/Lucy: “Ikaw Kaibigan, alam mo ba ang kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim, At Islam? 

Alam mo ba kailan, saan dapat gamitin? Alam mo o hindi? Samahan ninyo kami ni Kaka Alih sa ating segment na  Nakaka…..”

(PLAY INTRO-) GABAY KALAUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”

KAKA ALIH:   “Kilala ko na sila pare”.  sagot kaagad ng isa ng nating kumpare.
Sino sila?

“Sila ang mga taga Mindanao, sila ay mga Muslim, hindi kumakain ng baboy”. Paliwanag ni pare.

Iyan ba ang tunay na kahulugan ng Bangsamoro?  Ng Muslim? 

Buweno  ating tatalakayin ang Kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim at Islam, ang mga kumplikadong mga terms sa ngayon, dahil hindi pa gaanong naiintindihan.

Host/Lucy:  Kaka Alih, Sino ang Pilipino at sino naman ang tinatawag na Bangsamoro?

Kaka Alih: Kasamang Lucy, ganito ko ipapaliwaang, Tunghayan natin ang pagpapaliwanag ng isang manunulat, na di na natin kikilalanin, dahil makikilala din ninyo siya.....(PLAY LAUGHING).  basahin ninyoang sinulat ni    Kaka Ali na may titulo na Pilipino at Bangsamoro, Magkapatid?

 “Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Ang ilan sa Pilipino ay ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.

Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad na katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na o mga taga Morocco.

Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong M'ranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Suban'n, Tau Sug at marami pang iba, ang ibang manunulat, tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ng Islamized ay tinanggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang pananampalataya.”

May mahigit sampung mga tribu na kinikila   bilang mga Bangsamoro, ang alam natin dito sa Upi na Bangsamoro ay ang Maguindanaon, Meranao, Iranun,   Tau Sug at marami pang iba.

Sa FAB ay lalo pang pinatibay ang term na Bangsamoro, tinukoy dito kong sino ang Bangsamoro. Sila na mga native inhabitants, mga nauna ng nanirahan ditto sa Mindanao, ang mga pamilya nito ay tatawagin na ring Bangsamoro.

Host/Lucy:  Sino naman ang mga  Muslim?

KAKA ALIH: Alam mo kapatid na nakikinig, marami sa atin ang nag-aakala na ang Muslim ay isang taong isinilang mula sa mga magulang na Muslim, o di kaya, siya yaong isinilang sa Mindanao o sa bansa, tulad ng Saudi Arabia na ang nakakarami ay Muslim.

 Ayon sa ating mga Aleem o Marurunong, ang lahi, kulay, tribo, angkan, o pangalan ay hindi mga batayan upang ang isang tao ay matawag na Muslim. 

“Ang Muslim ay ang nilikha ng Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kanyang mga kautusan. Sa katunayan, hindi lamang tao ang matatawag na Muslim. Maging ang lahat na nilikha ng Allah bukod pa sa tao (katulad ng mga bituin sa kalangitan, ang araw at ang hangin) ay maituturing na Muslim, sapagkat silang lahat ay mga nilikha na sumusunod sa likas na batas na inilagay ng Allah sa kalikasan.

Isang kamalian at hindi kailanman matatanggap ng mga Muslim na tawagin silang mga “ Muhammedan ”, sapagkat ito ay nagbibigay kahulugan ng pagsamba kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Ang Islam ay hindi kailanman nagtuturo ng pagsamba sa Propeta o anumang nilikha lamang ng Allah. Bagkus, ito ay naghihikayat sa tao na sumamba lamang sa tangi at nag-iisang Allah, at nagbabawal sa anumang uri ng pagsamba na iniuukol sa nilikha.” (http://moro.jeeran.com/)

Host/Lucy:  Ano naman ang kahulugan ng Islam?

KAKA ALIH: Ang kahulugan ng Islam ay pagsuko at pagsunod sa mga kautusan ng Allah nang walang pagtutol.

“Ang terminong Muslim ay tumutukoy sa tao na naniniwala sa Allah(Poong Maykapal). Na sa simpleng pag-sasalin (translation) ang ibig sabinin nito ay “Naniniwala” (Believer) at sa relihiyong pag-uusap (religious connotation) ang ibig sabihin ay ang taong….. “sumuko sa Dakilang Lumikha” at ang kanyang rehiliyon ay Islam, na ang ibig sabihin naman sa payak (simple translation) na paghuhubad ay Kapayapaan (Sallam). At sa relihiyong pag-tanaw ay… “isinuko ang sarili sa Poong Lumikha” (one who submit to the Will of God).

Kapatid sana ay nagkaliwanagan na tayo sa terminong Bangsamoro, Pilipino, Muslim, Islam, sa muli kami ay nag-anyaya sa darating na Lunes, samahan ninyo kami sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ang segment writer/reporter Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Ito ang inyong kapatid   Kaka Ali ang inyong segment writer at producer,   Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

(PLAY-EXTRO GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA”)


Huwebes, Abril 3, 2014

Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa Pag-unlad ng Bansa

Ang  Kahalagahan ng Edukasyon sa Pag-unlad ng Bansa

June 25, 2012 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Nuro Central Elementary School Pre-School
Host/Noralyn: “Ang edukasyon ay sadyang napakahalga sa tao, kaya naman ang lahat ay nagsisikap na pag-aralin ang kanilang mga anak, para hindi lumaking mangmang at salat sa karunungan.   Samahan ninyo kami  ni Kaka Alih sa segment:

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih,

Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.

Host/Noralyn: Matanong kita  Kaka  Alih, gaano ba kahalaga ang edukasyon  sa atin ang edukasyon?
Bago  kita sagutin ng tuluyan Kapatid, ang  tanong ano ang ibig sabihin  ng edukasyon?

Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim, ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.

Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.

Ang  ibig sabihin ito Noralyn ay hindi  lamang dapat mong  malaman ang isang bagay  kundi dapat  mo rin pag-aralan ang kahalagahan  nito, at papaano gagamitin. Ang kong sakalaing may sapat ka ng  kaalaman dito ay kinakailangan naman ang pag-sasanay sa sarili, na gamitin  ito.

May nagtanong din sa  akin na estudyante, assignment yata niya, “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”

Ang naging tugon sa kanya ay,  “…mahalaga ang edukasyon pagkat ito ang magsisilbing gabay sa lahat,  lalo na sa mga kabataan na tulad mo. Mahalaga  ito dahil ang isang taong may talino, matutupad ang mga pangarap saan man siya magpunta.    Ito ay  isang kayaman na kailan man ay hindi mananakaw. Ito ang  kayamanan  na kapag ipinamigay mo ay hindi  nababawasan, kundi  lalo pang  nadagdagan.”

Ikaw Noralyn, may  maisasagot ka   sa ganoon tanong  “Bakit ba mahalaga ang edukasyon?”

Host/Noralyn:  Mahalaga ang edukasyon, kapag may  taglay ang isang tao sya ay nagkakaroon ng higit na kapakinabangan hindi sa kanyang sarili,  kundi sa pamilya at lipunan,  samantala  ang kawalan ng edukasyon ay nagbubunga ng suliranin hindi lang sa kanyang sarili kundi sa pamilya at lipunan.

Kaka Alih: Sadyang hindi matatawaran ang kahalagahan ng edukasyon  Noralyn sa ating  mga  tao. Ang salat sa edukasyon ay tatanda siyang mangmang o kulang sa kaalaman, ang taong kulang sa kaalaman ay kukunti ang maiaaabag o maitutulong sa ating pag-unlad.

Sino  na ang  gagagawa ng mga tulay, kong wala ang mga enhiyero, sino ang magtuturo sa mga paaralan kong walang  nakatapos na mga guro? Sino  abng gagamot sa sakitin kong walang  mga doctor?
Kaya nararapat lamang na mag-aral tayo,  pag-aralin aang  ating mga anak. May sinabi ang Propeta Muhammad (SAW) “ Seek knowledge from the cradle to the grave” (hanapin  ang karunungan mula sa duyan hanggan sa libingan).

 Ito po ang inyong Kapatid - Kaka   Alih,  Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya,  Sukran and Wassallam.

Host/Noralyn:  Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral na  ibinahagi mo  ngayong umaga, mga kapatid sadyang ang edukasyon ay mahalaga sa tao, ang taong kulang sa edukasyon ay salat sa karunungan at yaman.

(EXTRO- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

DXUP FM  blog photo files


PAALAALA: Ito ay Re-Post mula sa naisarang Multiply.com na blog

Sa Puso, Sa Isip, Sa Salita at Sa Gawa

Sa Puso, Sa Isip, Sa Salita at Sa Gawa

(Hulyo 30, 2012-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

LGU UPI EMPLOYEES 
Host/Noralyn: Sa Puso, Sa Isip, Sa Salita at Sa Gawa, ito ang bagong kasabihan ni Kaka Alih, ang ating segment writer at presenter sa segment na gabay at talakayang pampamilya.

 (PLAY INTRO)

Host/Noralyn:  “Good morning Kaka Alih.”  
 
Kaka Alih:  Good morning Noralyn, Magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nanampalataya sa  Islam.

Kaibigan, Madalas mong maririnig at mababasa (lalo na sa mg facebook at blog) ang tungkol sa maraming kanais-nais na katangian bilang mamamayang Pilipino. Ito ay ba ay sapat na? NO! Hindi sapat ito dapat na malaman at maisagawa ang   ang mga katangiang ito. At mahalagang isagawa mo kaibigan ang mga katangiang ito ay dapat , sa puso, sa isip, salita at gawa.

Narito ang  ilang halimbawa   sa mga katangian na dapat mong laging isagawa kaibigan:  

Ang pagmamahal at paggalang sa ating mga nakatatanda. Bakit pagmamahal at paggalang sa ating mga nakatatanda? Ang  sagot!  Dahil maaaring maging gabay natin sa ating pangaraw-araw na buhay ang kanilang dunong at karanasan. Igalang ang mga nakatatanda sa lahat ng oras. Alagaang mabuti ang iyong mga magulang at lolo’t lola habang tumatanda sila at sikaping lagi silang kapiling, dahil ang mga matatanda ay katulad sa mga bata na kailangan ang umaalalay  sa kanila.

Naalala ko  tuloy ang mensahe ni Lola sa apo.

NORALYN: pakireplay nga Kaka Alih kahit  ilang linya lang, nagustuhan ko yun, ng minsang isama ng ating panauhin pangdangal na si Hadji Munir Jannaral.

KAKA ALIH: Ok, heto ang ilang linya sa aking sinulat namemsahe ni  Lola: “Aking apo, sa aking pagtanda unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Sa aking pagtanda, tiyak na may  kalabuan na ang aking  mga mata at maaring akoy  nakabasag   ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana ako kagagalitan.

Alam mo  apo ko, sadyang maramdamin ang isang matanda. Nagsa-self-pity   sa tuwing sisigawan mo .
Apo ko, kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana ako sabihan ng “binge!”paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang o dili kaya ay pakisenyas na  lamang  apo.

Aking apo, pasensya ka na  dahil  matanda na talaga ako. At kapag matanda na  mahina na ang  tuhod, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Aking apo,  pagpasensyahan mo sana kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Ang pakiusap ko apo ko,    pakinggan mo na lang ako,  huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Pangalawang halimbawa   sa mga katangian na dapat mong laging isagawa kaibigan ay: Katapatan sa ating bayan, Yes   isa itong katangian na   na  dapat nating pagyamanin at paunlarin. Papaano? Maaari mong ipakita ito sa pamamagitan ng pagsasalita ng  ating tinubuang wika, ang wika ng mga Pilipino,  pagpapahalaga sa ating mga bayani, lahat ng  mga bayani kasama na diyan ang mga Bangsamoro, na nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol sa bansa mula sa mananakop na Espaniol, Americkano at Hapon.

Sa  pamamagitan ng pagtulong mo sa iyong bayan para maging  masagana at maunlad ito.
Alam mo may mga katangian ang mga Pilipino na magandang mapanatili.

NORALYN: Ano  ang mga kanais-nais na katangiang Pilipino, Kaka Alih na magandang mapanaitili?

KAKA ALIH:  Mga katangian?  Una na magadang mapanatili ay ang Pananalig sa Diyos. Napakalakas ng paniniwala ni Ting o ni  Juan  sa Diyos. Hindi siya nagrereklamo tulad ng inaasahan dahil alam niyang bahala na ang Diyos sa lahat. Nag-iingat siya ng mga simbolong panrelihiyon at  mga santo sa kanyang bahay at sumasamba siya sa mga ito. At ang mga Muslim naman o mgaa Nanampalataya sa Islam ay sinusunod ang limang haligi ng Islam at pinaniniwalan  ang anim na Rukon ng Islam.

Ang iba pang magandang kaugalian,  na magandang panatilihin ay ang  pag-galang sa mga nakatatanda.    Si Ting o si Juan   ay  nagmamano sa kanyang mga magulang, ninong at ninang at nakatatandang kamag-anak. Nakikinig siya at  nagpapahalaga sa payo nila at tumutulong sa abot ng kanyang  makakaya. Inaalagaan  ang kanyang mga magulang  kapag matanda na sila.

Ang ibang magandang kaugalian na magandang panatilihin ay pag-eestima sa bisita, Tayong  mga Pilipino ay magaaling  mag-estima ng mga bisita, kaibigan at kahit estranghero. Napakainit ang pagtanggap niya at bukas-palad siya sa mga bisita sa bahay, opisina o saan man siya. 

Ang ibang magandang kaugalian na magaandang panatilihin ay  paggalang sa mga nakatatanda. . Ginagalang ni ting  o Juan  ang kanyang ina pati na ang kanyang mga kapatid, kaibigan at kasamahang babae. Nagbubukas siya ng pinto, nag-aalok ng kanyang upuan at nagbibitbit ng bag para sa mga babae at umaalalay sa kanila kapag sumasakay o bumababa sa  sasakyan.

Ang ibang magandang kaugalian na magandang panatilihin ay  mapamaraan o maabilidad/malikhain tayong mga Pilipino kasama na diyan ang Bangsamoro. Marunong mag-recycle si Ting o si  Adi. Napakahusay umimbento ni Adi ng mga bagong bagay na pwedeng gamitin at pagkapirahan. Lumilikha siya ng mga dekorasyong gawa sa lumang dyaryo at lata ng soft drink. Nagtatabi siya ng mga lumang papel at basyong lata para magamit sa susunod.

Ang ibang magandang kaugalian na magandang panatilihin ay,   matiyaga o positibong pananaw sa buhay, at ito ang dapat na makamtan at maapanitili. 
UAS-PTIA ENGR SUKARNO DATUKAN WITH
STUDENT DURING TREE PLANTING 

Tayong mga Pilipino ay lagi siyang umaasa at tumatanaw sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Hindi siya nawawalan ng pag-asa kapag may nakakaharap na mga problema. Sa katunayan, gaano man kamiserable ang buhay niya, sumusulong pa rin siya, dahil alam niyang sa bandang huli’y muling sisikat ang araw. Tulad naniniwalaa s kasabihan naa: “Don’t lost your hope beyond the dark clouds, the sun is still shining” ang ibig sabihin ay huwag mawalan  pag-asa sa makulimlim na ulap, dahil sa likod ng maitim na ulap na  yan ay andoon ang sikat ng araw.. (LAUGHING)..

Yes totoo may friend tulad ko, noon mga ilang taon lumipas, nagtitiis at  nananatili akong  mahinahon kahit nahihirapan akong  sumakay noon  ng pampasaherong sasakyan, dahil kulang ang sasakayan at baku-bakong daan papuntang Bandar a Kutawato.o Cotabato City.

O diba ngayon    ang sasakyan ang may problema, dahil ang daming di  pasahero at namimili lang si Kaka Alih kong saan sasakay. .. (LAUGHING).. at walang  serbisyo ng telepono, matandaan ko noon pupunta ka pa sa Kibleg para magtext.. (LAUGHING)..pero ano ngayon? May mobile phone service provider na, dalawa pa, di lang celpon, di internet pa, PM na  lang sa facebook o kaya naman ay  patwit-twit na lang sa twitter.

Marami pang magagandang  nating mga Pilipino o Bangsamoro, subalit ang lahat ng ito ay hindi  lamang nating sasabihin, kundi dapat magmula sa ating puso, pag-iisipan natin bago sabihin at kong ok na sa palayagay natin ay gawin ng buong katapatan at walang pag-iimbot.
Maniwala ka  may friend, bukas,  makalawa ay maari ng  ibibigay sa iyo ng Poong Lumikha ang bunga ng inyong pagsisikap at pagpupunyagi.

Ang kailangan lamang  para tayo ay umunlad ay  isa-puso, pag-isipan, bago sabihin at higit sa lahat isagawa

Ito po  ang inyong segment writer Kaka Alih. Sukran . Waassallam.

NORALYN: Maraming salamat Kaka Alih sa magandang ibinahagi mo sa  amin ngayong umaga, ako man ay may napulo na aral, di lang pala sa isip salita at sa gawa kundi sa puso pa.

(PLAY- EXTRO)



note: repost mula sa files na DXUP Multiply.com

Bakit Hindi Nag-kakaisa ang mga Tao?

Bakit Hindi Nag-kakaisa ang mga  Tao?

(Hulyo 31,  2012-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

NORALYN: “Kabigan bakit kong minsan hindi  nagkakaisa o nagkakasundo  ang mga  tao? Kong minsan pa nga, nag-away-away sa sakitan at mayroon pang  humantong na sa patayan?  bakit nga kaya?   Samahan mo kami kaibigan.

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih,

KAKA ALIH : Magandang umaga din Nits, Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang  kapayapaan sasaatin nawa..)

Ang tanong mo  kanina Noralyn   ay, bakit    hindi nagkakaisa o nagkakasundo sundo  ang mga tao? nag-away-away sa sakitan at mayroon pang  humantong na sa patayan?  bakit nga ba Kaibigan ?

“Ah na Kaka Ali, maraming dahilan  bakit nag-away away o hindi nagkakasundo  ang mga tao dito sa mundo.” Paliwanag kaagad ng  isang  sa ating  kumpare.   .

Ang kuwento ng aking kaibigan  na Pastor, ang away na ito  ay  nag-ugat pa sa mga unang taong nilikha ng Diyos, nagsimula pa ito  sa mga anak ni Adan at ni  Eba, sinimulan  ito na ina Abel at ni  Cain.

Para konting replay  sa kuwento ni Cain at Abel sa Bibliya.  Ito ang kuwento ng dalawang magkapatid na parehong sumasamba sa Diyos o  parehong relihiyoso.

Ayon Bibliya, mas pinapaboran ang mga handog na sakripisyong hayop ni Abel kaysa sa mga alay na tanim ni Cain. Dahil dito, nagselos si Cain kay Abel at pinatay ito. Nalaman ito ng Diyos at pinalayas si Cain sa Hardin ng Eden. Dalawang magkapatid, nagselos yung isa at selos na matindi para makuha niyang patayin ang kanyang kapatid.

May hailimbawa ako kaibigan na nangyari sa kasalukuyang panahon,  ang Ramgen Revilla case.

Maalaalaala ninyo   di ba   ayon sa sinumpaang salaysay na sinumite ng abogado ni Janelle Manahan, ang nakaligtas na kasintahan ni Ramgen Revilla nung siya’y pinatay, matinding away ng mga magkakapatid ang maaaring dahilan kung bakit pinatay si Ramgen. May mga okasyon daw na pisikal na nananakit si Ramgen sa kanyang mga nakakabatang mga kapatid, kahit mga babae pa ito. May tsimis pa na nanutok pa raw ng baril, at nanakal. Istrikto raw kasi si Ramgen, kaya ganun ang kanyang mga pamamaraan para disiplinahin ang kanyang mga kapatid. May kinalaman din daw ang pera sa away ng magkakapatid.

Ang ibang dahilan na siya  ngayong ang uso,   na dahilan kong bakit hindi nagkakasundo kahit magkakapatid o magkakamag-anak. 

Ang  pulitika (LAUGHING) Yes, politics ito ang madalas  na dahilan,    politika o politics.
Ito pa ang isang dahilan, karapatan sa lupang ninuno  o ang ancestral domain. Sa R’nawon at T’duray  ay tinatawag nilang “pusaka inged” .
Tulad halimbawa sa ngayon, ang Bangsamoro ancestral domain, ang IP’s Ancestral domain, unti unti ng nawawala sa kanila, kaya dapat na maibalik na sa kanila ang pamamahala sa kanilang lupang ninuno.

Katunayan nga kahit konting bahagi lamang   ng lupa, kahit na daw yaong mohon lang  o pananda ng lupa at inilipat ng isang hakbang lamang,  ay pinag-aawayan  na yan ng magkakamag-anak.  Kong minsan  magkapatid  pa nga.

Dahil marahil sa dumami ang tao at kinukulang ang lugar na dapat nating tirahan, kaya sigoro dapat ng isulong ng mababatas ang RH o reproductive Health Bill? (LAUGHING) 

Karapatang pangtao o  human rights, isa ito sa mga matinding mga dahilan kong bakit mga nag-away-away ang  mga tao  sa ngayon:

I”hindi Nagkakasundo  ang mga tao tao    dahil  sa kulang sa kaalaman sa kanilang karapatan;”  ito naman ang paliwanag ni Atty Rolando “Anwar”  Chew.  “..maraming dahilan ang nagiging dahilan ng mga di pinagkakasunduan ng mga tao”  

NORALYN: Papaano  lulutasin ang mga ganitong problema, na nag-away  away o hindi nagkakasundo ang mga tao?

KAKA ALIH: Ang solusyon sa mga ganitong  problema;   Sa problema  sa pulitika kinakailangan ang pairalin ang tunay na  pulitika, wlang dayaan, matuto tayong sumunod sa itinakda ng  batas, huwag ng palitan ang mga nakuhang  botante ng kandidato, at kong minsan kong sino ang  maliit ang boto ay siya pa ang naproklem.

Ayon naman kay Atty Rolando Anwar Chew, isang abogadong  Muslim sa Upi, Ang sulosyon sa ganitong problema ay, alamin mo ang inyong karapatan  ayon  sa nakasaad sa  batas.

Ang sabi  naman ni Ustadz Faizal Dacungan sa ating  interview by phone ay ang  paniniwala sa Poong Maykapal o Diyos ang pinaka-solusyon sa ganitong problema, ang  buhay ng tao ay pinahahalagaan  ng Allah  o  Diyos tayo pa  kayang tao? 

Kong  ikaw ay isang Kristiyano, sundin mo inyong Biblia at kong ikaw naman ay Muslim o nanampalataya sa Islam, sundin ang Sunnah at Qur’an.

Para sa  Gabay at Talakayang Pampamilya, ito ang inyong  Kaka Ali, ang inyong segment writer ,  na  naniniwala na ang may paniniwala sa Poong Lumikha, ay  mahirap makumbinsi ni Shaitan o Satanas na gumawa ng  masama, sapagkat ang Shaitan ang naguudyok sa tao  na gumawa ng masama, kaya itakwil natin  ang Shaitan o si Satanas.

Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu.

NORALYN: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran.

(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

note: repost mula sa files na DXUP Multiply.com

Huwebes, Pebrero 20, 2014

Ayaw ka bang Dalawin ng Antok? o Hindi na Talaga Makatulog?

DR. WILLIE ONG

(February 21, 2014,  -Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan  at Talakayang Pampamilya”. Host Ms Lucy Duce)

LUCY:  Kaibigan, ayaw ka bang dalawin ng antok? O  hindi na talaga makatulog?        Don’t worry just listen to  Kaka Alih, baka masulosyonan ang problema mo kaibigan.

 (PLAY-INTRO  - GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
LUCY:  Magandang umaga Kaka Alih.

KAKA ALIH: Magandang umaga din Lucy, at sa mga kapatid na nakikinig    Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, naman sa mga kapatid na Muslim, sa mga Nanampalataya sa Islam,.  

Marahil Lucy, mayroon kang kaibigan na  ang naidadaing o nirereklamo  ay   ay ayaw dalawin ng antok, o minsan hindi makatulog.

LUCY:  Tama ka diyan Kaka, may gamut ba diyan?.

KAKA ALIH: Of course naman Lucy, mayroon, heto an gating tatalakayin, kaya makinig.

Dahil common sickness na ang ganitong problema, ito ang napili natin na topic, heto  nag-hanap  ako ng sulosyon sa problemang nasagap natin, thru internet.

Search ko sa google search engine, ang hindi makatulog, laking pasasalamat natin, lumabas kaagag ang sagot.  Ang naging friend natin sa Facebook at Blogs, na mag-asawang Dr. at Dra. Willie Ong, (ang nagpadala sa ating mga babasahing aklat) ang naging  sagot sa   problema. Ito  ang nagustuhan ko, sa may internet connection ka,   dahil sa new technology, sa isang kisap mata may sagot kana sa mga tanong.

Ayon sa sinulat ni Dr. Willie Ong, ganito ang nakasulat: “Dear Doc. Willie. Hirap akong makatulog. Kapag stressed ako, hindi ko mapigilan mag-isip ng mga problema. Ano po ang mapapayo niyo? Umaasa, James”

Hayun similar ang tanong sa atin sa tanong din kay Dr. Willie Ong.

Heto  ang sagot ni Doc Willie Ong:

“Ang pagtulog ay isang normal na proseso ng katawan. Puwede mong turuan ang iyong sarili na makatulog ng mahimbing.”
Morning Jogging with former Mayor Marmar, along  Jalan Malioboro
in Yogyakarta, Indonesia

Kapatid kong may problema ka sa pagtulog o  kong wala pa  naman, makinig ka  parin  anong malay  baka bukas, maranasan mo ang nararanasan ng kaibigan ni Kaka Ali at James.

Kapatid heto na ang mga payo ni Doctor, Willie Ong.  

“1)      Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog. Matulog ng parehong oras bawat gabi. Halimbawa, tuwing alas-9 ng gabi ay nakahiga ka na para masanay ang inyong katawan.”

Kaka, Papaano ang favorite kong teleserye sa TV? No probs my friend,  Eh  simple lang adjust ka ng time sa pag-tulog, tuwing 11 oclock ka matulog, ang iportante sabi  ni Dok sanayin ang oras sa pagtulog.  

“2)      Kumain ng tama. Huwag magpakabusog o magpakagutom. Mahirap matulog kung kumukulo ang tiyan dahil sa gutom. Umiwas din sa maaanghang o spicy foods bago matulog.

3)      Uminom ng Vitamin B Complex. Pampagana ito ng pagkain at makatutulong din sa pagtulog

4)      Magkaroon ng regular na ehersisyo. Masarap matulog kapag napagod ang katawan sa umaga. Ayon sa Bibliya, masarap ang tulog ng manggagawa. Ito’y dahil pagod ang katawan ng isang nagtratrabaho.

Kaibigan pwede kang maglinis sa umaga sa bakuran o sa bukid kaya, huwag masyadong tamad.

5)      Umiwas sa pag-inom ng kape. Pampagising kasi ang caffeine, na nakukuha sa kape.

6)      Umiwas din sa pag-inom ng alak. U huwag na talagang uminom, dahil ito ay Haram sa Islam. Marami ang gumagamit ng alak para sila makatulog pero may masamang epekto po ito sa ating puso at atay. Matamlay ka at may hang-over din sa umaga.

7)      Umiwas sa paninigarilyo. May nicotine ito na nagdudulot ng kanser at gumigising sa iyong isipan. Kaya naman sa ngayon ay deklaradong Haram na ito n gating Darul Ifta ang paninigarilyo.

8)      Huwag magtrabaho pagkalampas ng ika-6 ng gabi. Yes lalo na mga Muslim, yaong nanamplataya sa Islam, dahil waktu nay an ng Magrib, or sunset prayer, Pare Mare, magsalah ka, o magsambayang tayo.  Ihinto mo na ang iyong isipan. Hayaan mo nang mag-relax ang iyong utak.

9)      Mag-relax bago matulog. Puwede kang manood ng katawa-tawang palabas sa telebisyon o magbasa ng magasin o komiks.  Pwede din daw yung…. never mind…..(LAUGHING).

Kaibigan, mayroon    nakaka na payo si  Dok Willie, at alam ko magugustuhan  mo  na rin katulad ng kumpare ko,.  

Makakatulong daw  ang makipag-sex sa gabi sa inyong asawa.

Ayon sa study, na isinagawa ang mga expert,  nakatatanggal daw ng stress ang pakikipagsex,    of course… only  sa ating  asawa o sa ating mga asawa..

(LAUGHING).

LUCY:  Papaano  Kaka ang walang asawa?

KAKA: A nana mag-asawa, kong wala ng asawa, o hindi pa nakapag asawa,laktawan na lang itong payo number 9 ni Doc Willie Ong. (LAUGHING).

Ano ba yan, balikan natin si Doc, ang sabi Doc Willie: “Nagiging mahimbing din ang pag-tulog ng tao pagkatapos   ng sex.. (LAUGHING).

Pare Walang malisya! Telling the truth tayo, mula iyan kay Doc Willie. (LAUGHING).

10)   Ilayo ang mga relos O  ALARM  CLOCK. Huwag kumuha ng maiingay na relos na tumutunog kada oras. Bumili ng digital clock. Baka ka ma-stress dahil maaalala mong hindi ka pa nakatulog.

Gumamit ng celpon bilang alarm clock, speaking of celpon, nakakadistorbo din ang celpon, kaya pwedeng OFF muna, or silent mode,  para wala ng txt o call.

11)  Huwag mag-schedule ng maagang meeting. I suggest 9 ng umaga, but come on time. Kung alam mong may gagawin ka ng maaga bukas, baka hindi ka makatulog sa gabi. Normal lang po ito dahil excited ka.

12)  Gawing matahimik at komportable ang iyong tulugan. Bawasan ang mga ingay at kaluskos sa tabi. PUKSAIN ANG PESTENG DAGA NA  MAINGAY. Itali ang asong tahol ng tahol, pakainin baka gutom na yan. Patulugin na si rin si beybi. Gawing madilim ang silid. OFF your lights, makakatipis ka pag bayarin sa korente. Ang hirap nito baka iba ang interpretasayon ni Mr… (LAUGHING).

13)  Bumili ng komportableng kama, unan at kumot. MAYROON NAMAN DIYAN NA INSTALLMENT, abangan yaong mga Bombay na nagpapautang. (LAUGHING).. Puwede kang magkulambo para hindi ka kagatin ng lamok. At ligtas ka pa sa kagat ng lamok na may dalang dengue.

14)  Huwag itapat sa iyo ang electric fan. Masama po ito sa  kalusugan at puwede kang magka-Bell’s Palsy (ngumiwi at maparalisa ang mukha). Hayaan lang umi­kot-ikot paitaas ang hangin.

15)  Uminom ng mainit na gatas o sopas bago matulog. Maganda rin ang saging o cookies sa gabi.PeroLucy, ang sinasabi kong saging ay totoong saging , (LAUGHING)..  Saba o lakatan o iba pang variety. Ang saging ay may tryptophan na nakakaantok.

16)  Huwag umidlip sa hapon. Umiwas sa siesta at pagtulog sa araw. Dahil kapag nakatulog ka na sa araw ay hindi ka na aantukin sa gabi. Ipunin mo na lang ang iyong tulog sa gabi.

17)  At siyempre, huwag kalimutan magdasal   Ipasa mo ang iyong iniisip sa Diyos. Siya na ang bahala lumutas nito. SA MGA MUSLIM PWEDE MABISA ANG MAGTASBIH KAYO HALIMBAWA “SUBAHANALLAH”,“ALLAH AKBAR”, “ALHAMDULLLILAH”…Ang isa pa na sinabi ni Ustadz,  “Magbasa tayo ng Quran”, lalo kong Ramadan, times 70 na hasana ang reward mo sa bawat titik o letra na mababasa.

SA MGA KRISTIYANO naman ay Magdasal ng ganito: “Diyos ko, gawin mo pong maganda ang araw na ito para sa akin at pamilya. May mga problema ako pero alam kong hindi mo ako pababayaan. Matutulog na ako at ipapakiusap ko na bantayan mo ang aking mga mahal sa buhay. Ipapasa ko na sa iyo ang lahat ng problema ko. At paggising ko bukas, ng malakas at masaya, magagawa ko na po ang pinagagawa mo sa akin. Amen.” 

Ito po ang inyong Kapatid  na si  Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat ituloy ang pananaliksik ng karunungan, katulad ng sinabi ng Propeta Muhamad SAW:  “Seek knowldege from the cradle to the grave” (hanapin mo ang karunungan mula sa duyan hanggang sa libingan.)   

Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na gabay at talakaayang pampamilya,..  Sukran and Wassallam

LUCY:  Maraming salamat Kaka Alih, muling abangan ang mga makabuluhan at punong puno na kaalaman na sadya niresearch at sinulat ni Kaka Alih, at sinisigoronamin  sa inyo na maaaliw pa kayo, basta si  Kaka Ali, katum ini.

(PLAY-EXTRO- GABAY KALUSUGAN AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)