Linggo, Nobyembre 24, 2013

UPO-part 2

(September 25  2013-Lunes - Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce.       
         
(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

Upo, which in Iranun is "labu"
LUCY:   Magandang umaga Kaka Alih, kumusta na  ang iyong umaga at ano ang ibabahagi mo ngayong umaga?  

ALIH:   Hahahaha.. Lucy, ano pa nga ba..   eh di gulay pa rin  tayo, este its fine, nag-gugulay na rin ako (PLAY LAUGHING) but kaibigan please huwag mata-matain ang gulay, ano mang ay pampapalakas dahil ay maraming sustansiya!!!

LUCY:   at huwag kalimutan ang payo ni Doc Willie na kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw kong gusto mong humaba ang iyong buhay.

ALIH:  Tama!  But before anything  else Lucy eh, allow me to greet everybody,     with sweet “Good morning, ladies and gentlemen” in Filipino ay… magandang umaga mga kababayan ko… Sa mga kapatid na Muslim,  my greetings ng: asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.

Buweno tulad ng nasabi natin, pampalakas at pampalusog na gulay ang ibabahagi ko ngayong umaga, …tantaraan!!!!  ang Upo.

Ang  scientific name ng upo ay Lagenaria siceraria at sa  Ingles called is as  calabash or other called it white squash (putting kalabasa). Ang tawag dito ng Iranun at Teduray ay labu…

Ang Upo  ay isang uri ng halamang baging o gumagapang na may mga mahahaba at mapuputing bunga na kahugis ng batuta. Ang kinakain o ginugulay ay ang bata pang bunga.

LUCY:   Masarap lutuin yan lalo kong  ihahalo sa native na manok.
 
KAKA ALIH:  Lucy wag mo naman akong paglawayin, maaga pa, saka na lang nating pag-usapan ang paano lutuin ito, paglabas ko, pwqede mo ng ikuwento ang pagluluto,…LAUGHING)

Ang gulay na ito ay mayaman sa carbohydrates. Ang buto nito ay maaaring mapagkunan ng langis na panggamit sa buhok.

Napakadaling patubuin ang Upo, may dalawang uri, ito ay  ang Indian club Shape at Round form.

Sa pagpili ng lupang pagtataniman, ang upo ay nangangailangan ng lupang mabuhaghag at mayaman sa organiko.  Iwasang magtanim sa mga lugar na may mataas na acidity, alkalinity o salinity. Malaki ang epekto ng hindi magandang lupa sa produksyon ng babaeng bulaklak ng tanim.

Maaaring itanim ang upo sa anumang uri ng klima. Gayunpaman, ang malakas na pag-ulan ay hindi makabubuti sa tanim. Ang temperaturang kailangan ng upo ay 300 hanggang 350C. Kapag ang temperatura ay masyadong mataas, mas maraming bulaklak na lalaki ang mabubuo na nagdudulot ng mababang ani at kita. Para sa mas masaganang ani, magtanim sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre o mula Mayo hanggang Hulyo.

Linisin, araruhin at suyurin nang dalawang beses ang lupang tatamnan. Gumawa ng tudling na may layong 3 metro at butas ng mga tudling na may layong 1 metro.

Ang upo ay maaaring itanim nang direktang buto (direct seeded) o punla (transplanted). Ang distansya ng pagtatanim ay 3 metro x 10 metro. Sa panahon ng tag-ulan, itanim ito sa bandang ibabaw ng tudling at sa bandang ibaba naman ng tudling sa panahon ng tag-araw. Maglagay ng dalawang buto sa bawat butas. Bunutin ang mga payat na punla 7 araw pagkatapos umusbong. Magtira lamang ng isang tanim sa bawat butas.

Magdamo 14 na araw pagkatapos magtanim at magsablay o araruhin palabas ng puno isang buwan pagkatanim kapag hindi naalip-ipan.

Maglagay ng abono o dumi ng hayop upang mapakinabangan ng mga pananim ang mga sustansiya mula sa dumi ng hayop. Makakatulong ang pagpapatubig dito.

Maaari nang anihin ang bunga 50 hanggang 60 araw pagkatanim. Mainam na gumamit ng kutsilyo sa pamimitas ng bunga upang mahiwa ang tangkay 5 sentimetro mula sa dulo ng bunga.

Sa pagluluto ng Upo ay abangan  sa buhay-buhay  doon tayo magluluto.

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahagi na tiyak naming na pakikinabangan nating lahat.


(PLAY EXTRO)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento