Mga
Kauaglian na Dapat Panatilihin at Kalimutan
(Enero
31, 2013 -Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay
–buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”.
Host Noralyn Bilual)
"Overloading" kahit alam natin na ipinagbabawal |
Host/
Noralyn: “Mga Kauaglian
na dapat Panatilihin at Kalimutan ang tatalakayin sa
ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya, sa ating programang buhay-buhay… at of course
makakasama natin ang nakaka… na kapatid na
Bangsamoro, si Kaka Ali.
(PLAY INTRO- Gabay at
Talakayang Pampamilya)
Host/
Noralyn: Magandang
umaga Kaka Alih,
Kaka
Alih: Magandang
umaga naman, Assallamu alaikum WW…
Ang kaugaling Pilipino
ay sadyang likas na sa ating lahat, papaano kasi ito na ang nakagisnan ng lahat.
Kung ating susuriin ang ating mga ikinikilos bilang mamamayang Pilipino/Bangsamoro,
marahil ay masasabi mo “ah naituro na sa ating lahat ang ganitong iba’t-ibang
kaugaliang Pilipino”. . Ngunit sa
makabagong panahon ngayon, at sa pagbabago ng ating kapaligiran tila nag-iiba
na ang kaugaliang nakakasanayan natin.
Sa makabagong panahon
ngayon, ang kaugalian ng Pilipino at Bangsamoro ay nananatiling yaman pa rin ng
ating kultura at kaugalian. Karamihan sa atin ay ipinepreserba pa rin bilang isang pamana sa
mga susunod nating henerasyon. Kaya naman minarapat nating paksain muli ang mga
kaugaliang ito ng mga Pilipino at Bangsamoro, dahil dito natin malalaman kung ang kaugaliang
ito ay kanais-nais pa bang panatilihin o ilibing na lamang sa limot, dahi hindi na baga angkop sa ating kasalukuyang
lipunan na ginagalawan.
Kapatid na nakikinig at
nanonood, ang layunin ng segment na ito,
na
palagi nating tinatakay ang mga kaugaliang Pilipino ay upang maimulat ang mga
Pilipino at Bangsamoro sa mga maganda at hindi magandang ugali na ating namana
sa ating mga ninuno.
Pagtutulungan |
Ang iba pang layunin natin
dito ay upang maipabatid sa mga Pilipino
at ibat ibat tribu sa ating bayan at kalapit bayan, kung gaano kahalaga ang isang kaugaliang
nakasanayan natin na minana pa ating mga ninuno. Upang ang maimulat ang ating
mga sarili sa mga maaaring kalabasan ng ating mga ginagawa sa tuwi tuwina, mga ugaling ipinapamalas natin sa mga
nakakasalamuha natin sa buhay, na nakikita nila sa atin sa araw-araw, lalo na
an gating mga kabataan na sadyan din a nila alam ang mga kaugalian natin.
Tanong: Ano nga ba ang
kaugaliang Pilipino? at ang katangi-tanging
mga kaugalian sa ating sistema?
Buweno, kaibigan, unahin
natin ang magandang pantilihin dahil nakakabuti hanggang sa ngayon:
Di
paghiwa-hiwalay ng pamilya kahit may asawa na. Ang pagiging matibay ang
pundasyon ng pamilya ay nagpapatunay na ang Pilipino ay
likas na mapagmahal sa kanyang pamilyang kinagisnan, lalo na’t may mga anak
silang nagsi-asawa na’y pumupunta pa rin sa kanila para manatiling buo ang
pamilya.
Operation Linis ng LGU Upi-June 1, 2012 |
Ang
pagkarelihiyoso o mapaniwalain sa Diyos ng mga Pilipino.
Ang pagkakaroon ng takot sa Diyos (o minsan ay tinatawag na rin na may
pananalig sa Diyos) ay nagpapatunay lamang na ang tao’y nananalig sa Diyos sa
araw na may dinadala siyang problema, nakatatanggap ng mga biyaya, o hindi
naman kaya’y gustong makatanggap ng kapatawaran sa lahat ng nagawang sala sa
buhay. Kapag wala na’ng pag-asa ang isang tao ay humihingi ito ng tulong sa
ating Panginoon para maresolbahan ang kanyang dinadalang ‘pasanin’ sa buhay.
Ang pagtutulungan, ng
magkakabarangay. Ito ang bayanihan, ito ay
naglalarawan ng pagtutulungan ng mga Pilipino tungo sa isang magandang bukas,
kagaya ng simpleng pag-aani ng mga itinanim na mga palay sa palayan, paglilipat
ng mga bahay-kubo, pakikipagtulungan sa oras na kailangan ng tulong, at iba pa.
Dito sa bayanihan na ito nakukuha ng mga Pilipino ang kooperasyon sa kada tao
na kasapi ng kanyang komunidad.
Ang pagiging matulungin
ng mga Pilipino ay isa sa mga magandang kaugalian ng ating bansa dahil ito ay
nagbibigay ng kooperasyon sa pagitan ng tao sa kapwa tao, tinutulungan ang
bawat isa sa panahon ng sakuna o problema. Tulad ng bago pa lamang na nangyari
na sakuna sa mga kapatid silangang Mindanaw, ang mga nahagip ng bayong Pablo.
Marami nang napagdaanan
ang ating bansa pagdating sa suliraning kalamidad at iba pang problema ng
bansa, ngunit ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat Pilipino ang
nagpapa-init ng ating mga damdamin, maaaring ihalintulad na ito sa bayanihan na
ginagawa pa noong unang panahon. Kahit ano’ng laki ng problema ng bawat isa sa
atin ay nagagawa pa ng ibang tao na tulungan, o gumawa ng paraan upang
matulungan ang isang tao.
Pagbibigay
halaga sa patay. Tuwing sumasapit ang araw ng mga patay,
ang isa pang kaugaliang Pilipino ay ang pag-alala ng mga tao sa kanilang mahal
sa buhay na yumao na. Ang paghahandog ng mga bulaklak, nakasinding kandila, mga
pagkain, at masasayang kuwentuhan ng mga natirang mieymbro ng naiwan ang
kadalasang ginagawa ng mga tao sa tuwing sasapit ang araw ng pag-alala ng
kanilang yumaong mahal sa buhay.
Magbibigay tayo ng mga
halimbawa na kaugalian na dapat baguhin o kalimutan na dahail hindi nakakbuti
sa atin.
Ang
colonial mentality. Ang mga Pilipino ay likas na nanggagaya
ng kahit anumang bagay na mayroon ang mga banyaga, ngunit karamihan sa mga
Pilipino mula noon hanggang ngayon ay tila ‘nahuhumaling’ sa gawang-banyaga.
Hindi natin maaaring itanggi na tayo’y sinakop ng tatlong nasyonalidad:
Kastila, Hapon, at Amerikano, ng ilang taon. Nakuha natin sa kanila ang
iba’t-ibang bagay na mayroon sila. Ano nga ba ang ibig sabihin ng colonial
mentality? Ito ay ang isang ugali ng tao na mas gusto niyang i-patronize ang
produkto ng ibang bansa kaysa sa kanyang bansang sinilangan. Dito na pumapasok
ang produktong stateside na binibili ng mga tao, panonood ng mga hi-tech na
pelikula, pagkakaroon ng imported na gadgets, at iba pa.
Ang
crab mentality. Kung ang isang tao ay palagiang
umaasenso sa kanyang buhay sa sikap at tiyaga, mayroon ring mga tao na gustong
sirain ang pagkatao, o hindi naman kaya’y hinihila ng naninira ang estado ng
isang tao pababa. Ito ang tinatawag na crab mentality, kung saan ang isang
tao’y hindi masayang makakita ng taong umaasenso sa buhay.
Padrino
system. Ano nga ba ang ibig sabihin ng Padrino system na
ito? Ito ay ang pagpapakilala ng isang tao sa isa pang tao na ito ‘raw’ ay
matulungin o kayang tumulong sa mga problema ng isang tao.
Mapanghusga.
Ang mga Pilipino sa ngayon ay kadalasang nanghuhusga ng ugali o ng pagkatao ng
isang indibidual. Alam naman natin ang kasabihan sa Ingles na ‘don’t judge a
book by it’s cover’ na nagpapakahulugan lamang na huwag tignan sa pisikal na
anyo kundi sa loob nito; ngunit mayroon talagang mga tao na pilit pinipintasan
ang bawat taong may kaunting mali sa kanila.
Pagkalimot
sa nakaraan o madaling makalimot. May mga pangako tayong binitiwan, ngunit di natutupad. Marami sa mga pulitiko ang ganito, ngunit mayroon ring mga
tao ang ganito ang ikinikilos. Ito ay isang kaugalian na hindi malaman kung sa
positibo o negatibong ugali ito nabibilang, dahil pagkatapos ng naganap ay
nakakalimutan nila ito.
Matigas
ang bungo/ulo o ibang taway ay Pasaway. Alam na nating lahat
na may taong minsan, o kadalasan, matigas ang ulo. Hindi sinasabi na matigas
ang bungo o ulo ng isang tao, kundi ang utak na ginagamit sa pag-iisip. Marami
sa mga tao ang matitigas ang ulo dahil isang simpleng babala lang ay pilit
nilang sisirain ang babala, gaya ng ‘huwag magtapon ng basura’ pero makikita
mo’y puro basura. Hindi nila alintana ang batas natin na ecological solid waste
management, tulad natin sa DXUP pangatlong beses na ito na naisuehan tayo ng citation ticket dahil sa hindi
paghihiwalay ng nabubulok na basura sa hindi nabubulok..pasaway talaga ang DXUP
at iba pang offices..
Ningas
cogon. Ang kaugalian ito ng Pilipino at Bangsamoro na dapat nang mawala o nmakalimutan dahil ito walang developmental, walang pagsulong ang kaunlaran . Bakit ningas cogon? Ang cogon ay isang damo na
madaling mabuhay at madaling mamatay. Ang tao ay mabilis gumawa’t mabilis
mapagod. Ang ningas cogon ay isang uri ng ugaling Pilipino na sa una’y
masisipag gumawa ng maraming hangarin at sa pagtagal nito’y nagsasawa na rin
silang gawin.
Manana
habit o Mamaya na lang, may oras pa. Ito ay nanggaling sa Kastila, na ang ibig sabihin
ay prokastinasyon, o ang pagpapaliban sa pinagagawa sa kanya at mabilis na
gagawin ito pagdating ng eksaktong araw upang magkaroon lamang ng isang bagay
na kabilang sa pinagagawa sa kanya. Maraming tao sa gobyerno, paaralan,
pamantasan, bahay, at iba pang lugar ang gumagawa ng ganito, na akala nila’y
maganda ang dulot nito sa kanila.
Ilan lamang yan sa mga
ugaling dapat baguhin nating mga Pilipino at Bangsamoro.…ito po ang inyong Kaka
Alih.. sa muli samahan kami sa ating segment na Talakayang Pampamilya.
NORALYN: Maraming salamat Kaka, Kaka Alih. Bukas muling abangan ang ating
segment na Gabay at Talakayang Pampamilya.
(PLAY EXTRO Gabay at Talakayang Pampamilya.)