Pagsasanay
Para Labanan ang Sakit na TB Isinagawa sa Upi
Upi Health nurse Susan Nogra |
Enero 29, 2013 (Nuro,
Upi)…Umaabot na sa 75 Pilipino ang namamatay araw-araw
dahil sa sakit na TB o tuberculosis, kaya naman nanatili ito sa ika siyam na sa
22 bansa na binabantayan ng World Health Organization (WHO) dahil sa may
pinakamataas na problema sa TB.
Ayon sa Department of Health o DOH, ang TB ay ang
pang-anim sa mga sakit na nangungunang sanhi ng kamatayan omortality at
morbidity o sakit sa Pilipinas.
Ayon pa rin sa report
may 129,000 katao ang dokumentado at kumpirmadong may TB sa Pilipinas
Kaya naman may mga isinasagawang
programa ang goberno upang labanan ang sakit na TB.
Participants from Barangay Nuro, Borongotan, Blensong, Darugao Mirab at Kibleg. |
Sa bayan ng Upi ay isinagawa nitong Martes Enero 29 ang TB
Educators Training Counselling sa mga
Barangay Health Workers,(BHW) Muslim Religious Leaders (MRL) at rural health
workers.
Unang sinanay ang mula
sa anim na barangay ng Nuro, Borongotan, Blensong, Darugao, Mirab, at Kibleg.
Agad naman isusunod ang nalalabi sa 23
barangay ng Upi.
Habang ang 2nd
Batch ay ang mga Barangay ng Ganasi, Kibukay,
Tinungkaan, Bugabungan, Sabaken, Kabakaba, Rempes, Nangi, at Sefegefen. Ang
ikatlong batch naman ang mga barangay ng Rifao, Ranao, Renti, Bayabas, Bantek,
Kinitaan, Renede, at Kiga.
Workshop "How they Do It |
Ang bawat Barangay ay may limang partisipante, apat na BHW o Barangay health Worker at isang kagawad
ng Barangay ang Committee on Health.
Ang training ay
isinagawa ng Muslim Youth Religious Organization, Inc. na ginanap sa Barangay
Hall ng Nuro.
Ang layunin ng training
ay upang masanay o maging bihasa ang mga
BHW, MRL at health workers na labanan ang sakit na TB.
Participants Hon Kagawad Bai Noraida at Jacky Gamit |
Bagamat mataas ang
bilang ng namamatay sa sa sakit na TB, nilinaw naman ng DOH na batay sa kanilang
pinakahuling istatistika, bumaba ang bilang ng TB mortality dahil sa pagtutok
ng goberno sa problema.
Nakamit na rin ng DOH
ang 70 porsiyento ng TB Case Detection Rate at 85 porsiyento ng Treatment
Success Rate sa mga bagong smear positive TB cases nitong nakalipas na anim na
taon.
Sa ngayon ay may panukalang batas na papaano lalabanan ang sakit na TB, ito ay
tinaguriang Comprehensive Tuberculosis
Elimination Act. (Balita: Nenita Minted at Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento