Lunes, Enero 21, 2013

Pagkakaisa at Disiplina ang Kailangan Para Kapayapaan


Pagkakaisa at Disiplina ang Kailangan Para Kapayapaan
 (Enero 22, 2013-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Melid-Salong Family,  mula sa anak na si Bansil
NORALYN: “Papaano  nagiging mapayapa ang isang pamilya?   ang isang   bayan?  Ang sagot ay maraming paraan,  ‘ika ng iba ay kinakailangan  mo  lamang  makita ang susi,  ano ang tamangh susi?  Ang isang susi daw nito ay ang pagkakaisa at disiplina. Ikaw kaibigan ano  ang inyong susi? Buweno   Samahan kami   Kaka Alih, dahil siya ang susi sa usaping ito…siya ang  ating segment writer at presontot sa ating segment na  gabay at talakayang pampamilya.
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih.
KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Noralyn,   assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.
Noong  May 13, 2012 ay    isinagawa ang unang 1stgrand family re-union ng pamilya Anso – Pendulunan,  mga isang  libo din ang nakadalo,  at napakasaya,  biruin mo kasama mo na pala, pero di mo alam na kamag-anak mo,  di   mo alam na malapit pa lang kamag-anak, mo ang kasa-kasama mo sa araw-araw?.
NORALYN:: pang-ilang generation  ka pala Kaka Alih sa pamilyang Anso?
KAKA ALIH: Ako?  sandali ha, kuwentahin ko muna (LAUGHING)..  Si Anso, na lolo naming lahat, ay  anak niya si Melid, si Melid anak niya ang Nanay  ko na si Ito, ah pangatlong layers o generation na pala ako Noralyn…
Sa isinagawa naming na re-union, dito napatunayan Noralyn, na  malaki ang factor ang magagawa ng leader, subalit kailangan ng leader ang disiplina, dahil mayroon talagang di nag-cocooperate  sa membro ng pamilya, subalit  dahil sa maganda ang pangangasiwa at pag-organized nabuo ang  at naisagawa ang nasabing family re-union, na  yun. 
Subalit kong wala ang  mga membro ng  pamilya na nakiisa at sumuporta di namin  magagawa ang ganoon na ka very successful na family re-union.
Ito ang nakuhang kong aral sa family re-union nay un, na  ang tagumpay ng isang gawain  o bayan ay nakasalalay sa kanilang  pinuno at mga kasapi o membro.  Ito ang disiplina ng pinuno, tiis sa pasakit at hirap, at pakikiisa ng karamihan. 
Ang family reunion nay un ay pwede kong gamitin na halimbawa sa pamamahala sa isang goberno natin.  Doon ko nasubukan na kapag nagkaisa ang nakakarami ay mapagtatagumpayan ang isang hinhangad na pinapangarap. 
Nalaalaala ko ang sinabi ni Mayor Piang sa isang programa, natin na naisahimpapawid sa DXUP, ayun kay Mayor:
 “Para sa kaunlaran ng bayan, kailangan ang  pagkakaisa, mapayapa atg walang nag-aaway-away para  walang pangangamba sa kaligtasan ng kanilang buhay at ari-arian…”  
Noralyn , anong masasabi mo sa   sinabi ni  Mayor?   
Melid  at Salong  angkan ng anak na si Ito, ang pamilya
ni Alih
NORALYN:  “Ako?...Agree ako sa ating alkalde, na ang kaunlaran ng bayan at   produktibong mamamayan ang tunay na yaman ng bayan o bansa. Mahirap umuunlad ang isang bansa kung ang mamamayan ay walang ginagawa na makakabuti para sa bayan at sa  kanyang kapuwa. Kong hindi nagkakaisa ang mga mamamayan at kanilang leader hindi makakamtan ang kapayapaan ng pamilya o ng pamayanan”
KAKA ALIH: Tama ka diyan  Kapatid na Noralyn,   may nagtanong pala sa akin, ang tanong ay : “Ano ba ang dapat taglayin ng isang  mamamayan upang makatulong ito sa pagbibigay-lakas at makapag-ambag sa kaunlaran ng kanyang  bayan?”
Heto ang sagot ni Maam, isa itong retired teacher:  “Upang maging madali para sa bayan o bansa ang pagtatamo ng kaunlaran at kapayapaan ng isang lugar, kailangang ang magkatuwang o magkatulong ang mga mamamayan at pinuno nito. Dapat na    may lakas, pagkakaisa, malulusog, may disiplina sa sarili at kaalaman ang mga mamamayan para makamtan ang taagumpay na hinahangad.”
Sang-ayon ako sa inyong tinuran maam, I second the motion.
 Pinaliwanag din ni Maam, na ganito:   halimbawa daw nito ay: “Ang autoridad katulad ng ating Kapulisan at ng Sandahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) ay hindi mangingiming ipatupad ang sinasabi ng batas, dapat pantay-pantay, ang pag-papatupad ng batas na tulad ng sinasabi nila na may piring ang katarungan, (ang ibig sabihin nito ay,  hindi niya nakikita kong ikaw ay kamag-anak o kaibigan, dahil kong ikaw ay nagkasala, sori ka nalang, trabaho lang walang personalan)..
Ngunit Kaka Alih, dapat isa-alang-alang din ng mga otoridad ang karapatang pangtao o yaong tinatawag na human rights.” sagot   ng isang human advocates group.
Sang-ayon ako kay Maam,  dapat sa pagpapatupad ng batas ay palaging isinaalang-alang ang makatao o walang nilalabas na human rights na pagpapatupad ng batas, alalahanin na maraming tribu dito sa ating bansa,  magkakaiba ang kanilang mga paniniwala at iba-iba din ang kultura, kaugalian na kinagisnan at pinaniniwalaan.
“Kaya naman nararapat lamang na  pinag-aaralan o inaalam ng mga ahente na ito ng goberno ang kultura, kaugalian at paniniwala, para maipatupad nila ang batas na hindi nalalabag ang kultura at kaugalian ng ibang  Pilipino”. Ayon kay Nancy, isang anchor ng programa sa DXUP FM.
Halimbawa,  dapat malaman ang kultura ng mga Kapatid  na Pilipino sa kultura ng mga kapatid nilang Bangsamoro na Muslim, na minsan ay  nalalabag ng mga otoridad ay itong  pagsusuot ng sapatos sa loob ng Masjid o bahay ng sambahan. Ang  sapatos ay hindi ipasok   sa llob ng Masjeed (mosque), maging sinu ka man,  kina kailangan alisin ang sapatos kong papasok ka sa Masjeed (mosque) at kong isa kang  Muslim dapat nakapaghugas (ablution). 
Ang mamamayan ay dapat sa sumunod sa sinasabi ng batas, dapat sumunod tayo sa  patakaran, halimbawa,  kong sinasabi ng batas na bawal ay dapat sundin natin,  huwag ng maglalagay o  magtitinda  n gating  paninda.
Ang patakaran ay dapat kumuha muna ng business license bago magnegosyo ay kinakailangan nating sumunod.
Muli tayong magtatanong sa bayan: “Ano   ang maaaring kahihinatnan ng isang bayan o bansa kung ang kanyang mamamayan ay walang disiplina? Gulo, sa bayan na walang didiplina ang mga mamamayan, dahil hindi sila mnarunong sumunod sa batas.
NORALYN: “Kaka Alih, Tiyak magulo, walang asenso, dahil,  instead na pagpapaunlad ang inaasikaso ng otoridad,   ang  concentrate nila ay  ang  pagdidisiplina sa mamamayan.  
KAKA ALIH: Correct ka diyan Noralyn.  Kabayan…Naisip mo  na rin ba ang magandang mangyayari kung lahat ay may disiplina?·  
Naisip mo na ba   ang mangyayari sa bansa kong walang nagnanakaw sa kaban ng bayan?  Kong walang nangungurakot na official sa pera ng bayan?   
Naisip mo rin  ba kong ang ating mga kawani at official ng bansa, ng bayan, ay tutupad ng kanilang mga tungkulin ng tapat at dalisay, ibig sabihin ay walang corruption?· Magrereport siya sa opisina sa tamang oras at uuwi din sa oras ng uwian?    
Naisip mo rin ba Kapatid kung hindi na   magtatapon ng basura kung saan-saan ang ating mamamayan?·    Na hindi na tayo magtatapon ng basura sa ating mga kanal na patuloy na pinapaganda ng ating local na pamahalaan?
May tanong akong muli sa iyo Noralyn,  kung susunod ang mamamayan  sa mga batas at alituntunin ng trapiko, ng patakaran ng pagtitinda sa palengke, what you will expect?·
NORALYN: “ I am sure kaka  Ali, magiging    modelo tayo,   wala tayong problema, ang ating mga oficial o otoridad ay makakapagtrabaho ng maayos, na walang sagabal,  kaya asahan  natin na kaunlaran ang susunod na  mangyayari.
KAKA ALIH: Tama ka Noralyn, kung iiwas siya sa mga bisyo tulad ng mga ipinagbabawal na gamot?·    At higit sa lahat, kung tutupad ang bawat isa sa kanyang mga tungkulin?  Kong ang bawat isa sa atin ay gagampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang kapuwa at higit sa lahat tungkulin sa kanyang Poong Lumikha,   at tuparin ang ipinag-uutos at ipagbawal ang ipinagbabawal?.Tiyak kong kalulugdan tayo ng ating Poong Lumikha.
 Ito po ang inyong Kapatid - Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat  “…matuto tayong sumunod sa batas upang hindi tayo magkaproblema, para sa kaunlaran ng vayan, disiplina at pagkakaisa  ang kailangan”...
Sukran and Wassallam.
NORALYN: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, para sa ating kaunlaran.
Bukas abangan ang isa pang segment…dahil lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya ..
(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento