Ang mga encoder |
Upi, Maguindanao (Enero
28, 2013)…Para maiwasan ang mga pekeng claimants sa biyaya ng Pantawid
Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay nagsagawa ng malawakang rehistrasyon ng
biometric sa bansa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na
kinukunan ng automated fingerprints ang bawat membro ng 4Ps.
Nitong umaga ay isigawa
sa Upi gymnasium ang biometric registration
sa 4,450 4Ps beneficiaries ng Upi.
Ang mga encoder |
Ang ARMM ay tinatayang 300,000
ang 4Ps beneficiaries at ayon sa mga assessment ay may mga complain na hindi nila
nakukuha ng benificiaries ang kanilang cash grant dahil may mga bugos na claimant, kaya humanap ang
ahensiya upang ipatigil na ang mga anomalyang ito.
Ang 4Ps beneficiaries ng Up |
Ang 4Ps ay sinimulan
noong bago magtapos ang taong 2010 sa
rehimen ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA), inilunsad ang
Conditional Cash Transfer (CCT) sa bansa. Sa panunungkulan ni Pangulong Benigno
‘Noy-Noy’ Aquino III (P-Noy) ang CCT ay kinilala bilang 4Ps at itinaas sa P39.5
bilyon mula sa P10.8 bilyong badyet para dito. (Ulat ni Alih S. Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento