Ilog na dahan-dahan ng nawawala ang tubig dahil wala na ang mga puno. |
Gamitin ang ating Likas Yaman sa Tamang Paraan
(Enero 16, 2013-Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/ Noralyn: “May kasabihan tayong mga Pinoy na Ang Taong may Pangangalaga sa Kalikasan ay may Kinabukasan”, at samahan ninyo kami sa ating segment Gabay at Talakayang Pampamilya sa ating programang buhay-buhay… at of course makakasama natin ang nakaka… na kapatid na Bangsamoro, si Kaka Ali.
(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Kaka Alih: Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.. good morning to all listeners, and even yaon hindi nakikinig sa sariling radio, dahil sa kapit bahay lang nakiki-share..(LAUGHING) ngayon umaga ay muli nating tutukan o ipagpapatuloy ang usapin tungkol sa kalikasan o itong nasa ating kapaligiran. Ang gusto kong pag-usapan ay wastoing pag-gamit sa ating likas yaman na nasa ating kapaligiran.,
NORALYN: Paano nga ba ang wastong paggamit ng Likas na Yaman?
KAKA ALIH: Ok mag-share ako ng ilang pamamaraan o dapat gawin para makatulong tayo sa wastong paggamit n g ating Likas na Yaman, na likas yaman na dahan-dahan ng nasisira dahil sa walang pakundangang kagagawan ng tao, mga taong walang pagmamahal sa biyaya ng Diyos.
1. Simple lamang an gating gagawin kapatid, hailmbawa ang pagbabawal ng pagtatapon sa mga tubigan ng basurang galing sa ating mga tahanan, lalo na yaong galing ng planta halimbawa ang mga rice mill ang ukap ng palay at pakaw ng mais, na hinahayaan na lamang mahulog sa mga ilog o estero.
2. Pagtatayo ng mga water treatment plant upang linisin ang mga maruruming tubig mula sa mga pagawaan, pook alagaan ng mga hayop tulad ng mga piggery ,tahanan at taniman lalo na yaong ginagamitan ng mga deadly chemicals.
3. Mga-tree planting, o pagtatanim muli ng mga puno sa mga kagubatan upang mapigil ang biglang pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.
4. Ang pagbabawas o pag iwas sa paggamit ng kemikal sa mga taniman, maging pro-organic na tayo.
Ang ilog na pinagkukunan ng mga ulam ng mga katutubong Bangsamoro (Teduray at R'nawon). |
5. Sa mga LGU ay ang pagbabawal sa pagtatayo ng mga pagawaan at pook alagaan ng hayop na malapit sa dagat o ilog.
6. Sundin ang batas sa pagpapatayo ng palaisdaan, tulad ng fish pond at fish cages.
7. Magtipid sa pag-gamit ng tubig, lalo na ang galing sa Romagonrong falls, na dumadaloy sa ating mga gripo.
8. Ipagbawal ng mga pamayanan ang pagtatayo ng mga tahanan sa ibabaw ng mga estero, tabing ilog.
9. Iwasan o limitahan ang pag-gamit ng sasakyang de motor.
10. Ipatupad ang batas sa ecological solid waste management o paghihiwalay sa nabubulok at hindi nabubulok, at ihiwalay din ang pinakikinabangan pa, recyclable na basura.
11. Isipin at isapuso na ang kalikasan ay pinahiram lamang sa ating ng Poong Lumikha, at may mayroon pang gagamit na susunod na henerasyon.
At kapag naipatupad o nagawa natin ang ating mga ipinahayag sa inyo, ito ay magsisilbing ehemplo o naipakita natin sa ating mga kapuwa Pilipino an gating pagmamahal sa ating bansa, at sa buong daigdig, dahil ang epekto ng kalikasan ay pangkalahatan. Tulad ng ng nangyayari sa Japan na may snow ngayon dib a nararamdaman natin dito ang lamig.
Kaibigan, makiisa at tumulong sa pangangalaga sa kalikasan, dahil ang taong may pangangalaga ng kalikasan ay may magandang kinabukasan.
Ito ang inyong kapatid na Iranun na Bangsamoro, at inyong segment writer sa Gabay at Talakayang Pampamilya.. Kaka Ali, Wassallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
NORALYN: Maraming salamat Kaka, sa napakagandang kaalaman na yan, na iyong ibinahagi, kaya mga giliw naming tagapakinig, abangan bukas ang segment ni ni Kaka Ali na Gabay at Talakayang Pampamilya, dahil tiyak marami kayong mapupulot na aral at impormasyon.
(PLAY-EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento