Pagkaing
Halal, Haram at Makroh
KASUMBALI (pagkakatay) ng Kambing Source: http://1.bp.blogspot.com/-E533_X5t4Fw/UO3YiCZdw LI/AAAAAAAACH0/Wmr2u8pkXcQ/s1600/cruel-halal.jpg |
(September 27, 2013-Biyernes - Script na
sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan
at Talalakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)
(Play-
Intro- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
LUCY:
Magandang
umaga Kaka Alih,
KAKA ALIH
: Magandang umaga din Kapatid na Lucy,
at magandang umaga din sa lahat ng nakikinig, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang
kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaatin Nawa) naman sa mga kapatid na nanampalataya sa
Islam, o sa mga kapatid na Muslim.
Araw ng
Biyernes ngayon, kaya kalusugan o pangangalaga sa katawan ang ating mga
theme. At sa umagang ito ang
ibabahagi ko ay itong isa mga natutunan
ko sa napuntahan na nating bansa, ang bansang Indonesia.
Yes, ang ibabahagi ko o pag-uusapan natin ay mga
pagkain na makakasama at makakabuti sa ating katawan,
but in the context of Islam o sa
pananaw ng Islam.
Alam mo kapatid na nakikinig, sa panahon ngayon,
marami na ang naglalagay ng mga “karatula” signage o nakapaskil na sulat sa kani-kanilang mga
restaurant o karenderia ng salitang “Halal.”
Maging
sa mga paninda o goods ay may
nakatatak na rin mga “Halal” at nakasulat pa sa Arabic text. Ang layunin nila ay
upang hikayatin ang kanilang mga
customers na Muslim, na bumili sa kanilang paninda o produkto. Magandang layunin subalit ito ba ay tama?
Napansin mo ba ito Lucy, itong mga
naglipanang marking o signage na
“Halal”?
LUCY:
Napansin ko na rin yan Kaka Ali, kahit dito sa ating bayang Upi kong minsan ay may mga tindahan o karenderia na may nakatatak
sa tindahan o paninda nilang pagkain na “Halal?”.
KAKA ALIH: Salamat Lucy at napansin mo ang
mga napansin ko, ang mga itatanong
ko sa kanila sana , ay maganda sigorong itanong ko na rin sa iyo: “ano ang pag-kakaintindi mo sa Halal?
LUCY:
Walang halong karneng baboy, Kaka
Alih.
KAKA ALIH: Tama ka Lucy, Ganyan din marahil
ang kanilang mga sagot. Matandaan mo ang
mga interbiyu mo sa ilang mangangalakal ng pagkain
dito sa Upi, noong dumaang Meguyaya festival ganyan din
ang kanilang pagkakaalam sa Halal
na pagkain, “walang halong karneng baboy”.
Sa isang
banda ay tama sila kasamang Lucy, subalit kinakailangan pa madagdagan ang
kaalaman na yan, dahil pwedeng maging Haram
din ang pagkain na walang baboy. Yes
Kapatid, kahit
walang halong karne ng baboy, langis o
dugo ng baboy ay pwedeng maging Haram ang pagkain na yan?
LUCY:
Ha? Papaano yun nangyayari Kaka? Akala
ko basta walang halong karneng baboy ay Halal na ang pagkain?
KAKA ALIH: Ganito niyon Lucy/kaibigan, ipapaliwanag ko sa
iyo at sa madlang nanonood at nakikinig.. pero may similar pa subject pa akong
nakuha, ang sabi basta ang restaturan o karendiria ay Muslim ang may-ari ay
Halal ang nilututo. Kong ganito ang situation ang ibig sabihin ba ay pag
Kristiyano ay may-ari ng karenderia ay Haram na din ang niluluto?.
Alam mo
Lucy, kong minsan ay higit pang masasabing Halal ang niluto o pag-aari ng isang Kristiyano kaysa Muslim? But generally
speaking ang niluto ng Muslim ay Halal, provided alam niya ang kaibhan ng Halal
sa Haram. Dapat malaman natin na mga
Muslim at Kristiyano na ang Halal na pagkain ay pwedeng maging Haram, at ang
haram ay din a pwedeng maging Halal.
Halimbawa
natin ay ang hayop nab aka ay Halal na hayop, but kong hindi ito sinumbali o
kinatay ayon sa paraan ng Islam ay magiging Haram na rin ito. Kong ninakaw ang
isang hayop, pag alam mo na ninakaw ito at kakainin mo parin ay Haram na rin
itong maituturing.
Ayon sa
katuruan sa Islam, ang Halal ay pinahihintulutan o pinapayagan o yaong pwedeng
kainin ng Muslim (Nanamplataya). Ayon sa
Quran, ang lahat ng malinis na pagkain ay Halal, sa katunayan halos lahat ng
mula sa dagat, tanim at hayop ay nabibilang sa Halal, maliban lamang sa mga
tinukoy ng Quran.
Alam ba
ninyo na sa mga kultura ng mga Bangsamoro na Muslim ang mga tinae, balat ng
kinatay na halal na hayop ay haram din? at
ito naman ay naayon din sa katuruan ng Islam.
LUCY:
Nabanggit ninyo kanina Kaka Ali ang salitang Haram, Ano naman
ang ibig sabihin ng sinasabing Haram na
pagkain?
KAKA ALIH: Ang Haram means -
ipinagbabawal o yaong hindi pinapayagang
kainin. Ang ilan sa binanggit ng Quran na Haram na pagkain ay ang Halal na hayop
na hindi nakatay ayon sa Islam, dugo, baboy, mga hayop na inialay sa mga
Bathala at mga nakakalasing na inumin. Kasama din dito ang mga hayop, ibon na
carnivorous at ano mang pagkain na nahaluan ng Haram.
Ang mga
hayop na nakatira sa lupa ay ipinahihintulot kainin maliban sa ilang uri na
ipinagbawal ng Islam at ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang asno
na inaalagaan,
2. Ang
anumang hayop na may pangil na ginagamit nito sa pagsila, maliban sa hyena.
3. Ang mga
ibon, maliban sa mga sumusunod:
a)
Ang mga ibon na may kukong ipinandadagit o ipinansisila. Nagsabi si Ibnu
‘Abbas (RA): “Ipinagbawal ng Sugo ng Allah (SAS) ang lahat ng may pangil na
mabangis na hayop at ang lahat ng ibong may kukong ipinaninila.”
b)
Ang mga ibong kumakain ng patay gaya ng agila, buwitre, uwak, at lawin
dahil sa dumi ng kinakain ng mga ito.
4.
Ipinagbabawal din ang mga hayop na nakapandidiri tulad ng ahas, daga, at mga
kulisap (maliban sa balang at tipaklong).
Ang pagkain
Haram pag kinain mo ito ay magkakasala ka sa Allah at tiyak na may karampatang
parusa mula sa Allah.
Subalit
kahit Halal na hayop ay may parte din
ng katawan nito ana Haram, pag kinainmo. Ang tanong ay: “Anong
parte ng halal na hayop ang hindi dapat kainin ng mga Muslim?
Ang sagot
ay: “Ayon sa Hanafi school of thoughts ay 22 ang di dapat kainin sa halal na
kinatay na hayop: halimbawa ay ang guts,
intestines o tinae, bladder o bahay tubig, ari ng hayop, daluyan ng dumi, dugo,
semilia, ang taba, balat, anak na nabuo
na at iba pa.”
Mayroon pang
katuruan sa Islam, na kong pwede ay di dapat kainin ng mga Muslim ito ang atinatawag na Makrooh.
LUCY:
Ano naman ang ibig sabin naman ng Makrooh Kaka Alih ?
KAKA ALIH: Ang Makrooh ay pagkain na
hindi kanais-nais o yaong pinaiiwasan. Ito ang pagkain na pinaiiwasan ng Allah
at ni Propeta Muhammad dahil maaring makasira sa tao, o dahil mapanganib.
Alam mo ba Noralyn
na may pagkain din na tinatawag na
Mashbooh, na ang ibig sabihin ay nagdadalawang isip ka o yaong hindi sigurado ang pinamulan kong ito ay
hindi nahaluan ng Haram o wala.
Ang
katuruan ng Islam dito ay ang Makrooh at
Mahbooh, pag kinain mo ay wala kang kaparusahan, ngunit pag iniwasan mo ito ay
may balas o reward kang tatanggapin mula sa Allah.
Inatasan ng
Allah ang Kanyang mga lingkod na kumain ng mga pagkaing nakabubuti at
ipinagbawal Niya sa kanila ang mga pagkaing nakasasama. Sinasabi Niya (2:172):
"O mga mananampalataya, kumain kayo ng mga nakabubuti na itinustos Namin
sa inyo.…"
May
halimbawa ako sa mga makroh. Makroh ang pagkain ng hilaw na sibuyas, bawang, at
anumang tulad nito na may masamang amoy lalo na kung papasok sa Masjid.
Ang sinumang
mapipilitang kumain ng pagkaing Haram (ipinagbawal), dahil ikapipinsala ang
hindi pagkain nito, ay pinahihintulutang kumain ng makasasapat lamang upang
manatiling buhay. Ang nakalalason ay hindi maaaring kainin kailanman.
Ang sinumang
mapadaan sa isang taniman at namitas ng bunga sa puno nito o namulot ng
nalaglag na bunga at walang anumang bakod na nakapaligid sa pataniman at wala
ring nagbabantay; ipinahihintulot sa kanya na kainin ang nasabing bunga ngunit
hindi siya magdadala, hindi aakyat sa puno, hindi mambabato ni manunungkit ng
bunga, at hindi kakain sa mga nakatipon o nakatumpok na bunga maliban na lamang
kung kinakailangan.
Kapatid, sa sususnod…mas lalo nating
paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating
segment na Gabay Pangkalusugan at Talakayang Pampamilya ..
Sukran and Wassallam.
LUCY:
Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon
na yan, mga kapatid isa naman kaalaman,
para sa ating mga Nanay,
na nagluluto ng mga pagkain, lalo na sa mga may
karenderia, na huwag natin abusuhin ang pag-gamit ng word na Halal, dahil ito ay
may inclination sa paniniwala ng mga
Kapatid na Muslim, o mga kapatid na nanampalataya sa Islam. Igalang ang kanila
ang paniniwala ng ating kapatid, para
tayo din ay kanilang igalang.
(Play-
EXTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento