Miyerkules, Oktubre 14, 2015

Mayor Piang Files COC under LP



October 15, 2015, (Nuro, Upi, Maguindanao) ......About 8:30 this Thursday morning Estelita B. Orbase,

MAYOR RAMON PIANG SR. TEAM with the
COMELEC Officer 
Estelita Orbase and staffs.
Upi Comelec Officer III, received the Certificate of Candidacies (COCs) of Upi incumbent Mayor Ramon A. Piang Sr.

Mayor Piang a former principal of Notre Dame of Upi, a local high school managed by the Archdiocesan Notre Dame Schools of Cotabato.

Upi was formerly a barrio of Dinaig (part of the province of Cotabato then). It was separated from the said town by virtue of Republic Act No. 1248, approved June 10, 1955 .

The first Municipal executive was, Maria Badoy 1955-1956) appointed as the first Municipal Mayor. In 1956, the first election wherein Mayor Ignacio Tenorio Labina, (1956-1960) a Teduray leader, was the first elected mayor of Upi and held his office for four years.

Next elected mayor -Datu Abdullah "Ugcog" Sinsuat (1960 – 1963); Datu Michael "Puti" P. Sinsuat - )1963 – 1980); Bai Fatima P. Sinsuat (1980 – 1986).

While after EDSA rervolution Datu Mohammad "Unting" Sinsuat , Appointed as Mayor (1986 – 1987) then elected as Mayor in 1987 to 1992. In 1992 election Datu Michael "Puti" P. Sinsuat wins and in 2001 the graduated vice mayor Ramon A. Piang, Sr. was elected as mayor for three terms (2001 – 2010).

In 2010 election, Piang runs as vice mayor with Ruben D. Platon, but only 11 months in service. Mayor Platon resigned, since appointed by the President Aquino as Head of Philippine Safety College.

As Elected Vice Mayor, Piang became the mayor and continued the remaining years. And in 2013 election Piang elected again as Mayor.

For this May 16, 2016 National, Local and ARMM Election, Mayor Piang’s teammates are the current Vice Mayor Alexis Platon and eight (8) Sangguniangbayan (Municipal council) members that are equally distributed to three ethnic groups in Upi, the Indigenous People, Moro and settlers. They are incumbent councilors Wilfredo Ibanez and Janito Rabelo for Teduray tribe. For the Maguindanaon tribe, incumbent councilors Norodin Musa and Michael Sinsuat , and for the settlers are councilors Myrna Lou De Vera, Rodelyn Andres, Raul Gardose and Maria Elena Teleron-Castro.

Upi COMELEC Officer Estelita Orbase said for local position, the campaign period will start from March 25- May 7 and for the national post will be on February 9 to May 7, 2016.

Orbase added that the voter’s registration was temporarily cancelled to give way for COC filing but it will resume on October 19 until October 31, 2015.
MAYOR RAMON  PIANG SR. TEAM  with the COMELEC Officer
Estelita Orbase and staffs.

Linggo, Agosto 30, 2015

Market @ Slaughter Updates-AUGUST 31, 2015...

Market @ Slaughter Updates-AUGUST 31, 2015...
Dinidispley sa fish section ng Upi public market ang ibat ibang uring isda, na dala ng negosyanteng si Jun Osi. Dumating ang 60 boxes na isda na lulan ng fishcar, nitong hapon ng Linggo mula sa GenSan.
Current price ng isda sa Upi Public Market:
1-Bangus.140/kg
Fish section, Upi public Market

2-Pirit/boron..120 /kg
3-Lopoy-70-80/kg
4-matambaka...140 /kg
5-Danggit..120/ kg
6-Tilapia...140 /kg
7-Tamban...80 /kg
8-Tayang...130 /kg
9-tuna/barilis slice..180-200 /kg
10-Tulingan...120/kg
11-Small barilis...140 /kg
12-pusit s/b...120 /kg
13-Sulig...160-180 /kg
14-Lapulapu...220 /kg.
15-Salmonite, 220/kg.
Napag alaman mula sa reliable source na sa Fish Section..with license  .ay sina:
Amalia Jun Osi..stall # SW-07 at Jovelyn Pasawilan stall#SW-01.

Ulat.ni..Patrol 1, Alih S. Anso
 Fish section, Upi Public Market

Huwebes, Agosto 13, 2015

320 DAYS LEFT, FOR REALIZATION OF BANGSAMORO ENTITY

320 DAYS LEFT, FOR REALIZATION OF #BANGSAMORO ENTITY???

320  Days left for the realization of #Bangsamoro Entity

NOW ITS August 14, 2015, so counting from today, President Aquino's administration, is ONLY 320 DAYS LEFT..

Therefore Senate/Upper and Lower House should enact ASAP the Bangsamoro Basic Law (BBL) in "Letter and Spirit of FAB/CAB," to pave the way for the creation of the NEW #Bangsamoro government, a new political entity that would replace the 23-year old "FAILED EXPERIMENT" the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). 

REMEMBER! that May 13, 2016 the scheduled, 1st Election for New (#BANGSAMORO) government, and in June 30, 2016, the day that President Benigno Aquino III ends its term.

Miyerkules, Agosto 12, 2015

MAGELCO PATULOY ANG UPGRADING SA FACILITIES


.Dxup Teleradyo Interview kay Engr. Adzal Rasul, 
MAGELCO Area 1-Project Manager 
(covering DOS, Upi, South Upi at Datu Blah Sinsuat) 
Nuro, Upi (August 12, 2015)......DXUP Teleradyo Interview kay Engr. Adzal Rasul, MAGELCO Area 1-Project Manager (covering DOS, Upi, South Upi at Datu Blah Sinsuat).

"Patuloy ang ating upgrading sa facilities ng ating MAGUINDANAO ELECTRIC COOPERATIVE (MAGELCO) tulad ng pagpapalit ng dating meter sa digital meter".

Nanawagan din si Engr. Razul na magbayad ng kanikanilang electric bill ang member/consumers para maiwasan na maputulan ng linya.

Nagpaalaa siya na iwasan ang illegal na gawain sa kuryente, tulad ng pagtampered sa metro, series connection, paglalagay ng jumper, pagsira ng seal ng metro, at iba pang uri illegal na gawain.

Kapag kayo ay nahuli maari kayong maparusahan, putulin ang inyong linya, pagbaabayad ng back billing ng nawalang kurente at pagbayad ng surcharge hanggang 100%.

Maari rin kayong mapatawan ng korte ng penalties o multa mula P10,000-100,000 o pagkabilanggo na mula 6 hanggang 20 taon.

Martes, Agosto 11, 2015

LGU Upi Mapalad na Tatanggap ng 2014 Rafael M. Salas and Development Award

Nuro, Upi, Maguindanao (August 11, 2015) .......Mangunguna ang Upi Local Government Units sa tatlo na LGU mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM ) na tatangap ng "2014 Rafael M. Salas and Development Award " 

Bulwagan Bayan ng Upi (courtesy of FB of Mayor Pian
Ang Regional Awarding ngayong araw ay gaganapin sa Koronadal City.

Pumapangalawa ang LGU Buluan at pangatlo naman ang LGU Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ang mga Local na Pamahalaan ay tatanggap ng Award, dahil sa magandang pamamahala sa larangan ng kalusugan, paglalaan ng pondo sa kalusugan, pagpapatayo ng mga pasilidad at maayos na pamamahala at monitoring ng may kaugnayan sa program sa Kalusugan. 

May limang LGU naman mula sa Region 12 ang tatanggap katulad din na awards, ito ang Koronadal City, Kidapawan city at General Santos City, at ganoon di ang mga bayan ng South Cotabato, Isulan sa Sultan Kudarat at Tupi mula sa South Cotabato. 

Ipagkakaloob ngayon umaga kay Upi Mayor Ramon Piang Alejandro Pkasama ang iba pang opisyal ang katangi-tanging Awards. (Balita-Alih Anso)

Biyernes, Agosto 7, 2015

Teduray Village sa ARMM Compound, Open sa Publiko.

Ang mga leader
Ang traditional na kainan ng Teduray

Agosto 7, 2015 (Upi, Maguindanao)….Pormal na binuksan nitong Biyernes sa publiko ang Teduray mock Village bilang bahagi ng mga ‘cultural community villages’ sa loob ng Autonomous Region in Muslim Mindanao compound.

Bago ang pagbubukas sa Teduray village ay nagsagawa ng parade ang mahigit tatlong daang mga Teduray na pinangunahan ni Timuay Larry Tanzo, Deputy Governor ng ARMM para sa IPs at ni Mayor Ramon Piang Sr, kasama ang mga leader mula sa bayan ng Upi, South Upi, Datu Odin Sinsuat, Datu Blah Sinsuat at Coatabato City.

Ang Teduray ay mula sa Angkan ni Mamalu ang kapatid ni Tabunaway.

Nagkaroon din ng maikling opening program at bago nagtakip silim ay nagkaroon ng traditional na kainanan, na pawang lutong Teduray. At isa dito ang kilalang pagluluto ng Teduray sa buong manok na sinabawan ng gata ng niyog, na ang kanin ay nakabalot naman sa dahon ng saging.

Sa gabi ay nagkaroon ng kantahan ng Rayray Band, na kilala sa mga awiting Teduray version.

Nauna ng binuksan ang mga iba pang community villages nitong buwan ng Ramadan. Kabilang na dito ang pitong pangunahing tribo sa ARMM ang Maguindanaon, Tausug, Sama, M’ranaw, Yakan, Iranun, at Teduray.

Ayon kay ARMM Tourism Secretary Marites Maguindra, ang pagbubukas muli ng cultural villages ay para maipamahagi, maintindihan at lalong maunawaan ng ating mga mamamayan ang kultura, kasaysayan at pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang probinsya ng ARMM.

Matatandaang binuksan noong Nobyembre 2014 ang limang cultural community villages bilang bahagi ng ika-25 na anibersaryo ng ARMM.

Sa mga naunang mga buwan ay nagkaroon na ng iba’t-ibang aktibidad at pakulo tulad ng children’s day at indigenous arts and handicraft exhibit, zumba, hataw at yoga session.

Tampok din sa naturang mga village ang pagsasabuhay sa mayaman at makulay na kultura at sining ng iba’t ibang tribong bumubuo sa Bangsamoro.

Ang ARMM ay kinabibilangan ng mga probinsya ng Maguindanao, Lanao Del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. (Alih S. Anso-)

Miyerkules, Agosto 5, 2015

REVENUE COLLECTION SA UPI PUBLIC MARKET PWEDENG MA-TRIPLE o HIGIT PA

REVENUE COLLECTION SA UPI PUBLIC MARKET PWEDENG MA-TRIPLE o HIGIT PA


Current Revenue Collection natin sa Market, ay may average na P25,000.00 kada buwan, ito ang latest na datos na napag-alaman natin mua sa office of the Treasurer.
Bago ang buwan ng Hunyo, n g ating ating 60th Foundation Anniversary ay nagsaliksik o researched tayo ng mga information na may kaugnayan sa revenue collection sa may public market.

Lumalabas sa ating computation ay pwedeng   makakolekta  ang  LGU Upi  na  aabot sa  104,060.00 buwan-buwan na RENTALS lamang  di kasali   ang business licences at cash tickets tuwing market day  kong magbabayad ng husto ang lahat ng mga “resources” na nasa    public market area na may  collection lamang tayo ng P25,000.00 monthly

Papaano ko nakuha ang figure na 104,060.00 na makokolekta?

Ang actual na nakokolektahan ng renta sa mga stalls o kuwarto na nasa public market:
Building  A B C D
#
Building  A-Rent
Building B-Rent
Building C – Rent
Building D-Rent
1
P380/Monthly
P380/Monthly
P380/Monthly
P380/Monthly
2
P365/Monthly
P365/Monthly
P365/Monthly
WALANG RENT
3-9
P350.00/Monthly
P350.00/Monthly
WALANG RENT
WALANG RENT
10
P365/Monthly
P350.00/Monthly
WALANG RENT
WALANG RENT
11
P380/Monthly
P365/Monthly
P380/Monthly
WALANG RENT
12

P380/Monthly

P380/Monthly
  
Samantaa Sa bagong Market Code- Municipal Ordinance No. 6 Series of 2011 ay P500.00 monthly ang bawat room, but since wala pa daw “dialogue” ang LGU sa mga occupants ay di pa ito naipapatupad.

Mayroon pang ibang facilities ang LGU Upi na pwede pa tayong maka kolekta:
Isdaan o Fish section, sa nagpapabili ng  isda dagat dalawa lang na stall ang may lisinsiya at sa isda sa tabang ni isa ay walang kumuha ng business permit. 18 ang stalls na dapat sana ay magbabayad ng 250.00

Karneng Baboy section- _P275 monthly at 10 stalls pawang may business permit sa municipyo. Sa Pork Section ay 18 na stalls at sampu lang ang may umuukupa o may lisinsiya,

Karneng Baka (Beef)  section- P500 monthly rental per stall- may apt (4) na kumuha ng business permit o lisinsiya. 12 stall din at apat lang may lisinsiya.

Manuk o Chicken Section – P275.00 monthly, isang stall ang kumuha ng lisinsiya. 6 at isa lang may lisinsiya.

Gulayan o Vegetable Section (kasama na ditto ang buladan)– P100 monthly rentals per stalls-
Dry Goods Section – 20 stalls with business permit-50-100 ang monthly ang bayad sa ground rentals.
Cafeteria Section – bagong building- 32 stalls P42 daily kasali na ditto ang water connection/payments, building rentals cash ticket na 2 piso. 9-10 lamang ang regular nakakabayad ng full ang iba ay paliban-liban. Ang makokolekta sana kong straight ang bayad araw-araw na 42.00 equals P1,344.00 x 30 may total na 40, 320.00.


14 rooms ang Hataman buildings, at ayon sa napag-alaman natin ay posibleng sa June 9 ang inauguration,   ang rent ditto ay 1,500 ang monthly  sa 14 na rooms ay makakakolekta tayo ng .P 21,000.00 monthly.. 

Biyernes, Hulyo 17, 2015

Nanampalatayang Islam sa Upi Nag-kaisa sa pagdiwang ng Hariraya Puwasa


Nanampalatayang Islam sa Upi Nag-kaisa sa pagdiwang ng Hariraya Puwasa
Shiek Abdulhadie Gumander na isang pantas
na nagtapos ng pag-aaral sa bansang Kuwait.
  Sa kanyang Kuthba o sermon ay Wikang Pilipino
 ang ginamit dahil sa marami pa sa Nanampalataya
 sa Islam sa Upi ang hindi maintindihan ang wikang
 Iranun o Maguindawon



Nuro, Upi (July 18, 2015)….NITONG Biyernes ay mahigit isang libong mga |Muslim o mananampalatayang Islam ang nakikiisa sa isinasagawang Jamaah Salaah o mananampalatayang Islam ang nakikiisa sa isinasagawang congregational prayer ng Hariraya Puwasa o Eidil Fitr sa bayan ng Upi. 

Ang anim na Masjeed sa Barangay Nuro ay nag-kaisa na sa open ground ng Nuro Central Elementary School. At ang nagbigay ng Kuthbah o sermon ay si Shiek Abdulhadie Gumander na isang pantas na nagtapos ng pag-aaral sa bangsang Kuwait. Sa kanyang Kuthba o sermon ay Wikang Pilipino ang ginamit dahil sa marami pa sa Nanampalataya sa Islam sa Upi ang hindi maintindihan ang wikang Iranun o Maguindawon.

Dahil sa malinaw na naintindihan ang Kuthba ay taimtim na nakinig ang lahat, katulad ni Atty. Rolando “Anwar” Chew isang mestizong Pilipino Chinese, na ilang taon pa lang tinanggap ang Islam. Ang ilan sa mga ito ay nagmungkahi na paminsanminsan ay gamitin ang wikang Pilipino o Tagalog sa mga Kuthba.

Sa Barangay Nuro na nagtipontipon ay ang Masjeed Nor, Masjeed Rahmani, Masjeed Darusallam, Masjeed Falahi na nasa Upi Agrcultural School, Masjeed Sarifuddin at Masjeed Blensong.

Sa Barangay ay nagkaisa din ang mga Masjeed na isagawa ang Salaah sa Upi Mahad o Madrasa na nasa tabi ng highway, ganoon din sa Barangay Kibleg.
Ang pagsambayang o congregational prayer sa open ground ay isa nakaugalian ng mga Gawain ni Propeta Muhammad (ang Kapayapaan ay Sasakanya Nawa).
Di naman mabilang na mga text ng celpon ang nagpapaabot ng pagbati ng happy eidel fitr mula sa mga mamamayan, ganon din sa mga official ng bayan.

Nagpadala din si Mayor Ramon Piang Sr, ng sms o text ng kanyang pakikiisa at panalangin sa mga Kapatid na Muslim Ummah, at ito ay nai-resend naman ni Kaka Alih sa libo-libong nanampalatayang Muslim sa bayan ng Upi, at inipost din nito sa kanyang Facebook account na tumanggap naman ng magagandang comento.

Samantala kasabay din ng pagtatapos ng Ramadan, hiling din ng mga Muslim na matapos na ang kaguluhang nangyayari sa Mindanao.

Sa panayam naman mga kasamahang Media kay Ghadzali Jaafar, ang MILF vice chairman for political affairs, umaasa ito na mabigyan na ng kapayapaan ang Mindanao at tapusin na ang kaguluhan sa mapayapang paraan.

Dagdag pa nito na dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar, naapektuhan na rin ang buong bansa.

Binigyang-diin nila na kailangang manatili ang diwa ng fasting sa puso at isipan ng mga Muslim bilang pag-alala sa mga taong walang makain at walang mainom.

Samantala Naibalita din sa may Visayas na malpayapa naman na natapos ang pagtitipon ng mga Muslim sa pagtatapos ng Ramadan sa Lungsod ng Cebu sa may Plaza Independencia kung saan sabay-sabay silang nanalangin at pagkatapos ay nagkaroon ng kaunting salo-salo.

Ang Jamaah Edil Fiter sa Upi ay ginanap sa Nuro Central
Elementary School, na umabot sa isang libo ang nakadalo. 
Sa Dua o Dasal ni Ustadz Najeeb Razul Fernandez, ang presidente ng Voice of Islam, na ang pag-aayuno sa Ramadan ay siyang makakapagbago sa buhay ng isang tao kung saan magagabayan at makakaiwas ito sa mga Nanampatayang Muslim sa mga bagay na magiging dahilan ng kanilang pagkakasala.

Huwebes, Hulyo 16, 2015

Gusto mong maraming customer sa inyong tindahan?

Ang magaw ay isang parasitic plants, 
maliit na kahoy na kumakapit ito sa mga puno,
paborito nitong kapitan ang mga sangang mangga, 
na kong minsan akala mo sanga na rin ng mangga, 
pero hindi naman ito balite. Sa English ay mistletoe

PANINIWALA NG MGA TRADITIONAL NA NEGOSYANTE-Part 2

Tayong mga mga negosyanteng Pilipino, kasama na diyan ang Teduray at R’nawon ay may paniniwala, tungkol sa negosyo, kanina sa Bantay Bayan morning edition ang halimbawa natin ay: sa umaga na kabubukas lamang ng tindahan:

Pag ang unang customer o bibili sa inyo ay bata pa o kaya ay buntis, tiyak malaki ang bentahan, ibig sabihin ng Iranun ditto ay “panukatan” o bubuwinasin, maraming papasok na income. Kabaliktaran naman, pag matanda na, lalangawin an gang inyong paninda.

Lesson learned? Huwag ipa-marketing ang lola, kayo na ate kuya ang mag-marketing:

Dagdagan natin ang mga kaalaman na yan hinggil sa ating mga paniniwala, mga pamahiin, kultura at kaugalian.

Gusto mong maraming customer sa inyong tindahan?

Of course sino ba naman ang ayaw. Kailangan may maitago kang isang bagay mula sa isang lugar, na kong saan ay may nasalubong ka, papunta at ng kayo magbalik ay doon na rin kayo muling nagsalubong. Kumuha ng ano bagay, dahon, sanga, damo, sa lugar mismo na inyong muling pinagtagpuan, at ilagay sa ilalim ng inyong kaha o lalagyan ng pera sa tindahan, at marami ng bibili sa inyo.

Mayroon pa, maglagay ng sanga ng magaw sa inyong kaha. Ang magaw ay isang parasitic plants, maliit na kahoy na kumakapit ito sa mga puno, paborito nitong kapitan ang mga sangang mangga, na kong minsan akala mo sanga na rin ng mangga, pero hindi naman ito balite. Sa English ay mistletoe.

MARKET & SLAUGHTER UPDATES-MORNING EDITION-(5:00-6:30 AM)

JULY 16, 2015-THURSDAY-BANTAY KULTURA AT KAUGALIAN

Sa Presyo ng mga paninda: madalas na binibili ni Mr o Mrs sa palengke ay kumuha pa rin tayo ng current price o halaga, sa halagang retail o retail price:

1. Sibuyas- P80.00/kg
2. Ahos….100.00/kg
3. Repolyo…pati Chinese cabbage- P70/kg dati ay 40 lang per kilo
4. Kamatis…40/kg
5. Talong…30/kg
6. Carrot…last week 80 ngayon a 100 pesos bawat kilo

Sa mga whosale price o kumpra o bili ng mga bodega sa mga Magsasaka:
1. Yellow corn…..P12.80 /kg
2. White corn…14.00/kg
3. Copra….P25/kg
4. Palay fresh…P18/kg
5. Palay dry……20.00/kg
6. Lugasing o Mani o peanuts red…70.00 white 70.00/kg
7. Green mongo…52.00/kg
8. Red mongo…42.00
Source: Ben Ching, ang bodega ay nasa harap Rizal Blvd maapit sa Rotonda.

Ito ang inyong tagapagulat sa bayan.. Patrol 1.. Alih para sa DXUP Bantay Bayan

Martes, Hulyo 14, 2015

Section 5H.11-Upi Revenue Code

MARKET & SLAUGHTER  UPDATES-MORNING    EDITION (5:00-6:30 A.M.)
July 14 , 2015-TUESDAY
Market day along Edwards Street, infront of public market

At dahil Bantay Kaayusan ang tema natin ngayong araw,  bubusisiin natin pa ng malaliman ang nilalaman ng ating  Upi Municipal Ordinance No. 6 Series of 2011 o Upi Revenue Code, kong saan nakapaloob o nakasulat ang mga dapat at di dapat gawin, ano ang mga dapat bayaran sa Local na pamahalaan ng Upi ng ating mga mamayan.

Section 5H.11. Rules and Regulations.

a)   The peddling or sale outside the public market site or premises of foodstuffs which easily deteriorate, like fish and meat, is hereby prohibited.

(Ang pagpapabili o pagtitinda sa labas ng pamilihang bayan o nasa sakopan  nito ng mga pagkain na madaling mabulok tulad ng isda, at karne ay pinagbabawal o hindi pwede)

b)   No person shall utilize the public market or any part thereof “with out the permission of LGU Upi”  is hereby prohibited.

(Walang sinuman na gagamit ng pamilhang bayan o bahagi nito na walang permiso sa LGU Upi)

c)   It shall be unlawful for any person to peddle, hawk, sell, or offer for sale or expense for sale, any article in the passageway (pasillo) used by purchaser in the market premises.


d)   It shall be unlawful for any person to resist, obstruct, annoy or impede any market employee or around their stall in the market premises.

e)   It shall be unlawful for any person to drink, serve or dispose liquor or any intoxicating drinks within the premises of the public market at any time of the day.

f)    No merchandise or article shall be sold, offered for sale or exposed in the public market unless the same was legally acquired by the vendor or stall holder and that taxes of any kind due thereon had been paid.

g)   It shall be unlawful for the lessee to remove, construct electrical wiring or water connection without prior permit from the Market Administrator and approved by the Municipal Treasurer.

h)   The Municipality shall not be responsible to the occupants of the stall for any loss or damages caused by fire, theft, robbery, "force majeure" or any other cause.  All articles or merchandize left in the public market during closure time shall be at the risk of the stallholder or owner thereof.

i)     All articles abandoned in any public market building in violations of any provisions of this Article or any regulations or rules in the management of the market, shall be deemed nuisance. It shall be the duty of the Market Administrator and his subordinates to take custody thereof. In case the articles are unclaimed within twenty four (24) hours thereafter, they shall be returned to their original owners upon payment of actual expenses incurred in safekeeping, unless, they have deteriorated as to constitute a menace to public health, in which case, they shall be disposed of in the manner directed by the Treasurer, who may also in his direction, cause the original prosecution of the guilty party, merely warn him against future violation. In the case where the article have not deteriorated and are not claimed within the time herein fixed, said article shall be sold at public auction and the proceeds thereof shall be disposed in accordance with law.

j)     Selling of stale, rotten, damaged, unhealthy, illegal and other expired commodities are strictly prohibited inside the market premises and elsewhere in the municipality.                                              



PARA SA MARKET & SLAUGHTERS HOUSE UPDATES… PATROL 1-ALIH ANSO, mula sa pamilihang bayan.

CSOs Nangangamba Kapag Hindi Naipasa ang Original BBL,


Bobby Benito Secretary General ng Mindanao Peoples Caucus 
CSOs Nangangamba Kapag Hindi Naipasa ang Original na BBL

Nuro, Upi (July 14, 2015) Pinangangambahan ng mga Civil Society Organization na nakabase sa Bangsamoro core territory kapag hindi naipasa ng Goberno ng Pilipinas ang BBL, na hindi naayon sa "letter and spirit" ng FAB at CAB na napirmahan ng goberno ng Pilipinas at ng MILF. Ito ang pinakasentro sa pahayag ni Bobby Benito secretary General ng Mindanao Peoples Caucus o MPC, sa presscon na kanilang binuo nitong Martes sa may Pagana Native Restaurant sa Lugsod ng Kutabato.

Una ng pinahayag ng MILF sa goberno na hindi nila matatanggap ang watered down o diluted na BBL, dahil hindi rin ito makakasolb sa problema ng Bangsamoro. 

Matatandaan na bago nagsimula ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Goberno ng Pilipinas at MILF ay nagkasundo sila na hindi igigiit ng Goberno ang Constitution ng Pilipinas at hiniling din ng goberno sa MILF na hindi pag-uusapan ang independence. 

“Dapat maging aral sa goberno ang nangyari sa MOA AD na hindi napirmahan dahil sa di umano paglabag nito sa batas ng Pilipinas, na sanhi ng pagbakwit ng mahigit kalahating milyon tao sa Mindanao, na pumangalawa ang Pilipinas sa Sudan bilang ng IDPs o bakwit” pahayag ni Bobby Benito. (Balita ni Alih Anso)

Linggo, Hulyo 12, 2015

Islamic Symposium at Lailatul Qad’r o Gabi ng Kapasiyahan Ipinagdiwang ng Taga Upi

Nuro, Upi (Hulyo 11,  2015) …Nitong gabi  ng Sabado ika 25  ng  Ramadhan na gregorian calendar ay ika 11 ng Hulyo, ay nagsagawa ng Islamic symposium at kasabay   ay ang ipagdiriwang  ng   Lailatul Qa'dr o “Ang gabi ng  Kapasiyahan”   na ginanap  sa social hall ng Upi Agricultural School.


Ayon kay Ustadz Julqarnain ay: "Ang isang  gabi na pagdarasal sa gabi ng mga araw na ipinagdiriwang  ang Laitul  Qadr ay   katumbas ng isang-libong (1000) buwan, dahil   sinabi ng Allah: “Katotohanang Aming ipinanaog ang Qur’an sa Gaabi  ng Al Qadr (Kapasiyahan). At paano  mo mapag-aalaman kung ano ang Gabi ng Al Qadr? Ang Gabing Qadr (Kapasiyahan) ay higit na mainam sa isang libong buwan (alalaong baga, ang paagsambaa kay Allah sa Gabing ito at higit sa mainam kaysa sa pagsamba sa Kanya sa isang libong buwan o katumbas ng 83 taon at apat na buwan). (Soorah Al-Qadr: 1-3)

Ang mga Muslim ay naniniwala din sa sinabi ng Propeta Muhammad: “Sinuman ang mag-ayuno sa Ramadhaan na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na nagawa. Sinumang magsalaah (ng boluntaryong salaah) sa gabi ng Ramadhaan na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na nagawa. Sinumang magtaguyod ng (boluntaryong) Salaah sa gabi ng Laylatul Qadr na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na nagawa.” (Iniulat nina Imaam Bukhare at Muslim.)

Fatima Lidasan vice president ng MWF
Ang programa ay sponsor ng Muslim Youth Fellowship (MYF) sa pakikipagtulungan sa Upi Muslim Consultative Assembly at ng Lokal na Pamahalaan ng Upi.

Ang laitul Qadr. ay ipinagdiriwang ng  mga Muslim sa buong mundo sa tuwing ika  25, 27, o 29 sa buwan ng Ramadhan.

Ang programa  ay nagsimula ganap na ika siyam ng gabi sa pamamagitan ng pagbabasa ng Banal na aklat ang Qur’an  at  pagpapahayag ng kahalagaan ng  Lailatul  Qad’r.

Naging panauhing tagapagsalita si Atty. Rolando “Anwar” Chew, na dating nanampalataya sa Kristiyanismo na simula noong taong 2007 ay Nanampataya na sa relihiyong Islam.

Naging special na bisita naman  ang mga international Qarie o bihasang mambabasa ng Quran, na pawang nagpamalas ng pagbabasa ng Quran,   na sina Al Qarie Ebrahim Duli at Al Qarie Mohammad Taha Kagi,

Ang pagbabasa ng Quran, at ang pinaka mahalaga na ginawa ay ang pag-sambayang ng Tahajjud o pagsambayang sa kalalim ng gabi at nagtapos ang program sa pagsambayang ng Fajar o bukang liwayway  na pagdarasal.

Mga membro ng MYF  na  estudyante ng Upi Agricultural School,  Notre Dame of Upi, Saint Francis High  School at Nuro Central Elementary School. May dumalo din mula sa mga Jamaah o congregation mula sa mga ibat-ibang Masgit sa Upi.

Nagbigay din ng kanyang inspirational na mensahe si   Engr. Sukarno Datukan, UAS-PTIA school administrator at  pinuno ng Upi  Muslim Consultative Assembly (UMCA) ang pagdiriwang.

Dumalo din si Muncipal Kagawad Norodin Musa,    na siya ring kinatawan ni Mayor Ramon Piang.

(Balita ni: Alih S. Anso)


Huwebes, Hulyo 9, 2015

MGA PARAAN AT KAILANGAN SA PAGKUHA NG BUSINESS PERMIT SA BAYAN NG UPI

MGA PARAAN AT KAILANGAN SA   PAGKUHA NG BUSINESS PERMIT SA BAYAN NG UPI
Bulwagan Bayan ng Upi

Para sa Bago (New) na Business Permit…
UNANG HAKBANG (Step 1): Pupunta ka sa Office of the Mayor (nasa 2nd floor ng Bulwagang Bayan ng Upi)  para kumuha at fill-up  ang Business Permit Unified Application Form, ang incharge   ay si Herlinda F. Aguilos. 
Pagkatapos  ay in-code ang mga data sa computer, ay susunod ay kukuha kang ng kaukulang papeles sa mga opisinang ito:
1.     Office of the Treasurer (nasa ground floor bandang kaliwa,  kong papasok sa bulwagan bayan ng Upi) para sa Clearance, kong ikaw ba ay “clear” na sa bayarin sa inyong Real Property Tax (RPT), kong may babayaran ka pa ba sa mga stall sa market, o di kaya ay may utang ka (loans);
2.     Kumuha ng Sedula kong wala pa sa taong kasalukuyan na nasa Office of the Treasurer;
3.     Gumawa o magpagawa ng Sworn Statement of Capital Investment o capital sa negosyo, at ay notarized ng abugado o notary public;
4.     Kumuha ng Barangay Clearance, sa Barangay,  kong saan isasagawa ang negosyo;
5.     Office of the Municipal Planning & Development Coordinator (MPDC) (na nasa ground floor, bandang kanan kong ikaw ay papasok sa bulwagan bayan) at kumuha ng Zoning Clearance;
6.     Bureau of Fire Protection (na nasa harapan ng Nuro Central Elementary School)  at kumuha ng  Fire Safety Inspection Certificate;
7.     Office of the Municipal Environment and  Natural Resources (na nasa ground floor, bandang kanan kong ikaw ay papasok sa bulwagan bayan, kakuwarto ng MPDC office) at dito kumuha ng Solid Waste Management Certification;
8.     Municipal Health Office, kong ang negosyo ay mga pag-kain (nasa Rural Health Center, kalapit gusali ng  Barangay Hall ng Nuro) at kumuha ng Sanitary Permit/Health Certificate for Food Handler;
9.     Department of Trade and Industry (DTI) kong single proprietor business (ang Maguindanao provincial office ay nasa Cotabato City)  at kumuha ng Business Name Registration (BNR);
10.                     Cooperative Development Authority (CDA) para sa mga negosyo ng pag-aari ng kooperatiba;
11.                     Securities and Exchange Commissions (SEC) kong ang negosyo ay corporation;
12.                     2 piraso na larawan na 2 x 2; at
13.                     2 pirasong Documentary Stamp, sa Bureau of Internal Revenue office, ang sub-office sa Upi ay sa lumang municipal building ng Upi.
Para sa Renewal ng Business permit ang #3 o Sworn Statement of Capital Investment ang mapapalitanat at ang isusumite ay Financial Statement ng nakaraang taon;

PANGALAWANG  HAKBANG (Step 2): Office of the Treasurer, (nasa ground floor bandang kaliwa,  kong papasok sa bulwagan bayan ng Upi)  para sa Assessment/Billing/Payment of Fees/Signature of the Treasurer. Ang responsible person para  sa Assessement ay si Eduardo Pahati at sa Billing/Payment ay si Edna Claveria. 

PANGATLONG  HAKBANG (Step 3): Bureau of Fire Protection at  Bureau of Internal Revenue office, para fire fee at   bayarin sa Buwis (tax).

PANG-APAT NA  HAKBANG (Step 4): Office of the Mayor, para sa Approval/Signature ni Mayor Ramon A. Piang Sr. Kong aprubado na ito, ay irelease na ng Releasing Responsible Personnel na si Herlinda Aguilos, ang inyong Business Permit.

Samantala, ayon sa record, nitong taong 2015 ay 35 ang bagong aplikante at may   343 ang nag-Renew  ng Business Permit at ang Approved at narelease  na ay 346 lamang, ang nalalabi ay hindi pa naibabalik ng aplikante ang mga papeles.
Nitong nakaraang taon 2014 ay may 377 na  nabigyan ng Business Permit.

Kaugnay nito ay nanawagan an gating Alkalde Ramon Piang Sr. na ang hindi pa nakapag-renew na mag-Renew na ng Business Permit at ang lahat ng may negosyo at mag-nenegosyo pa sa Upi na kumuha ng Business Permit.

MARKET & SLAUGHTER  UPDATES-MORNING  EDITION (5:00-6:30 A.M.)
July 10,  2015-ARAW NG BIYENRES 

PARA SA MARKET & SLAUGHTERS HOUSE UPDATES… PATROL 1-ALIH ANSO,