Huwebes, Hulyo 16, 2015

Gusto mong maraming customer sa inyong tindahan?

Ang magaw ay isang parasitic plants, 
maliit na kahoy na kumakapit ito sa mga puno,
paborito nitong kapitan ang mga sangang mangga, 
na kong minsan akala mo sanga na rin ng mangga, 
pero hindi naman ito balite. Sa English ay mistletoe

PANINIWALA NG MGA TRADITIONAL NA NEGOSYANTE-Part 2

Tayong mga mga negosyanteng Pilipino, kasama na diyan ang Teduray at R’nawon ay may paniniwala, tungkol sa negosyo, kanina sa Bantay Bayan morning edition ang halimbawa natin ay: sa umaga na kabubukas lamang ng tindahan:

Pag ang unang customer o bibili sa inyo ay bata pa o kaya ay buntis, tiyak malaki ang bentahan, ibig sabihin ng Iranun ditto ay “panukatan” o bubuwinasin, maraming papasok na income. Kabaliktaran naman, pag matanda na, lalangawin an gang inyong paninda.

Lesson learned? Huwag ipa-marketing ang lola, kayo na ate kuya ang mag-marketing:

Dagdagan natin ang mga kaalaman na yan hinggil sa ating mga paniniwala, mga pamahiin, kultura at kaugalian.

Gusto mong maraming customer sa inyong tindahan?

Of course sino ba naman ang ayaw. Kailangan may maitago kang isang bagay mula sa isang lugar, na kong saan ay may nasalubong ka, papunta at ng kayo magbalik ay doon na rin kayo muling nagsalubong. Kumuha ng ano bagay, dahon, sanga, damo, sa lugar mismo na inyong muling pinagtagpuan, at ilagay sa ilalim ng inyong kaha o lalagyan ng pera sa tindahan, at marami ng bibili sa inyo.

Mayroon pa, maglagay ng sanga ng magaw sa inyong kaha. Ang magaw ay isang parasitic plants, maliit na kahoy na kumakapit ito sa mga puno, paborito nitong kapitan ang mga sangang mangga, na kong minsan akala mo sanga na rin ng mangga, pero hindi naman ito balite. Sa English ay mistletoe.

MARKET & SLAUGHTER UPDATES-MORNING EDITION-(5:00-6:30 AM)

JULY 16, 2015-THURSDAY-BANTAY KULTURA AT KAUGALIAN

Sa Presyo ng mga paninda: madalas na binibili ni Mr o Mrs sa palengke ay kumuha pa rin tayo ng current price o halaga, sa halagang retail o retail price:

1. Sibuyas- P80.00/kg
2. Ahos….100.00/kg
3. Repolyo…pati Chinese cabbage- P70/kg dati ay 40 lang per kilo
4. Kamatis…40/kg
5. Talong…30/kg
6. Carrot…last week 80 ngayon a 100 pesos bawat kilo

Sa mga whosale price o kumpra o bili ng mga bodega sa mga Magsasaka:
1. Yellow corn…..P12.80 /kg
2. White corn…14.00/kg
3. Copra….P25/kg
4. Palay fresh…P18/kg
5. Palay dry……20.00/kg
6. Lugasing o Mani o peanuts red…70.00 white 70.00/kg
7. Green mongo…52.00/kg
8. Red mongo…42.00
Source: Ben Ching, ang bodega ay nasa harap Rizal Blvd maapit sa Rotonda.

Ito ang inyong tagapagulat sa bayan.. Patrol 1.. Alih para sa DXUP Bantay Bayan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento