Bobby Benito Secretary General ng Mindanao Peoples Caucus |
CSOs Nangangamba Kapag Hindi Naipasa ang Original na BBL
Nuro, Upi (July 14, 2015) Pinangangambahan ng mga Civil Society Organization na nakabase sa Bangsamoro core territory kapag hindi naipasa ng Goberno ng Pilipinas ang BBL, na hindi naayon sa "letter and spirit" ng FAB at CAB na napirmahan ng goberno ng Pilipinas at ng MILF. Ito ang pinakasentro sa pahayag ni Bobby Benito secretary General ng Mindanao Peoples Caucus o MPC, sa presscon na kanilang binuo nitong Martes sa may Pagana Native Restaurant sa Lugsod ng Kutabato.
Una ng pinahayag ng MILF sa goberno na hindi nila matatanggap ang watered down o diluted na BBL, dahil hindi rin ito makakasolb sa problema ng Bangsamoro.
Matatandaan na bago nagsimula ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Goberno ng Pilipinas at MILF ay nagkasundo sila na hindi igigiit ng Goberno ang Constitution ng Pilipinas at hiniling din ng goberno sa MILF na hindi pag-uusapan ang independence.
“Dapat maging aral sa goberno ang nangyari sa MOA AD na hindi napirmahan dahil sa di umano paglabag nito sa batas ng Pilipinas, na sanhi ng pagbakwit ng mahigit kalahating milyon tao sa Mindanao, na pumangalawa ang Pilipinas sa Sudan bilang ng IDPs o bakwit” pahayag ni Bobby Benito. (Balita ni Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento