Miyerkules, Pebrero 27, 2013

Upi Mosabaka ng mga Madraza Matagumpay kahit tag Ulan



Upi Mosabaka ng mga Madraza Matagumpay kahit tag Ulan

Nuro, Upi (February 25, 2013)…Matagumpay na nagtapos nitong araw ng Linggo   ang  23rd Joint Municipal    Quranic Reading  at  Athletic Meet Competition, ng mga Madraza sa bayan ng Upi sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Ang Mosabaka o athletic meet ng lahat ng mga Madraza o Arabic School ay sinimulan noong hapon ng Biyernes, sa   Mahad Sarifuddin Al Islamie, sa may compound ni Hadji Salipada Macmod, dito sa Nuro, Upi, Maguindanao.

Sa unang araw ay Quranic Reading at sa sumunod na araw ay ang athletic meet naman.

Ang local government of Upi (LGU) ay tinutulungan ang mga madraza sa Upi ng pagbibigay ng mga honorarium sa manga Ustadz o guro.  

Taon taon ay isinasagawa  ang mosabaka o athletic meet ng mga Madraza sa bayan ng Upi at ang layunin nito ay upang magkaroon ng sportsmanship at lalong mahasa ang mga moarit o pupil. (Alih S. Anso)

Mensahe ni Lola sa Kanyang Apo (Updated Version-2013)


Mensahe ni Lola sa Kanyang Apo (Updated Version-2013)
          
(February 28, 2013-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)

NORALYN:    May Lola ka pa  ba?  Naalaala  mo pa ang inyong bonding-bonding noon maliit ka pa?  maalaala mo pa noong inihahatig ka niya sa paaralan dahil wala ang nanay mo, dahil nasa  abroad?     Ngayong umaga muling  sasariwain ni   Kaka Alih ang mga bakas ng lumipas… sa ating segment na….

 (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NORALYN: Magandang umaga Kaka Alih, 

KAKA ALIH: Magandang umaga din Nor, Insha Allah, (may awa ang Allah  Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig. Noralyn ano ang lola sa Teduray?

NORALYN: Opo mayron pa akong Lola at ang tawag sa T'duray sa Lola ay  Bebe.  Kaka Alih matanong naman kita may Lola ka pa ba?  At anon man ang tawag sa inyo sa R’nawon ang lola?

KAKA ALIH: Maalaala mo pa ba Nor, na last Feb 8, 2012 sa  ika 9th na pagdiriwang ng pagkakatatag ng ating community radio na DXUP FM,  at ang naging panauhin  tagapagsalita  ay isang  kasama o kaibigan natin sa media o journalist,  si Hadji Julmunir Jannaral, ng PTV 4?

NORALYN:  Of course naman Kaka Alih, ang sinulat mo nga article na naipost sa ating blog na dxup.multiply.com ang  bahagi ng kanyang speech, yaong naipost  mo sa ating blog tungkol kay lola. 

KAKA ALIH:   At dahil may mga nagtanong ano daw ba yun kabuan ng kuwento tungkol kay Lola,  minabuti  nating ipresent  muli  sa ating buhay-buhay segment, but of course “updated version  na.

NORALYN:  Kaka ikuwento mong muli,  dahil kahit ako  naging  interesado kong bakit isang batikang  manunulat “medyo” humanga sa naipost ninyo sa ating blog.

KAKA ALIH:   Nor, hindi sigoro  humanga, at totoo pinahanga lang tayo, kinuha ang ating atensyon… ( LAUGHING)

Anyway ganito ang kuwento ni Lola.  May isang lola daw na gustong magpahatid ng mensahe sa kanyang apo, na ngayon ay isa ng maestro o guro.  Pero ang pakiusap ni  Lola  hindi  na daw kikilalanin sa  himpapawid,  ating naitala o na-record ang mga ilan sa mensahe ni Lola na gustong ipaabot sa  apong Maestra sa pamamagitan ng ating programa na buhay buhay particular sa Gabay at talakayang Pampamilya.

Itong si Lola ay siyang naging  tagapag-alaga sa apong babae,  dahil ang Nanay ng bata ay nagtrabaho sa ibayong dagat o nag-abroad bilang Katulong o domestic worker.   

Noong   umalis ang nanay ng bata ay dumidede pa sa botelya,  hanggang sa magcollege na ay nasa abroad pa rin  ang nanay.

Sina Lola kasama ang mga  pamangkin at apo, habang nakikinig
sa orientation ng TB, 
Ngayong umaga Sa ngayon ang Lola ay nasa bahay na  lamang parati dahil medyo may  katandaan na  at palaging may karamdaman na.

Ang bahagi  ng  mensahe ni  Lola sa kanyang apo:

(PLEASE PLAY SENTIMENTAL MUSIC AS BACKGROUND-music dow-under)

“Aking apo, sa aking pagtanda unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Sa aking pagtanda, tiyak na may  kalabuan na ang aking  mga mata at maaring akoy  nakabasag   ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana ako kagagalitan.

Alam mo  apo ko, sadyang maramdamin ang isang matanda. Nagsa-self-pity   sa tuwing sisigawan mo .

Apo ko, kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana ako sabihan ng “binge!”paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang o dili kaya ay pakisenyas na  lamang  apo.

Aking apo, pasensya ka na  dahil  matanda na talaga ako. At kapag matanda na  mahina na ang  tuhod, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Aking apo,  pagpasensyahan mo sana kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Ang pakiusap ko apo ko,    pakinggan mo na lang ako,  huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo  pa  ba apo ko  noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng kendi  paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggat di mo nakukuha ang gusto mo. Ganoon pa man ay pinagtitiyagaan ko ang kakulitan mo noong bata ka pa  hanggang sa ikay ay nagdadalaga na.

Aking apo, pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy, na amoy matanda, na amoy lupa na. Huwag mo sana ako piliting maligo, dahil kaming  mgamatatanda kong minsan ay takot sa tubig,  lalot malamig.  Kaming mga matatanda  na ay mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Aking apo, natatandaan mo ba noong bata ka pa?  Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Aking  apo, pagpasensyahan mo na rin  sana kung madalas, ako’y masungit, dala na  yan aking  katandaan. Alam mo  apo  ko, pagtanda mo maiintindihan mo rin itong mga sinasabi  ko ngayon.

Sana kapag may konti kang panahon, bisitahin mo  naman ako sa aking kuwarto at magkuwentuhan naman tayo, kahit sandal lang.  Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa, walang  makausap. Aking apo  alam kong maraming  kang pinagkakaabalahan na trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka na interesado sa mga kwento ko, dahil narinig mo ito ilang beses. Pwede namang ikaw  na ngayon ang magkuwento ng  buhay mo, ng karanasan mo, handa akong makinig at gustong kong  marinig.

Natatandaan mo ba apo ko, noong bata ka pa? Na ang Nanay mo ay nasa abroad, at ang  tatay  mo ay nasa duty, dahil sundalo na nagtatanggol sa bayan? . Alam mo Apo ko, pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong mga kwento tungkol sa iyong manika, na  pinagtiyagaan  kong namang kumpunihin, dahil gutay gutay na, dahil luma na ito ng  mabili ko sa ukay-ukay sa  palengke ng Nuro.

Aking  apo,  kapag dumating ang sandali na ako’ymagkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo nasana kung ako man ay maihi o madumi sahigaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng akingbuhay.  Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Aking mahal  na apo, kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay ay bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Poong    Lumikha, Ipapanalangin ko sa Kanya na pagpalain ka sana… dahil naging mapagmahal ka sa iyong mahal na lola…..”

Nor,   yan po  ang ilan sa mga mensahe ni     Lola na gustong  ipaabot sa kanyang apo na isa ng maestra  sa ngayon .

At sana napakinggan din ng ibang apo at kahit papaano ay maalaala ninla ang  kanilang mga Lola at Lolo na  ngayon ay mga ulyanin  na…

Ito po ang  inyong  lolo na,  si  Kaka Ali, na nagpapaabot din  sa aking mga  apo, paumanhin lang po mga apo, dahil wala ng  oras, bukas ay muling magbabalik ang  inyong Lolo Ali, este Kaka Alih  sa ating segment.    

Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi  wabarakatuh.

Host/Nor: Maraming salamat Kaka Alih, sa hindi pa  nakakaalam ang  ating  pong segment writer na si Kaka Ali ay  isa  ng lolo…bukas muling abangan  ang ating segment  gabay pampamilya.

(PLAY- EXTRO)

Martes, Pebrero 26, 2013

Punong Kahoy ay Pagyamanin, para sa ating Salin Lahi

Ang mga kabundukan ay halos wala ng punong kahoy
at patuloy pa rin ang pagsusunog ng mga mamayan
kahit na ipinagbabawal na ito ng batas.

Punong Kahoy ay Pagyamanin, para sa ating Salin Lahi

(February 27, 2013- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Noralyn:   Ang pagkawasak ng ating  mga kagubatan sa bansa ay sadyang nakakaalarma sa ating mga nagmamalasakit  ng kalikasan o environmentalist . Kaya ang kampanya nila ay magtanim tayo ng mga punong kahoy, ang punong kahoy ay pagyamanin  para sa ating salin-lahi, kinabukasan at kaligtasan. Ngayon umaga ay muli nating makakasama si Kaka Ali ang ating  segment writer sa  gabay at talakayang pampamilya para sa usaping “Punong Kahoy ay Pagyamanin, para sa ating Salin Lahi.”
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)

Host/Noralyn:  “Good morning Kaka Alih.”    

Kaka Alih:  Good morning Noralyn, magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam, o amga kapatid na Muslim.

Tulad ng sinabi mo Noralyn, ang pagkawasak ng ating  mga kagubatan sa bansa ay sadyang nakakaalarma sa ating mga nagmamalasakit  ng kalikasan o environmentalist . Kaya ang kampanya nila ay magtanim tayo ng mga punong kahoy, ang punong kahoy ay pagyamanin  para sa ating salin-lahi, kinabukasan at kaligtasan.

Ang pagtatanim ng punongkahoy ang pinakamura at pinakamadaling paraan ng pagtulong upang mapangalagaan ang kalikasan.

Ang mga kabundukan na  dati ay luntian dahil hitik sa mga punong kahoy, ngayon  ay unti-unti nang nakakalbo, at ngayon ay marami na ang tuluyan ng nakalbo.

Gusto mo  ng ebedindisya?

Ang simpleng  ebidensya na maipapakita natin  ay ang labis na pagbaha tuwing umuulan, na kong minsan ay wala sa panahon ng tag-ulan, bakit tayo binabaha kahit kongting ulang lamang?  Ang explaaination nila na nakakaalam ay “:… bunsod ng kawalan ng punong sumisipsip sa mga tubig-ulan at pumipigil sa pagbaba nito sa kapatagan”.

Bakit wala na bang nangangalaga ng ating mga kagubatan, ng ating mga punong kahoy?
Sabagay di natin sinasabi na walang ginagawa ang ating  pamahalaan. In fairness,  ang ating pamahalaan ay nasa proseso ngayon ng pagpapatupad ng pangangalaga sa kalikasan. Naging mandato noong nakaraang taon ng Pangulong Aquino ang pagtatanim ng isang bilyong punongkahoy hanggang sa taong 2016.

Sa ngayon, lahat ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng opisina ng DENR sa kanilang lugar ay nakikiisa sa programang ito ng pamahalaan.

Ang tanong nga lamang hindi  kaya ningas kugon  lamang ito? Gaano ba ka-effective ang sustainability ng programang ito?

May  naibalita na sa  rehiyon ng Ilocos, lugar ng dating pangulong Marcos at Ramos,  may mahigit dalawang milyong punongkahoy na ang naitatanim sa limang libong ektarya ng kabunbukan simula ng pagpapalabas ng kautusan sa pangangalaga ng kalikasan. Kumusta na  kaya ngayon, may nabuhay ba? Dahil dito sa  ating di man lang yata nangangalahati ang nabubuhay sa tinatanim natin, dahil sa kakulangan ng kaalaman sa kahalagaan  ng mga punong ito.

“Paano kasi  Kaka, pangfacebook lang ang pagtatanim”. (LAUGHING)  sabi ng isang retiradong guro. Anong Farmville? (LAUGHING) 

Balikan natin ang Ilocos, ayon sa balita ay, bawat mamamayan sa Ilocos ay nakiisa sa pagtatanim, maging sila man ay nasa pampubliko o pampribadong sektor sa gobyerno. Nakiisa din ang mga nasa sektor ng relihiyon, mga pamantasan at kolehiyo, mga grupo ng kabataan, pangangalakal, military, sa sektor ng medisina at panggagamot at maging sa elementarya at hayskul.

Minomonitor naman ng tanggapan ng DENR ang lahat ng mga magpapatayo ng minahan sa pamamagitan ng pagsiguro na lahat ng kailangang dokumento ay kumpleto at naisagawa lahat ng clearance na kailangan bago magpalabas ng permit.

Sinabi ni Juan Delos Reyes, head ng DENR sa Ilocos Norte na mahigpit na binabantayan nila ngayon ang mga kumukuha ng permit para sa mga nagnanais na magpatayo ng minahan sa probinsya. Ayon sa kanya, sinisiguro muna nila ang lahat ng mandato ng DENR ay nasusunod bago sila magpalabas ng permit.

“Ganyan sana ang dapat Kaka Alih, na gagawin  natin dito sa ating bayan  o lugar” mungkahi  ni  Maestro.

Ang bukirin na ito ay kailangan ang tubig......
Ayon sa ulat, sa mga pag-aaral na isinasagawa ng mga espesyalista sa University of the Philippines’ National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS), maaari pa daw maulit sa ilang siyudad ng bansa ang nangyaring kalamidad sa Cagayan De Oro at Iligan City dala ng bagyong Sendong. Ang mga siyudad ng Laoag, Vigan, Alaminos, Cotabato City, General Santos City, Davao City at iba  pa  ay pwedeng mangyari ang pagbaha, at di  na  mangyayari, kundi nangyari na.

Kaya, patuloy ang pamahalaan sa paghikayat sa pakikiisa ng mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno ito ang panawagan ng gobyerno.
Ikaw Noralyn, kaya mo bang  magtanim  ng punong kahoy para sa susunod nating  salinglahi?

NORALYN: of course naman Kaka, katunayan nga minsan na akong nakiisa sa pagtatanim ng mga puno diyan sa Romagonrong falls, sa may Barangay Nangi, na kong  saan matatagpuan ang watershed area ng Upi, at dito   natin kinukuha  sa ngayon ang tubig na  dumadaloy sa ating mga gripo sa ngayon, na siya nating iniinom.

ALIH: Ako din  Noralyn, ilan beses na akong  nakasama sa tree planting, dito sa highway, Romagonrong  falls, at di lang pangfacebook ha? Totoong tanim na punong kahoy. At gusto ko ring ibalita sa iyo na sa aming bakuran marami din  akong  tanim na mga puno, puno na  napapakinabangan  na  sa ngayon, dahil namumunga na ang mga  prutas.

Heto ang pakiusap n gating mahal na Mayor Piang,  ang pakiusap lang sana, huwag  ng  sirain ng  mga kababayan natin  ang  mga puno na  kusa ng tumutubo sa ating  mga kapaligiran, kong sakaling di maiiwasan ang  pagputol, dahil kinakilangan, palitan natin sa pagtatanim muli ng iba pang punong kahoy.

Maraming salamat sa inyong pakikinig, heto po  ang inyong  Kaka Alih, na nagsasabing, ang punong itinanim ay buhay ng tao ang kakambal. Sukran at maraming salamat.

NORALYN: Maraming  salamat Kaka Ali, Magtanim ng puno, para sa kaligtasan  ng  ating pamilya.

 (Gabay at Talakayang Pampamilya - EXTRO)

Lunes, Pebrero 25, 2013

Disiplina ang Kailangan, Para Umasenso ang Pamayanan


Disiplina ang Kailangan, Para Umasenso ang Pamayanan
(Pebrero 26, 2013-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Nor:      Ang ibang  mangangaral sa bata o maging sa   matatanda ang ganito ang sinasabi:  “disiplina ang kailangan, para umasenso ang pamayanan”. Kapatid makinig dahil ito   ang pag-uusapan ni Kaka Alih,    sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya. 
 
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Host/Nor: Magandang umaga Kaka Alih, bakit natin nasasabi na  disiplina ang kailangan, para umasenso ang pamayanan”.. 

Kaka Alih: Maraming salamat Noralyn, bago ko sagutin ang tanong ay hayaan mong magpugay muna ako sa madlang nakikinig at nanonood, Magandang umaga sa lahat at asssallamu  alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

Ano ang kahulugan  ng disiplina?
Ang mga Scouts ay may angking disiplina

Sa simpleng pang-unawa ay ito ay  ang pagsunod sa mga pinaiiiral na  patakaran kahit na ito ay labag sa inyong kalooban.

May manunulat nagwika ng ganito : “kakayahan na kumilos, mag-isip at magsalita nang naaayon sa mga pamantayang legal at moral na ipinasusunod sa lipunan.” 

Bukang bibig din ang kasabihan na  ganito:  kahit sinong mangangaral sa bata o maging sa   matatanda ang ganito:  “disiplina ang kailangan, para umasenso ang pamayanan”.. 

Marami ang nakakaalam ng kasabihang ito, ngunit kakaunti naman ang tunay na nakakaunawa ng tunay na kahulugan nito, di ba?.

NORALYN: Tama ka diyan Kaka Alih, sa bibig lang wala naman sa gawa.

ALIH: Agree ako my friend, ang sabi nga  ni  Maestro: “Kaka Alih, ang disiplina’y hindi lamang sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa tinig ng ating budhi, kundi sa pagiging marangal at paggawa ng tamang bagay, sa tamang panahon, tamang lugar, tamang paraan, at may tamang layunin, nang hindi nakasasakit ng damdamin ng iba.”

Tama ka sir,  kapag may displina  ka, nakagaganda   ito sa ugnayan ng isang tao sa kanyang kapwa, sa pamilya, sa pamayanan at sanlibutan.

May isa pang kasabihan tayong mga Pinoy: “Madaling maging tao, mahirap magpakatao.”

Anong ibig pakahulugan  nito?

Ang disiplina ay di lang nakikita sa ganda ng porma, pagiging mayaman at tanyag sa lipunan, bagkus mas higit na dapat bigyang pansin ang paggawa ng kabutihan at kaayusan para sa kapakanan, hindi lang ng sarili, kundi ng iba pang tao.

Para sa iyo  kaibigan nanakikinig sa oras na  ito, masasabi mo bang disiplinado ang isang tao kung siya’y laging maganda ang bihis, mayaman at kilala sa lipunan samantalang pinababayaan naman niya ang kalikasan at kalagayan ng ibang tao?

Masasabi mo  ba displinado ang isang mayaman na nagbibigay ng malaking donasyon sa simbahan ngunit sa masamang paraan niya kinukuha ang kanyang kayamanan?

“Hindi Kaka Alih,  hindi ko  masasabi na  isang disiplinadong tao siya, dahil siya’y hindi marangal. Mas higit pang marangal sa kanya ang isang pulubing namamalimos sa lansangan.” Sagot ng isang kaibigang  relihiyoso.

Tama ka my friend, kung isa kang lingkod ng bayan,  ngunit nangungurakot ka naman sa kaban ng bayan, matatawag ka pa  bang disiplinado at marangal na mamamayan? Of course hindi na po.

May isa  pa akong halimbawa, ang isang estudyante ay masasabing disiplinado kung pumapasok siya sa klase sa tamang oras, nagsisikap matuto at matiyaga sa kanyang pag-aaral. Ang pamamasyal at pagliliwaliw ay hindi masama basta’t hindi naaapektuhan ang iyong pag-aaral at iba mo pang gawain dahil bahagi ito ng ating pag-unlad bilang tao. Mahirap naman kung parati kang seryoso sa pag-aaral ngunit hindi mo naman nabibigyan ng panahon ang makapag-relaks, magliwaliw at makihalubilo sa lipunan.

Para sa akin Kaka  Alih,  maling konsepto ng disiplina ang nalalaman mo kung hindi mo naman nabibigyan ng kasiyahan ang buhay mo”

Sang-ayon  ako kaibigan ang mahalaga ay  wala kang ginagawang masama at hindi mo pinababayaan ang mga gawain mo. May panahon ka sa pag-aaral kaya gamitin mo nang wasto ang oras na ito para marami ka pang matutunan. Huwag sayangin ang panahon at perang ginagasta ng mga magulang mo. 

Paano tayo magiging disiplinado, kaibigan?

Gawin mo ang mabuti ayon sa kakayahan mo at gampanan mo nang mahusay kung ano ang papel mo sa pamayanan. Halimbawa, natin ay isa kang official ng Barangay, ibigay  mo  ang  oras na dapat sa paglilingkod sa iyong  ka-barangay, subalit huwag din pabayaaan  ang sarling pamilya. Ito ang  tinatawag na time  manangement, pagtimbang-timbangin ang pagsisilbi sa bayan at sa pamilya.

May  nabasa ako na medyo  kumplikadong  halimbawa tungkol sa disiplina. Halimbawa, isa ka daw   trabahador sa isang pribadong kampanya, at limang minuto na lang, late ka na. Mahigpit pa naman ang amo mo. Eh, patawid ka ngayon ng kalsada ngunit pula ang ilaw sa takdang tawiran. Tumawid ka dahil kailangan mong magmadali. Isa pa’y bihira naman ang dumadaang sasakyan. Disiplinado ka ba o hindi?

Kung dadaanin sa batas, mali ka dahil tumawid ka na pula ang ilaw. Ngunit sa praktikal na pananaw, tama pa ring tumawid dahil wala namang dumaraang sasakyan, bukod sa makakahabol ka sa oras, hindi ka pa mapapagalitan ng boss mo.

Medyo kumplikado ang disiplinang tinutukoy natin, ano po?

Marahil kaya kumplikado dahil iniisip natin na ang patakaran ay patakaran, ang batas ay batas na hindi maaaring suwayin. At may dalawang patakarang masasabi nating nagbabanggaan sa isang partikular na sitwasyon.

Heto ang halimbawa natin:  Batas sa trapiko , huwag tumawid kapag pula ang ilaw,  laban sa batas ng kumpanya, huwag ma-late at baka matanggal sa trabaho. (LAUGHING)

Gayunman, kailangan nating maging disiplinado at sumunod sa mga patakaran lalo na kung ito ang hinihingi ng sitwasyon, at nais nating maging maayos ang lugar na ating ginagalawan, pati na rin ang mga taong ating nakakasalamuha.

Kung disiplinado ka, magpakatao ka. At kung nagpapakatao ka, disiplinado ka. Gagawin mo ang tama at marangal. Ipagpatuloy mo ito lalo na kung alam mo namang ikahuhusay ito ng mas nakararaming tao. At magtiwala ka kaibigan tiyak na susuportahan ka ng iba sa mga wasto mong gawain.

Makakamit natin ang pinakamarangal na dignidad kung tayo ay may disiplina lalo na kung nauunawaan natin at isinasagawa ang tunay na kahulugan nito. Alam mo ba kapatid na:  “Ang gawaing may malinis, marangal at mabuting hangarin ay nagbibigay-dangal sa isang tao.”

Higit sa lahat, sa ugali mo masasalamin ang tunay na disiplina, kaibigan at hindi sa panlabas na kaanyuan ng isang tao at ang disiplinang ito ay karangalan, na siyang tanging kayamanan na ng tao, kayamanang hindi nabibili, hindi mananakaw, at ito’y mananatili kailanman! Karangalang higit na kailangan sa katuparan ng hinahangad na kaunlaran. Karangalang higit pa sa kayamanan.

Napakahalaga ng disiplina sa buhay natin dahil sa disiplina tayo uunlad. Kung walang disiplina, walang makakatapos ng pag-aaral. Kung walang disiplina,Walang makakagawa ng maayos na negosyo. Kung walang disiplina,Walang gobyernong makakapagpatakbo ng isang bansang maayos.

Ang mamamayan ay kailangan  may disiplina, ang mamamayan ay kinakailangan sumunod sa  batas na pinaiiral ng bansa o bayan, kung hindi natin susundin ang batas, mahirap makamtan ang  kaunlaran ng bayan na minimithi.

Maraming salamat, Wassallam..

NORALYN: Kaibigan iyon po ang ating Kaka Alih, bukas muling abangan sa nakakagiliw at, mga dagdag kaalaman, at sinisigoro po naming na may mapupulot kayong aral at leksyon.

(PLAY- EXTRO)


Huwebes, Pebrero 21, 2013

Mindanao Power Crisis Patuloy, Kaya MAGELCO Palaging Brownout


Mindanao Power Crisis Patuloy, Kaya MAGELCO  Palaging Brownout
MAGELCO SEAL

Upi, Maguindanao (February 21, 2013)…“Kinukulang ang supply ng korente na naibibigay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)  sa mga electric cooperatives kaya patuloy ang rotating brownout ng Maguindanao Electric Cooperative (MAGELCO)”. Pagpapaliwanag ni Datu Tumagantang Zainal, dating MAGELCO Board president .

Nitong Huwebes ay nagsagawa ng   stakeholders meeting ang Magelco na dinaluhan ng mga Local Government Unit officials sa Maguindanao at media, upang ipaliwanag kong bakit patuloy ang rotation brownout sa lugar na sakop ng MAGELCO.

Datu Tumagantang Zainal-former MAGELCO Board President
Sa patuloy na rotation brownout ay walang magagawa ang cooperatiba, dahil ang NGCP ay hindi sapat ang naibibigay na  power sa mga electric distributors  tulad ng MAGELCO.

“Hindi lang naman tayo sa MAGELCO ang nakakaranas ng brownout, kundi ganoon din ang iba pang 26 na electric grid cooperative na na siniserbisyuhan ng NGCP”. Pahayag ni    Edna Lidasan, MAGELCO OIC Manager.

Ayon pa rin kay Lidasan, sinusunod lamang ng kooperatiba ang suplay ng kuryentengibinibigay ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Dagdag pa niya, ipagkakasya lamang ng MAGELCO ang kaunting suplay ng kuryente sa anim na feeder nito kaya ipinapatupad pa rin ng load curtailment.

Aminado naman si Lidasan na walang magagawa ang MAGELCO kundi sundin ang advisory ng NGCP.

OIC MAGELCO Manager Edna Lidasan
Una ng inihayag ng NGCP na wala rin silang kontrol sa nararanasang brownout sa mga lugar na sakop ng mga electric cooperative dahil taga-hatid lamang sila ng suplay ng kuryente mula sa mga planta.

Sa Mindanao, ang nag generate ng power ay ang NPC at ipinamamahagi naman ito ng NGCP sa  electric distributors patungo sa mga consumers . (Alih S. Anso)

Huwebes, Pebrero 7, 2013

Mga Kultura, Kaugalian at Paniniwala ng mga Talainged



Mga Kultura,  Kaugalian at Paniniwala ng mga Talainged

(Pebrero 7, 2012 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

NORALYN: Mga Kultura,  Kaugalian at Paniniwala ng mga Talainged ang ibabahagi naman sa atin ni Kaka Alih,   sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya sa ating programang buhay-buhay…  

(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NORALYN: Magandang umaga Kaka..

KAKA ALIH:  Magandang umaga din Nor, Assallamu alaikum warahmatullahi  wabarakatuh.. good morning to all listeners, and even yaon hindi nakikinig sa sariling radio, dahil sa kapit bahay lang nakiki-share..(LAUGHING). 

Alam ba ninyo kaibigan na sa ngayon ay nahaharap  sa maraming pagbabago ang kulturang Pilipino, at of course kasama diyan ang Bangsamoro at Teduray/Lambangian. Mga halimbawa ng mga  pagbabago mula sa kabayanan o kalunsuran (dati sakop tayo ng muncipyo ng Dinaig ngayon ay Upi, andiyan na  rin ang South Upi at Datu  Blah), pangkabuhayan, medya (dati wala ang  tayong DXUP, dati wala tayong internet sa Upi)  at teknolohiya (halimbaawa nito ay celpon at computer)  na nagdulot  ng mga pagbabago sa pagpapahalaga, kaugalian at kulturang kinagisnan ng angkang Pilipino, Teduray at Bangsamoro.

NORALYN: Kaka Alih sa title ng inyong ibabahagi ngayon ay binanggit po ninyo Ang Talainged? Tribu ba itong Talainged? Anong kahulugan nito?

KAKA ALIH:  Maganda at naitanong mo yan Noralyn, actually hindi po bago ang term na na Talainged, iya ay bahasa natin, talainged means native inhabitants, dating naninirahan sa lugar na ito…ang kabila nito o partner ay Rafu, na ang ibig sabihin naman ay bangyaga o foreigner o bagong salta sa lugar.

Mayroon akong mga iobabahagi nagayon umaga na kaugalian o paniniwala ng mga Bangsamoro na Muslim, but gusto ko lang ipalaala sa lahat na ang madalas sa mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinalaw sa paniniwala sa Islam…kung baga I timpladong ng Islam ang kultura at kaugalian natin.

Halimbawa na kaugalian o adat, adab sa Arabic ay itong manners and etiquettes, o magandang kaugalaian ng pagbasok sa kasilyas o comfort room..

Una ay dapat kong papasok ka na ay unang ipasok ang kaliwang paa, at sa paglabas ay kanang paa. At habang nasa loob o ginagawa mo yun, ay hindi ka magsasalita o nag-uusapa sa kasama, maliban na lamang sa emergency situation.

Ang iba pang matandaan na kultura natin na mga Pilipino, Bangsamoro at Teduray sa pagiging malapit sa pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa.

Madalas ay namumuhay o nakatira sa isang bubong ang buong pamilya na binubuo ng mag-asawa, kanilang mga anak at ilang pang mga kamag-anakan.    Sa ngayon ay may pagbabago na,  hindi lang nagbukod ng bahay kundi nangibang  bayan pa, at mayroon  pa diyan  na nangibang bansa na.

Minsan dahil na rin sa paglulunsod o naging city ang mga dati ay Barangay o muncipyo (halimbawa nito ang Tacurong, Kidapawan)  ang ibang pamilya mula sa lalawigan patungo sa lungsod, ang dating sama-samang magkakanak ay nagbunga  na rin ng pagsasarili. Ang nagkalayu-layong angkan ay di na kasinlapit ng dati at di na rin gaanong magkakakilala, sabi ng kumapare ko mabuti pare may facebook nakilala ko  ang  lost relatives ko sa America na (LAUGHING) Alam  mo  Nor, ako din  nakilala ko thru facebook ang  ibang membro  ng angkan ng  Iranun sa KotaBelud sa Malaysia, because of facebook. (LAUGHING).

Sabagay kahit ganito  na ang sitwasyon natin, masasabi pa ring  malakas   ang turingan ng angkan o pamiilya,   ngunit ang pagbibigayan at pagmamalasakit sa membro ng pamilya ay unti-unting nawawala na.

Ang pandarayuhan, o pangingibang bayan o bansa  ay may dulot ding pagbabago sa pamilyang Pilipino. Karamihan ng mga magulang na nangingibang bansa upang magtrabaho ay naniniwalang ito ang paraan upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya at maitaas ang antas ng pamumuhay nito. Dahil dito ang pag-aaruga sa mga anak ay iniaasa  ng pansamantalang lumayong  magulang sa ibang tao.

Ayon sa pag-aaral   o  dukumentation natin, ang mga naiwang anak ay ipinauubaya sa katulong, yaya o mga nakatatandang kapatid na napipilitang gampanan ang pagmamagulang sa napakamurang gulang.

Kahit sa kasalan ay may mga pagbabago
Bunga pa rin ng patrabaho sa ibang bansa, dito  ay nagkaroon ng pamilyang Pilpino na tinatawag na single-headed household, parentless household at mga seasonal orphans na madalas na pinanggagalingan ng mga kabataang nalulong sa mga masasamang bisyo, nakikipag-ugnayan bago ikasal at nagsisipag-asawa nang maaga o wala sa oras. Ilan lamang ito sa mga patuloy na pagbabago sa pamumuhay at karanasan dahil sa pandarayuhan.

Heto pa ang isa  daw  sa matinding  pagbabago ng mga Pilipino,    pagbabago ng kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan. Ang mga tungkuling dati ay nagagawa lamang ng mga lalaki sa larangan ng trabaho o posisyon ay nagagampanan na rin ng mga kababaihan. Patuloy na hinahangad ng mga kababaihan na maiukol ang pantay-pantay na pagtingin sa parehong kasarian. Kung kaya naman ngayon ay marami na ang mga ina ng tahanan na naghahanapbuhay di lamang makatulong sa gastusin ng pamilya ngunit para na rin sa pansariling pag-unlad. Dahil dito, ang mga inang nanunungkulan sa labas ng tahanan ay umaasa sa kanilang asawa upang makatuwang sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, paglalaba at pag-aalaga ng kanilaang mga anak.

Sa mga   pagbabago  naman na  dulot ng modernong teknolohiya at media ay damang-dama na rin ng pamilyang Pilipino.

Sinasabing sa kasalukuyan ay namumuhay tayo sa Information Age, kaya madalas mo  mong marinig ang IT.. hindi ET.. (LAUGHING)… kung saan ang pamilya ay patuloy na umaangkop at humahabol sa bilis ng pagbabago sa pamumuhay dala ng makabagong teknolohiya. Ang mga modernong kagamitan at pamamaraan tulad ng computer, internet, e-mail, cellphone,   at makabagong sistemang gamit ng media ay nagpabago sa dating gawi at ugali ng pamilyang Pilipino. Bunga ng mga teknolohiyang ito ay nagiging impersonal ang pag-uugnayan at komunikasyon ng pamilya sa loob ng tahanan. Sa napakaraming bagong kaalaman at datos dulot ng teknolohiya ay nababawasan ang oras na ginugugol sa bawat isa sa labis na paggamit nito.

Dahil sa pagbabagong ito ay naapektuhan ang  personal na pag-uugnayan ng miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan. Dati rati ang  pinahahalagahang kaugalian ng pamilyang Pilipino tulad ng masayang pagsasama-sama, pagkakamustahan at pagkukuwentuhan pagsapit ng dapithapon ay tila napapalitan ng impersonal na pag-uugnayan at komunikasyon dahil sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, text text  na lang daw o kaya chat chat na lang thru skype (LAUGHING).. 

Pati ang  pangliligaw ng  mga  Pilipino  na panghaharana ay nawala na rin, dahil  napalitan  na ng  sms o text messages.. (LAUGHING).
Ang pagbabago ay  natural lamang daw, subalit ang  payo ay may pagabago dapat ay yaong nakakabuti  at hindi ang pagkariwara ng  sambayanang Pilipino, Bangsamoro at Teduray.

Kinakailangan pa rin  ang pag-aaral sa mga kaugalian at kultura natin, panatilihin ang nakakabuti at palitan  natin ang dapat idelete..
Ito po ang inyong  kapatid na Bangsamoro, si Kaka  Ali, Sukran.. Wassallamu Alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.

NORALYN BILUAL: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan muling  abangan bukas , ang isa pang paglalahad sa atin ni Kaka Alih. 

(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Miyerkules, Pebrero 6, 2013

DSWD Ipinagpatuloy ang Biometric Registration sa 4Ps Benificiaries ng Upi


Validation sa affidavit ng benificiaries

DSWD Ipinagpatuloy ang Biometric  Registration sa 4Ps Benificiaries ng Upi

Upi, Maguindanao (February 7, 2013)… Nitong umaga ng Huwebes ay muling ipinagpatuloy ng Department of Social Welfare and Development – Autonomous Region in Muslim Minndanao (DSWD-ARMM) ang biometric registration sa 4,450 na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)  beneficiaries ng Upi. Nitong nakarang Enero 28, 2013  ay unang isinagawa ang rehistrasyon subalit dahil sa dami ng 4Ps benificiaries sa Upi ay hindi natapos kaya re-schedule nitong araw.
 
Ang layunin ng biometric registratioin ay para maiwasan ang mga pekeng claimants sa biyaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay nagsagawa ng malawakang rehistrasyon ng biometric sa bansa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kinukunan ng automated fingerprints ang bawat membro ng 4Ps.

Ang biometric registration ay una ng  inilunsad sa Leyte at dito  sa probinsiya ng Maguindanao ay sinimulan nitong ika-15 ng Enero 2013. At isusunod naman kaagad ang ibang probinsiya ng Lanao, Basilan, Sulu, at Tawi-tawi, na pawang sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM),  at   kasama din ang lungsod ng Marawi at Lamitan.

Ang ARMM ay tinatayang may 300,000 ang 4P’s beneficiaries.  Ayon  sa mga ilang assessment at report ay may mga complained na hindi diumano  nakukuha ng benificiaries ang kanilang cash grant dahil may mga bugos o nagpapanggap na claimant, kaya humanap ang ahensiya upang ipatigil na ang mga ganitong  anomalyang ito.

Halos mapuno ang Upi Gymnasium sa dami ng nakapilang
4P's benificiaries ng Upi
Ang 4P’s ay isang istratehiya ng DSWD na nagbibigay tulong sa mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagkakaloob ng conditional cash grants upang mabawasan ang kahirapang kanilang nararanasan. Kaakibat sa patuloy na pagtanggap ng cash grant ang mga kondisyon, na ang pagpapatingin ng ina sa mga anak sa health centers; pagsisigurong pumamapasok ang bata sa eskwelahan at pagdalo ng mga magulang sa family development sessions.

Kapulisan ng Upi ay tumulong para sa kaayusan
Ang 4Ps ay sinimulan noong bago magtapos ang  taong 2010 sa rehimen ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA), inilunsad ang Conditional Cash Transfer (CCT) sa bansa. Sa panunungkulan ni Pangulong Benigno ‘Noy-Noy’ Aquino III (P-Noy) ang CCT ay kinilala bilang 4Ps at itinaas sa P39.5 bilyon mula sa P10.8 bilyong badyet para dito. (Ulat ni Alih S. Anso)