Mindanao
Power Crisis Patuloy, Kaya MAGELCO Palaging
Brownout
MAGELCO SEAL |
Upi,
Maguindanao (February 21, 2013)…“Kinukulang
ang supply ng korente na naibibigay ng National Grid Corporation of the
Philippines (NGCP) sa mga electric
cooperatives kaya patuloy ang rotating brownout ng Maguindanao Electric
Cooperative (MAGELCO)”. Pagpapaliwanag ni Datu Tumagantang Zainal, dating MAGELCO
Board president .
Nitong Huwebes ay
nagsagawa ng stakeholders meeting ang
Magelco na dinaluhan ng mga Local Government Unit officials sa Maguindanao at
media, upang ipaliwanag kong bakit patuloy ang rotation brownout sa lugar na
sakop ng MAGELCO.
Datu Tumagantang Zainal-former MAGELCO Board President |
Sa patuloy na rotation
brownout ay walang magagawa ang cooperatiba, dahil ang NGCP ay hindi sapat ang
naibibigay na power sa mga electric distributors tulad ng MAGELCO.
“Hindi lang naman tayo
sa MAGELCO ang nakakaranas ng brownout, kundi ganoon din ang iba pang 26 na
electric grid cooperative na na siniserbisyuhan ng NGCP”. Pahayag ni Edna Lidasan, MAGELCO OIC Manager.
Ayon pa rin kay
Lidasan, sinusunod lamang ng kooperatiba ang suplay ng kuryentengibinibigay ng
National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Dagdag pa niya, ipagkakasya
lamang ng MAGELCO ang kaunting suplay ng kuryente sa anim na feeder nito kaya
ipinapatupad pa rin ng load curtailment.
Aminado naman si
Lidasan na walang magagawa ang MAGELCO kundi sundin ang advisory ng NGCP.
OIC MAGELCO Manager Edna Lidasan |
Una ng inihayag ng NGCP
na wala rin silang kontrol sa nararanasang brownout sa mga lugar na sakop ng
mga electric cooperative dahil taga-hatid lamang sila ng suplay ng kuryente
mula sa mga planta.
Sa Mindanao, ang nag
generate ng power ay ang NPC at ipinamamahagi naman ito ng NGCP sa electric distributors patungo sa mga
consumers . (Alih S. Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento