Validation sa affidavit ng benificiaries |
DSWD Ipinagpatuloy ang Biometric Registration sa 4Ps Benificiaries ng Upi
Upi, Maguindanao (February
7, 2013)… Nitong umaga ng Huwebes ay muling ipinagpatuloy ng Department of Social
Welfare and Development – Autonomous Region in Muslim Minndanao (DSWD-ARMM) ang
biometric registration sa 4,450 na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries ng Upi. Nitong nakarang Enero
28, 2013 ay unang isinagawa ang rehistrasyon
subalit dahil sa dami ng 4Ps benificiaries sa Upi ay hindi natapos kaya
re-schedule nitong araw.
Ang layunin ng biometric registratioin
ay para maiwasan ang mga pekeng claimants sa biyaya ng Pantawid Pamilyang
Pilipino Program (4Ps) ay nagsagawa ng malawakang rehistrasyon ng biometric sa
bansa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kinukunan ng
automated fingerprints ang bawat membro ng 4Ps.
Ang biometric registration ay una ng inilunsad sa Leyte at dito sa probinsiya ng Maguindanao ay sinimulan
nitong ika-15 ng Enero 2013. At isusunod naman kaagad ang ibang probinsiya ng Lanao,
Basilan, Sulu, at Tawi-tawi, na pawang sakop ng Autonomous Region in Muslim
Mindanao (ARMM), at kasama din
ang lungsod ng Marawi at Lamitan.
Ang ARMM ay tinatayang may 300,000 ang
4P’s beneficiaries. Ayon sa mga ilang assessment at report ay may mga
complained na hindi diumano nakukuha ng
benificiaries ang kanilang cash grant dahil may mga bugos o nagpapanggap na
claimant, kaya humanap ang ahensiya upang ipatigil na ang mga ganitong anomalyang ito.
Halos mapuno ang Upi Gymnasium sa dami ng nakapilang 4P's benificiaries ng Upi |
Ang 4P’s ay isang istratehiya ng DSWD na
nagbibigay tulong sa mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagkakaloob ng
conditional cash grants upang mabawasan ang kahirapang kanilang nararanasan. Kaakibat
sa patuloy na pagtanggap ng cash grant ang mga kondisyon, na ang pagpapatingin
ng ina sa mga anak sa health centers; pagsisigurong pumamapasok ang bata sa
eskwelahan at pagdalo ng mga magulang sa family development sessions.
Kapulisan ng Upi ay tumulong para sa kaayusan |
Ang 4Ps ay sinimulan noong bago magtapos
ang taong 2010 sa rehimen ng dating
pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA), inilunsad ang Conditional Cash
Transfer (CCT) sa bansa. Sa panunungkulan ni Pangulong Benigno ‘Noy-Noy’ Aquino
III (P-Noy) ang CCT ay kinilala bilang 4Ps at itinaas sa P39.5 bilyon mula sa
P10.8 bilyong badyet para dito. (Ulat ni
Alih S. Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento