Municipal Health Officer Dr. Carmelo Esberto pinapaliwanag papaano magagamot at maiiwasan ang sakti na TB. |
Nuro, Upi (Feb 6, 2013)...Nagsagawa ng Tuberkolosis Orientation nitong Martes 1:30 ng hapon sa bakuran nina Imam Saripada Kamasa, sa Purok 9, Barangay Nuro Upi,Maguindanao.
Dinaluhan ng mahigit 30 katao na miyembro ng pamilya at ang mga
resource person ay sina Municipal Health Officer Dr. Carmelo
Esberto, Rural Health Unit (RHU) Midwife 3 Jacquelyn Flores Gamit at dalawang mga nurse mula sa
RHU.
Jacquelyn Flores Gamit habang pinapaliwanag ang programa ng goberno papaano lalabanan ang sakit na TB sa mga residente ng Purok 9, Barangay Nuro |
Pagkatapos
ng Orientation ay nagbigay ng libreng konsultasyon si Dr.Esberto.
Nitong Enero 29, ay nagsagawa sa Upi ng TB Educators Training Counselling sa mga Barangay Health Workers, (BHW) Muslim
Religious Leaders (MRL) at rural health workers.
Unang sinanay
ang mula sa anim na barangay ng Nuro, Borongotan, Blensong, Darugao, Mirab, at
Kibleg. Agad naman isusunod ang nalalabi
sa 23 barangay ng Upi.
Ang mga dumalo na pamilya mula sa Purok 9 ang orientaqtion sa TB ay ginanap sa tahanan nina Imaam Saripada Kamsa |
Habang ang
2nd Batch ay ang mga Barangay ng Ganasi, Kibukay,
Tinungkaan, Bugabungan, Sabaken, Kabakaba, Rempes, Nangi, at Sefegefen. Ang
ikatlong batch naman ang mga barangay ng Rifao, Ranao, Renti, Bayabas, Bantek,
Kinitaan, Renede, at Kiga.
Ang bawat
Barangay ay may limang partisipante,
apat na BHW o Barangay health Worker at isang kagawad ng Barangay ang Committee
on Health.
Ang training ay
isinagawa ng Muslim Youth Religious Organization, Inc. na ginanap sa Barangay
Hall ng Nuro.
Ang layunin ng
training ay upang masanay o maging
bihasa ang mga BHW, MRL at health workers na labanan ang sakit na TB.
Base sa mga pag aaral, Umaabot na
sa 75 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa sakit na TB o tuberculosis,
kaya naman nanatili ito sa ika siyam na sa 22 bansa na binabantayan ng World
Health Organization (WHO) dahil sa may pinakamataas na problema sa TB.
Pagkatapos ng TB orientation ay nagsagawa ng free medical check up si DR. Carmelo Esberto. |
Ayon sa Department of Health o DOH, ang TB ay ang
pang-anim sa mga sakit na nangungunang sanhi ng kamatayan omortality at
morbidity o sakit sa Pilipinas.
Bagamat mataas ang bilang ng
namamatay sa sa sakit na TB, nilinaw
naman ng DOH na batay sa kanilang pinakahuling istatistika, bumaba ang bilang
ng TB mortality dahil sa pagtutok ng goberno sa problema.
Nakamit na rin ng DOH ang 70
porsiyento ng TB Case Detection Rate at 85 porsiyento ng Treatment Success Rate
sa mga bagong smear positive TB cases nitong nakalipas na anim na taon.
Sa ngayon ay may panukalang batas na papaano lalabanan ang sakit na TB, ito ay
tinaguriang Comprehensive Tuberculosis
Elimination Act. (Noralyn Bilual at Nenita Minted)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento