Mga
Kultura, Kaugalian at Paniniwala ng mga
Talainged
(Pebrero
7, 2012 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at
Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
NORALYN:
Mga Kultura, Kaugalian at Paniniwala ng
mga Talainged ang ibabahagi naman sa atin ni Kaka Alih, sa
ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya sa ating programang
buhay-buhay…
(PLAY
INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NORALYN:
Magandang
umaga Kaka..
KAKA
ALIH: Magandang
umaga din Nor, Assallamu alaikum warahmatullahi
wabarakatuh.. good morning to all listeners, and even yaon hindi
nakikinig sa sariling radio, dahil sa kapit bahay lang nakiki-share..(LAUGHING).
Alam ba ninyo kaibigan
na sa ngayon ay nahaharap sa maraming
pagbabago ang kulturang Pilipino, at of course kasama diyan ang Bangsamoro at
Teduray/Lambangian. Mga halimbawa ng mga pagbabago mula sa kabayanan o kalunsuran (dati
sakop tayo ng muncipyo ng Dinaig ngayon ay Upi, andiyan na rin ang South Upi at Datu Blah), pangkabuhayan, medya (dati wala
ang tayong DXUP, dati wala tayong
internet sa Upi) at teknolohiya
(halimbaawa nito ay celpon at computer) na nagdulot ng mga pagbabago sa pagpapahalaga, kaugalian
at kulturang kinagisnan ng angkang Pilipino, Teduray at Bangsamoro.
NORALYN:
Kaka Alih sa title ng inyong ibabahagi ngayon ay binanggit po ninyo Ang
Talainged? Tribu ba itong Talainged? Anong kahulugan nito?
KAKA
ALIH: Maganda at
naitanong mo yan Noralyn, actually hindi po bago ang term na na Talainged, iya
ay bahasa natin, talainged means native inhabitants, dating naninirahan sa
lugar na ito…ang kabila nito o partner ay Rafu, na ang ibig sabihin naman ay
bangyaga o foreigner o bagong salta sa lugar.
Mayroon akong mga
iobabahagi nagayon umaga na kaugalian o paniniwala ng mga Bangsamoro na Muslim,
but gusto ko lang ipalaala sa lahat na ang madalas sa mga kultura at kaugalian
ng mga Bangsamoro ay hinalaw sa paniniwala sa Islam…kung baga I timpladong ng
Islam ang kultura at kaugalian natin.
Halimbawa na kaugalian
o adat, adab sa Arabic ay itong manners and etiquettes, o magandang kaugalaian
ng pagbasok sa kasilyas o comfort room..
Una ay dapat kong
papasok ka na ay unang ipasok ang kaliwang paa, at sa paglabas ay kanang paa.
At habang nasa loob o ginagawa mo yun, ay hindi ka magsasalita o nag-uusapa sa
kasama, maliban na lamang sa emergency situation.
Ang
iba pang matandaan na kultura natin na mga Pilipino, Bangsamoro
at Teduray sa pagiging malapit sa pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa.
Madalas ay namumuhay o
nakatira sa isang bubong ang buong pamilya na binubuo ng mag-asawa, kanilang
mga anak at ilang pang mga kamag-anakan. Sa ngayon ay may pagbabago na, hindi lang nagbukod ng bahay kundi
nangibang bayan pa, at mayroon pa diyan
na nangibang bansa na.
Minsan dahil na rin sa
paglulunsod o naging city ang mga dati ay Barangay o muncipyo (halimbawa nito
ang Tacurong, Kidapawan) ang ibang
pamilya mula sa lalawigan patungo sa lungsod, ang dating sama-samang magkakanak
ay nagbunga na rin ng pagsasarili. Ang
nagkalayu-layong angkan ay di na kasinlapit ng dati at di na rin gaanong
magkakakilala, sabi ng kumapare ko mabuti pare may facebook nakilala ko ang
lost relatives ko sa America na (LAUGHING)
Alam mo
Nor, ako din nakilala ko thru
facebook ang ibang membro ng angkan ng
Iranun sa KotaBelud sa Malaysia, because of facebook. (LAUGHING).
Sabagay kahit
ganito na ang sitwasyon natin, masasabi
pa ring malakas ang
turingan ng angkan o pamiilya, ngunit ang pagbibigayan at pagmamalasakit sa
membro ng pamilya ay unti-unting nawawala na.
Ang pandarayuhan, o
pangingibang bayan o bansa ay may dulot
ding pagbabago sa pamilyang Pilipino. Karamihan ng mga magulang na nangingibang
bansa upang magtrabaho ay naniniwalang ito ang paraan upang matustusan ang mga
pangangailangan ng pamilya at maitaas ang antas ng pamumuhay nito. Dahil dito
ang pag-aaruga sa mga anak ay iniaasa ng
pansamantalang lumayong magulang sa
ibang tao.
Ayon sa pag-aaral o
dukumentation natin, ang mga naiwang anak ay ipinauubaya sa katulong,
yaya o mga nakatatandang kapatid na napipilitang gampanan ang pagmamagulang sa
napakamurang gulang.
Kahit sa kasalan ay may mga pagbabago |
Bunga pa rin ng patrabaho
sa ibang bansa, dito ay nagkaroon ng
pamilyang Pilpino na tinatawag na single-headed household, parentless household
at mga seasonal orphans na madalas na pinanggagalingan ng mga kabataang
nalulong sa mga masasamang bisyo, nakikipag-ugnayan bago ikasal at
nagsisipag-asawa nang maaga o wala sa oras. Ilan lamang ito sa mga patuloy na
pagbabago sa pamumuhay at karanasan dahil sa pandarayuhan.
Heto pa ang isa daw sa
matinding pagbabago ng mga Pilipino, pagbabago ng kalagayan ng mga kababaihan sa
lipunan. Ang mga tungkuling dati ay nagagawa lamang ng mga lalaki sa larangan
ng trabaho o posisyon ay nagagampanan na rin ng mga kababaihan. Patuloy na
hinahangad ng mga kababaihan na maiukol ang pantay-pantay na pagtingin sa
parehong kasarian. Kung kaya naman ngayon ay marami na ang mga ina ng tahanan
na naghahanapbuhay di lamang makatulong sa gastusin ng pamilya ngunit para na rin
sa pansariling pag-unlad. Dahil dito, ang mga inang nanunungkulan sa labas ng
tahanan ay umaasa sa kanilang asawa upang makatuwang sa mga gawaing bahay tulad
ng paglilinis, paglalaba at pag-aalaga ng kanilaang mga anak.
Sa mga pagbabago
naman na dulot ng modernong
teknolohiya at media ay damang-dama na rin ng pamilyang Pilipino.
Sinasabing sa
kasalukuyan ay namumuhay tayo sa Information Age, kaya madalas mo mong marinig ang IT.. hindi ET.. (LAUGHING)… kung saan ang pamilya ay
patuloy na umaangkop at humahabol sa bilis ng pagbabago sa pamumuhay dala ng
makabagong teknolohiya. Ang mga modernong kagamitan at pamamaraan tulad ng
computer, internet, e-mail, cellphone, at makabagong sistemang gamit ng media ay
nagpabago sa dating gawi at ugali ng pamilyang Pilipino. Bunga ng mga
teknolohiyang ito ay nagiging impersonal ang pag-uugnayan at komunikasyon ng
pamilya sa loob ng tahanan. Sa napakaraming bagong kaalaman at datos dulot ng
teknolohiya ay nababawasan ang oras na ginugugol sa bawat isa sa labis na
paggamit nito.
Dahil sa pagbabagong
ito ay naapektuhan ang personal na
pag-uugnayan ng miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan. Dati rati ang pinahahalagahang kaugalian ng pamilyang
Pilipino tulad ng masayang pagsasama-sama, pagkakamustahan at pagkukuwentuhan
pagsapit ng dapithapon ay tila napapalitan ng impersonal na pag-uugnayan at
komunikasyon dahil sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, text text na lang daw o kaya chat chat na lang thru
skype (LAUGHING)..
Pati ang pangliligaw ng mga
Pilipino na panghaharana ay
nawala na rin, dahil napalitan na ng
sms o text messages.. (LAUGHING).
Ang pagbabago ay natural lamang daw, subalit ang payo ay may pagabago dapat ay yaong
nakakabuti at hindi ang pagkariwara ng sambayanang Pilipino, Bangsamoro at Teduray.
Kinakailangan pa
rin ang pag-aaral sa mga kaugalian at
kultura natin, panatilihin ang nakakabuti at palitan natin ang dapat idelete..
Ito po ang inyong kapatid na Bangsamoro, si Kaka Ali, Sukran.. Wassallamu Alaikum
Warahamatullahi Wabarakatuh.
NORALYN BILUAL:
Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang
presentasyon na yan muling abangan bukas
, ang isa pang paglalahad sa atin ni Kaka Alih.
(Play- EXTRO- Gabay at
Talakayang Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento