Martes, Pebrero 5, 2013

Gaano Kahalaga ang Kagubatan?


(September 5,  2012- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Nenita Minted)

NENITA: Ang tanong natin ay gaano  kahalaga ang kagubatan sa atin? Ang kasagutan ay magmumula sa iyo at iyan ang tatalakayinni Kaka Ali, sa ating segment  na  gabay at talakayang pampamilya, …kaya , samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa ating segment na …

(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NENITA: Good Morning Kaka Alih..

KAKA ALIH:  Good morning din  kapatid na Nenita, at assallamu alaikum warahmatullahi wbarakatuh sa mga kapatid na Muslim o sa mga Nanampalataya sa Islam.   

Nenita bago ko ilahad ng buong-buong ang aking kasaysayan, este,  aking tatalakayin sa umagang ito,(PLAY LAUGHING) ay may ikukuwento ako, tungkong sa baha o nangyaring baha (d’gan sa Iranun)   tandang-tanda ko pa ang lahat Ate Nits, (PLAY LAUGHING)

NENITA: Parang kahapon, ngayon at bukay ni Ate Bai..

 KAKA ALIH: Never mind Nits, para medyo masarap ang kuwento, last year ito   August 14, 2011, its about seven oclock  ng gabing madilim, prepared o handing-handa na akong pumunta sa Masjid, para sa Eisha na sambayang,  ng biglang magsisigaw ang aking  anak,   na may tubig na pumasok sa loob ng aming bahay. Naku laking gulat ko, agad akong napatayo at  ng aking tingnan,  lapt na na sa sala naming ang tubig. Agad kong naisip  ang aking mobile phone, para tawagan si  Mayor Piang, upang ipagbigay alam ang situation, di pa man ako nakatadial, naku tumaas na halos isang pulgada ang tubig.

Kaya din a ako natuloy sa Masjid upang magsambayang ng Jamaah opangmaramihan na sambayang, sa bahay na lang. Ako ay nag-obserbved, di naglipat oras, aanong bilis ng pagdadting ng tubig ganoon din  kabilis ang pag-baba naman ng tubig. At dahil  alas nuwebe ng gabi humupa na rin ang tubig, parang walang nangyari..ito ang tinatawag na “flash flood” omabilis na baha. 

Salamat at may mga ginawang kanal at nilinis na rin  ng LGU  Upi at ng Barangay Nuro ang mga kanal sa  Nuro, lalo na  sigoro kong regular na isasagaawa ang paglilinis sa mga canal para tuloy-tuloy na makadaloy ang tubig, patungo sa ilog.

Dahil sa flashflood na yun Nenita,   ay muling na-alarma ang mamamayan lalon ang ating Mayor Piang, dahil   naranasan na ang  ganito,  noong 1995 at 2008.

At sa gabing iyon  agad namang nagbigay ng babala ang alkalde ng bayan  Ramon Piang Sr, sa pamamagitan n gating community radio DXUP FM sa mga mamamayan,   na mag-ingat sa posibleng landslide,  baha  at flashflood lalo yaong  malalapit sa kabundukan at ilog.

At alam ba ninyo na dahil sa madalas na mga flash flood sa ating bansa,  ang  palaging nakikitang o alam na  dahilan ay ang pagkaubos  ng  mga punong kahoy sa ating mga kabundukan?

Ayon  sa mga siyentipiko, ang mga punong kahoy kasi  ang pansamantalang humaharang  at sumisipsip sa tubig  ulan at dahil  ditto  ay dahan-dahan ang pagbaba  ng tubig sa ating  mga  kapatagan.

Alam mo Kapatid na  Nenita, ang ating mga  kagubatan ay likas yaman o likha ng Diyos.  Noong unang panahon pa man, ang mga  kabundukan natin    ay  maraming punong kahoy, mga galang hayop at iba pang nilikha ng Poong Maykapal, pero ngayon ay halos wala ng natitira,  kong mayroon man ay di na sapat para mabalanse ang ating  ecology o  kapaligiran.

NENITA: Kaka may tanong ako: “Gaano kahalaga ang kagubatan sa ating kapaligiran?”

KAKA ALIH: Ang    kasagutan ko diyan  kapatid na Nenita ay ganito:

“Mahalaga ang gubat sa ating buhay dahil  ito ay pinagkukunan ng ating pagkain, gamot, tubig at mga kahoy para magamit sa ibat-ibang pangangailangan.

Ang kagubatan ay may luntiang kapaligiran na may mga ibat-ibang halaman na  siyang nagbibigay buhay at sigla sa iba pang nilalang na hayop at ng mga tao.

Ang mga naglalakihang mga puno  ang siyang nagpapalakas sa mga bukal ng tubig para magamit ng lahat ng nangangailangan nito (tao,hayop at mga halaman).

Ang buhay at malusog na kagubatan ay gumaganap bilang  pangsala ng kalikasan (buffer system)  sa alin mang kapaligiran sa buong daigdig, di lang ito naglilinis ng hangin, lupa at tubig kundi nagpapanatili sa tamang temperatura na kailangan sa malusog na buhay ng bawat nilalang.

 Ang pinsalang pangkalikasan na ito sa ationg malusog na kagubatan noon   ay panimbang din sa lahat ng  labis  na  init at polusyon.

Ang    pag init ng buong daigdig o ang tinatawag na “global warming” ay isang malinaw na halimbawa, kaya nag-iinit at mundo sa ngayon.  Na ayon sa mga siyentipiko o scientist ay dahil sa dahan-dahang pagkaubos  ng punong kahoy, at dahil dito ay kasabay ding nawawala ang natural buffer system ng mundo o ang nagsisilbing payong sa initi ng araw . 

 Kaya naman ayon sa mga siyentipiko,   kong gusto nating ibalik ang tamang timpla o condition ng mundo ay ibalik natin ang likas yaman ng ating kagubatan.

Sa kalagayan natin sa ngayon na halos kalbo na ang kabundukan ay mahirap ibalik kaagad ang mukha ng ating kagubatan, ngunit kong gagawin natin ay kayan natin.

Ayon sa mga pag-aaral ay dapat  unahin na iwasto,  ay ang kalagayan ng lupa upang magkaroon ng kalagayang  angkop sa mga itatanim na mga puno at halaman. 

Maglagay ng mga shade plants o panganlong tanim, bago  isusunod ang mga  principal seedlings o pangunahing mga punla upang sa gayon ay  madaling makakaayon sa lupaing pagtatamnan.  Isang halimbawa ng shade plant o panganlong na tanim ay ang kakawate o madre kakaw ,isang legumenous plant na may kakayahang pagandahin ang lupa sa pamamagitan ng kakayaham nitong baguhin ang nitrogeno compound sa available forms o anyong magagamit ng mga halaman.

 Magiging mataas ang survival rate o bilang ng mabubuhay kong susundin ang  ganitong pamamaraan, ayon sa mga  pag-aaral. Bukod dito ang mga shade plants ay mainam na gawing gatong o uling na mapagkakakitaan ng iba sa halip na putulin ang principal seedlings o punla na siyang inaaasahang magiging kagubatan sa darating na panahon.

Ang pagtataguyod ng kagubatan ay isang hakbang para sa   pagbibigay daan upang patuloy mabuhay ang lahi ng mga tao at iba pang hayop sa daigdig na ito.

Tanong pa rin ng isang batang nag-aaral:  “Tay, bakit nauubos ang ating kagubatan?”

Anak ganito ang pwede kong isagot sa tanong ninyo: “May mga bahagi ng ating  ang kagubatan sa ngayon ay   walang    namamahala o hindi pa napasasailalim sa anumang klaseng pamamahala  kung kaya’t kahit sino na lang ay malayang pumapasok dito at pumutol o kumuha  ng mga yaman gubat.  Ito ang bahagi ng kagubatan na tinatawag na “open access.” Mayron ding bahagi ang mga kagubatan na mayroon  ngang namamahala, subalit ang mga may hawak nito ay nagpapabaya naman sa kanilang responsiblidad o tungkulin.”

Dahil sa sitwasyong ito,  may mga taong basta na lang pumapasok sa kagubatan upang mamutol  ng kahoy, magsasagawa ng kaingin, at iba pang mapanirang (destructive)  gawain, na nagdudulot ng pagkakasira at patuloy na pagkaubos ng ating  natitirang yamang-gubat o kagubatan.

“Tay may pag-asa pa ba tayo upang isalba o iligtas ang pagkasirang ito ng ating kagubatan?” dagdag na tanong ng anak.

Of course naman  Ting!, (LAUGHING) Ang lahat ng pagkakataon ay nasa tao, oo nasa atin na mamamayan ng Upi, kailangan lamang na gawin,  hindi sa salita lamang .

Sa pamamagitan ng tamang pagpaplano at pamamahala ng ating mga kagubatan,pwede pa nating isalba ang catastrophy o ang delubyo na darating.  

Kinakailangan lamang ang ahensiyang matatag, maunawain, masigasig, at mga namamahala at nagpapatupad na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kalikasan.

Kaya naman saludo ako Nenita, sa ang ating pamahalaan, sa pangunguna ng  Department of Inviroment and Natural Resources (DENR) ay nakipagtulungan sa  ating Local Government Unit of Upi at binuo o itinatag ang FLUP?

NENITA: Ano ang  FLUP Kaka,  pwede mong ipaliwanag sa atingmga  tagapakinig sa bago sa kanilang pandinig.

KAKA ALIH: “Ang FLUP ay ang Forest Land Use Plan.  Ito ang  nagtataguyod o nagsasagawa ng   isang pamamaaraan ng pagpaplano-matapos ang isang masusing pag-aanalisa at pag-aaral sa kalagayan ng kagubatan-upang mailagay sa maayos na pamamahala ang mga ito. Ito rin ang siyang magiging basehan sa “alokasyon” o paglalagay ng tamang sistema ng pamamahala ng kagubatan ayon sa kagustuhan ng nakararami, at para rin sa nakararami.

NENITA : Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na pwedeng gamitin o kumuha ng likas yaman ang mga mamamayan?

KAKA ALIH: Hindi pa naman Nenita, pwede pa rin , subalit may mga allocation o paghati-hati sa ating kagubatan kong papaano pangangalagaan at gagamitin. 

Ang FLUP ay makakatulong sagutin ang mga katanungan tungkol sa alokasyon tulad ng:

·         Anong bahagi ang dapat ay protektado-tulad ng watershed reservation?

·         Anong parte ang maaring ipamahala  sa kumunidad? O sa pribadong sector? O sa pamahalaang lokal (tulad ng communal forest)?  O sa ibang ahensiya ng pamahalaan (tulad ng pamantasan, National Power Corp. O NAPOCOR, Philippine National Oil Corp. Oo PNOC, atbp)?

Ang tamang alokasyon, base sa FLUP, ay mangangahulugan ng paglalagay ng naangkop na pamamahala sa mga kagubatan na titunuturing na “open access” (walang namamahala).  Sa pamamagitan nito, magiging malinaw ang mga responsibilidad at pananagutan ng Department of Inviroment and Natural Resources (DENR), pamahalaang lokal, (LGU), at maging ang lokal na pamayanaN, upang tiyakin na maisakakatuparan ang tamang pamamahaang nabanggit.

NENITA: “Bakit kailangan pa ang FLUP Kaka?”

KAKA ALIH:  “Bakit kailangan pa ang FLUP” dahil ito ay  mahalaga o  iportante,   upang matukoy ang open access na kagubatan at mailagay sa tamang pamamahala ito, kasunod ng pagbibigay ng tenure sa mga interesado at responsableng tao o organisasyon  na maaring mamahala dito.

Alam ko kaibigan marami kang itatanong, maaring itanong mo, “Paano makatutulong ang FLUP sa ugnayang DENR-LGU ukol sa alokasyon at pamamahala ng kagubatan?”

Kaibigan, ang FLUP ay magsisilbing batayan tungo sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng DENR at pamahalaang lokal at iba pang sektor upang malinaw na maitupad ang mga kasunduan ayon sa alituntunin ng batas. Sa gayon, mapapadali ang pagtutulungan ng DENR at LGU na maisakatuparan ang mga mithiin sa pamamahala ng kagubatan, ganun din sa pagpapasya ng DENR sa pag-isyu ng angkop na tenure, ayon sa itinalaga ng plano. 

Ayon sa implementing guidelines, ang FLUP ay magsisilbi   ring batayan ng ibat-ibang sektor sa pagmomonitor ng pagbabago sa kagubatan. Sa pamamagitan ng tamang pagmomonitor, agarang maaksyunan ang mga problema,  na posibleng kaharapin sa pamamahala ng ating kagubatan.

Dahil dito ay ang mga mamamayan ay maraming magiging pakinabang sa oras na ang FLUP ay maisakatuparan na.

Halimbawa ay ang:
·         Pagkakaroon ng tenure. Ang mga kwalipikadong komunidad ay maaring mabigyan ng “tenure” na nagbibigay sa kanila ng pribilehiyo upang siyang mangalaga sa ilang bahagi ng lupang gubat, kasama na ang likas-kayang paggamit ng ilang likas-yamang napapaloob sa kasunduan. Ang tagal ng kasunduang ito ay umaabot ng taon-minsa’y mula sa 25 hanggang 50 taon. Ang “tenure” ay isang pribilehiyo lang; hindi ito isang titulo ng lupa.

·         Maiiwasan ang di pagkakaunawaan sa paggamit ng likas-yaman.   Dahil nga ang pamamahala ng kagubatan at paggamit ng mga yamang-gubat ay ipapasaloob sa isang malinaw na kasunduan na kung saan ang lahat ng maaapektuhan ay kukunsultahin, maiiwasan din ang away at anumang di pagkakaunawaan ng iba’t-ibang sector ng pamayanan.

·         Pagkabawas ng mga illegal na aktibidad.  Kung mayron nang isang komunidad o organisasyon ba responsable sa pangangalaga ng kagubatan, siguradong ang mga ilegal na pagpuputol, kaingin at iba pang mga aktibidad na nakakasama sa kagubatan a nababawasan na.

·         Mga pang-matagalang pakinabang.  Sa pamamagitan ng FLUP, maisasaayos ang mga pamamahala ng kagubatan at mga yamang-gubat upang ito ay patuloy  ng kabuhayan para sa kumunidad/pamayanan.  Kapag maayos ang kalidad ng kagubatan at ang mga yaman nito, patuloy itong magbibigay ng iba’t-ibang uri ng pakinabang, gaya halibawa ng patuloy na supply ng kahoy at iba pang yamgn-gubat, proteksyon sa mga kumunidad, at marami pang iba. Mababantayan din ng mga mamamayan ang paglalagay ng mga proyekto at masusunri nila kung ang mga ito ay naayon sa pangangailangan ng kagubatan at sa kagustuhan ng mga kumunidad.

NENITA: “Ano naman ang pakinabang ng mga nasa kapatagan?”

KAKA ALIH: Ang pagsasaayos ng pamamahala sa kagubatan ay magiging kapaki-pakinabang din sa mga nasa kapatagan.  Ang kagubatan at kapatagan ay kunektado sa isa’t-isa.  Anumang mangyari sa kagubatan ay makakaapekto sa kapatagan. Kaya kung maayos ang pamamahala sa kagubatan, ang kapatagan ay siguradong makikinabang, tulad ng pagkakaroon nto ng regular  na panggagalingan ng tubig para sa irigasyon, gamit sa bahay, atbp.

NENITA: May  papel ba na dapat gampanan ng pamayanan sa pagbuo   at sa pagpapatupad ng FLUP?

KAKA ALIH: Yes, ito ay multi-sectoral.  Mahalaga ang pakikilahok ng mamayan sa pagbuo at pagpapatupad  ng FLUP.  Kaya nanawagan tayo sa mamamayan ng Upi ng tulungan natin ang LGU Upi sa pagpapatupad ng FLUP sa ating bayan ito ay para na rin sa kinabukasan n g ating saling lahi o susunod na henerasyon.

Sukran… Wassallam.

NENITA: Maraming  salamat Kaka Ali,  

(PLAY EXTRO-Gabay at TalakayangPampamilya

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento