Lunes, Pebrero 4, 2013

PASAWAY Part 2


PASAWAY Part 2

mga labi ng paputok ng mga pasaway
(February 5, 2013-Martes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –NORALYN BILUAL)

NORALYN BILUAL: Pasaway o sinasabing “matigas ang ulo”,  o taong  mahirap pagsabihan, dahil patuloy na sumusuway sa utos, mga kapatid, sa muli ay makakasama natin in person si     Kaka Alih, ngayon  umaga ng Tuesday, Feb 5, 2013,  at ipapaliwanag sa atin ano itong pasaway….    

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

NORALYN BILUAL: Magandang umaga Kaka Alih, 

KAKA ALIH: Magandang umaga din Kapatid na Noralyn,   assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaating Nawa) sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.
Kumare may anak ba kayong pasaway?  Di ba sakit ng ulo?

Pasaway –ano ang ibig sabihin ng  Pasaway?  o sinasabing “matigas ang ulo”. Ang pasaway ay    taong  mahirap pagsabihan,  at patuloy na sumusuway sa utos mo in  madaling-salita, “makulit” at napansin  ninyo  kadalasang mga bata at kabataan ang nasasabihan ng:   “pasaway kang bata ka!”

Pero ang   tutoo lang, hindi lang mga bata at kabataan ang pasaway, hindi ba Noralyn?

NORALYN BILUAL: Tama  ka diyan Kaka Alih, kong ayaw pakontrol ang tao, o may kakulitan matanda man o  bata, dapat tawagin  din na  pasaway, kahit na matanda na.

KAKA ALIH: Tama!  Kahit teenigulang na, tatawaghin pa rin pasaway, kong ayaw paawat. Ang  mga katulad nilang mahirap pagsabihan o talaga namang makulit ang dapat tawagin  na pasaway.

Sabagay hindi bago ang  mga batang pasaway,    of course ganoon din  sa   mga nakatatanda.  At of course, walang gaanong pinagkaiba ang nakatatanda noong panahon   sa mga nakatatanda ngayong panahon natin.   But for sure kailangang idisiplina ang bata at matandang pasaway, dahil sadyang nakakagulo yan.  

Edwards St, Nuro, heto ang image...gawa ng mga pasaway,
after new year of 2013
“At Syempre Kaka nakaka-stress ang ganyang tao…” ang sabi ni Maam. Dapat madisiplina ang ganyang tao.

NORALYN BILUAL: Agree ako  Kaka Alih, dapat talaga n  madisiplina ang  ganyan,  na tao, ang tanong ko Kaka papaano  ang  pagdisiplina sa kanila?

KAKA ALIH: At maraming paraan ng pagdisiplina Kapatid na Noralyn.  Ayon sa mga may kaalaman sa ganitong problema, may dalawang uri ng pagdidisiplina ang dapat pairalin.

Ang isa ay ang tamang pagdidisiplina.

Ito ang uri ng pagdidisiplina nang hindi pagpaparusa ang pangunahing layunin ng dumidisiplina. Sa halip, ang pakay ng pagdidisiplina ay ang maiwasto muli, at hindi maparusahan  ang pasaway sa pamaraang hindi marahas at talagang nagbibigay-leksyon sa dinidisiplina dahil pinagsisikapan nitong mabuti na maipaliwanag sa dinidisiplina ang dahilan ng pagdidisiplina. Kaya nga tinawag na tamang pagdidisiplina sa pasaway.
Ang pangalawa pa ay ang pagdidisiplina ng puro tama.

Kaya naman ito puro tama dahil una, puro tama sa palo ang dinidisiplina at, ikalawa, palaging ang dumidisiplina lang ang tama kasi ayaw tumanggap ng paliwanag ng dinidisiplina. Marahas ang pagdidisiplinang ito. Ganito ang pagdidisiplina ng mga taong sinasabing “mabigat ang kamay”. Makitid din ang pagdidisiplinang ito dahil walang puwang sa pag-uusap o dialogo. At dahil marahas at makitid nga, walang mabuting ibinubunga ang ganitong uri ng pagdidisiplina. Tunay ngang ang batang lumalaki nang walang pagdidisiplina ay sawi, pero ang batang lumalaki naman sa paraan ng ikalawang uri ng pagdidisiplina ang pagdidisiplinang puro tama  ay karaniwang nagiging marahas din at makitid ang utak pagtanda. Ang biktima ngayon nagiging mambibiktima bukas – alam po ba ninyo iyon?

May isang magulang na nabasa ko, na ang ginamit   ay ang tamang pagdidisiplina at hindi pagdidisiplinang puro tama.

Ang paniniwala niya ay dapat turuan ang mga pasaway na kabataan ng mga kapaki-pakinabang na mga gawain para malayo sila sa tukso ng masamang pamumuhay.

Naging bukambibig na niya sa mga bata na ang taong tamad   ay lapitin ng tukso. Kaya nga ang unang hakbang niya sa tamang pagdidisiplina ay ang pagsisikap na unawain at pakibagayan ang kanyang mga dinidisiplina nang hindi binabalewala ang hamon ng tuwid na pamumuhay. Tinipon niya ang mga kabataang delinkuwente mga kabataang pasaway at itinuturing ng lipunan bilang wala nang pag-asa  at tinuruan sila ng mabuting asal at gawaing kapaki-pakinabang, gaya ng mga gawaing mgas physical at teknolohikal .

At hindi naman  siya nalugi  dahil hindi nagtagal ay nakabuo siya ng grupo ng mga kabataan na disiplinado at naniniwala sa Diyos, o  maka Diyos na mga kabataan.

Kaibigan bakit hindinatin subukan, try lang, kong hindi  epektibo try  naman sa ibang paraan.. Ika nga  try  and try  until you succeed.

Ito ang  inyong Kaka Alih.. sukran wassallamu alaikum Warahamatulllahi wabarakatuh.

NORALYN BILUAL: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan,  
(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento