Ang mga kabundukan ay halos wala ng punong kahoy at patuloy pa rin ang pagsusunog ng mga mamayan kahit na ipinagbabawal na ito ng batas. |
Punong Kahoy ay
Pagyamanin, para sa ating Salin Lahi
(February 27, 2013-
Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00
A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn:
Ang pagkawasak ng ating mga
kagubatan sa bansa ay sadyang nakakaalarma sa ating mga nagmamalasakit ng kalikasan o environmentalist . Kaya ang
kampanya nila ay magtanim tayo ng mga punong kahoy, ang punong kahoy ay
pagyamanin para sa ating salin-lahi, kinabukasan
at kaligtasan. Ngayon umaga ay muli nating makakasama si Kaka Ali ang ating segment writer sa gabay at talakayang pampamilya para sa usaping
“Punong Kahoy ay Pagyamanin, para sa ating Salin Lahi.”
(Gabay at Talakayang
Pampamilya - INTRO)
Host/Noralyn:
“Good morning Kaka Alih.”
Kaka Alih:
Good morning Noralyn, magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu
alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid sa Pananampalatayang Islam, o
amga kapatid na Muslim.
Tulad ng sinabi mo Noralyn, ang pagkawasak ng ating mga kagubatan sa bansa ay sadyang
nakakaalarma sa ating mga nagmamalasakit
ng kalikasan o environmentalist . Kaya ang kampanya nila ay magtanim
tayo ng mga punong kahoy, ang punong kahoy ay pagyamanin para sa ating salin-lahi, kinabukasan at
kaligtasan.
Ang pagtatanim ng punongkahoy ang pinakamura at
pinakamadaling paraan ng pagtulong upang mapangalagaan ang kalikasan.
Ang mga kabundukan na
dati ay luntian dahil hitik sa mga punong kahoy, ngayon ay unti-unti nang nakakalbo, at ngayon ay marami
na ang tuluyan ng nakalbo.
Gusto mo ng
ebedindisya?
Ang simpleng ebidensya
na maipapakita natin ay ang labis na
pagbaha tuwing umuulan, na kong minsan ay wala sa panahon ng tag-ulan, bakit
tayo binabaha kahit kongting ulang lamang?
Ang explaaination nila na nakakaalam ay “:… bunsod ng kawalan ng punong sumisipsip sa mga tubig-ulan at pumipigil
sa pagbaba nito sa kapatagan”.
Bakit wala na bang nangangalaga ng ating mga kagubatan, ng
ating mga punong kahoy?
Sabagay di natin sinasabi na walang ginagawa ang ating pamahalaan. In fairness, ang ating pamahalaan ay nasa proseso ngayon
ng pagpapatupad ng pangangalaga sa kalikasan. Naging mandato noong nakaraang
taon ng Pangulong Aquino ang pagtatanim ng isang bilyong punongkahoy hanggang
sa taong 2016.
Sa ngayon, lahat ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng
opisina ng DENR sa kanilang lugar ay nakikiisa sa programang ito ng pamahalaan.
Ang tanong nga lamang hindi
kaya ningas kugon lamang ito?
Gaano ba ka-effective ang sustainability ng programang ito?
May naibalita na
sa rehiyon ng Ilocos, lugar ng dating
pangulong Marcos at Ramos, may mahigit
dalawang milyong punongkahoy na ang naitatanim sa limang libong ektarya ng
kabunbukan simula ng pagpapalabas ng kautusan sa pangangalaga ng kalikasan.
Kumusta na kaya ngayon, may nabuhay ba?
Dahil dito sa ating di man lang yata
nangangalahati ang nabubuhay sa tinatanim natin, dahil sa kakulangan ng
kaalaman sa kahalagaan ng mga punong
ito.
“Paano kasi Kaka,
pangfacebook lang ang pagtatanim”. (LAUGHING)
sabi ng isang retiradong guro. Anong
Farmville? (LAUGHING)
Balikan natin ang Ilocos, ayon sa balita ay, bawat mamamayan
sa Ilocos ay nakiisa sa pagtatanim, maging sila man ay nasa pampubliko o
pampribadong sektor sa gobyerno. Nakiisa din ang mga nasa sektor ng relihiyon,
mga pamantasan at kolehiyo, mga grupo ng kabataan, pangangalakal, military, sa
sektor ng medisina at panggagamot at maging sa elementarya at hayskul.
Minomonitor naman ng tanggapan ng DENR ang lahat ng mga
magpapatayo ng minahan sa pamamagitan ng pagsiguro na lahat ng kailangang
dokumento ay kumpleto at naisagawa lahat ng clearance na kailangan bago
magpalabas ng permit.
Sinabi ni Juan Delos Reyes, head ng DENR sa Ilocos Norte na
mahigpit na binabantayan nila ngayon ang mga kumukuha ng permit para sa mga
nagnanais na magpatayo ng minahan sa probinsya. Ayon sa kanya, sinisiguro muna
nila ang lahat ng mandato ng DENR ay nasusunod bago sila magpalabas ng permit.
“Ganyan sana ang dapat Kaka Alih, na gagawin natin dito sa ating bayan o lugar” mungkahi ni
Maestro.
Ang bukirin na ito ay kailangan ang tubig...... |
Ayon sa ulat, sa mga pag-aaral na isinasagawa ng mga
espesyalista sa University of the Philippines’ National Institute of Geological
Sciences (UP-NIGS), maaari pa daw maulit sa ilang siyudad ng bansa ang
nangyaring kalamidad sa Cagayan De Oro at Iligan City dala ng bagyong Sendong.
Ang mga siyudad ng Laoag, Vigan, Alaminos, Cotabato City, General Santos City,
Davao City at iba pa ay pwedeng mangyari ang pagbaha, at di na
mangyayari, kundi nangyari na.
Kaya, patuloy ang pamahalaan sa paghikayat sa pakikiisa ng
mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa pamamagitan ng mga
programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno ito ang panawagan ng
gobyerno.
Ikaw Noralyn, kaya mo bang
magtanim ng punong kahoy para sa susunod
nating salinglahi?
NORALYN: of course naman Kaka, katunayan nga
minsan na akong nakiisa sa pagtatanim ng mga puno diyan sa Romagonrong falls, sa
may Barangay Nangi, na kong saan matatagpuan
ang watershed area ng Upi, at dito natin kinukuha
sa ngayon ang tubig na dumadaloy
sa ating mga gripo sa ngayon, na siya nating iniinom.
ALIH: Ako din Noralyn, ilan beses na akong nakasama sa tree planting, dito sa highway,
Romagonrong falls, at di lang
pangfacebook ha? Totoong tanim na punong kahoy. At gusto ko ring ibalita sa iyo
na sa aming bakuran marami din
akong tanim na mga puno, puno
na napapakinabangan na sa
ngayon, dahil namumunga na ang mga
prutas.
Heto ang pakiusap n gating mahal na Mayor Piang, ang pakiusap lang sana, huwag ng sirain
ng mga kababayan natin ang
mga puno na kusa ng tumutubo sa
ating mga kapaligiran, kong sakaling di
maiiwasan ang pagputol, dahil
kinakilangan, palitan natin sa pagtatanim muli ng iba pang punong kahoy.
Maraming salamat sa inyong pakikinig, heto po ang inyong
Kaka Alih, na nagsasabing, ang punong itinanim ay buhay ng tao ang
kakambal. Sukran at maraming salamat.
NORALYN: Maraming salamat Kaka Ali, Magtanim ng puno, para sa
kaligtasan ng ating pamilya.
(Gabay at Talakayang Pampamilya - EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento