Linggo, Setyembre 22, 2013

Maunlad na ba ang aking Bayan?

Maunlad na ba ang aking Bayan?
tangsa ng kaunalaran ay pagpapatayo ng mga gusali, tulad ng Hospital


(September 23,  2013-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay Pampamilya at Kalusugan”. Host –Lucy Duce)

 (PLAY INTRO-GABAY PAMPAMILYA AT KALUSUGAN)

LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, ano naman ang ibabahagi mo sa amin, ngayon umagang ito, na napakaaliwas?

KAKA ALIH:  Magandang umaga din Lucy, at Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa lahat ng mga nanampalataya sa Islam.

Kasamang Lucy, medyo sasagutin natin ang mga tanong sa atin.

  • Ang mga tanong ay: Maunlad na ba ang aking lugar?
  •  Paano nga ba natin masasabi na maunlad ang ating  komunidad?


·        Anu-ano ang mga maaaring maging batayan natin para masabing may pag-unlad na nagaganap sa isang lugar?

Construction ng gusali
Ikaw Lucy, gusto kong itanong muna sa iyo,  kong may maisasagot ka ba dito sa mga tanong?

LUCY: Masasabi ko na   maunlad ang isang lugar o bayan dahil ang bawat mamamayan ay may hanapbuhay, o may source of income? 

GUMAGAMIT NG MAKINARYA ANG MGA MAGSASAKA
KAKA ALIH: Lucy, May sagot din akin ng isang estudyante ng UAS, sa tanong na yan. “Para sa akin Kaka, Yes, dahil kapag ang mga mamamayan nito ay may hanapbuhay lahat, ang bunga  nito ay wala ng pamilya na maghihikahos, wala ng pamilya na umaasa lamang sa kamag-anak.”   

Ang dagdag ko lang dito, sa sagot ng estudyante ay  provided ang source of income natin ay mula sa malinis na paraan.  Oo nga’t may income ang mga mamamayan  but ang iba naman ay mula   sa ipinagbababawal  ng tao at Diyos. I beg to disagree, my friend.  (PLAY LAUGHING) Yes what I mean is walang illegal na negosyo, tulad ng sugal, illegal drugs kagaya  ng shabu, pagnanakaw at pandaraya sa kapuwa.

LUCY: Masasabi din natin na maunlad ang   bayan O ANG ISANG KUMUNIDAD  kapag ang   mga mamamayan sa isang lugar ay nakapag-aral, dahil mas malaki ang tsansa na makakuha sila ng  magandang trabaho o kabuhayan at may malaking magiging kontribusyon sila  sa pag-unlad ng bayan.

KAKA ALIH: Nakapag-aral o sapat na edukasyon?, Yes agree ako Lucy,  Provided pa rin   na ang pinag-aralan ng mga  yaon ay nababatay sa pamantayan ng Poong Maykapal, ang ibig kong sabihin ay nababatay sa kagandahang asal, kultura at kaugalian ng mga tao.

Ano pa Lucy ang palatandaan mo?

LUCY: Another na palatandaan Kaka Alih na maunlad ang pamayanan na yaon ay kung ang komunidad ay mayroong elektrisidad.

KAKA ALIH: Sang-ayon ako diya Lucy, dahil isa sa mga pangunahin at mahalagang pangangailangan ng tao ang elektrisidad para makapamuhay nang maayos at maginhawa. Maraming gawain ang maisasakatuparan kung ang isang lugar ay mayroong elektrisidad. Katulad na lamang ng mga paaralan, mga bangko, mga ahensya ng gobyerno na nangangailangan ng elektrisidad upang mahusay na magampanan ang kanilang mga tungkulin sa mga mamamayan ng naturang lugar. 

But,… subalit, kailangan ang mga tao ay marunong magbayad ng kanilang electric bills, tulad dito sa atin, Magelco ang nag-provide ng electrisidad. Ang Magelco ay isang kooperatiba, pag-aari ng mga members consumers, kinakailangan itong pangalagaan natin, huwag sirain ang mga linya at huwag magnakaw ng power, dahil kapag nalugi, lugi tayong lahat, at simula na rin ng pagbagsak ng ng ekonomiya ng lugar at kapag nawala ang Magelco, nawala na rin ang korente, at kapag nawala ang korente din a kumpleto ang kaunlaran ng sambayanan.

LUCY:  May dagdag pa ko, na tanda o sign ng kaunlaran, kapag daw   ang mga  pamilya sa isang komunidad ay mayroong kanya-kanyang sariling tahanan.

KAKA ALIH: Agree pa rin ako diyan Lucy, tahanan ay mahalaga sa taon, ang ibon nga may bahay, ang langgam may sariling bahay, tao pa kaya? Maliit man ito o malaki, ang importante ay namumuhay sila ng tahimik at sama-sama.

Di ba napaka-inam  pagmasdan ang isang lugar ,  kung walang mga makikitang palaboy-laboy sa mga kalsada dahil  walang mauwian. Sabagay ditto sa Upi walang palaboy ditto, sa Mayila at  mga lungsod marami ang ganito, tulad sa Bandar a Kutawato

LUCY: Saan yun Kaka Ali ang Bandar a Kutawato?

KAKA ALIH: Bandar a Kutawato? Cotabato City o Lungsod ng Kotabato. Bandar a Kutawato ay term ng mga Bangsamoro, na hinalaw sa Malay, Bandar means Lungsod, malaking o maraming tao na lugar at Kutawato ay ito ang orihinal na pangalan ng Cotabato City, Kuta +Wato (fort + stone).

May mga bahay nga ang karamihan,  but hindi naman sa kanila ang lupang kinatitirikan.  Squatters ang tawag sa mga tao na nakatira sa mga lupa na hindi sa kanila, na hindi naman sila nagrerenta. Tulad ng mga kalsada, pinatayuan ng bahay, lote ng ibang tao, at pinatayuan ng ibang tao na walang pahintulot.

Ang sabi naman ng isa pang estudyante   ang palatandaan na maunlad ang isang kumunidad ay kung ang komunidad ay may  mga  commercial facilities, halimbawa ay may mall,  kung saan maaaring pumunta ang mga tao para magpalipas ng oras, mamamsyal at magsaya. Isang halimbawa nito ay ang mga malls kung saan maraming tao ang pumupunta para maglibang at magpalamig, tulad sa South Seas mall sa Cotabato City, at malapit na daw matapos ang Al Nor Mall, na nasa Al Nor complex.

Isama na rin natin ang bangko na siya na ngayon ang gamit ng mga mangangalakal o businessman. Dahil dito nasusukat kung gaano kadami sa mga mamamayan ang may kakayahan na makipag-transact o mag-invest sa ibang mga mangangalakal. But ikonsidera din natin ang paniniwala ang mga Muslim sa lugar, na ang system of banking na natin na by “interest rate” ay hindi katanggap-tanggap sa Islam. Ang pwede sa Islam na systema ng banking ay  katulad ng Banking system ng Al Amanah  Islamic Investment  Bank of the Philippines.

LUCY: Kaka pwede pakipaliwanag ang pagkakaiba ng regular na banking system natin at ng Islamic Banking?

KAKA ALIH: Pwede total mahaba pa man ang oras natin. Narito ang ilan sa pagkakaiba ng Islamic banking sa conventional banking na mahalagang malaman ng mga mamamayan natin, lalo ng mga Muslim, nanampalataya sa Islam.

·        Ang Islamic banking ay pinapatakbo ng naaayon sa batas ng Shariah, samantalang ang conventional banking ay base sa sistemang ginawa ng tao.
·         Ang pinakamalaking pagkakaiba ng dalawang ito ay:  sa Islamic banking ay hindi nahahaluan ng riba (usury o interest), subalit ang conventional banking ay napapalooban ng riba.
·        Sa Islamic banking ay isinusulong ang magkahalong kita at pagkalugi ng investor (depositor) at ng gumagamit ng pondo nito o enterpreneur, ibig-sabihin ay kung kumita ang enterpreneur ay kikita rin ang investor at kung nalugi ang enterpreneur ay malulugi ka rin na investor (depositor). Ito ang tinatawag na sistema ng mudarabah sa Islam. Pero sa conventional banking ay sinisigurado ang kita ng depositor sa pamamagitan ng pagbibigay ng partikular na interest rate kahit nalulugi na ang bangko.
·        Sa Islamic banking ay maaari kang direktang maglabas ng iyong zakat (na obligasyon ng bawat Muslim na ibigay mula sa kita)  at tulungan ka na kuwentahin ito at sila na rin ang kokolekta nito at magbibigay sa nararapat na pagbigyan, na siyang hindi naman isinasagawa sa conventional banking.
·        Ang relasyon ng Islamic banking sa kanilang mga (kliyente) depositor ay katulad ng pagiging business partners, o ng investor at trader (mangangalakal), o ng buyer at seller. Kung saan ay ang banko ay negosyante at ikaw naman ay nagbibigay ng share para sa kanilang negosyo, produkto at serbisyo. Kung kumita ang produkto ay kikita rin ang depositor subalit kung malugi ay malulugi rin ang depositor. Sa conventional banking naman ay creditor (pinagkakautangan) at debtor (may utang) ang katulad ng relasyon ng depositor at bangko. Kung kaya ito ay pumapasok sa riba dahil ito ay katulad ng pagpapautang ng pera at bibigyan nila ng interes ang nagpautang sa kanila (depositor).
·        Siyempre ang Islamic banking ay hindi nakikipagnegosasyon sa mga gawaing haram, hindi nagnenegosyo ng haram o anumang produkto o serbisyo na taliwas sa Islam, na taliwas naman sa conventional banking.

Ang pinaka-final na tanda ng maunlad na bayan ay kapag ang mga mamamayan ay lubos at tapat na Nanampalataya at sumusunod sa kanila-kanilang mga relihiyong kinaaniban.

Ito ang inyong Kaka Alih, Sukran, Wassallamu alaikum warahamatullahi wabarakatuh.


(PLAY EXTRO)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento