(September 16, 2013- Script na sinulat ni Alih
Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na
“Gabay Kalusugan”. Host –Ms Lucy Duce)
(PLAY INTRO-GABAY
PANGKALUSUGAN)
LUCY : Good morning Kaka. Ano ang ibabahagi mo sa
amin sa ating segment na gabay pangkalusugan?
Kaka Ali: Good morning Lucy, don’t worry for that, boys scout ito, laging handa.
Ang
inihanda ko ngayong umaga ay pinamagatan kong Singaw, peste sa buhay ko..
LUCY: Yan
ang usaping napapanahon, dahil pati yata ikaw Kaka last week ka pang nakakaranas
ng singaw? (PLAY LAUGHING)
Kaka Ali: Hahaha. Mali ka Lucy, last month pa. (PLAY LAUGHING
)
At
dahi nga nakakaranas tayo ng singaw, this couple of months na, hinanap ko ang
mga article ni Doc Willie Ong, na tungkol sa mga sakit, papaano ito nagagamot
at papaano ito nagkakaroon ang tao.
Marahil
lahat tayo ay nagkaroon ng singaw.
Ang
singaw ayon sa wikipedia.org, na saIngles:
mouth sore, mouth ulcer, oral ulcer, mucosal ulcer, ito ay isang uri ng kalagayan ng pagkakaroon ng
sugat at paghapdi sa alin mang bahagi ng bibig, katulad ng gilagid, likuran ng
mga labi, at dila. Ang sugat na singaw ay mayroong bilog na hugis at bahagyang
pailalim ang pagkabilog, at may puting kulay. Itinuturing ang pagkakaroon ng
singaw bilang isang likas na kaganapan sapagkat kusa itong nawawala kapag
ginawa ang tamang mga pamamaraan ng paglunas ditto
Ikaw
kaibigan , may singaw ka ba sa bibig? Ang sakit hindi ba? Makinig ka dahil
ibabahagi ko itong sinulat ni Doc Ong.
“Saan galing ang singaw? Hindi pa tiyak! May
nagsasabi na baka kulang sa bitamina o baka nasobrahan sa stress. Ngunit ang
madalas na sanhi ang iyong pagkasugat sa dila o labi. Kapag napaso ka, nakagat
mo ang dila mo o kung may teeth braces ka, puwede kang magkasingaw.
Marami na akong nasubukang gamot para sa singaw
pero wala itong epekto sa akin. Huwag pong lagyan ng kalamansi at suka.
Nakasubok din ako ng mga paint para sa singaw pero balewala ito. Heto ang payo
ni Dok Elmer para sa singaw:
1. Bumili
ng Solcoseryl Ointment – Ang Solcoseryl Ointment ay pinapahid ng 3-5 beses
sa lahat ng iyong singaw. Noong nasubukan ko ito, ang laki pong ginhawa.
2. Mag-Yoghurt
o mag-Yakult – Ayon kay Dok Elmer, ang pag-inom ng Yoghurt at Yakult 3
beses sa maghapon ay nakapagtatapal sa sugat ng mga singaw. Kahit nasaan pa ang
singaw mo, sa bibig, dila o lalamunan, matatapalan ng Yoghurt at mababawasan
ang sakit.
3. Uminom
ng antibiotics, tulad ng Amoxicillin 500 mg — Iniinom ito ng 3 beses sa
maghapon sa loob ng 5 araw. Mura lang ito sa generics na botika. Kung may
kasamang sore throat o tonsils ang iyong singaw, inuman ng Amoxicillin.
4. Uminom
ng 8-12 basong tubig sa maghapon — Kapag maraming tubig ang ininom, mas
magiging basa ang ating lalamunan at bibig at hindi gaano sasakit ang singaw.
Luluwag pa ang ating plema.
5. Umiwas
sa maaasim at maaalat – Mahapdi sa singaw ang maaasim na prutas tulad ng
orange, saging at mangga. Okay lang sa akin ang melon at pakwan bilang juice.
Kumain na lang ng lugaw at malalambot na pagkain para hindi masugatan ang
singaw.
6. Uminom na rin ng vitamins C at vitamin B —
Wala namang mawawala sa pag-inom ng vitamins. Baka makatulong pa.”
Sukran
o maraming salamat, kapatid sa konting oras na ibinahagi mo sa pakikinig sa
ating programang buhay-buhay, wasallamu
alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Host:
Maraming salamat Kaka Alih, sa very
informative at nakakaaliw na presentation na yan, Kapatid abangan ang susunod
na segment, ng ating Gabay at Talakayang Pampamilya..
(PLAY-EXTRO; Gabay Pangkalusugan)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento