Lunes, Setyembre 9, 2013

Lanzones

Lanzones
LANSONES

September 4, 2013-Wednesday-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang regular host ay si Ms. Lucy Duce)

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga Good morning Kaka, ano naman ang inyong ibabahagi sa amin at sa ating madlang nakikinig at nanonood ngayong umaga.?
ALIH: Buwan o Lansones, ang ibabahagi ko naman ngayong umaga Lucy,   pero bago natin pag-usapan, yan    ay babati muna ako ng Good morning  sa mga kapatid na magasaka o magandang umaga, at para sa mga Kapatid na nanampalataya sa Islam  asssallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh.
Ang Lansones (Lansium domisticum correal) Buwahan sa TauSug, Buwan sa Maguindanaon, Teduray  at Iranun, Buwaan sa Meranaw. Ang prutas na ito ay mahalagang prutas sa ating bangsang Pilipinas  at mga karatig bansa na tropiko o mainit.

Ang Lansones ay nag-simula  o nag-originate sa Malay Peninsula at ito ay kumalat sa mga karatig bansa ang Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand at Pilipinas.

Maraming pakinabang ang tanim na lansones, dahil ang bunga nito ay mainam sa pinanggagalingan ng antioxidant substance na pang-iwas  sa cancer at mayaman din sa vitamin C at E.  Ang puno naman ito ay matigas, kaya  naman mainam na gamitin poste ng bahay,  mainam ding gawing ando o pambayo sa lusong.  Ang pinatuyong balat naman ng bunga ng lansones ay sinusunog upang pantaboy ng lamok at iba pang insekto, mabango rin ito kaya, ang iba ginagawang insenso.  Ang dinurog na buto nito ay makakapagpababa ng lagnat  at dahil may oleoresin ang lansones kaya maaring gamut din sa diarrhea. 

Kong variety o uri ng lansones ay mayroon na tayong variety ng Paete, Duko,   Jolo, at ang latest ay itong Thai o Longkong variety, na nadala o popularized sa Pilipinas ni Dr. Pablito  Pamplona ng USM Kabacan at   mula sa Thailand.
   
Medyo kilalanin natin ang mga nabanggit na angkan o uri ng lansones na nasa Pilipinas na:

Ang Paete variety, makikilala mo ito dahil tuwid at pitas ang sanga nito, na matingkas na berde, pantay sa  sa gilid ng dahon at bahagyang pahaba ang dulo at manipis ang balat.

Ang Duko variety naman ay makikila sa tuwid nitong puno, mayabong at malapad na sanga, alon-alon ang gilid ng dahon, pabilog ang dahon. Makapal ang balat, karaniwang may isa o walong buto. May 4-5 bunga bawat buwig o sipi.

Ang Jolo variety naman ay kilala ito na mula sa Jolo, ang Lupa Sug. Tuwid ang puno nito, mayabong ang mga sanga, pantay ang gilid ng dahon, makapal ang balat, mahaba ang buwig, karaniwang may 3-4 na buto at medyo  maasim ang bunga.

Ang Thai o Longkong variety naman ay matuwid din ang puno, mayabong ang sanga, pantay ang gilid ng dahon, at malutong ang balat, mahaba ang buwig, karaniwang walang buto. Ang Longkong ang tinuturing na pinaka mahal na lansones dahil ang presyo nito ay P350 to P600 bawat kilo, samantala ikumpara sa  Paete Lanzones na nagkakahalaga lamang ng  P60 to P100 bawat kilo.

Paraan ng pagpaparami ng lansones ay simple din. Pwede paramihin sa sekwal o likas, o pagpupunla at pagpapatubo ng  buto ang itinatanim. Inililipat ang mga punla sa mga plastic bag na may lamang pinaghalong lupa at organiko ng pataba. Inaalaghan ang mga inilipat na punla hanggang sa lumaki na may isang metro ang taas.

Ang madalas ngayon na pagpaparami ng lahi ng lansones ay itong asekswal o di likas, o kaya itong tinatawag ni Bapa a sumpat o pagdudugtong.  Ang cleft grafting ang pangkaraniwang ginagamit sa pagpaparami  ng lansones. Ang mga budsticks ay kinukuha sa mga puno na may piling katangian o good quality at variety.  Maaring gamitin ang rootstock kahit anong uri,  subalit ang pinakamabuti ang Jolo variety.

Ang lansones ay pwedeng mamunga lalo na ang grafted, na limang taon lamang at pwedeng mamunga ng limang kilo, at sa pang-anim na  taon ay aabot ng anim na kilo, o habang palaki ang puno ay dumarami na rin ang inyong mapipitas.

Ganito naman ang tamang pagtataim ng lansones.

Maari ng ilipat ang mga pananim kapag ito ay may taas ng isang metro o large planting materials na siya, at mainan na itaon sa tag-ulan ang pagtatanim ng lansones, para hindi ka na magdidilig.

Tulad ng nakagawian na mo na kapatid, ihandang maayos ang lupang pagtataniman at gawin ang mga sumusunod:
1.     Pumili ng taniman na hindi tinitigilan ng tubig at may magaspang at buhaghag na lupa.
2.     Humukay ng butas na may luwang at lalim na 30 sentimetro. Ang agwat ng bawat butas kapag paete variety ay 6-6 metro ang layo, at  7-8 metro naman kapag duko o longkong variety. Maglagay din ng pinaghalong organikong pataba at lupa (1:1). Kung walang organikong pataba (inorganic) o compost, maaring maglagay ng inorganic na pataba katulad ng urea, complete o 14-14-14.  Lagyan ng lupa  ang hukay  na may inorganic  na abono bago ilagay na pananim.
3.     Tiyakin na malalagayan ng abono ng ugat ng pananim.
4.     Tabunan ng lupa ang hukay pagkatanim.
5.     Diligin kaagad at ulitin ang pagdidilig kung  mapansin na kakulangan sa tubig katulad ng pagkalanta ng dahon.
6.     Lagyan ng pangkalong ang bagong tanim. Maaring gumamit ng dahon ng niyog o madre de cacao o kamoteng kahoy a nakapalibot sa punong lansones sa layong isang metro ang layo.
7.     Maglagay ng abono ng 2 beses sa isang taon, bago tag-ulan  at bago magtag-init.
8.     Palaging bisitahin ang mga tanim, para malaman ang kundisyon o lagay ng inyong mga tanim, kong may nalanta, palitan ng bagong tanim.

Heto naman ang pamamaraan upang maging malusog at mabunga ang mga punong lansones.



1.     Sa pag-aabono. Ipasuri ang taglay na sustansiya ng lupang taniman bago maglagay ng abono.  Ang rekomendadong dami ng abono ay hinahati sa dalawa: kalahati sa buwan ng Mayo o Hunyo at ang kalahati ay Oktubre pagkatapos ng pag-ani o harvest. Maglagay ng abono kada taon.
2.     Mainam din ang paglilinis at pagbabawas ng mga sanga o ang pruning. Alisin ang mga tuyong sanga na walang dahon at mga suloy na di na kailangan pagkatapos mag-ani. Bakit kailangan alisin ang mga tuyong sanga? Ang mga tuyong sanga ay pinagbabahayan ng mga peste tulad ng insekto at amag. Samantalang ang mga sobrang dahon at suloy ay nakikibahagi sa sustansiya na mahalaga upang ang puno  ay mamunga ng maigi.
3.     Kailangan din ang pagpapatubig o irigasyon ng lansones. Ang pagpapatubig ay nagpapaaga sa pamumulaklak lalo kung may 2-4 na linggo ng tagtuyot na dumaan o nangyari.  Dapat tuloy-tuloy ang patubig hanggang dumating ang tag-ulan upang maiwasan ang pagkatuyo ng orak o butong o flower bugs. Diliigin o patubigan ang punong lansones hanggang ang lupa ay magkaroon ng tamang halumigmig..
4.     Kong sakaling magkaroon ng pesteng insekto, sakit o dapo ang inyong lansones, ay ganito naman ang dapat gawin:
·        Sa Bark borer – ang bark borer ay uod na paruparo na makikita sa mg a puno at sanga ng lansones. Mapapansin ito sa ilalim ng bitak-bitak at umbok na balat ng kahoy o bark. Kapag  natuklap ang  balat, mapapansin ang mga butas sa katawan ng puno na likha nito.
Ang pagkaalis  o scraping ay ginagawa pagkatapos mag-ani upang masugpo ang bark borer. Kapag masyado marami ang uod, maaring magbomba ng angkop na pamatay – peste, scab o galis.   Mapapansin ang kakaibang hitsurang balat na nakaumbok (galis) kapag may sakit ang puno.  Maaring magbomba ng pestesidyo pagkatapos kalisin ang mga balat.
·        Dapo. Ang dapo o magaw ay mga halamang tumutubo sa mga sanga ng lansones. Sinisipsip nito ang mga sustansiya at tubig at inaagaw din nito ang kaukulang init ng araw na para sa lansones.  Kailangan alisin ito sa pamamagitan ng pruning  ng sanga at pagtulap sa mga ugat ng magaw o dapo na nanakapit sa mga sanga.
·        Pagkabulok ng ugat o root rot.  Ang unang palatandaan ng pagkabulok ng ugat, pagkalanta at paninilaw ng dahon ng lansones kahit hindi ito nagkuulang sa tubig.  Sumunod na mapapansin ay ang pagkalagas ng dahon at tangkay pagkatuyo ng buong kahoy..  Kapag sinuri ang mga sanga nito, mapapansin ang pagkukulay kape ng loob nito na parang nabubulok.  Ang mga ugat naman ay karaniwang nababalutan ng mapuputing amag. Panatilihing malinis ang paligid ng puno upang maiwasan ang pag-atake ng amag. Ipasuri ang lupa sa pinakamalapit na pest clinic  o makipag-ugnayan sa Department of Agriculture upang malaman  kong may presensiya  ng mga amag na sanhi ng sakit na ito.

Sa pag-aani naman ng lansones. Ang pag-aani ay ginagawa kapag ang mga bunga sa bawag buwig ng lansones ay kulay tuyong dayami na.  Ito ay inilalagay sa mga kaing o basket na may tali at dahan-dahan ibaba at ililipat naman sa kahon o kaing na may sapit na lumang diyaryo o tuyong dahon ng saging. Ang sapin o ampis ay makakatulong  upang hindi masugatan ang balat ng lansones.  Sa mga plantasyon ang madalas ginagamit ay karton na sinsadyang ginawa para dito, may proper packaging silang ginagawa..

Sa pagtataya at gastos at kita sa pagtatanim ng lansones ay ang kabuuang o total  gastos sa bawat puno ay tinatayang nagkakahalaga ng P170  samantalang ang kabuuang kita naman ay tinatayang P1,400.

Kong longkong na P350 ang kilo x 5 kg (unang taon ng ani)=1,750
Papaano kong 600 pesos tulad ng market price ng longkong, naku abot tatlong libong piso.

(Reference: Technoguide, ng Department of Agriculture ARMM. )

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

(PLAY EXTRO)


6 (na) komento:

  1. anong halaman na tinatanim na punla?

    TumugonBurahin
  2. anong halaman na tinatanim na punla?

    TumugonBurahin
  3. Magangang umaga.
    Sa paglalagay ng abono, gano kalayo sa puno ang paglalagay ng abono? Kailangan bang maghukay ng paglalagyan ng abono sa distansya na inyong ibibigay?

    Sa inyong mga kasagutan, maaari po kayong magsend sa E-mail adress na alvinatienza36@gmail.com

    lubus na gumagalang,
    Alvin D. Atienza

    TumugonBurahin
  4. Paano po mag abono ng niyog at gaano kalayo sa puno ng niyog ang abono

    TumugonBurahin
  5. Paano po mag abono ng niyog at gaano kalayo sa puno ng niyog ang abono

    TumugonBurahin
  6. Sa unang paglalagay po ng abono Gaano po karaming abono (complete) ang dapat ilagay at ano po ang distansya nya sa puno at paano po ang paraan ng paglalagay nito.. salamat po sa sagot..

    TumugonBurahin