ATIS
September
11, 2013-Wednesday-Ang script na ito ay
sinulat ni Alih S. Anso para sa
Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan
(5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang regular host ay si Ms. Lucy Duce)
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga Good morning Kaka, ano naman ang inyong
ibabahagi sa amin at sa ating madlang nakikinig at nanonood ngayong umaga?
ALIH: at ease!!! (PLAY
LAUGHING) HINDI what I mean is, Atis, iyan ang pangalan ng prutas na ibabahagi o tatalakayin natin ngayong umaga. But bago natin
pag-usapan, yan ay
babati muna ako ng Good morning sa mga
kapatid na magasaka o magandang umaga, at para sa mga Kapatid na nanampalataya
sa Islam asssallamu alaikum
warahmatulahi wabarakatuh.
Ang scientific name ng
atis ay Anona squamosa at kilala rin sa mga Tagalog bilang yates. Tinatawag
naman itong sweetsop o sugar apple sa Ingles at fan li zhi naman sa Tsina. Sa
mga bahaging Timog ng Amerika, kilala ito bilang mocuyo, chirimoya, cachiman o
rinon. Sa bansang India, tinatawag itong sarifa o sitaphal samantalang sa ibang
bansa sa Asya, ito ay nona (Malaysia), manonah (Thailand), qu a na (Vietnam),
manf cau ta (Cambodia) at mak khbieb (Laos).
Ipinakilala ang atis
dito sa Pilipinas ng mga Kastila na mula sa Timog Amerika noong 1590. Hindi
alam kung saan ito naunang nagmula pero kilala ito sa Mexico at sa mga isla ng
Carribean. Sinasabing ipinakilala ito noong 1626 sa Bahia, Brazil. Tumutubo din
ito sa mga kagubatan ng Jamaica, Puerto Rico, Barbados at sa mga tuyong bahagi
ng Hilagang Queensland, Australia. Nakita na itong tumutubo sa bansang
Indonesia noong ika-17 siglo at sa kasalukuyan ay pinatutubo na sa mga bansang
Ehipto, Aprika at Palestine.
Bagaman ilan sa mga puno
ng atis ay itinatanim, karamihan sa mga ito ay tumutubo na lang kung saan saan.
Matatagpuan na ito sa buong mundo.
Ang maliit na puno ng
atis ay kadalasang hindi na tumataas ng tatlo hanggang limang metro. Ang mga
dahon ay bahagyang mabalahibo kapag bubot pa at hugis itlog na umaabot ng tatlo
hanggang anim na pulgada ang haba. Ang mga luntian hanggang manilaw-nilaw na
buklaklak na tumutubo sa sanga katabi ng mga dahon ay inaabot ng isang pulgada
ang haba. Ang bunga ng atis ay hugis
puso at tila ba binubuo ng maliliit na buto. Kapag hinog, luntiang manilaw ito
at may maputi, matamis, malambot at makatas na laman.
Alam mo ba Lucy na ang
isang gamit militar, na isang klaseng Granada ay tinagurian nila na atis, dahil
similar sa bunga ng atis? (PLAY LAUGHING)
Ang mga dahon ng atis ay
mayroong alkaloid na kinilala bilang chloroplatinate samantalang ang mas
kilalang anonaine ay matatagpuan sa balakbak,(dried
bark) mga dahon at mga buto. Ang
mga buto ng atis ay naglalabas ng dilaw na malangis na dagtang mabisang
pampatay ng kuto.
Marami
ang Katangian ng mga bahagi ng atis, halimbawa ang mga
dahon, bunga at mga buto ng atis ay uri ng pedulicide at antihelmintic. Ang
hilaw na bunga at balabak ay isang uri ng astringent na nagagamit para maibsan
ang diarrhea, dysentery at dyspepsia. Matinding
purgative naman ang mga ugat nito. Ang
mga dahon ng atis ay isang uri ng emenagogue (are
substances which have the ability to provoke menstruation) at febrifuge (A
medication that reduces fever; an antipyretic. adj. Acting to reduce fever.).
Ang buong halaman ay
nagagamit bilang pamatay insekto. Maaari rin itong pampigil ng ovulation o
kaya'y abortifacient o pampalaglag.
Marami rin ang Pakinabang
sa halaman na ito na atis, alam ba ninyo na
sa ibang bansa, tulad ng
hilagang India, ang mga bubot na dahon ng atis ay para sa diabetes samatalang
sa Malaysia ginagamit ang atis na gamot para sa mga impeksyon sa balat at UTI.
Dito sa Pilipinas, ilan na sa mga katutubong gamit ng atis ay ang sumusunod:
1.
Ang mga dahon na dinurog at inasinan ay
ginagamit para madaling lumabas ang nana.
2.
Ang pinakuluan na balabak ng aris ay ginagamit
para mapigilan ang labis na pagtatae.
3.
Ang pinakuluang ugat ay matinding pampurga.
4.
Para sa mga hinihimatay o nagwawala, ipinaaamoy
ang dinurog na sariwang dahon ng atis.
5.
Para sa mga naimpeksyong kagat ng insekto, ang
kinatas na hilaw na bunga ay ipinapahid kada walong oras.
6.
Para mawala ang kuto, ang kalahating tasa ng
buto ng atis ay ihinahalo sa sangkapat na langis ng niyog at ipinapahid sa anit
at buhok. Babalutin ito magdamag hanggang sa magising kinaumagahan at aanlawan
ng panggugo at susuyurin hanggang sa matuyo. Uulitin ito ng mula tatlo hanggang
limang araw. Isa pang alternatibong gamit para sa mga may kuto ay ang pagdurog
ng pino sa mga buto ng atis at paghalo sa tubig bago ipahid sa anit.
7.
Ang bunga ay maaring gawing malinamnam na
sorbetero. Ang binurong bunga naman ay maaring gawin alak o suka. Ang mga buto
naman nito ay naglalabas ng langis na maaring ipamalit sa langis ng mani para
sa paggawa ng sabon. Ang mga dahon naman ay naglalaman ng caryophylline na
ginagamit sa mga pabango.
Mga lokal na pag-aaral
Karamihan ng nagsagawa
ng pag-aaral sa atis ay ang mga bansang Asyano kung saan sagana ang maliliit na
puno nito. Bukod sa napatunayang nakapapatay ng kuto ang mga buto ng atis, ilan
pa sa mga natuklasan ng mga mananaliksik mula sa atis ay ang mga sumusunod:
- Nakapipigil sa pamamaga.
Nalinang mula sa mga buto ng atis ang mga peptides (simplified terms, peptides
are short chains of proteins. Proteins will be the basic building blocks
of proteins and lots of other types of organic molecules. Peptides are
often manufactured by the digestion of proteins by the body processes, and
lots of sorts of peptides are readily and rapidly absorbed because of the
bloodstream. For this reason, peptides are particularly effective as skin
care ingredients which will help reduce wrinkles and improve skin quality).
na cyclosquamosin at squamin na nasasawata ang paggawa ng katawan ng mga cytokine (are small signaling
molecules used for cell signaling).
- May
kakayahan mapigilan ang kanser. Ang nalinang na acetogenins at squadiolins
mula sa bunga ng atis ay nakakapigil diumano sa pagdami ng iba't ibang
klase na selyula na may kanser.
- Maaring
magbigay proteksyon sa atay. Napag-alaman na ang nalinang na katas mula sa
atis ay nakapipigil sa tuluyang pagkasira ng atay, lalo na sa mga gamot
tulad ng isoniazid o rifampin. Kahalintulad ito ng bisa ng silymarin.
Nagagawa nitong pataasin ang dami ng glutathione sa sirkulasyon at
pababain ang mga enzyme ng atay na kadalasang tumataas kapag nasisira ito.
- Posibleng
pagmulan ng makabagong antibiotic o antifungal. Napatunayang ang sinalang
katas mula sa prutas ng atis ay may ipinakikitang bisa laban sa mga
bacteria tulad ng Staphylococcus aureus at Streptococcus pneumoniae. Ang
mga buto naman ay nakakitaan ng potensyal laban sa Escherichia coli at sa
Tinea rubrum.
- Potensyal
na anti-thyroid. Sa isang pag-aaral na isinagawa sa mga buto ng atis,
napag-alamang mayaman ito sa quercitin. Ang quercitin ay isang uri ng
antioxidant na nakatutulong sa pagpapabuti ng lagay ng thyroid.
- Natural
na pestisidyo. May isang pananaliksik na nagpakita na ang mayamang
actogenin na matatagpuan sa buto ng atis ay nakapapatay sa Lymnaea
acuminata, ang suso sa ilog na kadalasan nagpapakalat ng schistosomiasis,
kumpara sa mga artipisyal na pestisidyo.
- Mayamang
pagkukunan ng antimalarial na gamot. Ang balabak ng atis ay mayroon
nitrosoxylopine, roemerolidine, at duguevalline na nagpakita ng
katamtamang bisa laban sa Plasmodium falciparum, isang uri ng parasitikong
protozoa na nagdudulot ng malaria.
Ang itinatanim sa atis
ay ang buto nito, kapag kumain kayo ng atis , itabi ang buto nito at ito ang
itanim, dahil ito ay puno gayahin din ang pagtatanimn ng katulad na puno.
BABALA: Ang mga buto ng atis ay nakakalason kapag nakain.
Sukran si Kaka Alih po
to wassallam..
(PLAY
EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento