DRAGON
FRUITS
Dragon fruits sa farma ni Willie Taugader |
(September
23, 2013- Lunes-Ang script na ito
ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) ,
ang Host ay si Ms. Lucy Duce)
(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)
LUCY:
Magandang umaga Kaka Alih. Kumusta ang
iyong malamig na umaga? Bago o luma ang ibabahagi mo sa amin?
ALIH:
Hahahaha.. Brand new, o bago dahil di
ko pa nakita ang puno nito, prutas lang ang natikman ko, sa Jogyakarta,
Indonesia, sa isang 5 star na restaurant at hotel na Garuda hotel…..
LUCY: Kong ganoon Kaka, dapat
talagang tutukan naming yan, ano bay an prutas o gulay?
KAKA ALIH: GREET MO NA AKO NG Good
morning din Lucy, magandang umaga, sa
mga kapatid na magsasaka, sa mga mag-uuma, su manga tali-awid, at sa mga
kapatid na nanampalataya sa Islam, ang mga kapatid na Muslim, asssallamu alaikum warahamatulahi
wabarakatuh.
Dragon fruits na nasa paso |
This morning makinig ng
maigi, dahil talagang bagong tanim sa Upi itong tatalakayin natin, maaring di
pa nila nakita itong tanim, yes tulad ko bunga lang ang nakita natin.
But sa lugar ni Apo
Marcos, ipinagdiriwang na ito bilang fruit festival, tinagurian ng mga taga
Ilocos na Saniata Dragon Fruit Festival.
Yes bago sa pandinig natin itong
dragon fruits. Ang Dragon Fruit ay kilala sa local na tawag na Saniata.
Ito ay ‘vine-like species’ ng cactus na nabubuhay sa maulan ngunit may
mainit na klima. Nagmula ito sa South America at unang ipinakilala sa Asya sa
bansang Vietnam. Sa kasalukuyan, itinatanim na ito sa Thailand, Malaysia,
Taiwan at sa Pilipinas.
laman ng Dragon fruits |
Hindi pa man ganun katagal na ipinakilala ito sa probinsya ng Ilocos
Norte ngunit itinuturing na itong isa sa pinakapaborito ng mga Ilocano hindi
lang dahil sa masarap ito kundi dahil na rin sa Therapeutic Properties nito.
Buweno para maging maliwanag ang pagpapaliwanag natin sa Dragon fruits na
ito ay may complimants Audio materials mula sa youtube, na naipost ng DOST
PCARRD.
(play audio-dragon
fruits)
Nagpost ako kahapon sa facebook natin na naghahanap tayo ng kong sino ay
may pabili na seedling ng dragon fruits ang marami ang sumago, kaya nakuha
natin ang phone ni Si Wilfredo Willie Tabugader, ng Central Plain ng
Luzon, ay isa sa may tanim ng Dragon
fruits na nainterview natin, at friend na sa Facebook at handa siyang magbigay
ng ayuda o tulong. Ang presyo ng cutting seedling na 8 inches ang haba ay 3
piraso/putol na sanga ay P100 at ipapadala by LBC.
Bagamat kakaunti pa ang nagtatanim ng dragon fruit sa mga
lalawigan, tulad ng Ilocos, Central Luzon, mayroon antayong farm sa Davao,
ditto sa North Cotabato sa Pigcawayan may nabasa na ako si Kagawad Gregorio
Saljay III, ay tatlong klaseng kulay ng Dragon Fruits na tanim sa kanilang
farm, ito ay yaong purple, white, yellow. Ang presyo ng Dragon ngayon sa market ay
150-250 pesos ang kilo.
Sa ngayon ay “on demand” o mabenta
ang Dragon fruits, isa sa mga
dahilan kung bakit mabenta ang bunga nito ay dahil sa paniniwala ng marami na
maganda ang benepisyo nito sa kalusugan at katawan.
Ayon sa nalaman ko ang dragon fruit ay nakakagamot kung hindi man ay
nakakapigil sa pagkalat ng kanser sa katawan ng tao dahil mga sangkap ito na
tiunatawag na free radicals.
Bukod dito, marami din ang naniniwalang nakakabawas sa hypertension at
blood sugar ang dragon fruit; at nakakatulong na mapaganda ang paglusaw ng
pagkain sa bituka, nakakatulong sa pagpapalinaw ng mata, pagpapatibay ng ngipin
at mga buto.
Malaki rin daw ang benepisyo ng dragon fruit sa pagbibigay ng enerhiya sa
katawan ng tao, nagpapalambot din ito ng balat, nakakabawas sa kolesterol,
nagpapalakas ng resitensya at nagpapabilis sa paggaling ng mga sugat.
Marami ang naniniwala na isang magic fruit ang dragon fruit.
Pwedeng kainin ng fresh fruits
o juice o by products nito, na giangawang alak, vinegar at iba pang product.
Ang Dragon fruits o
ibang tawag ay Pitaya ay tumutubo ng maigi sa lugar na regular ang ulan. 100 hangang 800 meeters above sea level,
tulad sa Upi. Gusto nito ang free
draining na lupa o clay loam. Gusto nito
ang direktang tinatamaan ng araw.
Ang Pitaya ay
nasa mababaw ang ugat na nasa lalim na 15-30 cm ang lamang.
Anmg Dragon fruits ay pamilya ng cactus, itoa
y nagmula sa mala kagubatan ng Central at South America.
Bilog ang prutas nito,
ang ibang variety ay mapula-pula, ang iba ay mala dilaw. Pinakikinabangan ang bunga, bulaklak, pwede
ding gulayin, health products o gamut.
Ang bunga ay umaabot
ng isang kilo ang bawat isa. Sa pagtatanim ay madalai din, sa buto at stem
cutting. Ang Pagpuputol ng sanga ang madalas na ginagamit sa ngayon na
pagtatanim, na umaabot lang ng 2-3 buwan sa nursery at pwede ng itanim sa
bukid..
Sa pagtatanim sa
bukid, ay kailangan ang poste, (na walong
piye ang taas, dahil ibabaon mo ang 2 piye sa lupa) na matibay, halimbawa
ay konkreto o di kaya ay matibay na kahoy pwede ditto ang puno ng madre cacao.
Ang distansiya ay 3 metro ang layo at 4
metro ang linya. Bawat poste ay 3-4 na tanim
ang itatanim. Kailangan din nito
ang ferlizer na 14-14-14 at ulitin pagkalipas ng 3 buwan. Kailangan din nito ang pruning o pagbabawas ng
sanga, na siya namang magagamit mong tanim para lumapa ang tanim.
Kailangan din g
Dragon fruits ang tubig, kaya diligan din ito katulad ng papaya.
Sa pag-aani,
malalaman kong hinog na ang bunga sa pagpula ng kulay ng petal nito, at ayon sa
Davao plantation, sa unang panahon ng kanilang ani ay sa buwan ng Hunyo
hanggang Oktubre , sa pangalawang ani naman ay sa buwan ng December –January. Ang prutas ay pwede ng pitasin pagkalipas ng
30-50 araw pagkatapos nitong mamulaklak. Ang bunga ay may timbang na 200-1.20
Kg.
Base sa Davao plantation ay naibebenta nila ang prutas sa merkado ng
120-150 bawat kilo. At ang tatlong gulang na dragon fruits ay nakani sila ng 5-6 tonelada bawat hektarya, na nagkakahalaga
ng 720,00 pesos.
Bago tayo magpaalam, may
nagtext, “Kaka Alih, si ex Kag Neneng Castro may tanim na dragon fruits”…
Para sa karagdagang kaalaman makipag-unayan
sa opisina ng DA,
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
LUCY: Iyan si Kaka Alih bukas abangan sa ganito ding oras ang mga kapakipakinabang na ibabahagi sa
inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..
(PLAY EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento