KAPITBAHAY Ang Tunay na Kapatid
(September 20, 2013-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso
para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay
Pampamilya at Kalusugan”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
(PLAY INTRO-GABAY PAMPAMILYA AT KALUSUGAN)
Housing sa may South Upi |
LUCY:
Magandang umaga Kaka Alih, ngayon araw ang unang na pinag-isa ang dalawang
segment, ang segment na Gabay at
talakayang pampamilya, na inisa sila gabay pangkalusugan..
Kaka Alih: Tama ka Lucy, pinag-isa natin ang dalawang
segment dahil halos magkapareho lang naman ang tinatalakay o ang topic dito.
Matanong kita kaibigan: Papaano ba kayo
makikapitbahay?
Ang kapitbahay ang katuwang sa lahat ng oras
ng pangangailangan, mahihigitan pa nito ang iyong tunay na kapatid, ang
kapitbahay ang unang makakapagbigay ng tulong sa iyong pangangailangan, kaya
naman naturingan, na ang kapatid natin ang tunay na kapatid?”
“Ako Kaka Alih, gusto kong may kapitbahay,
kaya lang kong minsan may kapitbahay na hindi tao, asal hayop.” pagkukuwento ng
isang Kaibigan, na nakasabay ko sa sasakyan, mula Upi patungong Cotabato City.
Sabagay totoo naman na marami tayong
kapitbahay na hindi tao, pero ang pag-uusapan natin kaibigan ay tao, katulad
natin.
Magkakapitbahay sa may Borongotan |
“Ang ibig kong sabihin Kaka, totoong tao kaya
lang ang ugali asal hayop.” Paliwanag ni Pare.
Kayo na mga nakikinig, anong kapitbahay ang ayaw ninyong maging kalapit bahay?
“Ako ayaw kong kapitbahay na kapag nalasing o
nakainum ng alak na makalasing, ay
nanggugulo, ang ingay-ingay at inaaway pa ang asawa, kong ako lang ang
masusunod ipapabilanggo ko ang ganoong klaseng tao.” Pangalawang respondent na
nainterview natin.
“Para sa akin, ayaw ko ang kapit bahay na
hindi niya nirerespeto ang aming privacy, biruin mo nakabili lang ng karaoke,
akala mo sa kanya na ang buong lugar, kong magpatugtog ba naman akala mo nasa
loob ng disco, nakakatulili sa tainga ang lakas ng sounds.”
LUCY:
Sigoro Kaka kong programa natin sa Buhay-buhay, palakasin ng kapitbahay, para
makarinig din ang kapitbahay sa ating programa.
KAKA ALIH: Tama! (PLAY LAUGHING)
tulad ng kaibigan kong guro, na di nakikinig sa sariling radio, kundi sa
kapitbahay lang.. at ayaw daw ang programa ko, ang sabi pa, basta si Kaka Ali,
hindi na ako nakikinig, dahil ang pinag-uusapan ay BLAH BLAH.. alam niya lahat
ang tinatalakay ko.. Nakapagtataka, hindi nakikinig pero alam niya ang
tinalakay ko? (PLAY
LAUGHING) Unbelievable!!!!!
Masamang kaugalian yan Pare, na magpatugtug
ka ng malakas, sa malalim n ang gabi, baka hindi makatulog ang kapitbahay, mo,
remember kailangan nating matulog ng 7-8 oras, para mapanatili ang mabuting
kalusugan.
Mayroon pang kapitbahay, na hindi
marunong magtanim, ni sili hindi alam itanim, kada kakain na may sawsawan,
hingi ng bunga ng sili. Hoy magtanim ka ng sili, pakikinabangan mo yan, magandang
gulay ang talbos ng dahon ng sili.
Alam mo ba kapatid na
ang dahon ng sili ay:
·
Mayaman sa calcium at iron
·
May phosphorus, Vitamin A at B
·
Nagpapalakas ng resistensya
·
Panlaban sa sobrang pagod
·
Nagpapaganda ng panunaw
·
Naglilinis ng dugo at daloy nito
·
Panlaban sa rayuma
·
Nagpapababa ng blood pressure, blood sugar at
cholesterol
·
Nagpapaginhawa ng pananakit ng sikmura,
arthritis, varicose veins at puson
·
Nagpapaginhawa ng paghinga (asthma, ubo at
sipon)
·
Aphrodisiac o pampagana sa sex (PLAY LAUGHING)
ang dahon ng sili?
Pero kaibigan may mga tao na ang kapitbahay ay gustong gusto ng kanyang
kapitbahay. Kilalanin sila, bakit?
Tulad ng kuwento ni Mare: “Ang aming
kapit-bahay na hindi naman namin kamag-anak, ang tumulong para madala sa
doctor ang aming anak, ng mag
convulsion.”
Yes kong wala ka mang sasakyan, kong ang
kapitbahay ay may sasakyan, ay para na ring may sasakyan ka. Kaya naman
kaibigan, tulungan mo ang kapitbahay na alagaan o ayusin ang daanan ng sasakyan
papasuk sa inyong iskinita. Kahit isang bato lang ay makalagay ka man lang sa
may stakan sa daanan ninyo, para hindi mahirapan ang sasakyan ng kapitbahay mo.
“Ang nagustuhan ko na kapitbahay ay isang
Muslim.” Pahayag ng isang kaibigangn Kristiyano na nakapanayam natin at
naitanong ko sa kanya bakit?
“Pag Ramadan, nagluluto sila ng mga pagkain
na masasarap, at di man kami nagpupuwasa o nag-aayuno at Muslim ay binibigyan
nila kami ng kanilang mga niluluto, kaya kami pag ganitong panahon ng Ramadan,
di ko na rin pinabibili ang mga anak ko ng baboy, dahil nagpapahatid din ako n
g aming niluluto.” Patuloy niyang kuwento.
“Magandang may kapitbahay, dahil kahit wala
kayong pamilya, may tagabantay ka sa inyong ari-arian, na iniiwanan mo
araw-araw.” Paliwanag naman ni Mare.
Alam
mo Lucy, di ako mapalagay na wala kaming
kapitbahay, bakit? Papaano kasi ang kapitbahay mo ang siya mong malapit na
kamag-anak, hindi yaong kapatid sa dugo at laman na napakalayo, dahil hindi ka
naman nila matutulungan sa oras ng pangangailangan. Ikaw Lucy, anong masasabi
mo sa iyong kapitbahay?
LUCY:_______________________________________
KAKA ALIH: Ikaw kapatid, kaibigan, kumusta
ang iyong kapitbahay? Mabait ka ba sa kanya?
May kuwento ako na hinalaw sa isang Hadith.
Sa panahon ni Propeta Muhammad SAW ay may
kuwento na Siya ay kapatid na hindi Muslim, dahil sa ayaw niya sa relihiyon ni
Muhammad, ay araw araw na tinatapunan niya ng basura ang bakuran ng Propeta,
ngunit hindi siya inaaway ng Propeta, nililinis na lamang ito araw-araw. Minsan
isang araw walang basurang naitapon, kaya nagtaka ang Propeta, at may nagsabi
na may sakit ang Hudeo. Binisita ng Propeta, kaya takot na takot ang lalaki,
ang akala niya paghihigantihan siya, ngunit hindi pala, dahil sinabi ng Propeta
Muhamad SAW na ganoon ang katuruan ng Islam, maging mabait sa iyong kapitbahay.
Ang paalaala natin sa mga kapatid, ang inyong
kapitbahay ang tunay mong kapatid, kahit hindi mo yan kadugo, o kamag-anak.
Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating
panahon, hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng
Allah) sa susunod na pagsasama natin sa
himpapawid, bukas… sama-sama tayo sa
segment na gabay pampamilya at pangkalusugan
sa ating programang buhay buhay sa DXUP Teleradyo..
Ito ang inyong Kapitbahay, Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
(PLAY-EXTRO-GABAY
PAMPAMILYA AT KALUSUGAN)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento