Biyernes, Hulyo 17, 2015

Nanampalatayang Islam sa Upi Nag-kaisa sa pagdiwang ng Hariraya Puwasa


Nanampalatayang Islam sa Upi Nag-kaisa sa pagdiwang ng Hariraya Puwasa
Shiek Abdulhadie Gumander na isang pantas
na nagtapos ng pag-aaral sa bansang Kuwait.
  Sa kanyang Kuthba o sermon ay Wikang Pilipino
 ang ginamit dahil sa marami pa sa Nanampalataya
 sa Islam sa Upi ang hindi maintindihan ang wikang
 Iranun o Maguindawon



Nuro, Upi (July 18, 2015)….NITONG Biyernes ay mahigit isang libong mga |Muslim o mananampalatayang Islam ang nakikiisa sa isinasagawang Jamaah Salaah o mananampalatayang Islam ang nakikiisa sa isinasagawang congregational prayer ng Hariraya Puwasa o Eidil Fitr sa bayan ng Upi. 

Ang anim na Masjeed sa Barangay Nuro ay nag-kaisa na sa open ground ng Nuro Central Elementary School. At ang nagbigay ng Kuthbah o sermon ay si Shiek Abdulhadie Gumander na isang pantas na nagtapos ng pag-aaral sa bangsang Kuwait. Sa kanyang Kuthba o sermon ay Wikang Pilipino ang ginamit dahil sa marami pa sa Nanampalataya sa Islam sa Upi ang hindi maintindihan ang wikang Iranun o Maguindawon.

Dahil sa malinaw na naintindihan ang Kuthba ay taimtim na nakinig ang lahat, katulad ni Atty. Rolando “Anwar” Chew isang mestizong Pilipino Chinese, na ilang taon pa lang tinanggap ang Islam. Ang ilan sa mga ito ay nagmungkahi na paminsanminsan ay gamitin ang wikang Pilipino o Tagalog sa mga Kuthba.

Sa Barangay Nuro na nagtipontipon ay ang Masjeed Nor, Masjeed Rahmani, Masjeed Darusallam, Masjeed Falahi na nasa Upi Agrcultural School, Masjeed Sarifuddin at Masjeed Blensong.

Sa Barangay ay nagkaisa din ang mga Masjeed na isagawa ang Salaah sa Upi Mahad o Madrasa na nasa tabi ng highway, ganoon din sa Barangay Kibleg.
Ang pagsambayang o congregational prayer sa open ground ay isa nakaugalian ng mga Gawain ni Propeta Muhammad (ang Kapayapaan ay Sasakanya Nawa).
Di naman mabilang na mga text ng celpon ang nagpapaabot ng pagbati ng happy eidel fitr mula sa mga mamamayan, ganon din sa mga official ng bayan.

Nagpadala din si Mayor Ramon Piang Sr, ng sms o text ng kanyang pakikiisa at panalangin sa mga Kapatid na Muslim Ummah, at ito ay nai-resend naman ni Kaka Alih sa libo-libong nanampalatayang Muslim sa bayan ng Upi, at inipost din nito sa kanyang Facebook account na tumanggap naman ng magagandang comento.

Samantala kasabay din ng pagtatapos ng Ramadan, hiling din ng mga Muslim na matapos na ang kaguluhang nangyayari sa Mindanao.

Sa panayam naman mga kasamahang Media kay Ghadzali Jaafar, ang MILF vice chairman for political affairs, umaasa ito na mabigyan na ng kapayapaan ang Mindanao at tapusin na ang kaguluhan sa mapayapang paraan.

Dagdag pa nito na dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar, naapektuhan na rin ang buong bansa.

Binigyang-diin nila na kailangang manatili ang diwa ng fasting sa puso at isipan ng mga Muslim bilang pag-alala sa mga taong walang makain at walang mainom.

Samantala Naibalita din sa may Visayas na malpayapa naman na natapos ang pagtitipon ng mga Muslim sa pagtatapos ng Ramadan sa Lungsod ng Cebu sa may Plaza Independencia kung saan sabay-sabay silang nanalangin at pagkatapos ay nagkaroon ng kaunting salo-salo.

Ang Jamaah Edil Fiter sa Upi ay ginanap sa Nuro Central
Elementary School, na umabot sa isang libo ang nakadalo. 
Sa Dua o Dasal ni Ustadz Najeeb Razul Fernandez, ang presidente ng Voice of Islam, na ang pag-aayuno sa Ramadan ay siyang makakapagbago sa buhay ng isang tao kung saan magagabayan at makakaiwas ito sa mga Nanampatayang Muslim sa mga bagay na magiging dahilan ng kanilang pagkakasala.

Huwebes, Hulyo 16, 2015

Gusto mong maraming customer sa inyong tindahan?

Ang magaw ay isang parasitic plants, 
maliit na kahoy na kumakapit ito sa mga puno,
paborito nitong kapitan ang mga sangang mangga, 
na kong minsan akala mo sanga na rin ng mangga, 
pero hindi naman ito balite. Sa English ay mistletoe

PANINIWALA NG MGA TRADITIONAL NA NEGOSYANTE-Part 2

Tayong mga mga negosyanteng Pilipino, kasama na diyan ang Teduray at R’nawon ay may paniniwala, tungkol sa negosyo, kanina sa Bantay Bayan morning edition ang halimbawa natin ay: sa umaga na kabubukas lamang ng tindahan:

Pag ang unang customer o bibili sa inyo ay bata pa o kaya ay buntis, tiyak malaki ang bentahan, ibig sabihin ng Iranun ditto ay “panukatan” o bubuwinasin, maraming papasok na income. Kabaliktaran naman, pag matanda na, lalangawin an gang inyong paninda.

Lesson learned? Huwag ipa-marketing ang lola, kayo na ate kuya ang mag-marketing:

Dagdagan natin ang mga kaalaman na yan hinggil sa ating mga paniniwala, mga pamahiin, kultura at kaugalian.

Gusto mong maraming customer sa inyong tindahan?

Of course sino ba naman ang ayaw. Kailangan may maitago kang isang bagay mula sa isang lugar, na kong saan ay may nasalubong ka, papunta at ng kayo magbalik ay doon na rin kayo muling nagsalubong. Kumuha ng ano bagay, dahon, sanga, damo, sa lugar mismo na inyong muling pinagtagpuan, at ilagay sa ilalim ng inyong kaha o lalagyan ng pera sa tindahan, at marami ng bibili sa inyo.

Mayroon pa, maglagay ng sanga ng magaw sa inyong kaha. Ang magaw ay isang parasitic plants, maliit na kahoy na kumakapit ito sa mga puno, paborito nitong kapitan ang mga sangang mangga, na kong minsan akala mo sanga na rin ng mangga, pero hindi naman ito balite. Sa English ay mistletoe.

MARKET & SLAUGHTER UPDATES-MORNING EDITION-(5:00-6:30 AM)

JULY 16, 2015-THURSDAY-BANTAY KULTURA AT KAUGALIAN

Sa Presyo ng mga paninda: madalas na binibili ni Mr o Mrs sa palengke ay kumuha pa rin tayo ng current price o halaga, sa halagang retail o retail price:

1. Sibuyas- P80.00/kg
2. Ahos….100.00/kg
3. Repolyo…pati Chinese cabbage- P70/kg dati ay 40 lang per kilo
4. Kamatis…40/kg
5. Talong…30/kg
6. Carrot…last week 80 ngayon a 100 pesos bawat kilo

Sa mga whosale price o kumpra o bili ng mga bodega sa mga Magsasaka:
1. Yellow corn…..P12.80 /kg
2. White corn…14.00/kg
3. Copra….P25/kg
4. Palay fresh…P18/kg
5. Palay dry……20.00/kg
6. Lugasing o Mani o peanuts red…70.00 white 70.00/kg
7. Green mongo…52.00/kg
8. Red mongo…42.00
Source: Ben Ching, ang bodega ay nasa harap Rizal Blvd maapit sa Rotonda.

Ito ang inyong tagapagulat sa bayan.. Patrol 1.. Alih para sa DXUP Bantay Bayan

Martes, Hulyo 14, 2015

Section 5H.11-Upi Revenue Code

MARKET & SLAUGHTER  UPDATES-MORNING    EDITION (5:00-6:30 A.M.)
July 14 , 2015-TUESDAY
Market day along Edwards Street, infront of public market

At dahil Bantay Kaayusan ang tema natin ngayong araw,  bubusisiin natin pa ng malaliman ang nilalaman ng ating  Upi Municipal Ordinance No. 6 Series of 2011 o Upi Revenue Code, kong saan nakapaloob o nakasulat ang mga dapat at di dapat gawin, ano ang mga dapat bayaran sa Local na pamahalaan ng Upi ng ating mga mamayan.

Section 5H.11. Rules and Regulations.

a)   The peddling or sale outside the public market site or premises of foodstuffs which easily deteriorate, like fish and meat, is hereby prohibited.

(Ang pagpapabili o pagtitinda sa labas ng pamilihang bayan o nasa sakopan  nito ng mga pagkain na madaling mabulok tulad ng isda, at karne ay pinagbabawal o hindi pwede)

b)   No person shall utilize the public market or any part thereof “with out the permission of LGU Upi”  is hereby prohibited.

(Walang sinuman na gagamit ng pamilhang bayan o bahagi nito na walang permiso sa LGU Upi)

c)   It shall be unlawful for any person to peddle, hawk, sell, or offer for sale or expense for sale, any article in the passageway (pasillo) used by purchaser in the market premises.


d)   It shall be unlawful for any person to resist, obstruct, annoy or impede any market employee or around their stall in the market premises.

e)   It shall be unlawful for any person to drink, serve or dispose liquor or any intoxicating drinks within the premises of the public market at any time of the day.

f)    No merchandise or article shall be sold, offered for sale or exposed in the public market unless the same was legally acquired by the vendor or stall holder and that taxes of any kind due thereon had been paid.

g)   It shall be unlawful for the lessee to remove, construct electrical wiring or water connection without prior permit from the Market Administrator and approved by the Municipal Treasurer.

h)   The Municipality shall not be responsible to the occupants of the stall for any loss or damages caused by fire, theft, robbery, "force majeure" or any other cause.  All articles or merchandize left in the public market during closure time shall be at the risk of the stallholder or owner thereof.

i)     All articles abandoned in any public market building in violations of any provisions of this Article or any regulations or rules in the management of the market, shall be deemed nuisance. It shall be the duty of the Market Administrator and his subordinates to take custody thereof. In case the articles are unclaimed within twenty four (24) hours thereafter, they shall be returned to their original owners upon payment of actual expenses incurred in safekeeping, unless, they have deteriorated as to constitute a menace to public health, in which case, they shall be disposed of in the manner directed by the Treasurer, who may also in his direction, cause the original prosecution of the guilty party, merely warn him against future violation. In the case where the article have not deteriorated and are not claimed within the time herein fixed, said article shall be sold at public auction and the proceeds thereof shall be disposed in accordance with law.

j)     Selling of stale, rotten, damaged, unhealthy, illegal and other expired commodities are strictly prohibited inside the market premises and elsewhere in the municipality.                                              



PARA SA MARKET & SLAUGHTERS HOUSE UPDATES… PATROL 1-ALIH ANSO, mula sa pamilihang bayan.

CSOs Nangangamba Kapag Hindi Naipasa ang Original BBL,


Bobby Benito Secretary General ng Mindanao Peoples Caucus 
CSOs Nangangamba Kapag Hindi Naipasa ang Original na BBL

Nuro, Upi (July 14, 2015) Pinangangambahan ng mga Civil Society Organization na nakabase sa Bangsamoro core territory kapag hindi naipasa ng Goberno ng Pilipinas ang BBL, na hindi naayon sa "letter and spirit" ng FAB at CAB na napirmahan ng goberno ng Pilipinas at ng MILF. Ito ang pinakasentro sa pahayag ni Bobby Benito secretary General ng Mindanao Peoples Caucus o MPC, sa presscon na kanilang binuo nitong Martes sa may Pagana Native Restaurant sa Lugsod ng Kutabato.

Una ng pinahayag ng MILF sa goberno na hindi nila matatanggap ang watered down o diluted na BBL, dahil hindi rin ito makakasolb sa problema ng Bangsamoro. 

Matatandaan na bago nagsimula ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Goberno ng Pilipinas at MILF ay nagkasundo sila na hindi igigiit ng Goberno ang Constitution ng Pilipinas at hiniling din ng goberno sa MILF na hindi pag-uusapan ang independence. 

“Dapat maging aral sa goberno ang nangyari sa MOA AD na hindi napirmahan dahil sa di umano paglabag nito sa batas ng Pilipinas, na sanhi ng pagbakwit ng mahigit kalahating milyon tao sa Mindanao, na pumangalawa ang Pilipinas sa Sudan bilang ng IDPs o bakwit” pahayag ni Bobby Benito. (Balita ni Alih Anso)

Linggo, Hulyo 12, 2015

Islamic Symposium at Lailatul Qad’r o Gabi ng Kapasiyahan Ipinagdiwang ng Taga Upi

Nuro, Upi (Hulyo 11,  2015) …Nitong gabi  ng Sabado ika 25  ng  Ramadhan na gregorian calendar ay ika 11 ng Hulyo, ay nagsagawa ng Islamic symposium at kasabay   ay ang ipagdiriwang  ng   Lailatul Qa'dr o “Ang gabi ng  Kapasiyahan”   na ginanap  sa social hall ng Upi Agricultural School.


Ayon kay Ustadz Julqarnain ay: "Ang isang  gabi na pagdarasal sa gabi ng mga araw na ipinagdiriwang  ang Laitul  Qadr ay   katumbas ng isang-libong (1000) buwan, dahil   sinabi ng Allah: “Katotohanang Aming ipinanaog ang Qur’an sa Gaabi  ng Al Qadr (Kapasiyahan). At paano  mo mapag-aalaman kung ano ang Gabi ng Al Qadr? Ang Gabing Qadr (Kapasiyahan) ay higit na mainam sa isang libong buwan (alalaong baga, ang paagsambaa kay Allah sa Gabing ito at higit sa mainam kaysa sa pagsamba sa Kanya sa isang libong buwan o katumbas ng 83 taon at apat na buwan). (Soorah Al-Qadr: 1-3)

Ang mga Muslim ay naniniwala din sa sinabi ng Propeta Muhammad: “Sinuman ang mag-ayuno sa Ramadhaan na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na nagawa. Sinumang magsalaah (ng boluntaryong salaah) sa gabi ng Ramadhaan na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na nagawa. Sinumang magtaguyod ng (boluntaryong) Salaah sa gabi ng Laylatul Qadr na nananampalataya at umaasa sa gantimpala pinatawad ang kanyang mga kasalanan na nagawa.” (Iniulat nina Imaam Bukhare at Muslim.)

Fatima Lidasan vice president ng MWF
Ang programa ay sponsor ng Muslim Youth Fellowship (MYF) sa pakikipagtulungan sa Upi Muslim Consultative Assembly at ng Lokal na Pamahalaan ng Upi.

Ang laitul Qadr. ay ipinagdiriwang ng  mga Muslim sa buong mundo sa tuwing ika  25, 27, o 29 sa buwan ng Ramadhan.

Ang programa  ay nagsimula ganap na ika siyam ng gabi sa pamamagitan ng pagbabasa ng Banal na aklat ang Qur’an  at  pagpapahayag ng kahalagaan ng  Lailatul  Qad’r.

Naging panauhing tagapagsalita si Atty. Rolando “Anwar” Chew, na dating nanampalataya sa Kristiyanismo na simula noong taong 2007 ay Nanampataya na sa relihiyong Islam.

Naging special na bisita naman  ang mga international Qarie o bihasang mambabasa ng Quran, na pawang nagpamalas ng pagbabasa ng Quran,   na sina Al Qarie Ebrahim Duli at Al Qarie Mohammad Taha Kagi,

Ang pagbabasa ng Quran, at ang pinaka mahalaga na ginawa ay ang pag-sambayang ng Tahajjud o pagsambayang sa kalalim ng gabi at nagtapos ang program sa pagsambayang ng Fajar o bukang liwayway  na pagdarasal.

Mga membro ng MYF  na  estudyante ng Upi Agricultural School,  Notre Dame of Upi, Saint Francis High  School at Nuro Central Elementary School. May dumalo din mula sa mga Jamaah o congregation mula sa mga ibat-ibang Masgit sa Upi.

Nagbigay din ng kanyang inspirational na mensahe si   Engr. Sukarno Datukan, UAS-PTIA school administrator at  pinuno ng Upi  Muslim Consultative Assembly (UMCA) ang pagdiriwang.

Dumalo din si Muncipal Kagawad Norodin Musa,    na siya ring kinatawan ni Mayor Ramon Piang.

(Balita ni: Alih S. Anso)


Huwebes, Hulyo 9, 2015

MGA PARAAN AT KAILANGAN SA PAGKUHA NG BUSINESS PERMIT SA BAYAN NG UPI

MGA PARAAN AT KAILANGAN SA   PAGKUHA NG BUSINESS PERMIT SA BAYAN NG UPI
Bulwagan Bayan ng Upi

Para sa Bago (New) na Business Permit…
UNANG HAKBANG (Step 1): Pupunta ka sa Office of the Mayor (nasa 2nd floor ng Bulwagang Bayan ng Upi)  para kumuha at fill-up  ang Business Permit Unified Application Form, ang incharge   ay si Herlinda F. Aguilos. 
Pagkatapos  ay in-code ang mga data sa computer, ay susunod ay kukuha kang ng kaukulang papeles sa mga opisinang ito:
1.     Office of the Treasurer (nasa ground floor bandang kaliwa,  kong papasok sa bulwagan bayan ng Upi) para sa Clearance, kong ikaw ba ay “clear” na sa bayarin sa inyong Real Property Tax (RPT), kong may babayaran ka pa ba sa mga stall sa market, o di kaya ay may utang ka (loans);
2.     Kumuha ng Sedula kong wala pa sa taong kasalukuyan na nasa Office of the Treasurer;
3.     Gumawa o magpagawa ng Sworn Statement of Capital Investment o capital sa negosyo, at ay notarized ng abugado o notary public;
4.     Kumuha ng Barangay Clearance, sa Barangay,  kong saan isasagawa ang negosyo;
5.     Office of the Municipal Planning & Development Coordinator (MPDC) (na nasa ground floor, bandang kanan kong ikaw ay papasok sa bulwagan bayan) at kumuha ng Zoning Clearance;
6.     Bureau of Fire Protection (na nasa harapan ng Nuro Central Elementary School)  at kumuha ng  Fire Safety Inspection Certificate;
7.     Office of the Municipal Environment and  Natural Resources (na nasa ground floor, bandang kanan kong ikaw ay papasok sa bulwagan bayan, kakuwarto ng MPDC office) at dito kumuha ng Solid Waste Management Certification;
8.     Municipal Health Office, kong ang negosyo ay mga pag-kain (nasa Rural Health Center, kalapit gusali ng  Barangay Hall ng Nuro) at kumuha ng Sanitary Permit/Health Certificate for Food Handler;
9.     Department of Trade and Industry (DTI) kong single proprietor business (ang Maguindanao provincial office ay nasa Cotabato City)  at kumuha ng Business Name Registration (BNR);
10.                     Cooperative Development Authority (CDA) para sa mga negosyo ng pag-aari ng kooperatiba;
11.                     Securities and Exchange Commissions (SEC) kong ang negosyo ay corporation;
12.                     2 piraso na larawan na 2 x 2; at
13.                     2 pirasong Documentary Stamp, sa Bureau of Internal Revenue office, ang sub-office sa Upi ay sa lumang municipal building ng Upi.
Para sa Renewal ng Business permit ang #3 o Sworn Statement of Capital Investment ang mapapalitanat at ang isusumite ay Financial Statement ng nakaraang taon;

PANGALAWANG  HAKBANG (Step 2): Office of the Treasurer, (nasa ground floor bandang kaliwa,  kong papasok sa bulwagan bayan ng Upi)  para sa Assessment/Billing/Payment of Fees/Signature of the Treasurer. Ang responsible person para  sa Assessement ay si Eduardo Pahati at sa Billing/Payment ay si Edna Claveria. 

PANGATLONG  HAKBANG (Step 3): Bureau of Fire Protection at  Bureau of Internal Revenue office, para fire fee at   bayarin sa Buwis (tax).

PANG-APAT NA  HAKBANG (Step 4): Office of the Mayor, para sa Approval/Signature ni Mayor Ramon A. Piang Sr. Kong aprubado na ito, ay irelease na ng Releasing Responsible Personnel na si Herlinda Aguilos, ang inyong Business Permit.

Samantala, ayon sa record, nitong taong 2015 ay 35 ang bagong aplikante at may   343 ang nag-Renew  ng Business Permit at ang Approved at narelease  na ay 346 lamang, ang nalalabi ay hindi pa naibabalik ng aplikante ang mga papeles.
Nitong nakaraang taon 2014 ay may 377 na  nabigyan ng Business Permit.

Kaugnay nito ay nanawagan an gating Alkalde Ramon Piang Sr. na ang hindi pa nakapag-renew na mag-Renew na ng Business Permit at ang lahat ng may negosyo at mag-nenegosyo pa sa Upi na kumuha ng Business Permit.

MARKET & SLAUGHTER  UPDATES-MORNING  EDITION (5:00-6:30 A.M.)
July 10,  2015-ARAW NG BIYENRES 

PARA SA MARKET & SLAUGHTERS HOUSE UPDATES… PATROL 1-ALIH ANSO,  


Martes, Hulyo 7, 2015

Punong Kahoy ay Pangalagaan Para sa Iyong Kaligtasan

Punong Kahoy ay Pangalagaan Para sa Iyong Kaligtasan

(July 8, 2015,    -Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)

ANCHOR/LUCY:   Pangalagaan ang mga punong kahoy  para sa inyong kabutihan? Bakit Kaka Alih, Papapano. Sasagutin ni   Kaka Alih sa ating segment  Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya  ang ating mga tanong:

(PLAY - Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya - INTRO)

LUCY:  Good morning o magandang umaga Kaka Alih, at kummusta ang pag-aayuno natin ngayon, ilang araw pa ang nalalabi sa Ramadan.   

Kaka Alih:  Good morning din Kapatid na Lucy, magandang umaga din  sa lahat ng mga Kapatid na nakikinig at nanood sa kanila-kanilang telebesyon.  At Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nananampalataya sa   Islam.

Alhamdullilah (All praised be to Allah) mabuti din, tungkol sa nalalabi sa araw ng Ramadan, either 7 or 8days na lang ang nalalabi, sa July 16 ang iak 30 araw ng Ramadhan but in 29 ng Ramadhan obserbahan ng bagong buwan, kong masisilayan ito ay mag-end ang Ramadan sa July 15, samakatuwid sa July 16, araw ng Huwebes ang Eidil fiter Sambayang.

PUNONG KAHOY
Ilan sa nalalabing punong kahoy malapit sa Basak Senga

Ang punong kahoy, bakit kailangan pangalagaan ng tao ang mga punong kahoy?

Ayon sa Wikipedia gaito ang pagdefinee nila ng kahoy: “Ang kahoy ay isang matigas, may fiber, makahoy na istruktural na tisyu na nagawa bilang pangalawang xylem sa mga tangkay ng mga makahoy na halaman, partikular ang mga puno at palumpong. Inihahatid ng tisyung ito ang tubig sa mga dahon at ibang tumutubong tisyu at mayroong tungkuling pang-suporta, na binibigyan kakayahan ang mga halaman na lumagong malalaki. Maaari din tumukoy ang kahoy sa ibang mga materyal ng halaman at tisyu na may maihahambing na katangian.”

Ang mga punong kahoy ay generally matatagpuan o makikita  sa ating kagubatan.

Ang tanong:  nasaan na ang mga kagubatan ito? Mayron pa ba?

LUCY: Kaka Alih,   ano ang kahalagaan ng ating    mga punong kahoy?

KAKA ALIH: Ang punong kahoy   tanim sa gubat at ito ay pumipigil sa baha at pagguho ng lupa.

Tanong ko sa sa  estudyante:  Ano ang naitutulong ng puno kahoy sa tao?

Sagot ng estudyante: (PLAY AUDIO-1 STUDENT) “Nakakatulong ang puno sa atin sa pamamagitan ng pagbigay ng hangin,sumisipsip ng tubig pag may baha,nagbibigay pagkain,nakakagawa tayo ng mga bagay tulad ng papel sa pamamagitan ng dahon at sa kahoy makakagawa tayo ng mga kagamitan. Kaya wag tayo magpuputol ng puno kung magpuputol ng puno siguraduhin na papalitan mo ang pinutol mo.”

Kaibigan sigoro naman alam na alam mo na ngayon   kung gaano kaimportante ang puno sa ating buhay?

Ang mga punong  ay isang halimbawa ng renewable energy resource natin, at kung ating pagtutuunan ng pansin, ay maaaring makapigil sa maraming kalamidad na maaring matigil 0 mabawasan man lang ang epekto ng kalamamidad na bagyo sa ating kapaligiran.

Magmula sa pagsipsip ng tubig ng mga ugat nito hanggang sa masarap na hangin na idinudulot ng dahon at lilim nito, halos wala na tayong maihihiling pa sa biyayang ito ng Diyos. Alam na alam natin na ang pagkawala nila bunga ng pagputol (ligal man o iligal) ay nagdudulot ng ilang risks sa kapaligiran.

Hindi natin pwedeng kalimutan ang naging bunga ng bagyo at pagbaha sa mga lugar gaya ng Quezon, Aurora, Albay, Cagayan de Oro at kalakhang Maynila noong nanalasa ang deadliest cyclones na tumama sa bansa. Hindi natin pwedeng malimot ang mga pangalang Rosing, Reming, Ondoy, Pepeng, at Sendong na kumitil sa buhay ng marami nating kababayan na may pagitan lamang na dalawa at tatlong taon ang pananalasa ng bawat isa. Subalit, madalas nalilimutan natin ang katotohanang ang ating bansa ay nasa ring of fire at typhoon belt sa Karagatang Pasipiko, na dinaraanan ng anim hanggang pitong (6-7) tropical cylone landfalls kada taon. Ibig sabihin, sa alpabetong pagpapangalan natin na umaabot pa hanggang letrang U (Uring), 6-7 dito ang naka-klasipika bilang tropical cyclone na umaabot sa lupa.

Bunga niyon, ang kahalagahan ng mga puno sa ating kabundukan ay walang kasingtumbas, lalo na sa panahon ng kalamidad. Ang pagproprotekta ng mga puno lalo na yaong may malalaking ugat ay may mataas na kapasidad na sumipsip ng tubig at pigilan ang pagbagsak ng lupa sa mataaas na lugar ay responsibilidad ng lahat. Ang ating kagustuhan na i-develop ang mga mapupunong lugar ay nararapat na may katumbas na kapalit, gaya ng muling pagtatanim at pagsasalba ng ilan pang mga punong pwede pang sumasailalim sa proseso ng earth-balling.

Sa ating pag-unlad bunga ng ating mga development projects, mahalaga ding isipin ang bilang ng taon na nakatayo ang mga puno. Mapapalitan o matutumbasan ba natin ito kapalit ng pangakong kaunlaran? Ano naman kaya ang epekto nito sa mga tao sa paligid? Lalong higit ng mga inosenteng walang kaalam-alam na kalbo na pala ang kabundukan at ang mga trosong pinaanod sa tubig ang siyang tumambad at kumitil sa buhay ng kanyang mga kapamilya.

Sa patuloy na pananalasa ng mga natural na kalamidad, ang natitira nating pag-asa katulad ng mga puno ay nararapat na mahigpit na ipagbawal. Matagal na silang nagbigay ng babala at paulit-ulit pa. Ang umaapaw na pera ay walang panangga sa oras na gumanti ang kapaligiran sa ating paglalapastangan sa kanila.

Muli, paulit-ulit naman nating alam ang mga ito. Parang sirang plaka na lang ang paulit-ulit na pagbibigay ng babala laban sa parating na kalamidad. Subalit hindi nagsasawa ang babala ng kapaligiran hanggang may mga ilan pa ring ganid na sinusuway ito. Ilang buhay pa ba ang kailangang mawala bago natin maisip ang bahagi ng mga puno sa ating buhay? Ilang bagyo pa? Sana may oras pa.

Ang  pagkawasak ng ating  mga kagubatan sa bansa ay sadyang nakakaalarma na lalo na sa ating mga environmentalist o  mga taong may pagmamasakit sa kalikasan.

Kaya naman  ang ating pamahalaan ay sarit sari ang mga programa papaano pangalagaan ang mga yaman ng ating punong kagubatan, lalo na ang mga punong kahoy. May mga programa sa TV, radio ang iba naman ay direkta ng naglalagay ng mga karatula sa mga lugar na BAWAL ANG PAGPUTOL NG PUNO, subalit mayroon pa rin na ipinagkikibit balikat lamang, no pansin sila.

“Kaka Alih di ba mayroon tayong mga “forest guard” na nagbabantay n gating mga kagubatan, nasaan pa sila?” tanong ng isang guro na kakuwentuhan ko sa sasakyan.

“Sa plaza, naghihintay ng end of the month” (LAUGHING) ang naisip kong isagot, kasi noong regular pa akong bumababa sa Cotabato City,  doon ko madalas nakikita ang mga empleyado ng goberno natin, na taga-bantay ng kabundukan.
In  fairness naman may sagot ditto ang  mga kaibigan: “Kaka, kaya andon kami, magrereport kami sa office, kasi pinanarereport kami monthly, syempre maaga pa kaya, doon muna kami.”
Sabagay ito scenario noon, pero ngayon iba, na, saan sila, sa canteen na naghihintay ng oras, professional baga. Ok silent na ako diyan .. (LAUGHING)

Marahil di ko na kailangan ipalaala sa ating mga kapatid na nakikinig,   kung gaano kaimportante ang puno sa ating buhay, at kahit maliliit pa tayo ay halos maisaulo na natin ang kapakinabangang nakukuha mula sapunong kahoy, dahil palaging tinatanong ni Sir at Maam.

Ang mga punong kahoy ay isang halimbawa ng renewable resource na, kung ating pagtutuunan ng pansin, ay maaaring makapigil sa maraming kalamidad na pwede nating mabawasan ang epekto sa ating kapaligiran.

Ang punong kahoy ay sumisipsip ng tubig sa pamamagitan ng mga ugat nito at naghahatid sa ating ng  masarap na hangin na idinudulot ng mula dahon at lilim nito, halos wala na tayong maihihiling pa sa biyayang ito ng Poong Lumikha.

Alam na alam natin na ang pagkawala nila bunga ng mga punong ito ay magdudulot ng ilang risks o kapahamakan ng ating   kapaligiran.

Huwag mong sabihin kaibigan na nakakalimutan mo ang naging bunga ng bagyo at pagbaha sa mga lugar gaya ng Quezon, Aurora, Albay, Cagayan de Oro at kalakhang Maynila noong nanalasa ang deadliest cyclones na tumama sa bansa. Sigoro naman Lucy ay hindi mo  malilimot ang mga pangalang Rosing, Reming, Ondoy, Pepeng, at Sendong.

LUCY: Of course naman Kaka, mga bagyo na tumama sa Pilipinas.

 KAKA ALIH: na kumitil sa buhay ng marami nating kababayan,  na may pagitan lamang na dalawa at tatlong taon ang pananalasa ng bawat isa.

Dapat kasi Lucy di  natin kalimutan ang katotohanang na ang ating bansa ay nasa ring of fire at typhoon belt sa Karagatang Pasipiko, na ibig sabihin ay  dinaraanan ng anim hanggang pitong (6-7) tropical cylone landfalls kada taon.

Sa alpabetong pagpapangalan natin na umaabot pa hanggang letrang U (Uring), 6-7 dito ang naka-klasipika bilang tropical cyclone na umaabot sa lupa.

Ano ang kaugnayan sa kahalagahan ng mga puno sa ating kabundukan  lalo na sa    panahon ng kalamidad?

Ang pagproprotekta ng mga puno lalo na yaong may malalaking ugat ay may mataas na kapasidad na sumipsip ng tubig at pigilan ang pagbagsak ng lupa sa mataaas na lugar ay responsibilidad ng lahat. Ang ating kagustuhan na i-develop ang mga mapupunong lugar ay nararapat na may katumbas na kapalit, gaya ng muling pagtatanim at pagsasalba ng ilan pang mga punong pwede pang sumasailalim sa proseso ng earth-balling. Sa ating pag-unlad bunga ng ating mga development projects, mahalaga ding isipin ang bilang ng taon na nakatayo ang mga puno. Mapapalitan o matutumbasan ba natin ito kapalit ng pangakong kaunlaran?

Ano naman kaya ang epekto nito sa mga tao sa paligid? Lalong higit ng mga inosenteng walang kaalam-alam na kalbo na pala ang kabundukan at ang mga trosong pinaanod sa tubig ang siyang tumambad at kumitil sa buhay ng kanyang mga kapamilya.

Sa patuloy na pananalasa ng mga natural na kalamidad, ang natitira nating pag-asa katulad ng mga puno ay nararapat na mahigpit na ipagbawal. Matagal na silang nagbigay ng babala at paulit-ulit pa. Ang umaapaw na pera ay walang panangga sa oras na gumanti ang kapaligiran sa ating paglalapastangan sa kanila.

Muli, paulit-ulit naman nating alam ang mga ito. Parang sirang plaka na lang ang paulit-ulit na pagbibigay ng babala laban sa parating na kalamidad. Subalit hindi nagsasawa ang babala ng kapaligiran hanggang may mga ilan pa ring ganid na sinusuway ito. Ilang buhay pa ba ang kailangang mawala bago natin maisip ang bahagi ng mga puno sa ating buhay? Ilang bagyo pa? Sana may oras pa.

Kaya naman nabuhay muli   ang pamahalaan sa paghikayat sa pakikiisa ng mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno ito ang panawagan ng gobyerno.

Ikaw Lucy, kaya mo bang  magtanim  ng punong kahoy para sa susunod nating  salinglahi?

LUCY: Of course naman Kaka, katunayan nga minsan na akong nakiisa sa pagtatanim ng mga puno diyan sa Romagonrong falls, na kong  saan watershed area ng Upi, dahil diyan natin kinukuha  ngayon ang tubiog na  dumadaloy sa ating mga gripo sa ngayon.

ALIH: Ako din  Lucy, ilan beses na akong  nakasama sa tree planting, dito sa highway, sa Romagonrong  falls, at sa aming bakuran marami din  akong nai tanim na mga puno, puno na  napapakinabangan  na  sa ngayon, dahil namumunga na ang mga ito.

Ang pakiusap lang sana natin, huwag  ng  sirain ng  mga kababayan natin  ang  mga puno na  kusa ng tumutubo sa ating  mga kapaligiran, kong sakaling di maiiwasan ang  pagputol, dahil kinakilangan, palitan natin sa pagtatanim muli ng iba pang punong kahoy.
Maraming salamat sa inyong pakikinig,  ang inyong  Kaka Alih, na nagsasabing, ang punong itinanim ay buhay ng tao ang kakambal. Sukran at maraming salamat.

LUCY: Maraming  salamat Kaka Ali, Mga kapatid, Magtanim ng puno, para sa kaligtasan  ng  ating pamilya.


   (PLAY EXTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)

Miyerkules, Hulyo 1, 2015

Early “Meguyaya Festival” in Upi as 4Ps Pay Out

Early “Meguyaya Festival”  in Upi as 4Ps Pay Out

Nuro, Upi (July 2, 2015) …Thousand of beneficiaries from the 23 barangay of Upi, of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) will  received their pay-out  again this morning,   for   past year  2014     at the Upi gymnasium.
inside Upi Gmnasium

As if Early “Meguyaya Festival, regular vendors and instant vendors display their goods, foods, drinks, dried fish and other items around the gymnasium and also in the public market, transient vendors from Cotabato City display their ukay-ukay (used items), fruits, vegetables and dry goods.

 Last  4Ps pay out, a “small fish vendor”  sell about 20,000 comparing to ordinary day of  1,000-2,000 only.

Total of   3,683 beneficiaries coming from the 23 barangays of Upi patiently and systematically gathered inside the gymnasium to received the amount ranging from 2,000-8,000 pesos it depends to number of beneficiaries.

The pay-out were  facilitated by the 7  municipal link officer, 3 Social Welfare Assistant  and regional employees of Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Social Fund.

The seven Municipal links officers assigned in Upi: Datu magnus Sinsuat, Ulambai Kanapia, Samra Mama, Norodin Solaiman, Nurhad Sinsuat, Roxanne Salazar, Marietta Hortilano and Anwar Mandi.

The three Social Welfare Assistants: Malik P. Ampuan, Emran Aban and Mary Little Jardeliza.

G-CASH Remit system of Globe Telecom, disbursed the million pesos government’s conditional cash grants to the thousands beneficiaries.

December 2014,  last pay out in Upi for 3,683 beneficiaries for  poverty reduction strategy that provides conditional cash grants to poor households to improve their health, nutrition, and education.   

Poor families receive cash provided their children regularly goes to public school and visit the health center for regular medical checkups and treatments.

outside of Upi gynmasium
Under the said program, a household with a child 0-14 years old will be granted P500 per month for the Health and Nutrition Grant and households having children 3-5 years old enrolled in day care or pre-school program or children 6-14 years old enrolled in elementary and secondary schools will be granted, under Education Grant, P300 per month per child for 10 months a year, excluding April and May, to a maximum of three children.

In order to qualify for the Health and Nutrition Grant, children 0-5 years old should be brought to health center for immunization, monthly weight monitoring and nutrition counseling for children aged 0-2 years old, quarterly weight monitoring for 25 to 73 weeks old, and management of childhood diseases for sick children. Children 6-14 years old must also receive deworming pills twice a year.


For beneficiaries to qualify for the Education Grant, children should maintain a class attendance rate of at least 85% per month. (Alih S. Anso-DXUP)