Market & Slaughter Updates
July 2, 2015
“Still Thursday But Its Like a Market Day!!!???”….Bakit? Alam mo Lucy we stand to be corrected, mali pa yan, dahil its like "Meguyaya festival", dahil kahit ang Palileo street ay mayroon nang naka-display na mga paninda, which only during Meguyaya at Foundation Day ang mayroon.
Ang sagot sa tanong na BAKIT? ay, dahil payout ng 4Ps ngayong araw ng Thursday, July 2, 2015.. Therefore, babaha ang pera sa bayan ng Upi, milyon piso?, sampung milyon daw more or less, ang mag-circulate na pera sa Upi ngayong araw.
Today is PayOut ng 4Ps, na ang ibig sabihin ay ibibigay na sa mga magulang na matagal ng naghihintay sa mga tulong financial sa mga batang nag-aaral mula sa goberno. Ilan buwan ka ang matatanggap ni Nanay ni tatay? Pero Nanay, tatay, reminders ang perang iyan ay para po sa ating mga anak na rehistrado na beneficiaries ng 4Ps o PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM. Ang perang yan ay hindi pambili ng ating luho, kundi pambayad sa bayarin sa paaralan ng ating mga anak na beneficiaries ng 4Ps.
Abad Street as of 6:00 AM JULY 2, 2015, still Thursday, but its like market day? |
Ang 300 bawat buwan ay Pambili ng kanilang mga gamit sa paaralan. Ang limang piso bawat buwan ay Gagastusin sa kanilang pangkalusugan, kaya wala ka ng dahilan para hindi mo madadala sa health center ang inyong mga anak, dahil may pamasahi ka na.
Lucy, heto ngayon ang actual na situation, early as yesterday pa, may naglagay na ng kanilang mga tapangko, kaninang mga alas kuwatro pa na pag-daan natin ay may nag-aayos na ng kanilang paninda, mula dito sa bandang Public Market particular sa Edwards st. subalit sa mga sandaling ito, habang tayo ay nag-uulat patuloy ang pagdating mga sasakyan na mga dalang paninda tulad glasswares, school supplies, mayroon din ukay-ukay na damit.
Ang mga nagpapabili naman ang isda, ay doble o triple ang kinumpra dahil inaasahan nila na tulad ng
Corner of Edwards/Abad Street as of 6:00 AM JULY 2, 2015, still Thursday, but its like market day? |
Patuloy ang pagdating mga bolantero o peddlers, dahil sa umaasa na makakabenta ng malaki-laki sa araw na ito ng 4Ps payout.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento