Punong Kahoy
ay Pangalagaan Para sa Iyong Kaligtasan
(July 8,
2015, -Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso
para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay
Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)
ANCHOR/LUCY: Pangalagaan ang mga punong kahoy para sa inyong kabutihan? Bakit Kaka Alih,
Papapano. Sasagutin ni Kaka Alih sa ating segment Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya ang ating mga tanong:
(PLAY - Gabay Kalusugan at
Talakayang Pampamilya - INTRO)
LUCY: Good morning o magandang umaga Kaka Alih, at
kummusta ang pag-aayuno natin ngayon, ilang araw pa ang nalalabi sa Ramadan.
Kaka Alih: Good morning din Kapatid na Lucy, magandang
umaga din sa lahat ng mga Kapatid na
nakikinig at nanood sa kanila-kanilang telebesyon. At Assallamu alaikum warahmatullahi
wabarakatuh sa mga kapatid na nananampalataya sa Islam.
Alhamdullilah (All praised be to
Allah) mabuti din, tungkol sa nalalabi sa araw ng Ramadan, either 7 or 8days na
lang ang nalalabi, sa July 16 ang iak 30 araw ng Ramadhan but in 29 ng Ramadhan
obserbahan ng bagong buwan, kong masisilayan ito ay mag-end ang Ramadan sa July
15, samakatuwid sa July 16, araw ng Huwebes ang Eidil fiter Sambayang.
Ang punong kahoy, bakit kailangan
pangalagaan ng tao ang mga punong kahoy?
Ayon sa Wikipedia gaito ang
pagdefinee nila ng kahoy: “Ang kahoy ay
isang matigas, may fiber, makahoy na istruktural na tisyu na nagawa bilang
pangalawang xylem sa mga tangkay ng mga makahoy na halaman, partikular ang mga
puno at palumpong. Inihahatid ng tisyung ito ang tubig sa mga dahon at ibang
tumutubong tisyu at mayroong tungkuling pang-suporta, na binibigyan kakayahan
ang mga halaman na lumagong malalaki. Maaari din tumukoy ang kahoy sa ibang mga
materyal ng halaman at tisyu na may maihahambing na katangian.”
Ang mga punong kahoy ay generally
matatagpuan o makikita sa ating
kagubatan.
Ang tanong: nasaan na ang mga kagubatan ito? Mayron pa
ba?
LUCY: Kaka
Alih, ano ang kahalagaan ng ating mga punong kahoy?
KAKA ALIH: Ang punong
kahoy tanim sa gubat at ito ay
pumipigil sa baha at pagguho ng lupa.
Tanong ko sa sa estudyante:
Ano ang naitutulong ng puno kahoy sa tao?
Sagot ng estudyante: (PLAY
AUDIO-1 STUDENT) “Nakakatulong ang puno sa atin sa pamamagitan ng pagbigay ng
hangin,sumisipsip ng tubig pag may baha,nagbibigay pagkain,nakakagawa tayo ng
mga bagay tulad ng papel sa pamamagitan ng dahon at sa kahoy makakagawa tayo ng
mga kagamitan. Kaya wag tayo magpuputol ng puno kung magpuputol ng puno
siguraduhin na papalitan mo ang pinutol mo.”
Kaibigan sigoro naman alam na
alam mo na ngayon kung gaano
kaimportante ang puno sa ating buhay?
Ang mga punong ay isang halimbawa ng renewable energy
resource natin, at kung ating pagtutuunan ng pansin, ay maaaring makapigil sa
maraming kalamidad na maaring matigil 0 mabawasan man lang ang epekto ng
kalamamidad na bagyo sa ating kapaligiran.
Magmula sa pagsipsip ng tubig ng
mga ugat nito hanggang sa masarap na hangin na idinudulot ng dahon at lilim
nito, halos wala na tayong maihihiling pa sa biyayang ito ng Diyos. Alam na
alam natin na ang pagkawala nila bunga ng pagputol (ligal man o iligal) ay
nagdudulot ng ilang risks sa kapaligiran.
Hindi natin pwedeng kalimutan ang
naging bunga ng bagyo at pagbaha sa mga lugar gaya ng Quezon, Aurora, Albay,
Cagayan de Oro at kalakhang Maynila noong nanalasa ang deadliest cyclones na
tumama sa bansa. Hindi natin pwedeng malimot ang mga pangalang Rosing, Reming,
Ondoy, Pepeng, at Sendong na kumitil sa buhay ng marami nating kababayan na may
pagitan lamang na dalawa at tatlong taon ang pananalasa ng bawat isa. Subalit,
madalas nalilimutan natin ang katotohanang ang ating bansa ay nasa ring of fire
at typhoon belt sa Karagatang Pasipiko, na dinaraanan ng anim hanggang pitong
(6-7) tropical cylone landfalls kada taon. Ibig sabihin, sa alpabetong
pagpapangalan natin na umaabot pa hanggang letrang U (Uring), 6-7 dito ang
naka-klasipika bilang tropical cyclone na umaabot sa lupa.
Bunga niyon, ang kahalagahan ng
mga puno sa ating kabundukan ay walang kasingtumbas, lalo na sa panahon ng
kalamidad. Ang pagproprotekta ng mga puno lalo na yaong may malalaking ugat ay
may mataas na kapasidad na sumipsip ng tubig at pigilan ang pagbagsak ng lupa
sa mataaas na lugar ay responsibilidad ng lahat. Ang ating kagustuhan na
i-develop ang mga mapupunong lugar ay nararapat na may katumbas na kapalit,
gaya ng muling pagtatanim at pagsasalba ng ilan pang mga punong pwede pang
sumasailalim sa proseso ng earth-balling.
Sa ating pag-unlad bunga ng ating
mga development projects, mahalaga ding isipin ang bilang ng taon na nakatayo
ang mga puno. Mapapalitan o matutumbasan ba natin ito kapalit ng pangakong
kaunlaran? Ano naman kaya ang epekto nito sa mga tao sa paligid? Lalong higit
ng mga inosenteng walang kaalam-alam na kalbo na pala ang kabundukan at ang mga
trosong pinaanod sa tubig ang siyang tumambad at kumitil sa buhay ng kanyang
mga kapamilya.
Sa patuloy na pananalasa ng mga
natural na kalamidad, ang natitira nating pag-asa katulad ng mga puno ay
nararapat na mahigpit na ipagbawal. Matagal na silang nagbigay ng babala at
paulit-ulit pa. Ang umaapaw na pera ay walang panangga sa oras na gumanti ang
kapaligiran sa ating paglalapastangan sa kanila.
Muli, paulit-ulit naman nating
alam ang mga ito. Parang sirang plaka na lang ang paulit-ulit na pagbibigay ng
babala laban sa parating na kalamidad. Subalit hindi nagsasawa ang babala ng
kapaligiran hanggang may mga ilan pa ring ganid na sinusuway ito. Ilang buhay
pa ba ang kailangang mawala bago natin maisip ang bahagi ng mga puno sa ating
buhay? Ilang bagyo pa? Sana may oras pa.
Ang pagkawasak ng ating mga kagubatan sa bansa ay sadyang
nakakaalarma na lalo na sa ating mga environmentalist o mga taong may pagmamasakit sa kalikasan.
Kaya naman ang ating pamahalaan ay sarit sari ang mga
programa papaano pangalagaan ang mga yaman ng ating punong kagubatan, lalo na
ang mga punong kahoy. May mga programa sa TV, radio ang iba naman ay direkta ng
naglalagay ng mga karatula sa mga lugar na BAWAL ANG PAGPUTOL NG PUNO, subalit
mayroon pa rin na ipinagkikibit balikat lamang, no pansin sila.
“Kaka Alih di ba mayroon tayong
mga “forest guard” na nagbabantay n gating mga kagubatan, nasaan pa sila?”
tanong ng isang guro na kakuwentuhan ko sa sasakyan.
“Sa plaza, naghihintay ng end of
the month” (LAUGHING) ang naisip kong isagot, kasi noong regular pa akong
bumababa sa Cotabato City, doon ko
madalas nakikita ang mga empleyado ng goberno natin, na taga-bantay ng kabundukan.
In fairness naman may sagot ditto ang mga kaibigan: “Kaka, kaya andon kami,
magrereport kami sa office, kasi pinanarereport kami monthly, syempre maaga pa
kaya, doon muna kami.”
Sabagay ito scenario noon, pero
ngayon iba, na, saan sila, sa canteen na naghihintay ng oras, professional
baga. Ok silent na ako diyan .. (LAUGHING)
Marahil di ko na kailangan
ipalaala sa ating mga kapatid na nakikinig,
kung gaano kaimportante ang puno sa ating buhay, at kahit maliliit pa
tayo ay halos maisaulo na natin ang kapakinabangang nakukuha mula sapunong
kahoy, dahil palaging tinatanong ni Sir at Maam.
Ang mga punong kahoy ay isang
halimbawa ng renewable resource na, kung ating pagtutuunan ng pansin, ay
maaaring makapigil sa maraming kalamidad na pwede nating mabawasan ang epekto
sa ating kapaligiran.
Ang punong kahoy ay sumisipsip ng
tubig sa pamamagitan ng mga ugat nito at naghahatid sa ating ng masarap na hangin na idinudulot ng mula dahon
at lilim nito, halos wala na tayong maihihiling pa sa biyayang ito ng Poong
Lumikha.
Alam na alam natin na ang
pagkawala nila bunga ng mga punong ito ay magdudulot ng ilang risks o
kapahamakan ng ating kapaligiran.
Huwag mong sabihin kaibigan na
nakakalimutan mo ang naging bunga ng bagyo at pagbaha sa mga lugar gaya ng
Quezon, Aurora, Albay, Cagayan de Oro at kalakhang Maynila noong nanalasa ang
deadliest cyclones na tumama sa bansa. Sigoro naman Lucy ay hindi mo malilimot ang mga pangalang Rosing, Reming,
Ondoy, Pepeng, at Sendong.
LUCY: Of
course naman Kaka, mga bagyo na tumama sa Pilipinas.
KAKA ALIH: na kumitil sa buhay ng marami
nating kababayan, na may pagitan lamang
na dalawa at tatlong taon ang pananalasa ng bawat isa.
Dapat kasi Lucy di natin kalimutan ang katotohanang na ang ating
bansa ay nasa ring of fire at typhoon belt sa Karagatang Pasipiko, na ibig
sabihin ay dinaraanan ng anim hanggang
pitong (6-7) tropical cylone landfalls kada taon.
Sa alpabetong pagpapangalan natin
na umaabot pa hanggang letrang U (Uring), 6-7 dito ang naka-klasipika bilang
tropical cyclone na umaabot sa lupa.
Ano ang kaugnayan sa kahalagahan
ng mga puno sa ating kabundukan lalo na
sa panahon
ng kalamidad?
Ang pagproprotekta ng mga puno
lalo na yaong may malalaking ugat ay may mataas na kapasidad na sumipsip ng
tubig at pigilan ang pagbagsak ng lupa sa mataaas na lugar ay responsibilidad
ng lahat. Ang ating kagustuhan na i-develop ang mga mapupunong lugar ay
nararapat na may katumbas na kapalit, gaya ng muling pagtatanim at pagsasalba
ng ilan pang mga punong pwede pang sumasailalim sa proseso ng earth-balling. Sa
ating pag-unlad bunga ng ating mga development projects, mahalaga ding isipin
ang bilang ng taon na nakatayo ang mga puno. Mapapalitan o matutumbasan ba
natin ito kapalit ng pangakong kaunlaran?
Ano naman kaya ang epekto nito sa
mga tao sa paligid? Lalong higit ng mga inosenteng walang kaalam-alam na kalbo
na pala ang kabundukan at ang mga trosong pinaanod sa tubig ang siyang tumambad
at kumitil sa buhay ng kanyang mga kapamilya.
Sa patuloy na pananalasa ng mga
natural na kalamidad, ang natitira nating pag-asa katulad ng mga puno ay
nararapat na mahigpit na ipagbawal. Matagal na silang nagbigay ng babala at
paulit-ulit pa. Ang umaapaw na pera ay walang panangga sa oras na gumanti ang
kapaligiran sa ating paglalapastangan sa kanila.
Muli, paulit-ulit naman nating
alam ang mga ito. Parang sirang plaka na lang ang paulit-ulit na pagbibigay ng
babala laban sa parating na kalamidad. Subalit hindi nagsasawa ang babala ng
kapaligiran hanggang may mga ilan pa ring ganid na sinusuway ito. Ilang buhay
pa ba ang kailangang mawala bago natin maisip ang bahagi ng mga puno sa ating
buhay? Ilang bagyo pa? Sana may oras pa.
Kaya naman nabuhay muli ang pamahalaan sa paghikayat sa pakikiisa ng
mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa pamamagitan ng mga
programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno ito ang panawagan ng gobyerno.
Ikaw Lucy, kaya mo bang magtanim
ng punong kahoy para sa susunod nating
salinglahi?
LUCY:
Of course naman Kaka, katunayan nga minsan na
akong nakiisa sa pagtatanim ng mga puno diyan sa Romagonrong falls, na
kong saan watershed area ng Upi, dahil
diyan natin kinukuha ngayon ang tubiog
na dumadaloy sa ating mga gripo sa
ngayon.
ALIH: Ako din Lucy, ilan beses na akong nakasama sa tree planting, dito sa highway,
sa Romagonrong falls, at sa aming
bakuran marami din akong nai tanim na
mga puno, puno na napapakinabangan na sa
ngayon, dahil namumunga na ang mga ito.
Ang pakiusap lang sana natin,
huwag ng
sirain ng mga kababayan
natin ang mga puno na
kusa ng tumutubo sa ating mga
kapaligiran, kong sakaling di maiiwasan ang
pagputol, dahil kinakilangan, palitan natin sa pagtatanim muli ng iba
pang punong kahoy.
Maraming salamat sa inyong
pakikinig, ang inyong Kaka Alih, na nagsasabing, ang punong
itinanim ay buhay ng tao ang kakambal. Sukran at maraming salamat.
LUCY: Maraming salamat Kaka Ali,
Mga kapatid, Magtanim ng puno, para sa kaligtasan ng
ating pamilya.
(PLAY EXTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento