Huwebes, Setyembre 26, 2013

Pagkaing Halal, Haram at Makroh

Pagkaing Halal, Haram at Makroh
KASUMBALI (pagkakatay) ng Kambing
Source: http://1.bp.blogspot.com/-E533_X5t4Fw/UO3YiCZdw
LI/AAAAAAAACH0/Wmr2u8pkXcQ/s1600/cruel-halal.jpg


 (September 27, 2013-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talalakayang Pampamilya”. Host –Lucy Duce)
(Play- Intro- Gabay Kalusugan  at Talakayang Pampamilya)
LUCY:  Magandang umaga Kaka Alih, 
KAKA ALIH : Magandang umaga din Kapatid na Lucy, at magandang umaga din sa lahat ng nakikinig, at  assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, (ang kapayapaan at pagpapala ng Allah Sasaatin  Nawa) naman sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim.
Araw ng Biyernes ngayon, kaya kalusugan o pangangalaga sa katawan  ang ating mga  theme.  At sa umagang ito ang ibabahagi ko ay itong isa mga  natutunan ko sa napuntahan na nating  bansa,  ang bansang Indonesia.
Yes,  ang ibabahagi ko o  pag-uusapan    natin ay mga  pagkain na  makakasama  at makakabuti sa ating  katawan,  but  in the context of Islam o   sa pananaw ng  Islam.
Alam  mo kapatid na nakikinig, sa panahon ngayon, marami na ang naglalagay ng mga “karatula” signage  o nakapaskil na sulat sa kani-kanilang mga restaurant o  karenderia ng salitang “Halal.”   Maging  sa mga paninda o goods  ay may nakatatak na rin  mga  “Halal” at nakasulat pa sa Arabic text.  Ang layunin   nila ay upang hikayatin ang kanilang  mga customers na Muslim, na bumili sa kanilang paninda o  produkto. Magandang layunin subalit ito   ba ay tama?
Napansin  mo ba ito Lucy, itong  mga  naglipanang marking  o signage na “Halal”?
LUCY:  Napansin ko na  rin yan Kaka Ali, kahit dito sa ating  bayang Upi kong minsan ay  may mga tindahan o karenderia na may nakatatak sa tindahan o paninda nilang pagkain na “Halal?”.
KAKA ALIH: Salamat  Lucy at napansin mo  ang  mga  napansin ko, ang mga itatanong ko sa kanila sana , ay maganda sigorong itanong ko na rin sa iyo:  “ano ang  pag-kakaintindi mo sa Halal?
LUCY:  Walang halong karneng baboy,  Kaka  Alih.
KAKA ALIH: Tama ka Lucy, Ganyan din marahil ang kanilang mga sagot.  Matandaan mo ang mga   interbiyu mo sa ilang mangangalakal ng pagkain dito sa Upi, noong dumaang Meguyaya festival  ganyan din  ang kanilang pagkakaalam  sa Halal na pagkain, “walang halong karneng baboy”.
Sa isang banda ay tama sila kasamang Lucy, subalit kinakailangan pa madagdagan ang kaalaman na yan,  dahil pwedeng maging Haram din ang pagkain na walang baboy.   Yes Kapatid,    kahit walang  halong karne ng baboy, langis o dugo  ng baboy  ay pwedeng maging Haram  ang pagkain na yan?
LUCY:  Ha? Papaano yun nangyayari Kaka? Akala ko basta walang halong karneng  baboy ay  Halal na ang pagkain?
KAKA ALIH:  Ganito niyon Lucy/kaibigan, ipapaliwanag ko sa iyo at sa madlang nanonood at nakikinig.. pero may similar pa subject pa akong nakuha, ang sabi basta ang restaturan o karendiria ay Muslim ang may-ari ay Halal ang nilututo. Kong ganito ang situation ang ibig sabihin ba ay pag Kristiyano ay may-ari ng karenderia ay Haram na din ang niluluto?.
Alam mo Lucy, kong minsan ay higit pang masasabing Halal ang niluto o pag-aari ng isang  Kristiyano kaysa Muslim? But generally speaking ang niluto ng Muslim ay Halal, provided alam niya ang kaibhan ng Halal sa  Haram. Dapat malaman natin na mga Muslim at Kristiyano na ang Halal na pagkain ay pwedeng maging Haram, at ang haram ay din a pwedeng maging Halal.
Halimbawa natin ay ang hayop nab aka ay Halal na hayop, but kong hindi ito sinumbali o kinatay ayon sa paraan ng Islam ay magiging Haram na rin ito. Kong ninakaw ang isang hayop, pag alam mo na ninakaw ito at kakainin mo parin ay Haram na rin itong maituturing.
Ayon sa katuruan sa Islam, ang Halal ay pinahihintulutan o pinapayagan o yaong pwedeng kainin ng Muslim (Nanamplataya).  Ayon sa Quran, ang lahat ng malinis na pagkain ay Halal, sa katunayan halos lahat ng mula sa dagat, tanim at hayop ay nabibilang sa Halal, maliban lamang sa mga tinukoy ng Quran.
Alam ba ninyo na sa mga kultura ng mga Bangsamoro na Muslim ang mga tinae, balat ng kinatay na halal na  hayop ay haram din? at ito naman ay naayon din sa katuruan ng Islam.
LUCY:  Nabanggit ninyo  kanina Kaka Ali ang salitang Haram, Ano naman ang ibig sabihin ng sinasabing  Haram na pagkain?
KAKA ALIH: Ang Haram means - ipinagbabawal  o yaong hindi pinapayagang kainin. Ang ilan sa binanggit ng Quran na Haram na pagkain ay ang Halal na hayop na hindi nakatay ayon sa Islam, dugo, baboy, mga hayop na inialay sa mga Bathala at mga nakakalasing na inumin. Kasama din dito ang mga hayop, ibon na carnivorous at ano mang pagkain na nahaluan ng Haram.
Ang mga hayop na nakatira sa lupa ay ipinahihintulot kainin maliban sa ilang uri na ipinagbawal ng Islam at ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang asno na inaalagaan,
2. Ang anumang hayop na may pangil na ginagamit nito sa pagsila, maliban sa hyena.
3. Ang mga ibon, maliban sa mga sumusunod:
a)  Ang mga ibon na may kukong ipinandadagit o ipinansisila. Nagsabi si Ibnu ‘Abbas (RA): “Ipinagbawal ng Sugo ng Allah (SAS) ang lahat ng may pangil na mabangis na hayop at ang lahat ng ibong may kukong ipinaninila.”
b)  Ang mga ibong kumakain ng patay gaya ng agila, buwitre, uwak, at lawin dahil sa dumi ng kinakain ng mga ito.
4. Ipinagbabawal din ang mga hayop na nakapandidiri tulad ng ahas, daga, at mga kulisap (maliban sa balang at tipaklong).
Ang pagkain Haram pag kinain mo ito ay magkakasala ka sa Allah at tiyak na may karampatang parusa mula sa Allah.
Subalit kahit Halal na hayop ay  may parte din ng  katawan nito  ana Haram, pag kinainmo. Ang tanong ay: “Anong parte ng halal na hayop ang hindi dapat kainin ng mga Muslim?
Ang sagot ay: “Ayon sa Hanafi school of thoughts ay 22 ang di dapat kainin sa halal na kinatay na hayop: halimbawa ay ang  guts, intestines o tinae, bladder o bahay tubig, ari ng hayop, daluyan ng dumi, dugo, semilia, ang taba, balat,  anak na nabuo na at iba pa.”
Mayroon pang katuruan sa Islam, na kong pwede ay di dapat kainin ng  mga Muslim ito ang atinatawag na Makrooh.
LUCY:  Ano naman ang  ibig sabin naman ng  Makrooh Kaka Alih ?
KAKA ALIH: Ang Makrooh ay pagkain na hindi kanais-nais o yaong pinaiiwasan. Ito ang pagkain na pinaiiwasan ng Allah at ni Propeta Muhammad dahil maaring makasira sa tao, o dahil mapanganib.
Alam mo ba Noralyn na may pagkain din na tinatawag na  Mashbooh, na ang ibig sabihin ay nagdadalawang isip ka o yaong  hindi sigurado ang pinamulan kong ito ay hindi nahaluan ng  Haram o wala.
Ang katuruan  ng Islam dito ay ang Makrooh at Mahbooh, pag kinain mo ay wala kang kaparusahan, ngunit pag iniwasan mo ito ay may balas o reward kang tatanggapin mula sa Allah.
Inatasan ng Allah ang Kanyang mga lingkod na kumain ng mga pagkaing nakabubuti at ipinagbawal Niya sa kanila ang mga pagkaing nakasasama. Sinasabi Niya (2:172): "O mga mananampalataya, kumain kayo ng mga nakabubuti na itinustos Namin sa inyo.…"
May halimbawa ako sa mga makroh. Makroh ang pagkain ng hilaw na sibuyas, bawang, at anumang tulad nito na may masamang amoy lalo na kung papasok sa Masjid.
Ang sinumang mapipilitang kumain ng pagkaing Haram (ipinagbawal), dahil ikapipinsala ang hindi pagkain nito, ay pinahihintulutang kumain ng makasasapat lamang upang manatiling buhay. Ang nakalalason ay hindi maaaring kainin kailanman.
Ang sinumang mapadaan sa isang taniman at namitas ng bunga sa puno nito o namulot ng nalaglag na bunga at walang anumang bakod na nakapaligid sa pataniman at wala ring nagbabantay; ipinahihintulot sa kanya na kainin ang nasabing bunga ngunit hindi siya magdadala, hindi aakyat sa puno, hindi mambabato ni manunungkit ng bunga, at hindi kakain sa mga nakatipon o nakatumpok na bunga maliban na lamang kung kinakailangan.
Kapatid, sa sususnod…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay Pangkalusugan at Talakayang Pampamilya ..
Sukran and Wassallam.
LUCY:  Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid  isa naman  kaalaman,  para  sa ating  mga  Nanay, na  nagluluto  ng mga pagkain, lalo na sa mga may karenderia, na huwag natin  abusuhin  ang pag-gamit ng word na Halal, dahil ito ay may inclination sa paniniwala ng  mga Kapatid na Muslim, o mga kapatid na nanampalataya sa Islam. Igalang ang kanila ang paniniwala ng  ating kapatid, para tayo din ay kanilang igalang.
(Play- EXTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)


Linggo, Setyembre 22, 2013

Maunlad na ba ang aking Bayan?

Maunlad na ba ang aking Bayan?
tangsa ng kaunalaran ay pagpapatayo ng mga gusali, tulad ng Hospital


(September 23,  2013-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay Pampamilya at Kalusugan”. Host –Lucy Duce)

 (PLAY INTRO-GABAY PAMPAMILYA AT KALUSUGAN)

LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, ano naman ang ibabahagi mo sa amin, ngayon umagang ito, na napakaaliwas?

KAKA ALIH:  Magandang umaga din Lucy, at Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa lahat ng mga nanampalataya sa Islam.

Kasamang Lucy, medyo sasagutin natin ang mga tanong sa atin.

  • Ang mga tanong ay: Maunlad na ba ang aking lugar?
  •  Paano nga ba natin masasabi na maunlad ang ating  komunidad?


·        Anu-ano ang mga maaaring maging batayan natin para masabing may pag-unlad na nagaganap sa isang lugar?

Construction ng gusali
Ikaw Lucy, gusto kong itanong muna sa iyo,  kong may maisasagot ka ba dito sa mga tanong?

LUCY: Masasabi ko na   maunlad ang isang lugar o bayan dahil ang bawat mamamayan ay may hanapbuhay, o may source of income? 

GUMAGAMIT NG MAKINARYA ANG MGA MAGSASAKA
KAKA ALIH: Lucy, May sagot din akin ng isang estudyante ng UAS, sa tanong na yan. “Para sa akin Kaka, Yes, dahil kapag ang mga mamamayan nito ay may hanapbuhay lahat, ang bunga  nito ay wala ng pamilya na maghihikahos, wala ng pamilya na umaasa lamang sa kamag-anak.”   

Ang dagdag ko lang dito, sa sagot ng estudyante ay  provided ang source of income natin ay mula sa malinis na paraan.  Oo nga’t may income ang mga mamamayan  but ang iba naman ay mula   sa ipinagbababawal  ng tao at Diyos. I beg to disagree, my friend.  (PLAY LAUGHING) Yes what I mean is walang illegal na negosyo, tulad ng sugal, illegal drugs kagaya  ng shabu, pagnanakaw at pandaraya sa kapuwa.

LUCY: Masasabi din natin na maunlad ang   bayan O ANG ISANG KUMUNIDAD  kapag ang   mga mamamayan sa isang lugar ay nakapag-aral, dahil mas malaki ang tsansa na makakuha sila ng  magandang trabaho o kabuhayan at may malaking magiging kontribusyon sila  sa pag-unlad ng bayan.

KAKA ALIH: Nakapag-aral o sapat na edukasyon?, Yes agree ako Lucy,  Provided pa rin   na ang pinag-aralan ng mga  yaon ay nababatay sa pamantayan ng Poong Maykapal, ang ibig kong sabihin ay nababatay sa kagandahang asal, kultura at kaugalian ng mga tao.

Ano pa Lucy ang palatandaan mo?

LUCY: Another na palatandaan Kaka Alih na maunlad ang pamayanan na yaon ay kung ang komunidad ay mayroong elektrisidad.

KAKA ALIH: Sang-ayon ako diya Lucy, dahil isa sa mga pangunahin at mahalagang pangangailangan ng tao ang elektrisidad para makapamuhay nang maayos at maginhawa. Maraming gawain ang maisasakatuparan kung ang isang lugar ay mayroong elektrisidad. Katulad na lamang ng mga paaralan, mga bangko, mga ahensya ng gobyerno na nangangailangan ng elektrisidad upang mahusay na magampanan ang kanilang mga tungkulin sa mga mamamayan ng naturang lugar. 

But,… subalit, kailangan ang mga tao ay marunong magbayad ng kanilang electric bills, tulad dito sa atin, Magelco ang nag-provide ng electrisidad. Ang Magelco ay isang kooperatiba, pag-aari ng mga members consumers, kinakailangan itong pangalagaan natin, huwag sirain ang mga linya at huwag magnakaw ng power, dahil kapag nalugi, lugi tayong lahat, at simula na rin ng pagbagsak ng ng ekonomiya ng lugar at kapag nawala ang Magelco, nawala na rin ang korente, at kapag nawala ang korente din a kumpleto ang kaunlaran ng sambayanan.

LUCY:  May dagdag pa ko, na tanda o sign ng kaunlaran, kapag daw   ang mga  pamilya sa isang komunidad ay mayroong kanya-kanyang sariling tahanan.

KAKA ALIH: Agree pa rin ako diyan Lucy, tahanan ay mahalaga sa taon, ang ibon nga may bahay, ang langgam may sariling bahay, tao pa kaya? Maliit man ito o malaki, ang importante ay namumuhay sila ng tahimik at sama-sama.

Di ba napaka-inam  pagmasdan ang isang lugar ,  kung walang mga makikitang palaboy-laboy sa mga kalsada dahil  walang mauwian. Sabagay ditto sa Upi walang palaboy ditto, sa Mayila at  mga lungsod marami ang ganito, tulad sa Bandar a Kutawato

LUCY: Saan yun Kaka Ali ang Bandar a Kutawato?

KAKA ALIH: Bandar a Kutawato? Cotabato City o Lungsod ng Kotabato. Bandar a Kutawato ay term ng mga Bangsamoro, na hinalaw sa Malay, Bandar means Lungsod, malaking o maraming tao na lugar at Kutawato ay ito ang orihinal na pangalan ng Cotabato City, Kuta +Wato (fort + stone).

May mga bahay nga ang karamihan,  but hindi naman sa kanila ang lupang kinatitirikan.  Squatters ang tawag sa mga tao na nakatira sa mga lupa na hindi sa kanila, na hindi naman sila nagrerenta. Tulad ng mga kalsada, pinatayuan ng bahay, lote ng ibang tao, at pinatayuan ng ibang tao na walang pahintulot.

Ang sabi naman ng isa pang estudyante   ang palatandaan na maunlad ang isang kumunidad ay kung ang komunidad ay may  mga  commercial facilities, halimbawa ay may mall,  kung saan maaaring pumunta ang mga tao para magpalipas ng oras, mamamsyal at magsaya. Isang halimbawa nito ay ang mga malls kung saan maraming tao ang pumupunta para maglibang at magpalamig, tulad sa South Seas mall sa Cotabato City, at malapit na daw matapos ang Al Nor Mall, na nasa Al Nor complex.

Isama na rin natin ang bangko na siya na ngayon ang gamit ng mga mangangalakal o businessman. Dahil dito nasusukat kung gaano kadami sa mga mamamayan ang may kakayahan na makipag-transact o mag-invest sa ibang mga mangangalakal. But ikonsidera din natin ang paniniwala ang mga Muslim sa lugar, na ang system of banking na natin na by “interest rate” ay hindi katanggap-tanggap sa Islam. Ang pwede sa Islam na systema ng banking ay  katulad ng Banking system ng Al Amanah  Islamic Investment  Bank of the Philippines.

LUCY: Kaka pwede pakipaliwanag ang pagkakaiba ng regular na banking system natin at ng Islamic Banking?

KAKA ALIH: Pwede total mahaba pa man ang oras natin. Narito ang ilan sa pagkakaiba ng Islamic banking sa conventional banking na mahalagang malaman ng mga mamamayan natin, lalo ng mga Muslim, nanampalataya sa Islam.

·        Ang Islamic banking ay pinapatakbo ng naaayon sa batas ng Shariah, samantalang ang conventional banking ay base sa sistemang ginawa ng tao.
·         Ang pinakamalaking pagkakaiba ng dalawang ito ay:  sa Islamic banking ay hindi nahahaluan ng riba (usury o interest), subalit ang conventional banking ay napapalooban ng riba.
·        Sa Islamic banking ay isinusulong ang magkahalong kita at pagkalugi ng investor (depositor) at ng gumagamit ng pondo nito o enterpreneur, ibig-sabihin ay kung kumita ang enterpreneur ay kikita rin ang investor at kung nalugi ang enterpreneur ay malulugi ka rin na investor (depositor). Ito ang tinatawag na sistema ng mudarabah sa Islam. Pero sa conventional banking ay sinisigurado ang kita ng depositor sa pamamagitan ng pagbibigay ng partikular na interest rate kahit nalulugi na ang bangko.
·        Sa Islamic banking ay maaari kang direktang maglabas ng iyong zakat (na obligasyon ng bawat Muslim na ibigay mula sa kita)  at tulungan ka na kuwentahin ito at sila na rin ang kokolekta nito at magbibigay sa nararapat na pagbigyan, na siyang hindi naman isinasagawa sa conventional banking.
·        Ang relasyon ng Islamic banking sa kanilang mga (kliyente) depositor ay katulad ng pagiging business partners, o ng investor at trader (mangangalakal), o ng buyer at seller. Kung saan ay ang banko ay negosyante at ikaw naman ay nagbibigay ng share para sa kanilang negosyo, produkto at serbisyo. Kung kumita ang produkto ay kikita rin ang depositor subalit kung malugi ay malulugi rin ang depositor. Sa conventional banking naman ay creditor (pinagkakautangan) at debtor (may utang) ang katulad ng relasyon ng depositor at bangko. Kung kaya ito ay pumapasok sa riba dahil ito ay katulad ng pagpapautang ng pera at bibigyan nila ng interes ang nagpautang sa kanila (depositor).
·        Siyempre ang Islamic banking ay hindi nakikipagnegosasyon sa mga gawaing haram, hindi nagnenegosyo ng haram o anumang produkto o serbisyo na taliwas sa Islam, na taliwas naman sa conventional banking.

Ang pinaka-final na tanda ng maunlad na bayan ay kapag ang mga mamamayan ay lubos at tapat na Nanampalataya at sumusunod sa kanila-kanilang mga relihiyong kinaaniban.

Ito ang inyong Kaka Alih, Sukran, Wassallamu alaikum warahamatullahi wabarakatuh.


(PLAY EXTRO)

DRAGON FRUITS

DRAGON FRUITS

Dragon fruits sa farma ni Willie Taugader

(September 23, 2013-         Lunes-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   Host ay si Ms. Lucy Duce)

 (PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga   Kaka Alih. Kumusta ang iyong malamig na umaga? Bago o luma ang ibabahagi mo sa amin?

ALIH: Hahahaha..   Brand new, o bago dahil di ko pa nakita ang puno nito, prutas lang ang natikman ko, sa Jogyakarta, Indonesia, sa isang 5 star na restaurant at hotel na Garuda hotel…..

LUCY: Kong ganoon Kaka, dapat talagang tutukan naming yan, ano bay an prutas o gulay?

KAKA ALIH: GREET MO NA AKO NG Good morning din Lucy, magandang umaga,    sa mga kapatid na magsasaka, sa mga mag-uuma, su manga tali-awid, at sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.  

Dragon fruits na nasa paso
This morning makinig ng maigi, dahil talagang bagong tanim sa Upi itong tatalakayin natin, maaring di pa nila nakita itong tanim, yes tulad ko  bunga lang ang nakita natin.

But sa lugar ni Apo Marcos, ipinagdiriwang na ito bilang fruit festival, tinagurian ng mga taga Ilocos na  Saniata Dragon Fruit Festival.

Yes bago sa  pandinig natin itong dragon fruits. Ang Dragon Fruit ay kilala sa local na tawag na Saniata.
Ito ay ‘vine-like species’ ng cactus na nabubuhay sa maulan ngunit may mainit na klima. Nagmula ito sa South America at unang ipinakilala sa Asya sa bansang Vietnam. Sa kasalukuyan, itinatanim na ito sa Thailand, Malaysia, Taiwan at sa Pilipinas.
laman ng Dragon fruits
Hindi pa man ganun katagal na ipinakilala ito sa probinsya ng Ilocos Norte ngunit itinuturing na itong isa sa pinakapaborito ng mga Ilocano hindi lang dahil sa masarap ito kundi dahil na rin sa Therapeutic Properties nito.
Buweno para maging maliwanag ang pagpapaliwanag natin sa Dragon fruits na ito ay may complimants Audio materials mula sa youtube, na naipost ng DOST PCARRD.
(play audio-dragon fruits)
Nagpost ako kahapon sa facebook natin na naghahanap tayo ng kong sino ay may pabili na seedling ng dragon fruits ang marami ang sumago, kaya nakuha natin ang phone ni Si Wilfredo Willie Tabugader, ng Central Plain ng Luzon,  ay isa sa may tanim ng Dragon fruits na nainterview natin, at friend na sa Facebook at handa siyang magbigay ng ayuda o tulong. Ang presyo ng cutting seedling na 8 inches ang haba ay 3 piraso/putol na sanga ay P100 at ipapadala by LBC.

 Bagamat  kakaunti pa ang nagtatanim ng dragon fruit sa mga lalawigan, tulad ng Ilocos, Central Luzon, mayroon antayong farm sa Davao, ditto sa North Cotabato sa Pigcawayan may nabasa na ako si Kagawad Gregorio Saljay III,  ay  tatlong klaseng  kulay ng Dragon Fruits na tanim sa kanilang farm, ito ay yaong  purple, white, yellow.   Ang presyo ng Dragon ngayon sa market ay 150-250 pesos ang kilo.

Sa ngayon ay “on demand” o mabenta  ang Dragon fruits,  isa sa mga dahilan kung bakit mabenta ang bunga nito ay dahil sa paniniwala ng marami na maganda ang benepisyo nito sa kalusugan at katawan.

Ayon sa nalaman ko ang dragon fruit ay nakakagamot kung hindi man ay nakakapigil sa pagkalat ng kanser sa katawan ng tao dahil mga sangkap ito na tiunatawag na free radicals.

Bukod dito, marami din ang naniniwalang nakakabawas sa hypertension at blood sugar ang dragon fruit; at nakakatulong na mapaganda ang paglusaw ng pagkain sa bituka, nakakatulong sa pagpapalinaw ng mata, pagpapatibay ng ngipin at mga buto.

Malaki rin daw ang benepisyo ng dragon fruit sa pagbibigay ng enerhiya sa katawan ng tao, nagpapalambot din ito ng balat, nakakabawas sa kolesterol, nagpapalakas ng resitensya at nagpapabilis sa paggaling ng mga sugat.

Marami ang naniniwala na isang magic fruit ang dragon fruit.  

Pwedeng kainin ng fresh fruits o juice o by products nito, na giangawang alak, vinegar at iba pang product.
Ang Dragon fruits o ibang tawag ay Pitaya ay tumutubo ng maigi sa lugar na regular ang ulan.  100 hangang 800 meeters above sea level, tulad sa Upi.  Gusto nito ang free draining na lupa o clay loam.  Gusto nito ang direktang tinatamaan ng araw.
Ang Pitaya  ay  nasa mababaw ang ugat na nasa lalim na 15-30 cm ang lamang.
 Anmg Dragon fruits ay pamilya ng cactus, itoa y nagmula  sa mala kagubatan ng  Central at South America.
Bilog ang prutas nito, ang ibang variety ay mapula-pula, ang iba ay mala dilaw.  Pinakikinabangan ang bunga, bulaklak, pwede ding gulayin, health products o gamut.
Ang bunga ay umaabot ng isang kilo ang bawat isa. Sa pagtatanim ay madalai din, sa buto at stem cutting. Ang Pagpuputol ng sanga ang madalas na ginagamit sa ngayon na pagtatanim, na umaabot lang ng 2-3 buwan sa nursery at pwede ng itanim sa bukid..
Sa pagtatanim sa bukid, ay kailangan ang poste, (na walong piye ang taas, dahil ibabaon mo ang 2 piye sa lupa) na matibay, halimbawa ay konkreto o di kaya ay matibay na kahoy pwede ditto ang puno ng madre cacao. Ang distansiya ay 3 metro ang layo  at 4 metro  ang linya.   Bawat poste ay 3-4  na tanim  ang  itatanim. Kailangan din nito ang ferlizer na 14-14-14 at ulitin pagkalipas ng 3 buwan.  Kailangan din nito ang pruning o pagbabawas ng sanga, na siya namang magagamit mong tanim para lumapa ang tanim.
Kailangan din g Dragon fruits ang tubig, kaya diligan din ito katulad ng papaya.
Sa pag-aani, malalaman kong hinog na ang bunga sa pagpula ng kulay ng petal nito, at ayon sa Davao plantation, sa unang panahon ng kanilang ani ay sa buwan ng Hunyo hanggang Oktubre , sa pangalawang ani naman ay sa buwan ng December –January.  Ang prutas ay pwede ng pitasin pagkalipas ng 30-50 araw pagkatapos nitong mamulaklak. Ang bunga ay may timbang na 200-1.20 Kg.
Base sa Davao plantation ay naibebenta nila ang prutas sa merkado ng 120-150 bawat kilo. At ang tatlong gulang na dragon fruits ay nakani  sila ng  5-6 tonelada bawat hektarya, na nagkakahalaga ng 720,00 pesos.
Bago tayo magpaalam, may nagtext, “Kaka Alih, si ex Kag Neneng Castro may tanim na dragon fruits”…
Para sa karagdagang kaalaman makipag-unayan sa opisina ng DA,
Sukran si Kaka Alih po to wassallam..
LUCY: Iyan si Kaka Alih  bukas abangan sa ganito ding oras   ang mga kapakipakinabang na ibabahagi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..
(PLAY EXTRO)    



Huwebes, Setyembre 19, 2013

KAPITBAHAY Ang Tunay na Kapatid

KAPITBAHAY  Ang Tunay na Kapatid

(September 20,  2013-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay Pampamilya at Kalusugan”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 (PLAY INTRO-GABAY PAMPAMILYA AT KALUSUGAN)

Housing sa may South Upi
LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, ngayon araw ang unang na pinag-isa ang dalawang segment, ang segment na Gabay at  talakayang pampamilya, na inisa sila gabay pangkalusugan..

Kaka Alih:  Tama ka Lucy, pinag-isa natin ang dalawang segment dahil halos magkapareho lang naman ang tinatalakay o ang topic dito.

Matanong kita kaibigan: Papaano ba kayo makikapitbahay?

Ang kapitbahay ang katuwang sa lahat ng oras ng pangangailangan, mahihigitan pa nito ang iyong tunay na kapatid, ang kapitbahay ang unang makakapagbigay ng tulong sa iyong pangangailangan, kaya naman naturingan, na ang kapatid natin ang tunay na kapatid?”

“Ako Kaka Alih, gusto kong may kapitbahay, kaya lang kong minsan may kapitbahay na hindi tao, asal hayop.” pagkukuwento ng isang Kaibigan, na nakasabay ko sa sasakyan, mula Upi patungong Cotabato City.

Sabagay totoo naman na marami tayong kapitbahay na hindi tao, pero ang pag-uusapan natin kaibigan ay tao, katulad natin.

Magkakapitbahay sa may Borongotan

“Ang ibig kong sabihin Kaka, totoong tao kaya lang ang ugali asal hayop.” Paliwanag ni Pare.

Kayo na mga nakikinig, anong kapitbahay  ang ayaw ninyong maging kalapit bahay?

“Ako ayaw kong kapitbahay na kapag nalasing o nakainum ng alak na makalasing,   ay nanggugulo, ang ingay-ingay at inaaway pa ang asawa, kong ako lang ang masusunod ipapabilanggo ko ang ganoong klaseng tao.” Pangalawang respondent na nainterview natin.

“Para sa akin, ayaw ko ang kapit bahay na hindi niya nirerespeto ang aming privacy, biruin mo nakabili lang ng karaoke, akala mo sa kanya na ang buong lugar, kong magpatugtog ba naman akala mo nasa loob ng disco, nakakatulili sa tainga ang lakas ng sounds.”

LUCY: Sigoro Kaka kong programa natin sa Buhay-buhay, palakasin ng kapitbahay, para makarinig din ang kapitbahay sa ating programa.

KAKA ALIH: Tama! (PLAY LAUGHING) tulad ng kaibigan kong guro, na di nakikinig sa sariling radio, kundi sa kapitbahay lang.. at ayaw daw ang programa ko, ang sabi pa, basta si Kaka Ali, hindi na ako nakikinig, dahil ang pinag-uusapan ay BLAH BLAH.. alam niya lahat ang tinatalakay ko.. Nakapagtataka, hindi nakikinig pero alam niya ang tinalakay ko? (PLAY LAUGHING)  Unbelievable!!!!!

Masamang kaugalian yan Pare, na magpatugtug ka ng malakas, sa malalim n ang gabi, baka hindi makatulog ang kapitbahay, mo, remember kailangan nating matulog ng 7-8 oras, para mapanatili ang mabuting kalusugan.

Mayroon pang kapitbahay, na hindi marunong magtanim, ni sili hindi alam itanim, kada kakain na may sawsawan, hingi ng bunga ng sili. Hoy magtanim ka ng sili, pakikinabangan mo yan, magandang gulay ang talbos ng dahon ng sili.

Alam mo ba kapatid na ang dahon ng sili ay:

·        Mayaman sa calcium at iron
·        May phosphorus, Vitamin A at B
·        Nagpapalakas ng resistensya
·        Panlaban sa sobrang pagod
·        Nagpapaganda ng panunaw
·        Naglilinis ng dugo at daloy nito
·        Panlaban sa rayuma
·        Nagpapababa ng blood pressure, blood sugar at cholesterol
·        Nagpapaginhawa ng pananakit ng sikmura, arthritis, varicose veins at puson
·        Nagpapaginhawa ng paghinga (asthma, ubo at sipon)
·        Aphrodisiac o pampagana sa sex (PLAY LAUGHING) ang dahon ng sili?

Pero kaibigan may mga tao na ang  kapitbahay ay gustong gusto ng kanyang kapitbahay. Kilalanin sila,  bakit?

Tulad ng kuwento ni Mare: “Ang aming kapit-bahay na hindi naman namin kamag-anak, ang tumulong para madala sa doctor  ang aming anak, ng mag convulsion.”

Yes kong wala ka mang sasakyan, kong ang kapitbahay ay may sasakyan, ay para na ring may sasakyan ka. Kaya naman kaibigan, tulungan mo ang kapitbahay na alagaan o ayusin ang daanan ng sasakyan papasuk sa inyong iskinita. Kahit isang bato lang ay makalagay ka man lang sa may stakan sa daanan ninyo, para hindi mahirapan ang sasakyan ng kapitbahay mo.

“Ang nagustuhan ko na kapitbahay ay isang Muslim.” Pahayag ng isang kaibigangn Kristiyano na nakapanayam natin at naitanong ko sa kanya bakit?

“Pag Ramadan, nagluluto sila ng mga pagkain na masasarap, at di man kami nagpupuwasa o nag-aayuno at Muslim ay binibigyan nila kami ng kanilang mga niluluto, kaya kami pag ganitong panahon ng Ramadan, di ko na rin pinabibili ang mga anak ko ng baboy, dahil nagpapahatid din ako n g aming niluluto.” Patuloy niyang kuwento.

“Magandang may kapitbahay, dahil kahit wala kayong pamilya, may tagabantay ka sa inyong ari-arian, na iniiwanan mo araw-araw.” Paliwanag naman ni Mare.

 Alam mo Lucy,  di ako mapalagay na wala kaming kapitbahay, bakit? Papaano kasi ang kapitbahay mo ang siya mong malapit na kamag-anak, hindi yaong kapatid sa dugo at laman na napakalayo, dahil hindi ka naman nila matutulungan sa oras ng pangangailangan. Ikaw Lucy, anong masasabi mo sa iyong kapitbahay?

LUCY:_______________________________________

KAKA ALIH: Ikaw kapatid, kaibigan, kumusta ang iyong kapitbahay? Mabait ka ba sa kanya? 

May kuwento ako na hinalaw sa isang Hadith.

Sa panahon ni Propeta Muhammad SAW ay may kuwento na Siya ay kapatid na hindi Muslim, dahil sa ayaw niya sa relihiyon ni Muhammad, ay araw araw na tinatapunan niya ng basura ang bakuran ng Propeta, ngunit hindi siya inaaway ng Propeta, nililinis na lamang ito araw-araw. Minsan isang araw walang basurang naitapon, kaya nagtaka ang Propeta, at may nagsabi na may sakit ang Hudeo. Binisita ng Propeta, kaya takot na takot ang lalaki, ang akala niya paghihigantihan siya, ngunit hindi pala, dahil sinabi ng Propeta Muhamad SAW na ganoon ang katuruan ng Islam, maging mabait sa iyong kapitbahay.

Ang paalaala natin sa mga kapatid, ang inyong kapitbahay ang tunay mong kapatid, kahit hindi mo yan kadugo, o kamag-anak.

Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating panahon, hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas… sama-sama tayo sa segment na  gabay pampamilya at pangkalusugan sa  ating programang buhay buhay sa DXUP Teleradyo..

Ito  ang inyong Kapitbahay,  Kaka Alih. Sukran and Wassallam.


(PLAY-EXTRO-GABAY PAMPAMILYA AT KALUSUGAN)

Linggo, Setyembre 15, 2013

SINGAW
Singaw, sa Iranun Salilawan, sa Maguindanawon, Salilaw

(September 16, 2013- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan”. Host –Ms Lucy Duce)

(PLAY INTRO-GABAY PANGKALUSUGAN)      

LUCY :  Good morning Kaka. Ano ang ibabahagi mo sa amin sa ating segment na gabay pangkalusugan?

Kaka Ali:  Good morning Lucy, don’t worry  for that, boys scout ito, laging handa.

Ang inihanda ko ngayong umaga ay pinamagatan kong Singaw, peste sa buhay ko..

LUCY: Yan ang usaping napapanahon, dahil pati yata ikaw Kaka last week ka pang nakakaranas ng singaw? (PLAY LAUGHING)

Kaka Ali:  Hahaha. Mali ka Lucy, last month pa. (PLAY LAUGHING
)
At dahi nga nakakaranas tayo ng singaw, this couple of months na, hinanap ko ang mga article ni Doc Willie Ong, na tungkol sa mga sakit, papaano ito nagagamot at papaano ito nagkakaroon ang tao.

Marahil lahat tayo ay nagkaroon ng singaw.

Ang singaw ayon sa wikipedia.org,  na saIngles: mouth sore, mouth ulcer, oral ulcer, mucosal ulcer, ito  ay isang uri ng kalagayan ng pagkakaroon ng sugat at paghapdi sa alin mang bahagi ng bibig, katulad ng gilagid, likuran ng mga labi, at dila. Ang sugat na singaw ay mayroong bilog na hugis at bahagyang pailalim ang pagkabilog, at may puting kulay. Itinuturing ang pagkakaroon ng singaw bilang isang likas na kaganapan sapagkat kusa itong nawawala kapag ginawa ang tamang mga pamamaraan ng paglunas ditto

Ikaw kaibigan , may singaw ka ba sa bibig? Ang sakit hindi ba? Makinig ka dahil ibabahagi ko itong sinulat ni Doc Ong.


“Saan galing ang singaw? Hindi pa tiyak! May nagsa­sabi na baka kulang sa bitamina o baka nasobrahan sa stress. Ngunit ang madalas na sanhi ang iyong pag­kasugat sa dila o labi. Kapag napaso ka, nakagat mo ang dila mo o kung may teeth braces ka, puwede kang magkasingaw.

Marami na akong nasubukang gamot para sa singaw pero wala itong epekto sa akin. Huwag pong lagyan ng kalamansi at suka. Nakasubok din ako ng mga paint para sa singaw pero balewala ito. Heto ang payo ni Dok Elmer para sa singaw:

1. Bumili ng Solcoseryl Ointment – Ang Solcoseryl Ointment ay pinapahid ng 3-5 beses sa lahat ng iyong singaw. Noong nasubukan ko ito, ang laki pong ginhawa.

2. Mag-Yoghurt o mag-Yakult – Ayon kay Dok Elmer, ang pag-inom ng Yoghurt at Yakult 3 beses sa maghapon ay nakapagtatapal sa sugat ng mga singaw. Kahit nasaan pa ang singaw mo, sa bibig, dila o lalamunan, matatapalan ng Yoghurt at mababawasan ang sakit.

3. Uminom ng antibiotics, tulad ng Amoxicillin 500 mg — Iniinom ito ng 3 beses sa maghapon sa loob ng 5 araw. Mura lang ito sa generics na botika. Kung may kasamang sore throat o tonsils ang iyong singaw, inuman ng Amoxicillin.

4. Uminom ng 8-12 basong tubig sa maghapon — Kapag maraming tubig ang ininom, mas magiging basa ang ating lalamunan at bibig at hindi gaano sasakit ang singaw. Luluwag pa ang ating plema.

5. Umiwas sa maaasim at maaalat – Mahapdi sa si­ngaw ang maaasim na prutas tulad ng orange, saging at mangga. Okay lang sa akin ang melon at pakwan bilang juice. Kumain na lang ng lu­gaw at malalambot na pag­kain para hindi masugatan ang singaw.

6. Uminom na rin ng vitamins C at vitamin B — Wala namang mawawala sa pag-inom ng vitamins. Baka ma­katulong pa.”

Sukran o maraming salamat, kapatid sa konting oras na ibinahagi mo sa pakikinig sa ating programang buhay-buhay,  wasallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

Host: Maraming  salamat Kaka Alih, sa very informative at nakakaaliw na presentation na yan, Kapatid abangan ang susunod na segment, ng ating   Gabay at Talakayang Pampamilya..


(PLAY-EXTRO; Gabay Pangkalusugan)