Martes, Nobyembre 19, 2013

Magtanim ng Punong Kahoy-3


(November 20, 2013-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –LUCY DUCE)

Sana makagawa ng programa ang local na pamahalaan na magtanim
 ng mangrove trees sa mga baybayin ng dagat para sa susunod
na salin lahi natin..
LUCY DUCE:   Ang pagkawasak ng ating  mga kagubatan   ay sadyang nakakaalarma,    lalo na sa ating mga environmentalist o  mga taong may pagmamalasakit sa kalikasan. Ikaw Kaibigan hindi ka ba naalarma?  

At heto sa muling pagbabalik ni Kaka Alih  sa ating segment na Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya,  ay muli tayong gagabayan para sa ating kinabukasan.  

( INTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)

LUCY DUCE:   Good morning o magandang umaga Kaka Alih.  

Kaka Alih:  Good morning Lucy, magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nananampalataya sa katuruan ng  Islam.

Tama ka Lucy, sa tinuran mo na ang pagkawasak ng ating  mga kagubatan sa bansa ay sadyang nakakaalarma na lalo na sa ating mga environmentalist o  mga taong may pagmamalasakit sa kalikasan.

WFP-UN embarks on restoring Liguasan marsh's ecosystem


Alam mo kapatid maraming paraan papaano mapangalagaan ang mundong ito, subalit ang pagtatanim ng punongkahoy ang pinakamura at pinakamadaling paraan ng pagtulong upang mapangalagaan ang kalikasan.

Dati rati ang ating mga kabundukan   ay luntian,  dahil hitik pa sa mga punong kahoy, subalit ano ngayon?  Kalbo na,  yes    unti-unti nang nakakalbo, at ngayon ay marami na ang tuluyang nakalbo.

Ano?  Gusto mo  ng ebedindisya? Ang maipapakita natin na  ebidensya ay ang labis na pagbaha tuwing umuulan.  Ito ay dahil o bunsod ng kawalan ng punong kahoy na  sumisipsip sa mga tubig-ulan at pumipigil sa pagbaba nito sa kapatagan.

Sabagay di natin sinasabi na walang ginagawa ang ating  pamahalaan.  In fairness,  ang ating pamahalaan ay nasa proseso ngayon ng pagpapatupad ng pangangalaga sa kalikasan.

Naging mandato noong nakaraang taon ng Pangulong Aquino ang pagtatanim ng isang bilyong punongkahoy hanggang sa taong 2016.

Sa ngayon, lahat ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng opisina ng DENR sa kanilang lugar ay nakikiisa sa programang ito ng pamahalaan.

Ang tanong nga lamang hindi  kaya ningas kugon  lamang ito? Gaano ba ka-effective ang sustainability ng programang ito?

May  naibalita na sa  rehiyon ng Ilocos, lugar ng dating pangulong Marcos at Ramos,  may mahigit dalawang milyong punongkahoy na ang naitatanim sa limang libong ektarya ng kabunbukan simula ng pagpapalabas ng kautusan sa pangangalaga ng kalikasan. Kumusta na  kaya ngayon, may nabuhay ba? Dahil dito sa  ating di man lang yata nangangalahati ang nabubuhay sa tinatanim natin, dahil sa kakulangan ng kaalaman sa kahalagaan  ng mga punong ito.

“Paano kasi  Kaka, pang-facebook lang ang pagtatanim”. (LAUGHING)  sabi ng isang retiradong guro, na may facebook account din, at friend din natin. (LAUGHING) 

Buweno iwanan natin ang facebook, bact ot our topics, balikan natin ang Ilocos, ayon sa balita, bawat mamamayan sa Ilocos ay nakiisa sa pagtatanim, maging sila man ay nasa pampubliko o pampribadong sektor sa gobyerno. Nakiisa din ang mga nasa sektor ng relihiyon, mga pamantasan at kolehiyo, mga grupo ng kabataan, pangangalakal, military, sa sektor ng medisina at panggagamot at maging sa elementarya at hayskul.

Mga kapatid for your information, nagtatanim din kami ditto sa Upi, kaya lang bawat official at empleyado, isang puno lang ang itinaatanim, at wala pang kasiguruhan kong mabubuhay. (LAUGHING) 

Nagtatanim kami ditto sa Upi ng Ufi tree…Sabagay Dito sa atin pwede nating isama sa listahan na itatanim natin ang punong pili.

Ano ang punong pili?

Ang punong pili  ay likas na tumutubo sa Sorsogon, at itinatampok  sa kanilang pista.    Tinatawag rin nila itong   “The Majestic Tree", bakit?  dahil sa iba't ibang gamit ng bawat bahagi nito tulad ng ugat, katawan ng puno, sanga, dahon, dagta at bunga sa industriyal, komersyal at nutrisyunal na aspeto.

Subalit ang punong ito ay hindi nagging tanyag dahil sa katawan nito, nakilala ang puno ng pili dahil sa   bunga. Malimit ito ang hinahanap ng mga ibayong dagat  na gumagawa ng mga matatamis na pagkain,  dahil may  mataas na kalidad kaysa almonds o macadamia nuts.

Nag-research pa ko sa internet tungkol sa punong kahoy na ito.Ito ang naexplore ko na nakapost sa Diaryong  Tagalog na sinulat ni Mary Jane Olvina-Balaguer:

“Itinuturing na ang Punongkahoy ng Buhay ang Puno ng Niyog dahilan sa lahat ng bahagi nito ay napapakinabangan. Sa Kabikulan may isa pang itinuturing na Punongkahoy ng Buhay at ito ay ang Pili Nut Tree.
Matagal ang buhay ng punongkahoy ng Pili at sinasabing inaabot ng 100 years ito, ang shade rin ay nagagamit bilang landscaping feature at ang bunga ay ginagawang alahas.

Nailuluwas na rin sa ibayong dagat ang bunga nito at nakarating na sa mga bansang United States, France, Germany, Japan at China.

Halos mas masarap pa sa lasa ng macadamina at iba pang uri ng mani na ginagamit na panghalo sa chocolates ang Pili Nut gayun din ang oil nito na isang main ingredient sa mga spa sa Europa.”

Balikan natin ang pagtatanim ng mga puno, kahalagahan ng puno sa ating paligid. 

Ayon sa ulat, sa mga pag-aaral na isinasagawa ng mga espesyalista sa University of the Philippines’ National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS), “…maaari   maulit sa ilang siyudad ng bansa ang nangyaring kalamidad sa Cagayan De Oro at Iligan City dala ng bagyong Sendong. Ang mga siyudad ng Laoag, Vigan, Alaminos, Cotabato City, General Santos City, Davao City at iba  pa  ay pwedeng mangyari ang pagbaha…”  at di  na  mangyayari, kundi nangyari na. Hanggang ngayon ay andiyan pa ang epekto ni Pablo, na mahigit ng 700 ang naitalang nasawi, ang sisnisi ngayon ay ang pagsira sa ating kalikasan.

Kaya naman nabuhay muli   ang pamahalaan sa paghikayat sa pakikiisa ng mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno ito ang panawagan ng gobyerno.

Ikaw Lucy, kaya mo bang  magtanim  ng punong kahoy para sa susunod nating  salinglahi?

LUCY DUCE:   Of course naman Kaka, katunayan nga di lang ako minsan na   nakiisa sa pagtatanim ng mga puno dito sa Upi.

ALIH: Ako din  Lucy, ilan beses na akong  nakasama sa tree planting, dito sa highway, Romagonrong  falls na kong  saan watershed area ng Upi, dahil diyan natin kinukuha  ngayon ang tubig na  dumadaloy sa ating mga gripo sa ngayon.
At of course sa aming bakuran,  marami din  akong  tanim na mga puno, puno na  napapakinabangan  na  sa ngayon, dahil namumunga ng mga  prutas.

LUCY: Anong mga puno Kaka Alih?

KAKA ALIH: Ibat-ibang mga puno, may puno ng kamatis.. (LAUGHING)  No Joke Lucy, may mga tanim tayo sa bakuran, na punong kahoy, may punong mangga may mangga pa ako na bigay ni Batchang Chinese manggo, punong Durian, na ngayon ay namumunga na naman, Alhamdulillah, punong rambutan, tambis, makopa, niyog,  at itong latest nagtanim ako ng dragon fruits..  mayroon pa akong tanim na mga damo . vetiver grass (http://www.chaipat.or.th/chaipat_old/vetiver/vetiver_e.html)

Ok balikan natin ang mga tinanim natin nsa Romagonrong, sa highway at iba pang lugar  ditto sa Upi.  Ang pakiusap lang sana natin, huwag  ng  sirain ng  mga kababayan natin  ang  mga puno na  kusa ng tumutubo sa ating  mga kapaligiran, kong sakaling di maiiwasan ang  pagputol, dahil kinakilangan, palitan natin sa pagtatanim muli ng iba pang punong kahoy.

Maraming salamat sa inyong pakikinig, heto po  ang inyong  Kaka Alih, na nagsasabing, ang punong itinanim ay buhay ng tao ang kakambal. Sukran at maraming salamat.

LUCY DUCE:   Maraming  salamat Kaka Ali, Mga kapatid, Magtanim ng puno, para sa kaligtasan  ng  ating pamilya.


   (PLAY EXTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya) 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento