Magtanim ng Punong
Kahoy-3
(November 20, 2013-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa
programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at
Talakayang Pampamilya”. Host –LUCY DUCE)
LUCY DUCE:
Ang pagkawasak ng ating mga kagubatan
ay sadyang nakakaalarma, lalo na sa ating mga environmentalist o mga taong may pagmamalasakit sa kalikasan. Ikaw
Kaibigan hindi ka ba naalarma?
At heto sa muling pagbabalik ni Kaka Alih sa ating segment na Gabay Kalusugan at
Talakayang Pampamilya, ay muli tayong
gagabayan para sa ating kinabukasan.
( INTRO- Gabay
Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
LUCY DUCE:
Good morning o magandang umaga Kaka Alih.
Kaka Alih:
Good morning Lucy, magandang umaga sa lahat ng mga Kapatid at Assallamu
alaikum warahmatullahi wabarakatuh sa mga kapatid na nananampalataya sa
katuruan ng Islam.
Tama ka Lucy, sa tinuran mo na ang pagkawasak ng ating mga kagubatan sa bansa ay sadyang
nakakaalarma na lalo na sa ating mga environmentalist o mga taong may pagmamalasakit sa kalikasan.
At ito ang din marahil ang nagtulak sa ating goberno upang
magsagawa ng kampanya na magtanim tayo
ng mga punong kahoy, na ang layunin ay para sa
kaligtasan ng mudong ito, na unti unti ng winawasak ng tao.
Alam mo kapatid maraming paraan papaano mapangalagaan ang
mundng ito, subalit ang pagtatanim ng punongkahoy ang pinakamura at
pinakamadaling paraan ng pagtulong upang mapangalagaan ang kalikasan.
Dati rati ang ating mga kabundukan ay
luntian, dahil hitik pa sa mga punong
kahoy, subalit ano ngayon? Kalbo na, yes unti-unti nang nakakalbo, at ngayon ay marami
na ang tuluyang nakalbo.
Ano? Gusto mo ng ebedindisya? Ang maipapakita natin na ebidensya ay ang labis na pagbaha tuwing
umuulan. Ito ay dahil o bunsod ng
kawalan ng punong kahoy na sumisipsip sa
mga tubig-ulan at pumipigil sa pagbaba nito sa kapatagan.
Sabagay di natin sinasabi na walang ginagawa ang ating pamahalaan. In fairness,
ang ating pamahalaan ay nasa proseso ngayon ng pagpapatupad ng pangangalaga
sa kalikasan.
Naging mandato noong nakaraang taon ng Pangulong Aquino ang
pagtatanim ng isang bilyong punongkahoy hanggang sa taong 2016.
Sa ngayon, lahat ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng
opisina ng DENR sa kanilang lugar ay nakikiisa sa programang ito ng pamahalaan.
Ang tanong nga lamang hindi
kaya ningas kugon lamang ito?
Gaano ba ka-effective ang sustainability ng programang ito?
May naibalita na
sa rehiyon ng Ilocos, lugar ng dating
pangulong Marcos at Ramos, may mahigit
dalawang milyong punongkahoy na ang naitatanim sa limang libong ektarya ng
kabunbukan simula ng pagpapalabas ng kautusan sa pangangalaga ng kalikasan.
Kumusta na kaya ngayon, may nabuhay ba?
Dahil dito sa ating di man lang yata
nangangalahati ang nabubuhay sa tinatanim natin, dahil sa kakulangan ng
kaalaman sa kahalagaan ng mga punong
ito.
“Paano kasi Kaka, pang-facebook
lang ang pagtatanim”. (LAUGHING) sabi ng isang retiradong guro, na may
facebook account din, at friend din natin.
(LAUGHING)
Buweno iwanan natin ang facebook, bact ot our topics, balikan
natin ang Ilocos, ayon sa balita, bawat mamamayan sa Ilocos ay nakiisa sa
pagtatanim, maging sila man ay nasa pampubliko o pampribadong sektor sa
gobyerno. Nakiisa din ang mga nasa sektor ng relihiyon, mga pamantasan at
kolehiyo, mga grupo ng kabataan, pangangalakal, military, sa sektor ng medisina
at panggagamot at maging sa elementarya at hayskul.
Mga kapatid for your information, nagtatanim din kami ditto
sa Upi, kaya lang bawat official at empleyado, isang puno lang ang itinaatanim,
at wala pang kasiguruhan kong mabubuhay.
(LAUGHING)
Nagtatanim kami ditto sa Upi ng Ufi tree…Sabagay Dito sa atin
pwede nating isama sa listahan na itatanim natin ang punong pili.
Ano ang punong pili?
Ang punong pili ay likas
na tumutubo sa Sorsogon, at itinatampok
sa kanilang pista. Tinatawag
rin nila itong “The Majestic
Tree", bakit? dahil sa iba't ibang
gamit ng bawat bahagi nito tulad ng ugat, katawan ng puno, sanga, dahon, dagta
at bunga sa industriyal, komersyal at nutrisyunal na aspeto.
Subalit ang punong ito ay hindi nagging tanyag dahil sa
katawan nito, nakilala ang puno ng pili dahil sa bunga.
Malimit ito ang hinahanap ng mga ibayong dagat na gumagawa ng mga matatamis na pagkain, dahil may mataas na kalidad kaysa almonds o macadamia
nuts.
Nag-research pa ko sa internet tungkol sa punong kahoy na
ito.Ito ang naexplore ko na nakapost sa Diaryong Tagalog na sinulat ni Mary Jane
Olvina-Balaguer:
“Itinuturing na ang Punongkahoy ng Buhay ang Puno ng Niyog
dahilan sa lahat ng bahagi nito ay napapakinabangan. Sa Kabikulan may isa pang
itinuturing na Punongkahoy ng Buhay at ito ay ang Pili Nut Tree.
Matagal ang buhay ng punongkahoy ng Pili at sinasabing
inaabot ng 100 years ito, ang shade rin ay nagagamit bilang landscaping feature
at ang bunga ay ginagawang alahas.
Nailuluwas na rin sa ibayong dagat ang bunga nito at
nakarating na sa mga bansang United States, France, Germany, Japan at China.
Halos mas masarap pa sa lasa ng macadamina at iba pang uri ng
mani na ginagamit na panghalo sa chocolates ang Pili Nut gayun din ang oil nito
na isang main ingredient sa mga spa sa Europa.”
Ayon sa ulat, sa mga pag-aaral na isinasagawa ng mga
espesyalista sa University of the Philippines’ National Institute of Geological
Sciences (UP-NIGS), “…maaari maulit sa ilang siyudad ng bansa ang
nangyaring kalamidad sa Cagayan De Oro at Iligan City dala ng bagyong Sendong.
Ang mga siyudad ng Laoag, Vigan, Alaminos, Cotabato City, General Santos City,
Davao City at iba pa ay pwedeng mangyari ang pagbaha…” at di
na mangyayari, kundi nangyari na.
Hanggang ngayon ay andiyan pa ang epekto ni Pablo, na mahigit ng 700 ang
naitalang nasawi, ang sisnisi ngayon ay ang pagsira sa ating kalikasan.
Kaya naman nabuhay muli
ang pamahalaan sa paghikayat sa
pakikiisa ng mga mamamayan sa pangangalaga at pagpreserba ng kalikasan sa
pamamagitan ng mga programang pangkalikasan. Magtanim ng maraming puno ito ang
panawagan ng gobyerno.
Ikaw Lucy, kaya mo bang
magtanim ng punong kahoy para sa
susunod nating salinglahi?
LUCY DUCE:
Of course naman Kaka, katunayan nga di lang ako minsan na nakiisa
sa pagtatanim ng mga puno dito sa Upi.
ALIH: Ako din Lucy, ilan beses na akong nakasama sa tree planting, dito sa highway,
Romagonrong falls na kong saan watershed area ng Upi, dahil diyan natin
kinukuha ngayon ang tubig na dumadaloy sa ating mga gripo sa ngayon.
At of course sa aming bakuran, marami din
akong tanim na mga puno, puno
na napapakinabangan na sa
ngayon, dahil namumunga ng mga prutas.
LUCY: Anong mga puno
Kaka Alih?
KAKA ALIH: Ibat-ibang mga puno, may puno ng
kamatis.. (LAUGHING) No Joke Lucy, may
mga tanim tayo sa bakuran, na punong kahoy, may punong mangga may mangga pa ako
na bigay ni Batchang Chinese manggo, punong Durian, na ngayon ay namumunga na
naman, Alhamdulillah, punong rambutan, tambis, makopa, niyog, at itong latest nagtanim ako ng dragon
fruits.. mayroon pa akong tanim na mga
damo . vetiver grass (http://www.chaipat.or.th/chaipat_old/vetiver/vetiver_e.html)
Ok balikan natin ang mga tinanim natin nsa Romagonrong, sa
highway at iba pang lugar ditto sa
Upi. Ang pakiusap lang sana natin,
huwag ng
sirain ng mga kababayan
natin ang mga puno na
kusa ng tumutubo sa ating mga
kapaligiran, kong sakaling di maiiwasan ang
pagputol, dahil kinakilangan, palitan natin sa pagtatanim muli ng iba
pang punong kahoy.
Maraming salamat sa inyong pakikinig, heto po ang inyong
Kaka Alih, na nagsasabing, ang punong itinanim ay buhay ng tao ang
kakambal. Sukran at maraming salamat.
LUCY DUCE:
Maraming salamat Kaka Ali, Mga
kapatid, Magtanim ng puno, para sa kaligtasan
ng ating pamilya.
(PLAY
EXTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento