Mga
Tips Sa Paghinga at May Sakit Sa Baga
(November 14, 2013-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso
para sa programang “Buhay –buhay ”
(8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host
Lucy Duce)
( INTRO - Gabay
Kalusugan at Talakayang Pampamilya )
LUCY: :
Magandang Umaga, Kaka
Alih,
Kaka Alih: Magandang umaga din Lucy , Assallamu alaikum
Warahamatullahi Wabarakatuh.
Mapalad pa rin tayo dahil may kaibigang doctor, na tulad ni Doc Willie Ong, na
hindi ipinakakait ang kanyang kaalaman sa medisina, hindi lamang
sinasabi kundi isinusulat pa rin at
naipopost pa sa mga blog at social media tulad ng facebook.
Heto sinadya na nating halawin
mula sa article ni Dr. Willie T. Ong (
na published sa Pilipino Star Ngayon at nakalink sa FB.
Ayon sa sulat ni Doc Wilie:
Mapalad
kaming makausap si Dr. Raymund Fernandez, isang magaling na pulmonologist
(espesyalista sa baga). Ayon kay Dr. Fernandez, heto ang mga bagay na
magpapalakas sa ating baga:
1.
Itigil na ang paninigarilyo. Ito ang numero unong sanhi ng pagkasira ng baga.
2.
Umiwas sa usok ng sigarilyo. Kapag ang kasama mo sa bahay ay naninigarilyo,
makukuha mo rin ang masamang epekto nito.
3.
Umiwas sa mga usok ng sasakyan at huwag din magsiga sa bakuran.
4.
Kung ika’y nag-mo-motorsiklo, magsuot ng helmet at face mask para hindi ubuhin.
5.
Mag-ingat sa peligro sa trabaho. Halimbawa, kung ang trabaho mo a bilang
mananahi, welder o pintor, mag-ingat sa balahibo ng mga damit, usok ng welding
at amoy ng pintura. Magsuot ng Personal Protective Equipment tulad ng face
mask, goggles o helmet.
6.
Kung ika’y may allergy, umiwas sa pagkaing naka-a-allergy sa iyo.
7.
Siguraduhing malinis ang iyong kuwarto (walang alikabok at carpet) at malinis
ang daloy ng hangin.
8.
Palakasin ang iyong masel sa dibdib. Mag-ehersisyo gamit ang 1 o 2 kilong
dumbbell sa bawat kamay. Palakasin ang masel sa leeg, balikat at dibdib para
mas makahigop ng hangin.
9.
Huwag umasa sa mga supplements para sa baga. Hindi pa ito napatunayan na
epektibo.
10.
Kumain ng masustansya tulad ng mga prutas, gulay at isda. Matulog din ng sapat.
Para
sa mga may karamdaman sa baga tulad ng emphysema, COPD at tuberculosis, may
paraan para makahinga ng mas maluwag:
1.
Matulog ng may 2 o 3 unan. Kapag ang likod mo ay nakalapat sa kama, nababatak
ang iyong baga at mas hindi ka makakakuha ng hangin.
2.
Habang ika’y nakaupo, subukan ang puwestong nakayuko at nakatungo. Kumuha ng
isang silya o mesa sa harap mo at ipatong ang iyong braso at ulo dito. Sa
ganitong paraan, mas makahihigop ka ng maraming hangin.
3.
Huminga na gamit ang masel ng tiyan. Paghigop ng hangin, subukang palakihin ang
tiyan at hindi ang dibdib. Mas malakas ang paghatak ng oxygen gamit ang masel
ng tiyan (ang diaphragm).
4.
Magbakasyon sa lugar na mahangin. Pumunta sa tabing dagat o lugar na maraming
puno. At siyempre, kumonsulta sa iyong doktor.
May bunos pa tayo ditto na food
supplement na posibleng available at all times, dahil andiyan sa ating kusina o
bahay, ito ay compliments pa rin ni Doc Willie Ong:
Para
sa Mataas ang cholesterol
Bawang – Ang bulb ng bawang ay puwedeng kaining
hilaw o gawing tableta. May nagsasabi na ang garlic ay bahagyang nagpapababa ng
cholesterol at ng presyon ng dugo. Ang problema lang sa bawang ay ang amoy
nito. Mas epektibo ang bawang kapag ito’y hilaw ngunit nakakairita naman sa
sikmura.
Para
sa Nahihilo at nasusuka
Luya – Ang
gingerols sa luya ang sanhi ng lakas nito bilang gamot. Ang luya na ginawang
salabat ay epektibo para sa nagsusuka at nahihilo. Makatutulong din ito sa
sakit ng tiyan. Bukod dito, ang luya ay panlaban din sa mga mikrobyo.
Bweno hanggang dito na
lang muna dahil pupunta pa ako sa health center.. ... This is your segment writer and producer.. at your service
…. Kaka Alih. Sukran and
Wassallam.
(EXTRO - Gabay Kalusugan
at Talakayang Pampamilya)
LUCY: Maraming
salamat Kaka Alih, sa magandang talakayan ngayong umaga, mga kapatid na
nakikinig, hanggang
sa muli, samahan
kami sa ating programang Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya at
sinisigorado ko inyo, muli kayong
hahandogan ni Kaka Alih ng nakaka-aliw at informative na
usapin…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento