(November 25, 2012,
Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan
at Talakayang Pampamilya”. Host –LUCY DUCE)
Larawan ng masayang pamilya |
LUCY: Gabay KALUSUGAN at Talakayang Pampamilya, ang tatalakayin ni
Kaka Alih, ay larawan ng magandang ehemplong pamilya na mainam na tularan,
kapatid maya apamilya ka na ba?
(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
LUCY: Magandang umaga Kaka
Alih,
Kaka Alih: Magandang umaga namanLucy,
Assallamu alaikum WW…
Sisimulan ko ang presentasyon na
ito sa tanong na, kaibigan ano ang
kahulugan ng pamilya para sa iyo?
Bakit ko ito naitanong sa inyo?
Kasi po may ilang taong naniniwalang ang isang pamilya’y tulad ng isang
magandang kahong puno ng mga bagay na gusto nila. Andiyan daw ang mga laman
na tulad ng pagmamahal, katuwaan,
pagkakaroon ng kasama (companionship) at iba pang magagandang bagay. Ito
katulad sa isang kahong mabubuksan na
pwedeng buksan kailang mo gusto.
Ang iba naman ay naihahantulad
sa isang walang lamang kahon ang pamilya. Nagiging maganda at makabuluhan lamang ito depende sa kung ano ang ilalagay mo. Kong gusto mong may laman dapat sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may
makuha kang anuman mula rito.
Halimbawa kung nais mo ay pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya,
kailangang magtanim o magpunla muna tayo
ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa ating mga anak.
Sabagay aminin natin na pwede kang makakita ng maraming matatag na pamilya, sa lugar natin na
Upi o sa buong mundo man. Maaaring
mayaman o mahirap sila. Maaaring iba-iba
rin ang pagkakabuo nila, ng kanilang pamilya, andiyan ang pamilya ay may isang
ina, ama, at mga anak, o kaya ay isang ina na may isa o higit pang anak, o dili
kaya naman ay mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo. Minsan ay
mayroon ding mag-asawang walang
anak.
Alam mo Lucy, di lang natin minsang sinabi sa
ating mga program na ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng maunald
na bansa.
Ngang kapatid, kung gusto mong
lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak mo, mahalagang magkaroon ka ng
matatatag na pamilya.
LUCY: Kaka Alih, matanong
ko kayo, mayroon bang katangian na kailangan para
pagbuo ng matatag na pamilya?
Nagmamahalan na magkakamag-anak |
KAKA ALIH: Of course mayron Lucy, ika nga tulad ng halimbawa natin, para mapuno
ang “kahon”, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang
pamilya: una dapat may pananagutan (commitment ) si
nanay at si tatay; dapat nagpapakita ng
pagpapahalaga sa bawaty isa; may magandan silang komunikasyon, hindi
nagbabangayan, dapat may dialogue;
maglaan din sapat na panahong nagkakasama-sama kayo ng inyong
pamily, ito ang tinatawag na family bonding; nararapat lamang sumusunod kayo sa
inyong mga paniniwalang ispiritwal o
relihiyong kinaaniban at at bigyan pagpapahalaga ang bawat isa;
Makatutulong din tayong lalong
mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang
isang pangkat, at sa pag-aalaga sa isa’t isa.
Maraming paraan para maipakita
ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Halimbawa ay sa papaano maging tapat sa inyong
pamilya. Bawasan ang mga aktibidad sa
labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling nila. Tuparin din ang mga
pangako sa miyembro ng pamilya.
Halimbawa kong umaalis kayo ay para makaalis kailangan mangako sa anak na
bibilhan ng ganito, dapat matupad.
Sa usaping sekswal, dapat maging tapat din tayo sa
kapareha. Kong din a kaya dapat aminin..
(LAUGHING) Dapat kayo ay maaasahan, tumawag sa bahay kung mahuhuli ka
ng uwi. Yes call or text at magsabing I
love u kung naglakbay ka sa malayo. O di ba sweet? ..(LAUGHING). Itong akin ay
thru experienced, pwede ninyong gawin o
subukan itong ginawa ko na, halimbawa ay gumawa ng mga alaalang pampamilya, like magtago ng family album na may mga
retrato at magkuwento kayo what is behind this picture, o di
kaya koy may facebbok account kayo ay pwede mong ipost sa facebook.
Just in case, kong minsan di
maiiwasan naman , o may problema family problem. Kapag may problema, tumawag kahit
sa sinong membro ng pamilya na alam mo na may responsibilidad, sa isang
kamag-anak, kaibigan para matulungan kayong harapin ito.
Huwag kalimutan bigyan ng halaga
ang bawat membro ng pamilya. Palpak man o achievement be positive ka ditto. Sabihin
sa isang miyembro ng pamilya na siya ’y mahal ninyo. Magsabi ng anumang
positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw. Dalasan ang pagyakap sa mga
miyembro ng pamilya, lalo na kay nanay .
..(LAUGHING) Hanapin ang mabuti sa
bawat miyembro ng pamilya at sabihin ito sa kanila, para ma-motivate o
maipagtuloy o gayahin ng iba ang magandang ginagawa.
Heto pa ang magandang ehemplo,
kayo tatay, kuya, tulungan si nanay sa
kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba, paghuhugas ng pinggan, atbp.
Ang isang epektibo na paraan para
mahubog ang anak, isama sa trabaho ang
inyong mga anak para makita nila kung ano ang ginagawa ninyo.
Magtrabaho bilang isang pamilya
sa isang proyektong pang-eskwela o pangkomunidad, gaya ng pamumulot ng basura.
Kahit isang beses isang araw,
kumaing magkakasalo bilang isang pamilya.
Dumalo sa miting ng mga magulang,
sa isang pangyayaring pang-isport o pang-eskuwela, at sa mga seremonyang
kumikilala ng tagumpay ng isang miyembro ng pamilya.
At pinaka finally huwag kalimutan imulat ang
inyong mga anak sa paniniwala sa Diyos, anoman relihiyong kayong naniniwala,
dapat mong ipakita na magulang ang tamang paniniwala. Kong Islam ang relihiyon mo dapat nagsasalah ang bawat
membro ng pamilya, kong Kristiyano naman nagsisimba kayo sa mga araw na
itinakda ng inyong simbahan.
Ito po ang inyong Kaka Alih..
Sukran.. Wassallam.
LUCY: Maraming salamat Kaka, sa
napakagandang kaalaman na yan, na iyong ibinahagi, sa kaya mga giliw naming tagapakinig, abangan bukas , ang iba pang segment na ibabahagi ni
Kaka Ali sa Gabay kalusugan at
Talakayang Pampamilya, dahil tiyak marami pa kayong mapupulot na aral at impormasyon.
(PLAY-EXTRO-
Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento