(September 21, 2013 Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa
programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay
Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host –LUCY DUCE)
KALILANG PAMILYA GUYO AT CAMIR |
Host/LUCY:
“Kadalasan sa mga magulang, ay ayaw nilang magasawa ng bata
pa na ang kanilang mga anak. Bakit nga ba ang mga magulang ayaw na mag-asawa ng maaga ang kanilang anak? Ikaw Kapatid may sagot ka diyan? Si Kaka
Ali sigorado kong may sagot diyan, kaya samahan ninyo kami sa ating segment
Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya, susunod na:
(INTRO- Gabay Kalusugan at Talakayang
Pampamilya)
Host/LUCY:
Good morning Kaka. Bilang magulang matanong kita, Pabor ka ba sa maagang pag-aasawa?
Kaka Ali:
“Ako? Pabor sa maagang pag-aasawa? Kong ako ang ikakasal, yes na yes… .(LAUGHING).. pero kong ang anak ko, NO! .(LAUGHING)..
Host/LUCY:
Ano? Kaka pabor ka? Pero anak mo ayaw mo…ang labo yata mo yata Kaka
Alih?
.(LAUGHING)..
Kaka Alih: Take easy Lucy, Mamaya sasagutin
kita kong bakit, but again sa muli, my greeting of peace sa
lahat.
Alam mo
Lucy, generally speaking, ang mga magulang na tulad mo, tulad ko, hanggat maari, ayaw natin ang ating mga anak ay mag-asawa ng maaga.
Host/LUCY:
Bakit nga ba Kaka, paki-explain!
Kaka Ali: Ok I will explain… “Wala na akong mauutusan” …(LAUGHING) heto ang sagot ng isang magulang na hindi
pinapag-aral ang anak.
Pero heto ang
sagot ng isang Nanay na nainterview ko:
“Payag akong makapag-asawa ang mga anak ko, provide makatapos na sila sa pag-aaral”.
Host/LUCY:
Tama! Aral mo bago makapagpamilya.. Dahil bilang mga magulang alam nila
ang hirap at sakripisyo ng pagpapamilya at pagkakaroon ng mga anak.
KAKA ALIH: Alam nila o sadyang naranasan nila ang bunga ng maagang pag-aasawa. Ikaw kaibigan pabor ka ba sa maagang pag-aasawa ng inyong mga anak?
Balikan ko lang
ang tanong ni Lucy, ang tanong ay kong
pabor ba daw akong mag-asawa ng maaga. Ang sagot ko ay pabor ako…. kong ako ang
ikakasal. .(LAUGHING)..Ang
problema, pwede pa ba akong bumalik sa pagkabata?
Ang sarap
yata noon .(LAUGHING)..bakit ayaw mo ba ng
masarap? Halos lahat gusto ng masarap pero ako ay naniniwala na walang gusto ng
hirap, alam ko din na ang gusto natin ay pawang ligaya at sarap. .(LAUGHING)..
Alam mo Lucy,,
ang ating mga kabataan sa ngayon ay iilan lamang ang
nakakaalam sa tunay na layunin
kong bakit tayo nag-aasawa.
Mga anak makinig
kayo, ang sabi ni Father: “…ang pag-aasawa ay sagrado, hindi bahay-bahayan.”
Karamihan sa mga
murang edad tulad ko noon, (limampung taon na ang nakakaaraan,) .(LAUGHING).. ay sex lamang ang unang hangad kong
bakit nag-asawa , hindi ang pagpapamilya. .(LAUGHING)..
No joke Lucy,
karamihan sa mga kabataan ay mahina ang “resistansya” sa paglaban sa udyok ng
tawag ng kalikasan o yaong tinatawag nilang “sex”. Ang iniisip nila ay ang
dulot na sandaling ligaya, Hindi pa halos
malirip sa murang isipan ang
maaring idudulot ng maagang pag-aasawa o bata pa ay nag-kakapamilya na.
Host/LUCY:
Bakit Kaka Ali ano ba ang negatibong epekto ng maaga o bata pa ay nagka-asawa
na?
Kaka Alih:
Negatibo? Akala ko ang gusto mong malaman ay ang positive effect. .(LAUGHING)..
Noon kasi may
mga magulang na maaga nilang pag-aasawahin ang anak, para daw may apo na sila .(LAUGHING)..sabi
nila: “Anak mag-asawa kana..bago man ako
bawian ng buhay, makita ko man lang ang aking apo , kaya anak mag-asawa ka na anak.” .(LAUGHING)..
Buweno heto ang research ni Kaka Ali, sa bunga o epekto ng maaagang pag-aasawa o bata pa ay
nagkakapamilya na.
Una, pag bata pa
ang babae ay nag-asawa na at natural magbubuntis at pag nagbuntis, siyempre
manganganak, dahil ditto maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang
dulot ng panganganak lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya, at maari
niya itong ikamatay, o di man ikamatay ay manghihina na ang kanyang katawan, na
sanhi na madali siyang kapitan ng sakit.
Pangalawa na
nalaman ko, pag bata pa pareho ang mag-asawa, madalas ang kanilang pag-aaway at
pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa, akala kasi ni babae at ni
lalaki ay bahay-bahayan lang.
Ting /Adi !!may
kasabihan tayo na ang pag-aasawa ay hindi kanin na isusubo na pag ikaw ay
napaso ay pwede mong iluwa. .(LAUGHING)..
Heto pa ang
negatibong epekto ng maagang pag-aasawa. Magiging kawawa ang mga magulang, ng
mga anak na maagang nag-aasawa, dahil
natural na sa kanila pa rin pipisan o makikitira ang mag-asawa dahil kapuwa,
walang pang hanap-buhay.
Kaya naman Ting,
Bai, Awi, Adi, Inday, Dong, maawa ka kay nanay at tatay, magtapos ka muna ng
pag-aaral bago mag-asawa.
Kung
mag-kakaanak agad, (Ay ano?.. di lang masisira ang figure oy) Hirap ang
daranasin.mo Day! Ikaw na ang
mag-lalaba, ikaw na ang magluluto, ikaw na ang maghahanap ng inyong kabuhayan,
lahat-lahat kayo na dahil isang pamilya na kayo at hindi lang kayo ang mahihirapan kundi pati mga anak ninyo,
wala silang kakainin. Papaano sila mag-aaral?. Hindi maibigay ang
pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay.
Bweno hanggang
dito na lamang ang talakayan at
mag-aasawa na ako .. .(LAUGHING)..ano ba ito, nagkamali-mali na tayo..
mga kapatid bago natin wakasan ang segment na ito ay mag-iiwan muna ako ng mensahe sa mga
magulang na tulad ko:
“Mga kapatid na
magulang huwag pabayaan ang inyong mga anak, ilayo sila sa tukso, sa tawag ng
laman, gabayan sila ng tamang landas, ituro sa kanila ang tamang sex education,
iparamdam sa kanila ang tunay na pagmamahal ng magulang. Bigyan ng inyong
panahon ang inyong mga anak, hindi yaong pawang trabaho lamang.”
Sukran o
maraming salamat, kapatid sa konting oras na ibinahagi mo sa pakikinig sa ating
programang buhay-buhay, wasallamu
alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Host/LUCY:
Maraming salamat Kaka , sa very
informative at nakakaaliw na presentation, Kapatid abangan ang susunod na
segment, n gating responsible parenthood.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento