Huwebes, Nobyembre 14, 2013

Mga Tips Sa Paghinga at May Sakit Sa Baga

Dr. WILLIE ONG
(http://4.bp.blogspot.com/-)

(November 14,  2013-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host Lucy Duce)

( INTRO - Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya )

LUCY:  : Magandang Umaga,  Kaka Alih,

Kaka Alih: Magandang umaga din Lucy , Assallamu alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh. 

Mapalad  pa rin tayo dahil may kaibigang  doctor, na tulad ni Doc Willie Ong,  na  hindi ipinakakait ang kanyang kaalaman sa medisina, hindi lamang sinasabi kundi isinusulat pa rin  at naipopost pa sa mga blog at social media tulad ng facebook.

Heto sinadya na nating halawin mula sa article ni  Dr. Willie T. Ong ( na published sa Pilipino Star Ngayon at nakalink sa FB.
Ayon sa sulat ni Doc Wilie:

Mapalad kaming makausap si Dr. Raymund Fernandez, isang magaling na pulmonologist (espesyalista sa baga). Ayon kay Dr. Fernandez, heto ang mga bagay na magpapalakas sa ating baga:

1. Itigil na ang paninigarilyo. Ito ang numero unong sanhi ng pagkasira ng baga.

2. Umiwas sa usok ng sigarilyo. Kapag ang kasama mo sa bahay ay naninigarilyo, makukuha mo rin ang masamang epekto nito.

3. Umiwas sa mga usok ng sasakyan at huwag din magsiga sa bakuran.

4. Kung ika’y nag-mo-motorsiklo, magsuot ng helmet at face mask para hindi ubuhin.

5. Mag-ingat sa peligro sa trabaho. Halimbawa, kung ang trabaho mo a bilang mananahi, welder o pintor, mag-ingat sa balahibo ng mga damit, usok ng welding at amoy ng pintura. Magsuot ng Personal Protective Equipment tulad ng face mask, goggles o helmet.

6. Kung ika’y may allergy, umiwas sa pagkaing naka-a-allergy sa iyo.
7. Siguraduhing malinis ang iyong kuwarto (walang alikabok at carpet) at malinis ang daloy ng hangin.

8. Palakasin ang iyong masel sa dibdib. Mag-ehersisyo gamit ang 1 o 2 kilong dumbbell sa bawat kamay. Palakasin ang masel sa leeg, balikat at dibdib para mas makahigop ng hangin.

9. Huwag umasa sa mga supplements para sa baga. Hindi pa ito napatunayan na epektibo.

10. Kumain ng masustansya tulad ng mga prutas, gulay at isda. Matulog din ng sapat.

Para sa mga may karamdaman sa baga tulad ng emphysema, COPD at tuberculosis, may paraan para makahinga ng mas maluwag:

1. Matulog ng may 2 o 3 unan. Kapag ang likod mo ay nakalapat sa kama, nababatak ang iyong baga at mas hindi ka makakakuha ng hangin.

2. Habang ika’y nakaupo, subukan ang puwestong nakayuko at nakatungo. Kumuha ng isang silya o mesa sa harap mo at ipatong ang iyong braso at ulo dito. Sa ganitong paraan, mas makahihigop ka ng maraming hangin.

3. Huminga na gamit ang masel ng tiyan. Paghigop ng hangin, subukang palakihin ang tiyan at hindi ang dibdib. Mas malakas ang paghatak ng oxygen gamit ang masel ng tiyan (ang diaphragm).

4. Magbakasyon sa lugar na mahangin. Pumunta sa tabing dagat o lugar na maraming puno. At siyempre, kumonsulta sa iyong doktor.

May bunos pa tayo ditto na food supplement na posibleng available at all times, dahil andiyan sa ating kusina o bahay, ito ay compliments pa rin ni Doc Willie Ong:

Para sa  Mataas ang cholesterol
Bawang  – Ang bulb ng bawang ay puwedeng ka­ining hilaw o gawing tableta. May nagsasabi na ang garlic ay bahagyang nagpapababa ng cholesterol at ng presyon ng dugo. Ang problema lang sa bawang ay ang amoy nito. Mas epektibo ang bawang kapag ito’y hilaw ngunit nakakairita naman sa sikmura.

Para sa Nahihilo at nasusuka
Luya – Ang gingerols sa luya ang sanhi ng lakas nito bilang gamot. Ang luya na ginawang salabat ay epektibo para sa nagsusuka at nahihilo. Makatutulong din ito sa sakit ng tiyan. Bukod dito, ang luya ay panlaban din sa mga mikrobyo.

Bweno hanggang dito na lang muna dahil pupunta pa ako sa health center..       ... This is your    segment writer and producer.. at your service ….   Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

(EXTRO - Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya)
LUCY:  Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang talakayan ngayong umaga, mga kapatid na nakikinig,   hanggang sa muli,    samahan kami sa ating programang Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya at sinisigorado  ko  inyo, muli  kayong hahandogan  ni  Kaka Alih ng nakaka-aliw at informative na usapin… 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento