MAGTANIM NG PUNONG KAHOY |
Dahil sa
Patuloy na Pagkasira ng Kalikasan, Pabago- bago ang Klima
(November
11, 2013 -Lunes- Script na sinulat ni
Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment
na “Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya”. Host Ms Lucy Duce)
LUCY: Dahil sa pagkasira ng Kalikasan natin,
ang klima ay pabago-bago, ng wala sa
panahon, ito ang nadiskubre ng mga eksperto, bakit kaya? ating pakinggan si Kaka Ali,
sa ating segment na Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya, ng masagot
ang tanong .
(Play-
Intro- Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya.)
LUCY: Magandang umaga Kaka Alih.. Although di maganda ang
pangyayari sa Visayas, but gusto ko ang topic mo ngayon na inihanda “Dahil sa Patuloy na Pagkasira ng Kalikasan, Pabago- bago
ang Klima”dahil
napapanahon, dahil kaalis lang ni Super Bagyong Yolanda.
KAKA
ALIH: Maraming Salamat
Lucy, nakakalungkot nga, ang nangyari sa Visayas, tayo ay nakikidalamhati sa mga Kapatid na
Pilipino.
Bago ko pa ilahad ng buong buo
itong inihanda ko, magpupugay mo ako
sa madlang nanonood at naakikinig sa ating programang pampamilya, buhay-buhay..
ang aking pagbati ng Assallamu Alaikum
warahmatullahi wabarakatuh. Magandang umaga sa kanilang lahat.
Alam mo Lucy, kahit ako ay
nagtataka na kahit sa panahon ng tag-init ay may mga malakas
at pagbahang nagaganap na may karugtong PA
na pag-guho ng lupa.
Sigoro naman alam ninyo ang
balita sa dulot ng bagyong Yolanda? (PAG-UUSAPAN ANG UPDATE SA SUPER TYPHOON
YOLANDA)
May mga bagyong nangayayari na
sumisira na ng mga ari-arian at pumapatay pa sa maraming mga kababayan natin,
pati na ang mg alagang hayop at tanim..
Kahit na alam natin na panahon
ng tag-init, ay umuulan, o tag-ulan na panahon ngunit, tigang na tigang
ang ibang bahagi ng bansa. Di ba kayo nagtataka?
Bakit?
“Dahil sa pagkasira ng
Kalikasan ang klima ay pabago-bago ng wala sa panahon,” ito ang nadiskubre ng mga dalubhasa sa pagbabago ng panahon,
ayon sa kanila, ito ay dahil sa pag-sira
ng ating kalikasan, n gating kapaligiran..
Ikaw kapatid napansin mo ba na unang buwan pa lamang ng taon ay tag-ulan na? Na hindi naman dapat, di ba sa buwan pa ng Hunyo
ang buhos ng ulan?
Dahil sa pabago-bago ng
panahon, hindi na tuloy natin
nararamdaman ang sarap ng malamig na hangin dulot ng “buntot ng malamig na
harapan” o tail of a cold front dahil
naging abnormal na ang lagay ng panahon sa ngayon.
Alam mo Lucy, ang natatandaan
ko buwan ng Marso, hanggang Mayo ay dry season,
ito ang summer vacation namin noon.
Matandaan ko pa na pagpasok pa
lamang ng Marso noon, marami na ang nagpupunta sa mga resorts o sa mga beach,
para maranasan lang ang sarap at ginhawang dulot ng malamig na tubig dagat o
swimming pool.
Subalit napansin mo Lucy? Unang buwan pa lamang ng taon, panay na ang ulan at di lang basta ulan, binabaha pa ang mga ilang lungsod at bayan dahil hindi
lang basta ambon kundi buhos nang todo-tod0 ang ulan. Na may bunos pang bagyo…December na nga may
bagyo pa.
“Nagbago na talaga ang
panahon.” Himutok ni Lolo Tasyo. Ang sukli ko kay Lolo Tasyo: “Tulad ng
pagbabago ng tao yan Lolo Tasyo”. (LAUGHING)
LUCY: Bakit paabago-bago ang panahon Kaka Alih?
KAKA
ALIH: Dahil sa global warming! Kasamang Lucy, iyan din ang kasagutan ng isang resource person sa seminar, ng itanong
ko ang kahalintulad sa tanong mo
Lucy.
Yes Kaibigan, global warming, ang sagot sa tanong “Bakit
paabago-bago ang panahon?”
.
Di ba marami na tayong
naririnig na mga balita na nagbibigay ng
babala tungkol sa global warming.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng global
warming? , o ang pag-init ng mundo?
Ayon sa http://tl.wikipedia.org/ ay sinasabi nito:
“Ang
pag-init ng mundo ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura
ng himpapawid at mga karagatan sa buong mundo.
Tumaas ng 0.6 ± 0.2 °Celsius (1.1 ± 0.4 °Fahrenheit) ang temperatura sa
loob ng ika-20 siglo ang katamtamang pandaidigang temperatura. Ayon sa
siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa
ng tao.” Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse
gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot
ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi
ng pag-init ng mundo.”
Sinasabing ang pagtaas sa
pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama rito ang
pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang
mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga
mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat
waves), bagyo at buhawi. Sinasabing ang pag-init ay makaaapekto sa bilang at
tindi ng mga ito, Mahirap na iakibat ito sa partikular na kalagayan ng panahon
sa pag-init ng mundo. Gayunman, ang mga pag-aaral ay nakatuon sa panahon
hanggang taong 2100 na ang pag-init (at pagtaas ng pantay laot mula sa
pag-aalsang dulot ng init) ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 ay may
mahabang buhay sa himpapawid.
Teka, bakit nga ba umiinit ang
mundo?
Ang sagot ng aming resource
person ay: “ Sir, dahil sa nabubuong
Carbon Dioxide sa ating atmosphere at
ang resulta ay nagiging isang
malaking harang para lumabas ang init na
binibigay ng araw sa mundo.”
LUCY: Bakit nga ba napupuno o kumakapal ang
Carbon Dioxide?
KAKA
ALIH: Ok bakit kumakapal ang CO2? Alamin muna natin ano ang
carbon dioxide.
Ang carbon dioxide ay gawa sa
isang atomong karbon at dalawang atomong oksiheno (oxygen) . Ang pormulang
kimikal ng carbon dioxide ay CO2. Ang tao ay naglalabas ng carbon dioxide, inilalabas sa pamamagitan ng hininga.
Kapag may apoy, gumagawa rin ng
Karbong dioksido. Kailangan ng carbon dioxide ang mga halaman para gumawa ng
pagkain.. Sa simula pa lang ng 1800 CE, isa isa ng kumalat ang mga industriya na kadalasan ay may binubuga na usok mula sa
kanilang pabrika. At hindi nababawasan dangan pa nga ay lalong dumarami ang mga
makinaryang bumubuga ng usok.
Hindi naman natin pwede sisihin
ang mga modernized country o umuunlad ng mga bansa, dahil kahit mismong tayong indibidwal o
tao ay may kamalian din na
ginagawa. Sa ngayon ay halos hindi na
tayo makagalaw kong walang makina na pawang bumubuga ng usok, na
magagamit. Biruin mo, hanggang sa pag-luluto ng ating mga pagkain ay
makina ang ating ginagamit.
Ayon pa rin pananaliksik, ang dagat ay may natural na ginagawang aksyon
para kumonti ang Carbon Dioxide o ang
mga Greenhouse Gases sa atmosphere. Bumababa ang mga gases sa dagat pero dahil
sa dami ng Greenhouse Gases hindi rin makayanan, kaya ang epekto nito ay unti-unti ring umiinit
ang karagatan.
LUCY: Ano
ang pinagmumulan ng pagiinit ng mundo?
KAKA: Ayon
sa mga eksperto, ang ating kalawakan ay maihahambing sa “greenhouse” o bahay
taniman na gawa sa mga plastik o salamin. Habang nakakapasok ang araw,
nakukulong naman ang init at nagiging sapat ang temperatura sa loob para sa
pagtubo ng halaman. Sa planeta natin ang “greenhouse gases” ang nagsisilbing
salamin o plastik. Kaya lang, kapag lubos na dumami ang mga ito, lubos din ang
pag-init ng temperatura sa mundo.
Tatlong uri ng gas ang malaki
ang kakayahang magkulong ng init sa himpapawid.
Una dito ang carbon dioxide, na
bumubuo ng 55% ng lahat ng greenhouse gases. Pangunahing pinagmumulan nito ang
pagsusunog ng langis, krudo, at uling sa
Industriya at Transportasyon. Galing din ito sa pagsusunog ng gubat, kahoy at
iba pang panggatong.
Pangalawa ang
Chlorofluorocarbons o CFC na binubuo ng 24% ng lahat ng greenhouses gases. Ito
ay ay mga kemikal na likha ng tao at ginagamit sa pagpapatakbo ng refrigerator
at aircon, paglikha ng styrofoams at iba pa.
Pangtalo naman ang Methane na
nagdadagdag ng 15% ng greenhouse gases at nagmumula sa gawaing agrikultura
tulad ng palayan at tubigan, at sa pagtunaw ng pagkain sa bituka ng baka.
Nagmumula din ito sa mga nabubulok na basura at dumi na nakukulob.
Kung kaya sa mga nakalipas na
mga panahon ang climate change o
pagbabago ng klima ay tinatalakay
na rin hindi lang ng mga siyantipiko, pinag-uusapan na din ito
sa United Nation o bangsang nagkakaisa.
Alam ba ninyo na may malaking
papel o role na ginagampanan ang ating mga kagubatan?
Yes, ang kagubatan ang
itinuturing na absorber o cooling system ng mundo, dahil may kakayahan siyang sipsipin ang mga
carbon dioxide na nagmumula sa mga sasakyan at paktorya ng lipunan at maaari
niyang mabawasan ang dami ng gas sa ating himpapawid. Subalit dahil na rin sa malawakang pagkasira
ng ating mga kagubatan, nawawala rin ang kakayahan ng kalikasan na higupin ang
dumaraming carbon dioxide sa kalawakan.
Ayon sa Palawan Conservation
Corps (PCC) na lumikha ng librong Punla at KaLipunan ng Impormasyon ukol sa
Mundo at Atmospera (KLIMA) lubhang napakalaki ng papel ng kagubatan sa pagsugpo
sa pagbabago ng klima at sa mga nakaambang panganib o dulot nito. May dalawang
bagay na nagpapakita na malaking kaugnayan sa pagbabago ng klima at pagkasira
ng kagubatan.
Una, ang pagsusunog ng puno
(gaya ng kaingin) at tanim ay nakakadagdag ng carbon dioxide sa kalawakan. Gaya
ng langis at krudo, ang elementong karbon na nakaipon sa mga sanga at dahon ng
punongkahoy ay nagiging gas kapag sinunog.
Pangalawa, maaaring mabawasan
ang tinatawag nating samut-saring buhay o biodiversity kapag nagbago ang klima
ng mundo.
Ano ang dapat gawin para
mapigil ang pagbabago ng klima?
Ayon sa mga eksperto ganito ang
dapat gagawin :
·
Huwag hayaan ang mga kasangkapan o ang mga ilaw
na nakabukas kung hindi na ginagamit;
·
Alisin ang charger ng Cellphone at kuneksiyon ng
telebisyon kung tapos ng gamitin (sapagkat nakapagkokonsumo ito ng maliit na
daloy ng kuryente);
·
Lumakad lang kung malapit ang pupuntahan at
huwag ng sumakay pa;
·
Gumamit ng bisekleta;
·
Mag-recycle ng mga basurang pwede pang magamit;
·
Magtanin ng puno sa ating bakuran; at
·
Iwasang magsunog ng basura gaya ng tuyong dahon
at plastik.
Nasa ating mga kamay ang
kaligtasan ng ating kagubatan o kasagutan para harapin ang hamong ito na tayo
rin ang lumikha, hindi pa huli ang lahat para ito ay harapin at masolusyunan.
Magkapit-bisig na tugunan ang lumalalang usapin ng pagbabago ng klima at
patuloy na pag-iinit ng ating mundo. Magtanim ng mga punong kahoy..
Tinatawagan at hinihikayat
natin ang mga official ng mga Barangay sa dalawang municipyo, Upi at South Upi,
na isama sa inyong mga programa ang pangangalaga n gating kapaligiran (environmental
protection) .
Ito po ang kapatid Kaka Alih,
Sukran, Wassallamu Alaikum warahmatulahi wabarakatuh.
LUCY: Maraming salamat Kaka, Alih, na
napapanahon na usaping iyang ang global warming. Kaibigan Bukas muling abangan
ang ating segment na Gabay Kalusugan at
Talakayang Pampamilya.) .
(PLAY EXTRO Gabay Kalusugan at Talakayang Pampamilya.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento