TERMINAL
UPDATES-MAY 26,2015
Sa umagang ito ay muli tayong magbibigay
kaalaman sa kapatid na driver subalit
ang lahat ay inaanyayahan lalo na ang mga seksing asawa ng mga great lover na
driver, bakit? kong sakali mang DI makuha ng mga driver an g ating mga ituturo
ngayon umaga ay pwedeng ituro ni Mrs. kay Mr.
At dahil wala silang direct contact sa ngayon ikaw muna Lucy ang magsisilbing
representative nila, ikaw ang sasagot sa mga tanong ko, anong malay mo baka
bukas may sasakyan ka na rin, siyempre kailangan mong matutung magmaneho.
A. Biglang lumiko at bumusina
B. Magbigay ng hudyat o senyas na
hindi kukulangin sa 30 metro
C. Ipagwalang bahala ang hudyat
Ang tamang sagot ay B. Bago lumiko pakaliwa o
pakanan siguraduhin na sumenyas 30 metro bago ito gawin. Ito ay para magbigay
ng sapat na oras at konsiderasyon sa mga nakasunod na sasakyan.
2- Ang
pagkakaroon ng lisensya ay isang:
A. karangalan
B. pribilehiyo
C. karapatan
Ang tamang
sagot ay B. Dahil ang
pagkakaroon ng lisensya ay isang pribilehiyo para sa mga makakapagpatunay na
kaya nilang magmaneho ng hindi nagiging panganib sa publiko. Dahil dito, ginawa
na mandato ng ating gobyerno na maipasa muna ang ang mga rekisito ng LTO tulad
ng "driving test" bago makakuha ng lisensya.
3- Ano
ang dapat mong dalhin kung magmamaneho?
A. Lisensya, rehistro at resibo
ng huling pinagbayaran ng sasakyan sa LTO
B. Lisensya
C. Lisensya at papel de seguro ng
sasakyan
Ang tamang sagot ay A. Kapag nagmamaneho ang dapat na lagi mong dala
ay ang iyong lisensya, rehistro ng sasakyan, at ang pinakabagong resibo
ng iyong sasakyang na galing sa LTO.
4-Ang mahuhuling lasing sa alak o ipinagbabawal na
gamot ay may parusang:
A. Pagsuspinde ng lisensya
B. Pagkabilanggo ng anim na buwan
C. Tama lahat ng sagot
Ang tamang
sagot ay C. Ang pagmamaneho ng nakainom ng alkohol o ipinagbabawal na gamot
ay lubhang delikado, ito ay ipinagbabawal ng batas at may karampatang parusa.
Ito po ang inyong DXUP Patrol 1 Kaka Alih.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento