Biyernes, Mayo 29, 2015

TERMINAL FEE COLLECTION, INAASAHAN NA TATAAS DAHIL ARAW NG PALENGKE… AT PAGSISIKIP NG TRAPIKO SA ILANG LANSANGAN SA UPI, POSIBLENG MANGYARI KONG HINDI MAILALAGAY SA AYOS

May 30, 2015
Terminal Updates –Bantay Bayan morning edition

Today is   Market Day, araw ng Sabado,  araw ng palengke sa buong bayan ng Upi.
Light to heavy ang Traffic sa kanto ng MH del Pilar st
at Edwards st as of 9:56 am May 30, 2015 

Kasabay natin ang pagdami ng tao sa mundo ang pagdami din ng  mamayan sa ating bayan, at  kasabay na rin ang pagsisikip ng mga kalsada, dahil dumami ang tao.  sang ating mga roads o lansangan ay  hindi lumalaki  , ang totoo pa niyan ay lalo pang lumiliit ang mga kalsada dahil sa mga paninda na,  sa   kalsada na mismo inidisplay. Halimbawa nito ay sa harap ng ating public market, dahil sa pagdami ng mga negosyante at kulang ang nag-mamanage sa kanila, hayun kong saan-saan na lamang sila nakapuwesto ang mga bolantero. 

Nakapuwesto sila  na mga negosyante kong saan   pabor sa kanilang negosyo, ay doon sila maglalagay ng kanilang mga paninda.

Halo-halo na ang paninda, may bulad katabi ang damit, may gulay katabi ay nagpapabili ng tsinelas o hardwares.

Ang kalsadang MH Del Pilar, saan ito na kalsada? Ito yung kalye na  papasok sa public market, na nasa kaliwa mo ang  Phoenix gas station, kong ikaw ay papasok dito mula sa highway. 

Nagiging mabigat  na rin sa  trapiko sa MH Del Pilat St. dahil hanggang ngayon ay under construction pa rin ang concrete canal, mag-iilang  buwan na rin itong ginagawa ng LGU Upi, pangalawang dahilan kong bakit matrapik ditto o masikip,….. maraming nakaparking na sasakyan, .

Of course sa kalsadang nasa harap ng public market, ito ang kahabaan na ng Edwards St, mamaya na bandang alas siyete hanggang tanghali ay One Way   ito  , kong papasok kayo sa Palengke dapat dito tayo dadaan  sa MH del Pilar st.

At dahil Market day, Sarado naman ang kalsadang nasa likod ng palengke,  ito ang kalye na  Quezon St, bakit sarado? dahil ditto magdisplay  ng mga ukay-ukay ang mga bolantero  at kahit di market day di pa rin ito madaanan kahit motorsiklo dahil under concreting o sinisimento pa ng LGU Upi.

Dito naman sa Rizal Blvd, mula sa rotunda, ito ang  kalsadang patungong Darugao ay inaasahan din ang pagsisikip ng trapiko   dahil maraming mga sasakyan na darating mula sa Barangay Bugabungan, Bungkog, Rempes, at dumarami din ang namamasaherong skylab, na ditto sila magpapafking sa tabi ng kalsada.  Pag araw ng Sabado,  ito raw ang magandang   samantahin ang pangongolekta ng terminal feee na kinse pesos sa mga skylab.  

Matatandaan na naiulat natin na    ang bilang ng mga skylab at payong payong ditto sa bayan ng Upi na namamasahero ay mga limang daang unit halos lahat ay walang nagbabayad ng kinse pesos na terminal fee.

Kong ating susumahin ang makokolekta dito ay 7,500.00 at idagdag sa kasalukuyang nakokolekta na apat na libo ay makakakolekta tayo ng sampung libong piso na terminal fee araw-araw.

Bakit hindi nagbabayad ang mga skylab? Dahil walang nangongolekta na collector sa kanila ng terminal fee.

Nakaugalian na kasi ng mga driver na ito na sila ang pinupuntahan ng collector ng terminal, noon kasi ay walang pang integrated terminal, ngunit mula ng mag-operate na ang integrated terminal ay centralized na ang pagbibigay ng cash ticket sa integrated terminal na lamang.


KAYA ANG MUNGKAHI  o ang   suggestion , ibalik muna ang pansamantala ang  mobile collector para sa mga skylab at payong-payong  habang hindi pa regular na integrated ang Upi Integrated terminal.

(Balita ni: Patrol 1, Alih Anso)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento