Nuro, Upi, Maguindanao (May 13, 2015)....Nitong
Martes ay nilibot ng DXUP Patroller
ang Terminal ang walong mga emergency terminal, o mga pansamatalang
terminal na nasa ibat-ibat lugar sa Nuro, ng mga sky lab at ng payong-payong, ay tinatantiya na mahigit na anim na raan ang bilang na
sasakyang pampasahero, at karamihan dito ay hindi nakakakapagbayad ng terminal
fee.
Ang skylab "emergency" trminal sa may harapan ng Lily Ong Muslim Residence, sa Rizal Blvd. St., Nuro, Upi |
Ang cargo trucks ay may tantiya na 50 na unit na dapat ang
bayaran ay ting limang piso.
Ang PUJ, kabilang na ditto ang multicab, Van ay may tantiya na
bilang na 30 na tig tatlongpung piso din ang termila fee.
Sa payong-payong naman ay 162 ang rehistrado at at terminal fee
ay kinse pesos.
Sa Sky lab ay may tantiya na bilang na 265 at terminal fee ay
tig kinse pesos din, at sa sikad sikad naman ay may bilang na 151 na tatlong
piso ang bayad bawat araw na terminal fee.
Ang suma total na sana ay collectiona araw-araw
ay sampung libong peso. (P10, 258.00).
Sa kasalukuyan, ang regular na nakokolekta ay tatlo
hanggang anim na libo lamang,
Karamihan sa Skylab at payong-payong na di nakakapagbayad,
ang rason ay: “dahil walang nangongolekta sa kanila na
collector”’..
Dati rati ay may mobile na collector o nag-iikot na collector,
subalit mula ng magawa na ang intergrated terminal, ay pansamatalang tinigil
ang pangongolekta sa labas ng integrated terminal..
Ang suggestion ng bayan,ay ibalik ang mobile collector
para sa mga skylab at payong-payong habang hindi pa regular na-integrate
ang Upi Integrated terminal.
(Balita ni Alih Anso-para sa Terminal Updates-May 13, 2015)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento