Mga
Payo ni Kaka Alih sa mga Kapuwa Driver, at sa mga “Hari ng Lansangan”
TV Repair Shop sa Rizal Boulevard, Barangay Nuro, Upi |
Ngayong umaga ay magkakaroon
tayo ng maikling examination, para sa mga Driver. Ako ay magtatanong at
sasagutin ninyo sa inyong sarili lamang, ditto ay malalaman mo na isa ka san a
mga professional driver, kahit iyang driver license mo ay nakuha mo na
binayaran an gang examiner ng LTO.
Tanong: Ano ba ang dapat
gawin ng isang driver kapag nakakita ka ng pedestrian lane sa kalsada? A.
mag-full stop, B. mag-menor sa pagmamaneho, C. padaanin ang mga taong
tumatawid, D. lahat ng nabanggit o E. wala sa mga nabanggit?
Habang kayo ay nag-iisip ng
inyong sagot, ipapaliwanag ko muna ano ang sinasabing pedestrian. Ang
pedestrian po mga kapatid ay daanan ng tao, madalas sa ating mga lansangan ay
may tanda o marka kong saan ang tawiran ng tao, ditto sa Upi, wala pang marka,
imaginary lamang. Subalit sa tabi po Rizal Blvd. mula sa NCES hanggang na
highway may designated na pedestrian sa tabi ng kalsada, ang masaklap nito ay
may nakaharang tulad diyan sa tapat ng shop, mga sira ng TV ay nakasalansan sa
pedestrian. Sa Tapat ng tahanan ni Mr Paco, may nakatambak na buhangin, at sa
unahan ay nakaparking na manga motor.
Kaya kong lumakad sa kalye na ito para rin wlang silbi ang pedestrian,
dahil mapipilitan kang gamitin ang kalye.
Balikan natin ang tanong
kanina: ano ba ang dapat gawin ng isang driver kapag nakakita ka ng pedestrian
lane sa kalsada? A. mag-full stop, B. mag-menor sa pagmamaneho, C. padaanin ang
mga taong tumatawid, D. lahat ng nabanggit o E. wala sa mga nabanggit?
Kung isa kang matinong motorist
at alam mo ang mga batas sa kalsada, malamang letrang D ang sagot mo. Pero kung isa ka
sa mga pasaway na driver ng sasakyan, sigurado akong letrang E ang pinili mo.
Tapat ng tahananan ni Mr Paco, Rizal Boulevard, Barangay Nuro, Up |
Payo din sa mga naglalakad sa
kalye, na mga seksi, mga nanay, mga estudyante, kailangang walang nakapasak sa
inyong tenga para marinig ang parating na sasakyan, at higit sa lahat gamitin
ang pedestrian, kong wala ay tumabi.
Bago ko tapusin itong report, may
kuwento ako, Kagabi habang binabagtas namin ang Edwards St.. may mag-ina na
naglalakad sa kalye, nasa bandang kanan namin, nasa tabi naman sila but still
sa sementadong lugar din at ang anak nasa bandang kaliwa, hawak-hawak pa ang
kamay ng anak na sigoro mga 3-4 na taon lamang.
Ang tanong ko sa inyo Lucy,
tama ba ito?
Ang sagot bukas, natin
pag-uusapan.
Para sa Bantay Bayan Patrol 1
Kaka Alih, nag-uulat, Wassallamu alaikum WW.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento