Biyernes, Mayo 22, 2015

Pagsisikip ng Trapiko Dahil Market Day

May 23, 2015
Terminal Updates –Bantay Bayan morning edition

PAGLAKI NG COLLECTION NG TERMINAL FEE, INAASAHAN NGAYONG ARAW AT PAGSISIKIP NG TRAPIKO SA ILANG KALSADA SA UPI, INAASAHAN DAHIL NGAYON AY MARKET DAY.
Upi Integrated Terminal, 

Dahil araw ng Sabado-  Market Day,  ay inaasahan  na bandang alas-siyete hanggang tanghali ay medyo sisikip ang trapiko, ng mga ilang  lansangan ng Upi, halimbawa ay ang MH Del Pilar street, saan ito na kalsada? Ito yung kalye na papasok sa public market, na   makakaliwa mo ang Phoenix gas station. Nagiging masikip ito sa trapiko dahil under construction ang concrete canal, na magdadalawang buwan ng ginagawa ng LGU Upi, pangalawang dahilan, maraming nakaparking na sasakyan, ang iba ay marketing at iba ay may binabagsak sa bagsakan center na mga agricultural products.

Kasama dito ang kalsadang nasa harap ng public market, ang kahabaan na ng Edwards St, One Way din ito mula umaga hanggang tanghali, kong papasok kay sa MH del Pilar dapat mangggaling.

Sarado naman ang kalsadang nasa likod ng palengke,  ito ang kalye na  Quezon St, dahil magdisplay ang mga ukay-ukay dito at kahit di market day ay  di pa rin ito madaanan,  kahit motorsiklo dahil under concreting o sinisimento ng LGU Upi ang nasabing kalsada.

Dito naman sa Rizal Blvd.  ay inaasahan din ang pagsisikip ng trapiko mamaya dahil maraming mga sasakyan na darating mula sa Barangay Bugabungan, Bungkog, Rempes, at dumarami din ang namamasaherong skylab pag araw ng Sabado, at ito ang maganda raw na samantahin ng pangongolekta ng terminal na kinse pesos sa mga skylab.  

Yes sa nakalap natin na datos, na ang bilang ng mga skylab at payong payong ditto sa bayan ng Upi na namamasahero ay mga limang daang unit halos lahat ay walang nagbabayad ng kinse pesos na terminal fee.

Kong ating susumahin ang makokolekta dito ay 7,500.00 at idagdag sa kasalukuyang nakokolekta na apat na libo ay makakakolekta tayo ng sampung libong piso na terminal fee araw-araw.

Bakit hindi nagbabayad ang mga skylab? Dahil walang nangongolekta na collector sa kanila ng terminal fee.

Nakaugalian na kasi ng mga driver na ito na sila ang pinupuntahan ng collector ng terminal, noon kasi ay walang pang integrated terminal, ngunit mula ng mag-operate na ang integrated terminal ay centralized na ang pagbibigay ng cash ticket sa integrated terminal na lamang.

KAYA ANG MUNGKAHI  o ang   suggestion  , ibalik muna ang pansamantala ang  mobile collector para sa mga skylab at payong-payong  habang hindi pa regular na integrated ang Upi Integrated terminal.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento