Huwebes, Mayo 21, 2015

PAPAANO MAIIWASAN ANG MAPAGNAKAWAN NG MOTORSIKLO?

MAY 22, 2015-TERMINAL UPDATES
one of the parking lot in medium mall in Jakarta, Indonesia, 

Ang motorcycle o motorsiklo ay isa sa mga kayaman natin  na gustong- gustong tangayin ng mga magnanakaw. Bakit?  dahil mahal ito, yes mga motor na mahigit isang daang libo, dalawang daang libo at higit sa lahat   madaling itakas. Pwede itulak na lamang din at di na kailangan paandarin, free wheeling lang ika ay pwede na.

At alam ba ninyo na kaya ring isagawa ng mga “professional na kawatan ng motorcycle”  nang maikli pa sa isang minuto ang pagnanakaw nila sa motorsiklo?

Sa Bayan ng Upi, marami na tayong nairekord na napagnakawan ng motorsiklo, na nasa bakuran pa nila, nasa loob ng bahay, nasa parking lot, andiyan pa ang inaabangan sa daan.
one of the parking lot in medium mall in Jakarta, Indonesia

Magbibigay tayo ngayong ng ilang tips o paraan para maiwasang matangayan ng motorsiklo:

1. SA PAGPARKING. Papaano? Magparada lang sa official o designated  at secure parking.  Sa mga siyudad tulad sa Cotabato City, laging magparada sa mga parking lot na may professional monitoring at may mataas na seguridad.

Pumili ng mga parking lot na laging may nagbabantay at laging i-check ang vehicle registration kapag iniiwan ang parking place, dalhin ang inyong registration ng motor huwag iwanan sa tool box. Lalong maigi na doon magparking sa kong saan nakatutuk ang  surveillance cameras o CCTV at kaibiganin din ang mga security officer na nagbabantay sa paligid ng parking lot.

Magkaroon ng mabuting relasyon sa mga kaibigan at sa lugar ng pagpaparadahan. Para mas ligtas, kung ipaparada sa campus, offices, bahay, mini markets, shops, etc.makipagkaibigan sa mga nakapaligid dito. Kung mayroong tagabantay, maaring bigyan siya ng pera para maging pamilyar sa pinagpaparadahang motor.
one of the parking lot in medium mall in Jakarta, Indonesia


2. EXTRA PADLOCK. Ako kong nasa ibang lugar, tulad sa Bandar a Kutawato o Cotabato City, naglalagay ako   ng   safety lock sa aking  motorcycle. Yes, maglagay ng ekstrang  kandado  at ilagay sa  wheel lock, handlebar secrets, alarms, padlocks, disc lock discs, at iba pa. Kung magpa-park sa tabi ng poste o puno ikandado ng kadena.

3. BANTAYAN   ang sariling motorsiklo. Kong wala ka rin lang bibilhin sa loob ng mall, magpaiwan na lang sa parking lot, hayaan si Mrs na mamili. Kong magmimirinda o kakain sa restauranti-parking ang inyong motor sa   sa lugar na madaling makita dahil mabilis na isinasagawa ng mga magnanakaw ang krimen.

4.  ILAYO SA TUKSO ANG MGA MAGNANAKAW. Ano yun Kaka Alih? Tukso layuan mo ako? Yes… huwag bigyan ng motibo ang ga magnanakaw. Alam ba ninyo na madaling maengganyo  ang mga magnanakaw sa mga motosiklo na magaganda, bago at mamahalin.  Tulad din sa Babae yan, gusto gusto ng mga lalaki ang mga magaganda. 

Kong nakaparking ang motor, sa inyong tahanan, o opisina lalong maigi lagyan ng takip o takpan para di nakikita ng mga magnanakaw, para di sila matukso.

Pangalawa ligtas pa sa init ng araw at ulan ang maganda at bago ninyong motorsiklo.

At para naman sa ating  updates sa income n gating terminal:May 21-P4,955.00, May 20-4,690.00 at May 19-P4,080, so therefore malayo pa tayo sa dapat na makolekta, dahil ang ating pagtataya ay dapat P10,000.00 araw araw ang makokolekta. 
one of the parking lot in medium mall in Jakarta, Indonesia,

Para sa sasakay ng multicab patungong Awang: 6 ang multicab na dito  na natulg sa terminal at isa ngayon ang striker na umiikot para makaalis na.

Para sa Bantay Bayan, Patrol 1, Kaka Alih direktang naguulat mula ditto sa national highway, kong saan matatagpuan ang isa sa walong “emergency terminal” ng skylab at payong-payong.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento