Huwebes, Mayo 14, 2015

MGA PAYO NI KAKA ALIH SA MGA KAPUWA DRIVER NG MOTORSIKLO NA MGA GREAT LOVER DAW

MGA PAYO NI KAKA ALIH SA MGA KAPUWA DRIVER NG MOTORSIKLO NA MGA GREAT LOVER DAW
DXUP Teleradyo Terminal Reporter
Patrol 1, alih Anso, habang ginagampanan
ang kanyang tungkulin
1)  MAKUSINSIYA-unang payo natin sa kapuwa Driver na mga Great Lover daw. Yes makunsiyasiya naman tayo, sa mga nabubulahaw natin, dahil sa ang tambutso natin ay OPEN PIPE. Ang sinasabing open pipe ay yaong tambudso ng motor na walang silencer, kaya maingay masyado ito, habang pinahaharurut ang motorsiklo.
Kaugnay ng open pipe may kasama tayo ngayon at sasabihin atin ang experience sa open pipe.
INTERVIWEE: “…Nakakagulat, nakakaistorbo lalo na kong ikaw ay namamahinga, kahit tulog ka, magigising ka dahil sa ingay n adult nito, lalo na kong ang bahay mo ay malapit sa highway…”

Ang request niya sa nag-mamay-ari ng motor na open pipe, makunsiyasiya naman kayo.
Ang akin naman na payo, ingat po kayo dahil labag po to sa batas. 
Open pipe?   
Bakit madaming riders o drivers  ang gumagamit  nito?
Sabi ng iba, para malalaman nila na sila Kaka Alih ay dumarating na!  or yaong sinasabi nila na maging aware ang mga tao na may paparating na motor, ganun din sa sasakyan.
Ang sabi naman ng kaibigang motorist, dagdag  power daw at hindi mag-iinit ang  makina lalo na kapag modified na ang cylinder or yung bore ng inyong motorsiklo.  
Ano man ang rason nila ang alam ko   walang konsiderasyon lalo na kapag gabi, ang madalas na nakitaan ko nito ay mga bagitong driver. 
Dahil sa dulot na ingay ang Makati Cityang  unang umalingawngaw na nagpasa ng   ordinance na bawal na ang naka open pipe.  
2)  ALISTO- BE ALERT-Laging maging alisto ang mata o make eye contact. Siguraduhing naka-eyeglass ka ng tamang grado, kong Malabo na mga mata. Huwag mong asahang lagi kang nakikita ng ibang motorista. Kaya dapat ang damit ay may reflector, lalo ng kong nagbibiyahe sa gabi. Laging sanayin ang tumingin sa mga drivers ng ibang behikulo na maaaring bumagtas ng biglaan sa iyong dinaraanan.
3)  BODY LANGUAGE- Basahin ang mga vehicle language pati na rin ang mga "body language” ng mga  drivers, cyclist at ang pedestrian na naglalakad sa langsangan o kalsada. 
Ang sinasabi ko ditto ay yaong gusting ipahiwatig ng kanilang galaw, hindi yung mga nakashort at seksi ang binabantayan mo. Halimbawa, inilabas o iniwagayway niya ang kaliwang kamay siya ay liliko sa kaliwa, ganoon din kong kanang kamay sa kanan, lilko. Ang Iba diyan ay paa, although wala sa batas na pwedng paa ang signal, bigyan halaga na yan, dahil iyan ang kultura ng mga motorist sa ating lugar. Magsignal, ng iyong turn light o kamay,   Huwag kang umasa na nalalaman nila ang gusto mong gawin. Ikaw lang ang nakakarinig sa sinasabi ng iyong puso.

BUKAS MAY DAGDAG PA TAYO, NA … MGA PAYO NI KAKA ALIH SA MGA KAPUWA DRIVER NG MOTORSIKLO NA MGA GREAT LOVER DAW OF COURSE BLENDED WITH THE PINAKALATEST NA COLLECTION NG UPI  INTEGRATED TERMINAL  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento